Richard's Side
Hindi ko alam kung magsisisi, o matutuwa ako sa eskwelahan na 'to. Masyadong maraming babae, hindi na tuloy natatahimik ang araw ko.
"Richyyyyyyy," sabi ng isang babae habang nakakapit sa braso ko.
Kaharap ko ang cellphone ko ngayon at naglalaro, habang nakapalibot na naman yung mga babaeng dumidikit na sa akin first day pa lang.
Napatingin ako sa upuan na inupuan nila. Ang tagal ni Baichi ah?
Inalis ko sa phone ang tingin at tumingin sa bintana.
Baka wala na namang nasabayan na sasakyan? Siguro dapat ko na siyang sunduin minsan?
Napakagat ako sa labi at pinigilang tumawa nang maalala ko yung mukha niya.
Pati yung itsura niya nung unang beses ko siyang binusinaan ng malakas. Yung unang beses siyang ngumiti na alam ko namang peke.
Takte.
Para kasing ngalay na yung bibig niya kakangiti, e halata namang naiinis na siya sa akin. Pati yung mga epic niyang mukha. Naalala ko rin pati yung unang beses siyang napanganga sa kagwapuhan ko.
Sino bang babae ang hindi? Hehe.
"Bakit ka tumigil, Chardyyy?" tanong nung Julia yata habang sa akin nakatingin. Napatigil pala ako sa paglalaro ng Death Run, nataya tuloy ako, takte.
Tinignan ko sila at parang gusto na yata nilang himatayin.
Grabe pala talaga ang epekto ko.
"May susunduin lang ako." sabi ko at tatayo na sana nang may masamang hanging dumating at pumasok ng pinto.
Napaupo ulit ako at napangisi. Wala sana akong pakialam kung hindi lang sila magkahawak ng kamay ng isang Baichi.
What the hell is going on?
Hindi ko alam kung bakit kumuyom ang bagang ko.
"Oh, si Ayra at Jayvee ba?"
"Bakit sila magkaholding hands?"
"Ewan ko. Grabe talaga ang Ayra na 'yan, si Jayvee naman ngayon?"
Binalik ko ang atensyon ko sa unahan. At tumaas ang kilay ko nang tingnan at ngisian ako ni Jayshit bago niya bitawan ang kamay ni Baichi.
Eto namang si Baichi, todo ngiti.
Naalala ko bigla yung sinabi niyang 'she don't like attentions'. How she told me she hates me because she gains so much attention because of me.
I smirk, sarcastically.
That Jayshit is giving you so much attention too, how can you explain this to me, Baichi, huh?
Nagsialisan sa tabi ko ang mga babae at nagsilabasan ng room- dahil hindi na sila taga-Section 6A- nang makita na nilang may teacher na rin.
Baichi is smiling and blushing like stupid, pero nang makita niya ako bigla na naman siyang sumimangot, takte.
Bakit sa'kin hindi naman siya ganyan? Ganyan ba siya kabaliw sa gagong 'yon?
"Wag ka ngang ngumiti ng gan'on." sabi ko pagkaupo niya sa tabi ko. "Para kang Baichi."
"Pwede ba," sabi niya na parang naiinis na.
Ngumisi lang ako saka ko lang siya tinitigan. Nahalata niya yata kaya tinignan niya rin ako. Pula yung mukha niya pati yung ilong at mata.
"Ano?"
Hindi ako sumagot at tumitig lang sa mata niya. Para siyang adik na Baichi na namumula kaya napakagat ako sa labi para hindi tumawa, kasi ngongo pa ng boses niya.
Hindi siya nagpatalo at nakipagtitigan din sakin. Sumingkit ang mata niya, at medyo nag-lean in. Nabigla ako kaya medyo napaatras din ako.
Takte, bakit ako biglang kinabahan?
"Achoo!" biglang sabi niya bago tumingin sa unahan at humawak sa ilong na parang naiirita na. Ngumiwi ako at nagpunas ng mukha kahit hindi naman ako natalsikan.
"Kita mo 'to? Hinawaan mo pa ako ng sipon mo kahapon!"
"Ngongo. Pfft," sabi ko lang.
Hindi na siya umimik kaya naman napasimangot na lang ako sa tabi niya. Nakakatamad naman ang buhay na nag-aaral. Walang thrill. Ang pang-aasar na nga lang nagpapasaya sa 'kin, madalas pang snob si Baichi. Tss.
Lagi niya na lang akong iniisnob.
E ano namang pake ko?!
