Chereads / I LOVE YOU SEATMATE (Tagalog) / Chapter 32 - Pamparaos

Chapter 32 - Pamparaos

Ayradel's Side

Dumiretso kami sa Arcade nang matapos naming ubusin ang mga ice cream namin. Naglaro kami sa basketball machine, sa ball machine at kung saan-saan pa. Hindi ko na lang namalayan ang oras dahil tawa lang ako ng tawa sa kalokohan ng Lee-ntik kong kasama!

Nagsa-sign up kami n'on sa parang notebook log ng Arcade's counter para papalitan yung mga tickets na napanalunan namin.

"Ano pong name niyo Sir?" tanong nung babae.

Halata namang may crush kay Lee-ntik 'to.

"Richard Lee." aniya. Sinulat ito sa log book.

"Ikaw po Ma'am?"

"Ayradel Bicol."

"Po? Dikol?

"Pfft!" napatingin kami kay Richard na tawang-tawa sa buhay.

"Bicol po." sabi ko.

"D as in dog?"

"B as in Bog po." sagot ko.

Literal na lumaki yung mata nilang dalawa sabay -

HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!

May pahampas-hampas pang nalalaman si Richard sa sobrang pagkatawa.

"B as in Bog! Amp! HAHAHAHAHA! Lutang ka ba Baichi?"

Maging ako e natawa na lang rin.

"Hahahaha! Sorry!" sabi ko.

"B as in boy, Miss. Huwag mong intindihin yung Bog niya. Salitang Baichi lang yun." aniya na tatawa-tawa pa rin.

"Sige po Mamser, punta po kayo sa kabilang counter, doon niyo po irereceive yung kapalit ng 150 tickets niyo."

Lumipat na nga kami ng counter at hanggang ngayon ang laki pa rin ng ngisi ni Lee-ntik.

"B as in Bog hahahahaha! Aish! Baichi!"

"Anooo ba! Hindi ka maka-move on?!"

Hinampas ko siya sa balikat ngunit parang balewala. Umirap na lang ako pero natawa rin naman. Parang ewan! Haha!

Ayun. Chocolates 'yung napili naming kapalit n'ong tickets. Ako yung pinapili niya e. Hehe.

Bigla rin naman akong napatingin sa phone ko nang nagvibrate ito.

"Malapit na raw sina besty." sabi ko kay Richard na ngayon ay may kinakalikot sa phone. Magaan pa rin ang awra niya. Parang anytime tatawa siya. "Ano na naman 'yan?!"

Titingin sana ako sa phone nang ilayo niya iyon.

"Woah! Wala 'to!"

"Tss. Alis na ako, punta na ako sa entrance. Anytime nandoon na rin sina besty."

"Teka..." hinawakan niya na naman ako sa pulso at dinala kung saan- sa claw machine? "Pili ka ng kukuhanin ko. Huh. Magaling yata ako diyan."

Napatingin ako sa mga stuff toys na nakakulong.

"Peter pan? Gusto mo?"

Napangiti ako. "Huwag, meron na akong ganyan."

"Talaga? Sinong nagbigay?"

"Hindi ko kilala e."

Nagtataka ko siyang tinignan dahil napakalawak ng ngiti niya. Parang may ibig sabihin pero hindi ko malaman kung ano.

"Akooooo! Mickey Mouse gusto ko!"

"Ako hello kitty."

Napalingon kami sa dalawang babaeng nagsalita. Sina besty at Ella. Nandito na pala 'tong mga 'to. Lumapit sila sa aming dalawa, habang ang mata ni Ella ay nagniningning.

"OMG! Richard Lee?!" aniya. "Kayo yung may-ari ng Lee University diba?!"

Ngumiti naman ng matamis si Richard.

"Nice to meet you!" aniya na ang bait tignan.

"Oh bakit biglang nag-iba na ang kadate mo besty?" singit naman ni besty. Uminit ang pisngi ko sa klase ng tingin ni Ella.

"Maaga kasing umalis si Jayvee t-tapos nandito lang siya."

"Aalis na rin ako kung aalis na kayo. I'm sorry I can't drive you. Motor lang ang dala ko." ani ni Richard at talagang nalalaglag na lang ang panga ko dahil parang ang bait niya talaga ngayon.

Maging si besty ay iba ang ngiti at tingin sa akin. Hindi tuloy ako mapakali.

"Okay lang Mr. Richard!!!" sagot agad ni Ella. "Pero bago tayo umalis, pwedeng pakikuha si Mickey Mouse?"

Napatingin kaming lahat sa tinuro ni Ella.

Claw machine.

After niyang kunin yung mga gusto nina besty at Ella ay napagpasyahan na nga naming umuwi. Tuwang tuwa naman sina besty at Ella, lalo naman si Ella.

"Oh myyyy gaaaad! Crush ko na talaga si Richard Lee!" sambit ni Ella habang naglalakad kami pauwi.

Hindi ko alam kung bakit gusto kong mag-react pero syempre hindi ko ginawa.

"Huy kay besty na 'yon!" singit naman ni besty.

"Crush lang e?!?" sagot ni Ella. "Saka diba si Jayvee ang gusto mo Ayra? Mwehehehehe!"

Oo naman.

Tumawa lang ako pero hindi ko alam kung bakit may mabigat na tibok sa dibdib ko. ANO BA 'TO?!

Mabilis na lumipas ang araw nang hindi ko namamalayan.

School - bahay - school - bahay

Ganyan lang naman ang buhay ng isang ako. So ayun.

Naisipan kong magpusod ulit ng buhok para maiba naman. Nagulat ako nang pagpasok ko'y tampulan ako ng pansin ng mga kaklase ko, mula hallway pa lang.

