Chereads / I LOVE YOU SEATMATE (Tagalog) / Chapter 25 - Operation: Iwas

Chapter 25 - Operation: Iwas

Ayradel's Side

Hindi ko pa rin alam kung paano ako iiwas kay Richard Lee. Una, seatmate ko siya. Pangalawa, tinututor ko siya tuwing lunch. There's no way to escape!

Maliban na lang kung gagawin ko ulit 'yong ginagawa ko dati. 'Yong gagawin ko lang ang trabaho ko sa kaya, pagkatapos ay wala na... hindi ko na ulit siya kakausapin?

Aish! Tinakpan ko ng unan ang buong mukha ko habang nai-stress sa pagiisip, pagkatapos ay automatic na tumibok ng mabilis ang puso ko nang maalala ko ang sinabi ni Jayvee. Now, I'm sure, he likes me too. He has feelings for me, hindi ito isang one-sided love lang. Napangiti na lang ako at kinilig at the same time. Gosh, paano kaya kami ni Jayvee bukas?

At paano rin kami ni Lee-ntik?

Naikuwento ko ang lahat ng nangyari kay besty pagdating ng kinabukasan dahil sabay kaming pumasok.

"WHAT? Gusto ka rin ni Jayvee?!" syempre tinakpan ko na naman ang bibig ng bruha dahil napalakas na naman ang sigaw. Tumango ako, at ikinwento na rin ang tungkol sa Operation iwas ko kay Lee-ntik. "Sinabi talaga sa 'yo ni Jayvee 'yon? Na iwasan mo si Richard?"

I sighed heavily, naikwento ko na rin sa kanya ang background nina Richard at Jayvee. Kung bakit mukhang magkaaway ang mga ito noong una silang magkita sa TH--- which is totoo pala, magkaaway sila mula elementary pa lang.

"Hindi ko lang alam besty ha? But I think that would be unfair to Richard. I don't really think na may masama siyang plano, like you know...?"

Tumango rin ako sa kanya habang mabagal kaming naglalakad sa hallway papunta sa room namin. "Hindi ko na alam. Seatmate ko pa naman siya."

"Baichi!" agad akong napatalon sa gulat nang biglang may humawak sa balikat ko. Napahawak tuloy ako sa dibdib ko. "Haha! Gulat ka no!"

"Ano ba! Hindi ka ba marunong mag-hi?!" highblood kong tanong. Muntik ko na ring sapakin sarili ko kasi hindi ko nga pala dapat siya papansinin. Pagtingin ko sa harapan ay nasa harap pala ng pintuan si Jayvee... at diretso ang tingin niya sa kamay ni Lee-ntik na nasa balikat ko. Agad kong hinawi iyon, saka ko siya tinignan ng masama. "Tss!"

Mas binilisan ko ang paglalakad para maiwan siya.

"W-what? Hey? Galit ka ba?" aniya habang parang sinusundan ang paglakad-takbo ko. Hindi ko alam kung bakit bumilis ang tibok ng puso ko. "S-sorry! What did I do?!"

Parang bigla akong naguilty sa sinabi niya. He rarely do apologies, at bago talaga sa pandinig ko kapag sinasabi niya iyon. Hindi ako sanay.

Nakasunod pa rin siya sa likuran ko hanggang sa makaupo ako sa upuan ko. Umupo na rin siya sa tabi ko nang kinakausap pa rin ako. Napatingin naman ako kay Jayvee na ngayon ay napatingin na rin sa akin... bigla siyang ngumiti ng matamis. Napanatag ang loob ko.

So, tama ba ang ginagawa ko? Hindi ba siya galit dahil kinausap ako ni Lee-ntik?

Tumingin na lang ako sa unahan hanggang sa dumating na si Ma'am at naglesson na. Ipinagpatuloy ko pa rin ang hindi pagpansin sa kanya sa mga lumipas pa na oras. Noong lumaon naman ay hindi niya na rin ako pinansin pa.

Last subject sa umaga nang maisipan ng teacher namin na magpasulat ng pagkahaba-haba. As usual, hindi naman sumusunod itong katabi ko. 'Di yata marunong magsulat, at kailangan pa ng MIB para lang may magsulat sa notes niya.

Nakatungo lang siya sa armrest niya ngayon at pinagmamasdan lang ako habang nagsusulat.

