Chereads / I LOVE YOU SEATMATE (Tagalog) / Chapter 29 - Kissing Jully

Chapter 29 - Kissing Jully

Ayradel's Side

"Hoy, Lee-ntik."

Nagpameywang ako habang tinititigan ng masama ang lalaking tulog na tulog ngayon sa harapan ko.

Nasa loob ako ngayon ng Jail Booth. Kung bakit ako hinuli ay wala rin akong ideya. Basta ang naalala ko lang e biglang may lower year na humawak sa akin tapos kinaladkad ako papasok dito. Tinanong ko kung magkano ba ang dapat ibayad para makalabas, pero tumanggi sila at sinabing thirty minutes to one hour pa daw bago ako makalabas.

Imposible 'yon dahil alam ko naman ang patakaran sa Jail Booth... kaya naman malakas ang kutob ko na pakana 'to ng mokong na tulog ngayon. At talagang siya pa ang nag-iisang kasama ko sa isa sa mga kulungan dito ha?

Hindi ko matatanggap na 'nagkataon' lang ang bagay na 'to.

"Hoy, Richard. Wag ka na ngang magpanggap na tulog diyan." sabi ko pa pero wala pa rin siyang imik. Nakasandal lang talaga ang ulo niya sa itim na pader, habang nakaupo sa itim na sahig. "Marami akong gagawin, sayang ang oras ko dito. Palabasin mo na ako. Hoy, JAYDEE."

Hindi ko alam kung tulog ba talaga siya o tinatamad lang siyang mag-react nang tawagin ko siyang Jaydee. Rinolyo ko ang mata ko sa hangin at uupo sana sa harapan niya, nang biglang magi-slide sana ang ulo niya pababa!!

Mabuti na lang at naging maagap ako tapos nasalo ko kaagad ng kamay ko yung ulo niya.

"Argh! Richard naman eh!!!" frustrated na bulong ko habang tumatabi ako ng upo sa kanya. Padabog na inilagay ko yung ulo niya sa balikat ko dahil wala na akong choice. "Nakaka-stress ka talagang kasama kahit kailaaan!!"

Hindi ko alam kung nakita ko ba ang ngisi niya o imagination ko lang dahil medyo madilim dito sa Jail na 'to.

4:45 PM

Tahimik, bukod sa ingay na galing sa labas at katabi naming Jail. Nilingon ko ang natutulog na mokong sa balikat ko. I rolled my eyes nang ilong niya lang ang nakita ko. Nakakainggit dahil ang taas ng bridge ng ilong niya, tapos ang kinis pa ng buong mukha niya.

Para siyang anghel, kapag tulog.

"Oo nga pala, thank you." bulong ko kahit alam ko naman na hindi niya maririnig. "N'ong hinatid mo ako sa bahay nung may sakit ako. Hindi ka naman pala talaga gan'on kasama."

Ilang beses ko na ba nasabing hindi siya ganoon kasama?

Right after tuwing narerealize ko iyon ay naaalala ko rin yung sinabi ni Jayvee na hueag ko siyang pagkatiwalaan.

May part sa akin na huwag paniwalaan si Jayvee, pero may part rin na ayaw magtiwala kay Richard.

Pumikit na lang din ako at hindi ko na namalayang nakatulog na pala.

*

Nagising na lang ako sa ingay, at sa hindi ko maintindihang reklamo ng lalaking katabi ko ngayon. Dinilat ko ang mga mata ko at agad na napabalikwas nang maramdaman kong ako na ang naka-hilig sa balikat ng Lee-ntik na 'to!

"Aish, Baichi! Buti naman nagising ka na? Alam mo bang ang bigat ng ulo mo? Ilang libro ba ang laman niyan?" reklamo niya habang inuunat-unat yung braso niya. "May panis na laway ka pa!"

Inis na napapunas ako sa bibig ko at agad ko ring ipinunas iyon sa damit niya. "Oh, ano, may laway?!"

"Yah! Ew, Baichi!"

"Arte. Bakla ka ba?"

"Ako bakla-?" Hindi makapaniwalang sagot niya. Napaatras ako ng upo habang nakangiwi. "Sa gwapo kong 'to? Ang bigat bigat pa ng ulo mo, balikat ko pa tinulugan mo, dapat nga magpasalamat ka!"

"Ang kapal-" tumawa ako ng sarcastic. "Ikaw ang unang humiga sa balikat ko kanina!"

Anong gustong palabasin ng isang 'to? Na ginusto kong pumasok dito at humiga lang sa balikat niya? Assuming talaga.

"Sus, Baichi, 'wag ka nang magsalita."

Napaangat ako ng tingin nang tumayo siya at ngumisi, saka pinagpagan ang pants niya.

"Ikaw nga sabi!" pagpupumilit ko pa sabay tayo rin. Ngumingisi lang siya na parang nang-aasar. May inabot siya sa nagbabantay ng Jail Booth na hindi ko alam kung ano.