"Blooming mo ngayon, Ayra ah?"

"Naks! Bagay sa iyo nakapusod!"

"Ganyan ka na lang, Ayra!"

Uminit lang ang pisngi ko sa mga papuri nila, at the same time ay naiilang rin.

"Tss." bigla ay napalingon ako sa biglang nagsungit sa likuran ko. Nandoon pala si Richard Lee at naglalakad rin kasabay ko. Diretso ang tingin niya sa daan.

"Uy." bati ko.

Tinignan niya lang ako at laking gulat ko nang tanggalin niya ba naman yung pagkakapusod ko!!!!!

Tumakbo siya at tumatawang iwinagayway ang ponytail ko. Inis na pumasok ako sa classroom ay iniwan ko siya sa hallway. Akala niya yata makikipaghabulan pa ako. Tss.

Inilapag ko ang bag ko't kinuha yung suklay dahil sumabog lang naman ang buhok ko. Kainis!!!!+:(!&;&!!!!!!

Ugh!!!!

Maya-maya pa'y pumasok na siya sa classrom at tumabi sa akin.

"Psh. Pikon." aniya na tatawa-tawa pa.

Di na ako sumagot dahil napipikon naman na talaga ako sa kanya.

"Ang gusto ko lang naman, wag ka nang magpusod."

"Tss! Bakit ba!" inagaw ko sa kanya yung tali ko. Kasabay rin ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil nagkatitigan kami sa mata.

"Kasi ayoko lang." sagot niya diretso sa mata ko. "Wag kang magpusod. Wag mong masiyadong ipakita 'yang mukha mo kasi... kasi ang panget."

Napakurap-kurap ako kasabay ng pagtawa niya.

Bwisit talaga 'to!

"Wala kang pake!" pagkasabi ko n'on ay hindi ko na siya pinansin.

"Hahahahahahahahaha!"

Lumipas ang buong araw at uwian na.

Sabay na kami n'on ni besty sa paglalakad pauwi. Tumigil muna kami sa tapat ng kwek-kwekan malapit sa school para magmeryenda.

"Alam mo besty," sabi ni Lui, habang ngumunguya ng fishball. "Ang boplaks ni Jully, noh? Tanga tanga talagaaa!" gigil na gigil pa siya. "Feeling niya talaga may gusto si Richard sa kanya porket hinalikan lang siya, eh hello? Kitang-kita naman na pinigilan lang ni Richard ang pangbubully niya sayo eh!"

"Besty ilang araw na nakalipas. Magmove on ka na!"

"E pinaalala mo e!"

Sandwich ang kinakain ko samantalang siya naman ay eto ngang mga fishball, kikiam, at kwekwek. Natakam ako kaya naman dumukot ako sa bulsa para bumili.

"Hoy besty, bawal kang kumain niyan sabi ni Tita Myra diba?"

Sumimangot ako. "Ngayon lang. Wala naman si mama eh."

Inirapan lang ako ni besty dahil alam niyang wala na siyang magagawa. Kasalukuyang kumakain ako ng Chicken balls noon nang biglang may napansin akong lalaki sa hindi kalayuan na tingin ng tingin sa akin.

Hindi ko siya kilala. Itim ang buhok niya at mukhang hindi siya estudyante ng Tirona High.

Nahuli ko pa ang tingin niya tapos nung kumunot ang noo ko e, bigla ba naman siyang ngumisi at nag-wink- pagkatapos ay naglakad na palayo.

"Kilala mo, besty?" tanong ni Lui.

"Hindi." sagot ko.

Nagpasya na kaming maglakad noong nabusog kami, hanggang sa makarating kami ng sakayan ng tricycle at jeep. Nagpaalam na kami sa isa't-isa nang dumating yung jeep na sasakyan niya.

Ako, siguro, jeep na lang din yung sasakyan ko. 5:37pm na at delikado kung ako lang mag-isang sasakay sa tricycle. Atleast sa jeep maraming pasahero.

Naglalakad ako n'on papuntang paradahan ng jeep nang maramdaman kong parang may umaaligid-aligid sa akin.

Medyo madilim pa naman na ang daan kaya naman mas lalo akong kinabahan. Binibilisan ko noon ang lakad ko dahil nakakaramdam ako ng presensya ng tao- ngunit huli na, dahil naramdaman ko na lang na may tumakip sa bibig ko, kasabay ang paghinto ng itim na sasakyan sa tabi namin!!

Sinubukan kong sumigaw at pumalag, pero mahina lang yung boses na napoproduce ko't hindi sapat para marinig ako ng ibang tao. Kumalabog ng husto ang dibdib ko at sa sobrang bilis ng mga pangyayari... nakita ko na lang ang sarili kong ipinasok sa isang itim na sasakyan!

Shit!

Halos maiyak na ako sa kaba! Sinipa-sipa ko ang paa ko sa hangin pero huli na ang lahat dahil umandar na ang sasakyan!

"AHHH! SINO KAYO-" bago pa ako matapos sa pagsigaw ay tinakpan muli ng lalaki ang bibig ko mula sa likod. Mas lalong bumibigat ang bawat paghinga ko habang pilit kong inaaninag ang paligid ko.

"Shh! Sumama ka na lang."

Sobrang hinang bulong niya sa tenga ko habang takip takip pa rin ang bibig ko. Gumapang sa buong katawan ko ang kaba, nagsitayuan ang lahat ng balahibo ko at halos marinig ko na ang tibok ng puso ko.

"Kailangan ko lang makaraos ngayong gabi."