Hindi tuloy ako makapagconcentrate. Kapag pinansin ko naman siya ay magtutuloy-tuloy na ang pagu-usap namin.

"Hindi ko alam, kung bakit ka ganyan..."

Oh shiz?!

Halos tumindig ang lahat ng balahibo sa katawan ko nang marinig ko ang boses niya. He is singing! Erase... he is singing, and he has a damn good voice!

Mas lalo akong nawala sa concentration. Nakatingin ako sa board pero ang buong tenga ko ang sa kanta niya.

"Mahirap kausapin at 'di pa namamansin.

Di mo ba alam na ako'y nasasaktan?

Ngunit 'di bale na basta't malaman mo na..."

Bago niya pa makanta ang chorus ay sinita ko na.

"H-huwag kang maingay." iyon lang ang nasabi ko dahil parang aatakehin na ako sa puso. Hindi ko alam kung bakit sobrang ganda sa pandinig ng boses niya. Parang gusto ko pa pero ayaw ko na dahil hindi ako kumportable sa dulot nito.

"Tss." aniya habang nakatingin pa rin sa mukha ko, "Why are you mad at me?"

Imbis na sumagot ay hindi na naman ako nagsalita. Wala naman kasi talaga akong dahilan. I can't tell him about Jayvee, though. Mabuti na lang ilang sandali pa ay nagpa-dismiss na si Ma'am. Walang imik akong nagligpit ng bag, at aalis sana nang hawakan ni Lee-ntik ang braso ko.

"Ano ba?" mahina kong sabi.

"What?" aniya. "You are my tutor. Parang gusto kong matuto ngayon e, let's go to library."

"B-busy ako!" sabi ko bago niya pa ako mahila.

"Sa akin? Yup. Busy ka sa akin."

And there... ay wala na akong nagawa.

Guess what?

Nandito na ako ngayon sa Science Garden at kasama sa naparusahan dahil lang naman sa kagagawan isang Lee-ntik na ito, na prenteng-prente lang na nakahiga ngayon dito sa damuhan! Mukhang hindi naparusahan e, feel na feel pa ang hangin.

Ano ang ginawa niya? Ayun, hinagis niya lang naman ang libro na parang flying saucer, dahil lang na-bored siya, at sa kasamaang palad ay nahuli kami ng Librarian at pinarusahang magwalis dito sa Science Garden!

Tinapunan ko siya ng masamang tingin dahil hindi man lang siya nagatubiling tulungan ako sa pagwawalis--- na dapat siya ang gumagawa, dahil kasalanan niya naman talaga kung bakit nangyari ito!

"Tahimik... tss. Parang wala akong kasamang Baichi." aniya nang hindi pa rin ako nagsasalita. Idinilat niya ang mata niya para tignan ako. "Aigoo, gumagalaw mag-isa 'yung walis kahit walang may hawak!!!"

BOSET! Galing talaga mang-asar ng isang 'to.

"Pwede bang tumulong ka na lang kasi kasalanan mo naman kung bakit tayo naparusahan?!"

"Aigoo, may nagagalit sa akin pero hindi ko naman siya nakikita!"

Umikot na ang eyeballs ko. "Isa."

"Aigoo, may nagbibilang..."

"Dalawa, Jaydee!" Naisip ko lang 'yong sinabi ni Suho na he hates his second name. I just thought na maybe I'll get into his nerves too kapag inasar ko siya ng ganyan. Nakakainis na kasi siya e!

Natahimik ang buong paligid at sumimoy ang malamig na hangin habang nakatayo ako't hawak ang isang walis. Unti-unti siyang napadilat at napatingin sa akin. Blangko lang ang mukha niya at hindi ko mabasa.

"Baichi," aniya. "How could you do that? Ako ang kasama mo pero ibang tao ang binabanggit mo?"

Humalakhak ako. Nakalimutan ko nang dapat ko nga pala siyang iwasan.

"Baliw. Jaydee. As in D! Dog! Jaydog!"

"Who's that?" malamig na sinabi niya, saka ulit pumikit, pero napansin kong naging iba ang tono ng boses niya. Halatang sarcastic.

"B-bakit ayaw mo sa pangalan mong Jaydee? Maganda naman ah."

"And now you're talking to me. Tss."

"Bakit nga?" sabi ko.

"Tss, sa tingin mo, bakit maganda para sa 'yo 'yon?"

"Ha?"