Edi wala!
Wala nga!
(- -.)
Ngumisi ako nang hindi makapaniwala. Wala ba talaga akong epekto sa Baichi na 'to? Hindi ba siya kinilig nung tinignan ko siya? Hindi ba siya naiilang?
Napadukot ako sa bulsa nang maramdaman kong nagvibrate yung phone ko. Kinuha ko at binasa kung kanino galing yung message, bago ako napalingon kay Vboy sa likuran ng room.
From Vboy: Sinabi ko naman sayo. Hindi mo siya makukuha.
Pano nalaman ng gagong 'to ang iniisip ko? May lahi yata silang manghuhula ng ina niya.
Gago ka Jayvee!
Potek. Gusto ko siyang sugurin ngayon at makipagbasagan ng ulo!
I typed: You think so?
Tinabi ko sa bulsa ko ang cellphone. Sinulyapan ko ulit si Baichi na ngayon ay nag-aaral na naman.
Tignan lang natin, Vboy. Tignan lang na'tin.
Nung lunch time na, hindi kami nagreview sa library ni Baichi dahil busy daw sila sa pag-aayos ng Foundation Day. Hindi ko alam kung bakit sila ang nagaayos nito. Ano bang silbi ng Student Council? Parang si Baichi yung president kahit hindi naman.
Tinanong ko isang beses si Baichi at ang sagot niya "Hindi ako competitive. Ayoko ng posisyon d'on noh. Tumutulong ako, kami, kasi kailangan. Sabi eh."
Kaya ang boring na naman ng buhay ko. Si Fern ay busy rin sa classroom nila, langya. Ayoko namang umuwi. Ayoko ring tumulong sa ginagawa nila potek!
Pumunta na lang ako sa cafeteria- I mean, canteen.
"Hi pogeee, anong sa 'yo?"
Ngumiti ako ng matamis.
"Zesto grapes."
Potek wala akong barya. One hundred binayad ko, kanila na 'yon.
Nakangisi lang ako habang nakatayo at tinitignan sila sa stage ng covered court na nag-aayos habang sumisipsip minsan sa grape juice ko- na nasa violet plastic at tinutusukan ng matigas na straw. Zesto ang tawag. Ngayon ko nga lang nalaman na may ganito pala. Eight pesos sa cafeteria nila, hindi gan'on kasarap pero pwede na.
Paiba-iba talaga price ng Zesto e. Minsan twenty, minsan one hundred?
Sumipsip ulit ako hanggang tumunog at maubos ang laman.
"Oh may gawd, ang hawt niya nga!"
Napatingin ako sa dalawang babaeng nadaanan ako. Parang hihimatayin na naman sila sa simpleng pag-simsim ko lang ng Zesto?
"Hoy, Ayra!"
Napalingon naman ako sa stage at medyo nagtago sa malapad na poste nang marinig ko ang sigaw ng isa sa classmate namin dati.
Siya rin yata yung Julia? Juliet? Juju? Aish, basta! Jojo na lang- na pinaalis ng Section 6A, dahil wala na rin ang gagong tito niya as Guidance Councilor dito. Kasama niya rin sa paglipat yung dalawang babae na palagi niyang kasama.
Sila rin yung palaging pumapansin kay Baichi. Tsk.
"Kunin mo daw yung iba pang mga karton para sa letters!" sabi nung Jojo habang naka-cross arms.
Nilamukos ko ang balat ng Zesto at tinapon sa malapit na basurahan.
"Say no, Baichi." bulong ko habang tinitignan ang pagyuko ni Baichi. "You don't always have to say yes."
"S-sige," sagot niya.
"Tsk!" bulong ko bago napapikit at napakamot sa buhok.
Inis na tinignan ko ang pagngisi nung Jojo. Kung hindi lang babae 'to binato ko na 'to ng basura e!
"Saan ba?" dugtong pa ni Baichi.
"Stock room. Bilisan mo ah."
Tinitigan ko ang nakayuko pa ring si Baichi habang naglalakad na siya papunta sa kung saan ako nakatayo. Umaching siya at hinahawakan na naman ang pulang ilong niya.
Matalino naman siya, she should be proud of herself. Why are you so humble? Why d'you let yourself be taken for granted?
And why the hell d'you let them treat you like that?!
Dumaan siya sa harapan ko nang di ako napapansin kaya hinablot ko ang braso niya. Hindi ko alam kung mainit ba yung braso niya o cool lang ako.
Nagtama ang mata namin at may kakaiba akong naramdaman.