"Don't lie Bachi. Okay lang, hindi naman bawal humiga sa balikat ko minsan." aniya at tinitigan ko. "Pero minsan lang ha?"

Saka pa nagbukas ang pintuan ng Jail Booth at saka pa siya naglakad palabas. Tinitigan ko muna ng masama yung mga lower year na hindi ako pinalalabas kanina- bago ako tumakbo at sinundan ng lakad si Lee-ntik.

Tinititigan ko lang rin naman ng masama ang likuran niya at ni hindi na ako nagsalita. Hindi ko rin alam kung ba't ba ako sumunod.

Natigil lang siguro ako sa pagpukol ng masamang tingin nang maramdaman ko na lang bigla ang pagbunggo ng ulo ko sa likod niya, dahil biglang tumigil siya sa paglalakad.

"Ngayon ang likod ko naman Baichi?" aniya, kaya naman kumunot ang noo ko. "Ano pa bang parte ng katawan ko ang gusto mo?"

Ano pa bang parte ng katawan ko ang gusto mo?

Ano pa bang parte ng katawan ko ang gusto mo?

Ano pa bang parte ng katawan ko ang gusto mo?

GRABE ANG KAPAAAAL!!!!!!

Uminit ang pisngi ko bago niya pinagpatuloy ang paglalakad. Magrereact pa sana ako nang biglang mag-sink in sa utak ko ang naririnig kong ingay...

...ingay mula sa nagsisigawang mga kababaihan.

Agad akong napatingin sa oras sa cellphone ko.

5:19 PM

"Mamayang 5pm, magpeperform ako. Be in the crowd."

"Oh shiz." bulong ko at automatic na napatakbo sa dako kung nasaan ang stage. Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Lee-ntik pero hindi ko na lang inintindi. Tumakbo lang ako hanggang sa makarating ako sa crowd.

Si Jayvee na nga ang kumakanta.

Feeling ko kanina pa siya nagsimula, dahil last part na ng kanta ang kinakanta niya.

Ipinagsiksikan ko talaga ang sarili ko sa unahan, hanggang sa makarating ako sa gitna.

"BAICHI!" tinatawag pa rin ako ni Richard.

Tinaas ko ang dalawa kong kamay para hulihin ang atensyon ni Jayvee...

para makita niya ako. Para malaman niya na pinanood ko siya kahit saglit.

Pero sobrang dami yata talaga ng tao kaya hindi niya ako nakita...

Hanggang sa natapos na lang yung performance niya.

"Baichi," naramdaman ko ang paghawak ni Lee-ntik sa balikat ko. "Ano bang problema mo-"

Dismayado at bagsak ang balikat kong hinarap ang mukha ni Lee-ntik. Tinitigan niya lang ako habang nakahawak siya sa dalawa kong balikat, sa gitna ng nagkakagulong crowd.

"Baichi..." marahan niya akong hinawakan sa balikat. "Huy!"

Biglang may tumulak sa likuran ko dahil sa sobrang siksikan kaya naman napasubsob ang mukha ko sa dibdib ni Richard. Naramdaman ko ang braso ni Richard na niyayakap ako habang patuloy na nakikipagtulakan ang lahat.

"Aish!"

Hanggang sa maramdaman ko na lang ang paghila niya sa akin palabas ng crowd. Wala ako sa mood kaya naman nagpahila na lang ako. Binitawan niya ako, after naming makalabas, pero nanatili pa rin akong nakatungo.

"Talaga bang makikipagsiksikan ka doon para sa gagong 'yon ha?!" sigaw niya kaya tinignan ko siya sa mata.

Ilang segundo pa bago ako makapagsalita. Tumungo ulit ako.

"H-hindi niya pa rin ako nakita."

Hawak niya na ng marahan ngayon ang balikat at tuktok ng ulo ko.

"Baichi... Look at me."

"Hindi ba magpeperform ka rin sa stage ngayon?" sabi ko gamit ang matamlay na tono.

Bumuntong-hininga siya.

"Depende." Sagot niya. "Kung gugustuhin ko pa."

"Ah." yumuko ulit ako. "Sige, una na ako. Sa Dedication Booth ah." bago ako nagsimulang humakbang habang nakatungo pa rin.

"Tss. Nagalala ako kanina dahil nakipagsiksikan ka doon alam mo ba 'yon?" napalingon ulit ako kay Lee-ntik na seryosong nakatingin sa akin ngayon. "How could you be that careless?"

Nabigla na lang ako nang lumapit siya at lumuhod sa harapan ko. Umawang lang ang bibig ko, habang pinagmamasdan kung paano niya isinintas ang rubber shoes kong hindi ko namalayang naka-untied pala.

Parang may dumaloy na kuryente mula sa sapatos ko hanggang sa buong katawan ko. Bumilis ang tibok ng puso ko lalo na n'ong tumayo na siya para harapin ako.

Medyo napahakbang ako ng isa paatras dahil ang lapit namin sa isa't isa. Sa sobrang lapit ay parang hindi na ako makahinga. Lalo na n'ong tinitigan niya ako sa mata.