"Kasi katunog ng pangalan ni Jayvee? Kaya maganda para sa 'yo kasi katunog ng pangalan ng crush mong panget..." aniya na puno ng bitterness ang boses. "...at kaya ayoko rin n'on."

Tinapunan ko siya ng masamang tingin saglit at nagpatuloy ulit sa pagwawalis. "Ang babaw naman ng rason mo. At saka bakit ba galit na galit ka kay Jayvee?"

"Oo. Ayoko ng may kaparehong pangalan." Tumayo siya mula sa pagkakahiga. Pinagmasdan ko kung paano siya nagpagpag ng damit.

"Katunog lang naman e." sabi ko.

"Kahit katunog, ayoko."

"Maganda namang pakinggan e."

"Baichi." sa isang iglap ay nasa harapan ko na siya. Ni hindi ko napansin ang pagtayo niya. Napatalon ako sa gulat kasabay ng pagkalabog ng dibdib ko. "Ako si Richard. Richard lang. Okay? Elliminate the Lee, Elliminate the Jaydee."

Ginantihan ko rin siya ng tingin.

"B-Bakit?"

He shrugged. "Hmm, just, stop treating me like Alfred Lee's son, and stop treating me like Jayvee. Treat me as Richard. 'Yung pinakagwapo mong seatmate." aniya sabay tawa.

Hindi ko naman maiwasang mapangisi rin dahil trip ko siyang asarin ngayon.

"Jaydee." sabi ko pa rin, saka ako humalakhak ng napakalakas dahil ang epic ng mukha niya! "Hahahahahahahaha! Joke lang!"

"Ah gan'on?" natakot naman ako agad sa tono niya. "Pang-aasar mo 'yan sa akin?"

"O sige sige! Lumapit ka! May walis ako!!!" sabi ko habang hinaharang yung walis. Nagitla naman ako nang inagaw niya gamit ang isang kamay yung walis.

"Magwalis ka na nga! Isumbong pa kita kay Alfred Lee e!" pananakot niya. Lumuwag ang hininga ko't natawa.

"Sumbong mo! Samahan pa kita e." bulong ko.

Wow Ayradel, tapang natin ah?! Parang noong una lang ay takot na takot ka na mabanggit pa lang pangalan ng tatay niya.

Napaupo ako sa bermuda grass at pinagmasdan ko kung paanong humaba ang nguso niya habang nagwawalis.

Hindi ko alam kung bakit ako napapangiti. Nakakabilib kasi na marunong siyang magwalis. Inisip ko noon sa mga katulad niya e, complete señorito. Yung lahat iuutos sa yaya kahit kaya naman nila. Pero iba siya. Kumakain ng street foods, sumasakay ng jeep, carefree gumalaw...

napailing-iling ako nang marealize na masyado ko na siyang vinavalidate sa utak ko.

"Waeyo?" aniya.

"Ayan na naman ang alien mo."

"Bakit?" nilapag niya 'yong walis at dustpan na puno ng tuyong dahon. "Why are you avoiding me?"

Kinabahan ako dahil sa tinanong niya. Mas mahirap pala talaga ang isang tanong lalo na kapag hindi mo pwedeng ipaalam ang sagot.

"W-wala." sagot ko na lang. Tumango lang siya hindi na muling nagtanong pa. Doon lang ako nakahinga ng maluwag. Mabuti na lang! Napatingin ako sa tabi ko nang maramdaman ko ang pag-upo ni Lee-ntik. Payapa lang ang mukha niya nang lingunin niya ako.

"Baichi..." aniya. SHIZ. Bakit ba ako kinakabahan tuwing nagseseryoso siya?

"H-hmm?" Kumabog pa lalo ang dibdib ko dahil sa tingin niya. Shet, bakit kasi ang ganda ng mata niya?

"Pfft!" HINILA NIYA AKO PAHIGA SA DAMUHAN! UGH! "Hahahahaha!" Hawak niya ang tiyan niya kakatawa habang magkatabi na kami ngayong nakahiga.

"A-ano ba!" sabi ko habang bumibilis ang hininga. Tinry kong hampasin siya pero tawa lang siya ng tawa. "Papatayin mo ako sa sakit sa puso eh!"

Tinry kong bumangon ulit pero pinigilan niya ako sa braso.

"Baichi..." parang batang sabi niya. Hinila niya pa yung braso ko pagkatapos ay ginawang unan para sa ulo niya.