"S'an punta?" sabi ko bago niya ako tinignan. I display my killer smile pero 'di siya sumagot tapos binawi lang yung braso niya at naglakad palayo.
Ouch!
Humawak pa ako sa dibdib ko.
What the fvck nakakabakla.
Sumunod lang ako sa likuran niya. Niyayakap niya minsan yung sarili niya tapos bumabahing.
TSK! Tigas ng ulo.
Hanggang sa makarating kami sa Stock Room. Pumasok siya sa loob tapos sumandal lang ako sa pader malapit sa pinto at nag-cross arms. Ilang minuto rin akong nakatayo doon. Nilamok na ako at naalikabukan pero ang tagal lumabas ni Baichi.
Papasok na rin sana ako ng room nang nakarinig ako ng pag-bahing kaya napasandal ulit ako sa pader ng hindi oras. Nagcross-arms ulit ako para cool tignan, kaso nung pag-labas niya, hindi niya man lang ako nilingon, takte.
Di niya yata ako napansin kaya sumunod na naman ako sa likuran niya. Yakap niya sa kanang braso niya yung mga karton, tapos may malaking plastic bag siyang bitbit sa kaliwa.
Parang ang bigat yata n'on kasi medyo bumagal ang lakad niya.
Napakamot ako sa batok dahil hindi ko alam ang gagawin.
"Baichi!" Di ko na napigilan kaya sinabayan ko na siya sa paglalakad. Baka magmukha pa akong stalker sa kakasunod ko sa likod niya. "Dami niyan ah?"
Di siya kumibo kaya kinalikot ko yung plastic bag niyang dala.
"Puro karton lang ba 'to?"
"Hey!"
"Hangin ba ako?"
"Why are you not answering?"
Tumigil siya sa paglakad at nilayo sakin yung plastic bag niyang dala. Napatigil kami sa paglalakad
"Pwede ba," she said in a very low voice, na ngongo. "Kung mangungulit ka huwag ka na lang maingay. Pagod ako."
Nauna siyang maglakad pero sinundan ko pa rin siya, tapos inagaw ko yung plastic bag at yung mga karton na hawak niya.
"A-ano ba, Richard!?" medyo inis na sabi niya pero tinuloy-tuloy ko lang yung paglakad habang sa daan nakatingin.
"Edi tutulungan kita. Sabi mo pagod ka?"
Pagod ka, yet sinunod mo yung utos nila. You just have to say no, if you're tired. Tss.
Sa akin ka lang magaling magreklamo. Pero pagdating sa iba dinaig mo pa'ng pipe dahil puro "Opo" lang sinasagot mo.
"Bahala ka nga diyan."
Napatigil ako sa paglalakad at napalingon nung naramdaman kong tinalikuran niya ako.
"Saan ka pupunta!" sabi ko pero nagtuloy-tuloy lang siya sa paglalakad. "Bumalik ka dito... Ayradel."
Napahinto siya sa paglalakad tapos nilingon ako. Natahimik siya saglit na parang nagtataka. Di ko rin alam kung bakit pulang-pula yung mata, at buong mukha niya.
"Kukunin ko yung iba pang karton na naiwan sa stock room."
"No." sabi ko na ikinagulat niya yata. "Sumunod ka lang sa akin. Hindi ka babalik d'on."
"Pwede ba, Richard Lee-"
"Or I'll tell the DepEd Secretary?"
"Why are you always using your power." sagot niya.
"Because I want to." natatawa nanaman ako kasi mas lalong pumula ang mukha niya at mukhang naiinis na naman yata. "Sundin mo na lang ako. Ako nang bahala rito."
Tumalikod na ako bago naglakad; at agad na napangisi nang marinig ko ang mahinang pag-achoo niya sa likuran ko.
Ilang minuto pa, nakarating kami ng covered court. Nagulat pa ako dahil biglang sumulpot sa harapan ko yung Jojo at pinunasan pa ang kamay ko ng wipes nang ibaba ko yung mga karton.
"Omg, Richy, bakit ikaw nagbuhat ng mga yon?" sabi niya. "Ang alikabok n'on eh! Hoy ikaw, Ayra!"
Tinignan niya ng masama si Baichi na parang matamlay lang na nakaupo sa gilid ng stage. Kumunot ang noo ko dahil sa pagpikit-pikit niya ng mata.
Parang inaantok o ano.
"Gan'on ba?" sabi ko at tumango yung babae sa harap ko. "Meron pang natira doon sa stock room. Ikaw na lang ang kumuha."