Oh my God, ano 'tong nararamdaman ko?

"Pumunta ka sa gitna ng maraming tao nang hindi nakasintas ang sapatos mo. E pano kung matapakan yan?! Mga Baichi lang ang nakakagawa niyan, alam mo ba?"

I should be pissed, pero hindi ko alam kung bakit nakatulala pa rin ako sa kanya. Umangat ang kamay niya at hinawi ang ilang mga buhok na tumakip sa mukha ko.

Doon ko naramdamang mas lalong nagwala ang dibdib ko.

Dug dug dug dug dug dug

"Minsan magisip isip ka, okay, hmm?"

Ngumisi muna siya bago ako napapikit dahil bigla niyang pinitik ang noo ko.

"Aw!" Reklamo ko habang nakasapo sa noo. Humalakhak lang siya at bago niya ako iniwang laglag pa rin ang panga doon.

Nang magprocess ang utak ko ay automatic akong pumunta ng canteen para humanap ng maiinom.

Parang bigla akong na-dehydrate.

Napahawak ako sa puso ko.

What was that again?

Wala sa sariling naglakad-lakad ako sa canteen habang hawak ang plastic cup na may lamang juice, nang biglang may tumapik sa baso ko dahilan para malaglag iyon sa sahig! Napaangat ako ng tingin sa tatlong babaeng nasa harapan ko ngayon.

"Oh, ano?" tumaas yung mga kilay nilang tatlo sakin. Lalo na si Jully.

Sila na naman. Pagod na pagod na ako.

Minabuti kong lagpasan na lang sana sila ngunit tumayo si Jully para hawakan ako sa braso.

Napapikit ako ng mariin bago tumingin sa kamay niyang hawak ang braso ko. Tumingin ako sa paligid. Walang teachers, o kahit sinong pwedeng umawat.

"Jully, please naman, hindi ba kayo nagsasawa?"

"Eh paano kung hindi?"

Buong lakas kong tinanggal ang kamay niya sa braso ko.

"Aba lumalaban ka na ha!"

napasinghap ako sa sobrang gulat nang bitawan niya ako at bigla niyang hinawi yung mga plato't kutsarang hugasan na nasa mesang katapat namin kaya nagcreate 'yon ng ingay nang bumagsak lahat sa sahig.

Narinig ko yung lumalakas na bulung-bulungan sa paligid.

"ANO HA?! HINDI KA PA RIN MADADALANG MALANDI KA?!" sigaw niya pa.

"Ano bang problema niyo?!"

"Problema namin? Ikaw! Dahil sa'yo natanggal kami sa Section A! Natanggal ang tito ko sa trabaho! At higit sa lahat ang landi landi mo! Alam niyo ba, huh?...." pinagmasdan niya pa ang mga taong nakikiusyoso ngayon. "Etong babaeng 'to? Sobrang kapal ng mukha! Two-timer! Si Richard at Jayvee pa talaga huh? Mang-aagaw! Ilusyu--"

"Yun lang?" pagsingit ko sa litanya nya, kaya naman kitang-kita ko kung panong umusok yung ilong niya sa inis. "Dahil lang natanggal ka sa section na hindi mo naman talaga deserve, natanggal ang tito mong kinukunsinte ka at dahil lang hindi ka pinapansin ng DALAWANG lalaking gusto mo, magbabasag ka na agad ng pinggan?! Jully wala ka sa bahay niyo! At lalong wala ka sa private school! Nasa public school ka! Ang immature mo naman!"

Umangat yung dibdib niya pagkatapos ay tinignan yung mga taong nanonood na sa amin ngayon.

"Kung ako ilusyunada, anong tawag mo sa sarili mo? DESPERADA?"

Kumuyom ang panga niya sa galit, pero umiling-iling na lang ako pagkatapos ay tinalikuran sila. "Hoy! Hindi pa tayo tapos!"

Naramdaman ko na lang na may humigit ulit sa braso ko. Tumalon yung puso ko sa sobrang kaba, lalo na nung tinulak niya na ako- dahilan para bumagsak ako sa sahig...

at para bumagsak na rin ng tuluyan ang luha kong kanina ko pa pinipigilang bumagsak.

Shet, ang cry baby ko talaga! Nakakainis!

Nagsi-singhapan yung mga estudyante sa paligid pero ni isa, walang lumapit para pigilan si Jully. Wala pa rin ni isang nangangasiwa sa canteen ang lumapit para umawat.

"Yan ang napapala ng mga katulad mo!" aniya, at nakita kong kinuha niya yung baso ng pineapple juice sa isang lamesa. Lumapit agad siya sa 'kin para ibuhos yon. Napapikit agad ako sa kaba, pero ilang segundo na yung lumipas, hindi ko pa rin nararamdamang may bumuhos sa ulo ko.

Hanggang sa marinig ko ang pagsinghap ng mga tao sa paligid.

Napadilat agad ako at napasinghap din nang makita ko ang nakatalikod na si...

Jayvee?

...na hinahalikan si Jully.