Napaawang ang bibig niya.
"W-what?" tinignan niya nanaman si Baichi. "N-nandyan naman si... Ayra! Ano bang-"
"Hindi siya pwede. May pupuntahan kaming dalawa."
"Oh my God!"
Napalingon kaming lahat sa pagsigaw ng isa pa naming kaklase, na Jae Anne ang pangalan, siya yung nakausap ko isang beses sa tapat ng gate. Yakap na niya yung balikat habang nasa balikat niya naman yung ulo ni Baichi, na nakapikit na ngayon.
Nagsilapitan halos lahat ng nasa stage, habang nakatayo lang ako at pinagmamasdan sila.
Hindi ako makagalaw bigla. Di ko alam kung bakit ako kinabahan.
"Ang taas pala ng lagnat niya!" dugtong pa nung Jae Anne habang hinahawakan ang noo ni Baichi.
"Gamot! Sinong may gamot?"
"Ako, may gamot ako sa bag." sabi nung Jae Anne.
"Dalhin niyo sa clinic!"
"No." Natahimik sila sa pagsasalita ko. Naglakad ako palapit at inakbay sa'kin yung kamay ni Baichi.
Hindi siya pwede sa clinic dito. Walang kwenta ang nurse, lalaki pa.
"Richy-"
"Ihahatid ko na siya pauwi. Mas maaalagaan siya d'on." sabi ko at bubuhatin na sana siya nang pinigilan niya ako.
Parang hinang-hina yung boses niya at damang-dama ko ang kainitan niya. "W-wag na-"
Hindi ko siya inintindi at binuhat na talaga. Lahat ng estudyante napatingin, pati sa dinadaanan namin.
"Omaygaaaaaad!"
"Buhat niya si Ayraaaaaaa!"
"I kennnnooot!"
Hanggang sa makarating kami sa labas. Wala si Maximo at kotse ko lang ang nandito kaya ako na ang magdadrive. Nilagay ko siya sa tabi ng driver's seat, at mukhang ang himbing na agad ng pagkakatulog niya.
I started the engine. Tapos bigla siyang nagsalita na hindi ko naintindihan kaya napatingin ako sa kanya.
"Jayvee."
Napangisi ako. "Baichi, wag mo na nga sabi akong tawaging Jayd-"
"Jayvee..." napatigil ako at napatingin ulit habang nakapikit na siya.
Pinagmasdan ko yung galaw ng labi niya.
"....Vee?" dugtong ko at natawa sa sarili ko.
Eto na naman ako. Hindi ko alam kung bakit ang sakit sa dibdib ko. Tumawa ako at ibinukol ang dila sa pisngi.
"It's Jay fvcking Vee, Richard." I whispered.
"Gusto din...ki..ta." dugtong niya pa.
Biglang tumahimik ang paligid habang nakatingin lang ako sa kanya. Parang mas lalong bumigat ang dibdib ko na hindi ko maintindihan.
Hanggang sa tumawa na lang ulit ako ng mapakla.
"Hindi mo naman kailangang iparinig sa 'kin, Baichi." Inalis ko ang mga buhok sa noo niyang pawis na pawis na. "Masakit sa pride."
Bago ko siya nilapitan at ikinabit yung seatbelt. Idinikit ko ang noo ko sa noo niya habang nakasandal, para malaman kung gaano siya kainit.
We're inch closer. As I am closing my eyes.
Napangisi ako habang tinitignan ng malapitan yung mata niyang nakapikit at ilong niyang pula. Nadama ko rin ang sobrang init. Pinitik ko nga siya sa noo pagkalayo ko, kaya medyo kumunot ang noo niya habang nakapikit pa rin.
"Ang taas na pala ng lagnat mo pumasok ka pa." bulong ko. "Baichi ka talaga."
Nagsimula na akong magdrive hanggang sa makarating na kami sa apartment nila. Nagdoorbell ako at ang mama niya ang sumalubong sa akin.
Katulad kahapon, ang weird na naman ng tingin niya sa akin. Para siyang malungkot, na ewan.
"Diba i-ikaw yung..."
Yumuko ako bilang paggalang. "Richard Lee po. Classmate."
"A-anong kailangan mo, anak?"
Pumunta ulit ako sa kotse bago binuhat si Baichi. Sinundan niya lang ako ng tingin at nanlaki agad ang mata nang makita ang hawak ko.
"Anong nangyari sa anak ko?!" nag-aalalang sabi niya habang hinahawakan ang noo ni Baichi.
"Sobrang taas po ang lagnat." sagot ko.
"Jusko, masama pala talaga ang pakiramdam niya!" sabi niya. "Pwede bang pabuhat siya hanggang sa kwarto niya, hijo? Hindi ko kasi kaya!"
"Sige po."
Tumango siya at binuksan ang gate. Tinuro niya sa akin ang pintuan na green na may nakalagay na 'Neverland', na mukhang kwarto na nga yata ni Baichi.
"Kukuha muna ako ng gamot at bimpo."
Tumango ako at pumasok d'on sa kwarto, at ang buong kulay, ay white and green. Not so typical girl. Hindi katulad ng ibang babaeng puro pink ang gusto.
Nilapag ko si Baichi sa white na higaan, bago ko tinignan ang buong kwarto niya.
1/3 lang ng kwarto ko ang laki nito pero malinis, sobrang organize, saka ang calm tignan kasi parang nature. Marami ring medal na nakaframe at nakasabit, pati mga awards. Marami ding poster ni Peter Pan sa isang gilid lang ng dingding. Pati yata yung poster, organized ang pagkakadikit.
Napatingin ako sa study table niya yata sa gilid, na muntik pa akong mabulag kasi ang daming libro- tapos napangisi ako dahil sa nakita ko.
Nilapitan ko yung green na stuff toy at tinignan.
"Na kay Baichi pa pala 'to," nakangising bulong ko habang iniikot ng tingin yung Peter Pan stuff toy.
Tinignan ko pa yung nilagay kong number ko sa tag, at napangisi.
Naalala ko yung nangyari sa Arcade.
"Need help?"
Napangisi ako nang matulala siya sa akin.
"Salamat, hindi ko po kailangan."
Sa dami ng babaeng nakilala ko, siya lang ang nagpa-hard to get. Tinry kong sundan si Baichi sa school na 'to, sa tulong ng mga koneksyon, pero makikita ko rin pala si Jayshit sa school na 'yon.
Si Jayvee Gamboa- ang taong kinaiinisan ko simula n'ong elementay pa lang.
Highschool nang pinadala ako sa Korea ng matanda kong ama, dahil kahihiyan lang daw ako sa kanya. Anak daw kasi ako ng DepEd Secretary, pero walang kaayusan ang pag-aaral ko. Nagrebelde ako dahil si Maximo naman talaga ang nakakita kung paano ako nag-aral ng mabuti.
I used to be an honor, kasi gusto ko lang talunin si Gamboa, pero habang tumatagal lalo noong naghighschool na, wala na akong pakialam.
Wala na akong pakialam sa lahat.
Pero nung makita ko ulit si Jayshit, parang gusto ko siyang galitin ulit...
Pinilit ko yung ama ko na pag-aralin ako sa Tirona High, pero isang grading lang ang binigay niya sa akin dahil Public School daw ang school na 'yon. Kahit maganda ang reputasyon nito, hindi pa rin bagay sa akin. Lalo na sa katulad kong anak ng DepEd Secretary.
Nalaman ko rin sa pamamagitan ng mga teachers kung saang section ba si Jayshit, at doon ko rin nalaman na magka-sama pala sa isang section ang dalawang taong sinundan ko sa school na 'yon.
Which makes everything easy for me.
Lalo na nang mapansin kong mahalaga si Baichi para kay Gamboa. I took the chance just to annoy him everyday... through Baichi.
Napatingin ulit ako kay Baichi na nakapikit pa rin ngayon. Hanggang sa pumasok na ang mama niya, may dalang planggana at bimpo. Umayos ako ng tayo habang pinupunasan niya naman si Baichi. Tumikhim ako para makuha ang atensyon niya, bago ko bitawan yung stuff toy.
"Una na po ako." sabi ko bago yumuko.
"Hijo..." napatigil ako sa pagbubukas ng pinto. "Salamat ah. Minsan, bumalik ka dito sa bahay." nakangiting sabi ng mama ni Baichi.
Ngumiti lang ako ng tipid bago bumaba at sumakay sa kotse ko. I smirked, and get my phone right away.
To VBoy: Baichi is with me a while ago. Galing akong apartment nila. Mukhang gusto pa ako ng mama niya para sa kanya, pa'no yan?
This is my role here. Nilalapitan ko lang talaga si Baichi to make her like me and to annoy my number one enemy.
Is it working?
I hope so.
It's payback time, Jayshit.