"O-o-oy ang kapal mo, hindi unan yang braso ko!"

"Peram lang~"

"Aish!"

hinawakan ang kamay ko para hindi ako makapiglas. Napagod na rin ako kaya naman hinayaan ko na siya sa trip niyang paghiga sa braso ko.

Kakalimutan ko munang dapat ko siya iwasan. Siguro bukas na lang ulit kapag nandyan si Jayvee. Hay.

"Dito muna tayo." aniya, habang nakangiti. "Bakit ba kasi natin sinunod 'yung librarian na 'yon e?"

"Psh. Hindi naman tayo paparusahan kung di ka naghahagis ng libro dyan e."

"Tss. Anong masama d'on? Kaya boring sa library niyo eh." aniya.

"Ang dapat kasi sa library, aralin ang libro, hindi ihagis."

"Tss. Ang daming rules. Nakakapagod sundin. Hindi ba pwedeng mag-enjoy ka na lang?"

I hissed. "Hindi pwede 'yon. Ginawa ang rules para sundin."

"At para baliin." Aniya.

Sa kahit saan talaga e, may sagot ang mokong na to.

"Bahala ka diyan."

Kunot noong hinarap ko rin ang langit at di na nakipagtalo pa sa kanya. Medyo dark blue na ang langit. Kaya siguro malamig na ang simoy ng hangin kasi parang uulan. I inhale the air at nakangiting ipinikit din ang mga mata. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong ginhawa. Sobrang fresh sa pakiramdam.

"Jaydee?"

Tahimik, tapos bumuntong hininga siya.

"Tsk."

Napakagat ako sa labi ko para pigilin ang pagtawa. Ang saya pala ng may naaasar ka? Kaya siguro ganadong-ganado ang lee-ntik na 'to tuwing nang-aasar noh?

"Pwede bang magtanong?" tanong ko, lol.

"And now you're interested in me?" Napadilat ako at tinapunan siya ng masamang tingin. "Mahirap yan, baka kapag nakilala mo ako... hindi mo na ako pakawalan." dugtong niya pa.

"Utot mo!"

"Mabango."

"Yuck!"

"Nagsasabi lang ako ng totoo."

Umirap ako at hinarap ulit ang langit. Nakahiga pa rin kami sa damuhan, at inuunan niya pa rin ang braso ko, tss.

"B-bakit mo piniling mag-observe sa school na 'to, and stay for a grading?" hindi ko na mapigilang itanong.

Naramdaman kong tinignan niya ako. Naalala ko rin ang babaeng sinasabi ni Suho na sinundan niya dito.

"Gusto ko lang."

"Bakit?"

"Why not?" Sagot niya.

"Public school kaya 'to."

"And so...?"

Natahimik ako ng ilang segundo. "Hmm... This place doesn't suit you."

"Because I'm rich? I'm DepEd Sec's son? I'm famous? So saan ako bagay? Sa private school lang?"

Natahimik ako. I know what he's pointing.

Lumaki kasi ako na sinusunod ang mga nararapat, and siguro lumaki siyang hindi. I judge people dipende sa kung ano ang dapat nilang gawin, yung nababagay sa kanila. And gan'on ko siya unang jinudge.

Dahil mayaman siya ay hindi siya dapat sa ganito, dahil mayaman siya ay hindi siya dapat kumakain ng ganito, o naglalalagi sa mga ganitong lugar.

Katulad ko, dahil matalino ako hindi dapat ako magpuyat, hindi dapat ako magkape, hindi dapat ako magsayang ng oras sa ibang bagay kundi libro... dapt ganito, dapat ganyan. I live with those.

"You had so many misconceptions about me, Baichi." saka pa siya ngumisi. "I love simple things... if you still haven't noticed." Ninamnam ko lang lahat ng sinasabi niya. Nakaharap pa rin ako sa langit, habang parang nanunuot sa tenga ko yung malalim niyang boses."Saka... may sinundan talaga ako sa school na 'to." out of the blue na sinabi niya.

"A-ah..." alam ko naman kahit hindi niya pa sabihin. "Bakit mo naman siya sinundan?"

"Ang panget niya kasi e."

Naubo naman ako ng hindi oras. "Ang ganda niya kaya!" protesta ko. Napatakip ako sa bibig dahil baka malaman niyang alam ko na si Jae Anne ang sinundan niya!

"Pfft! Bakit? Kilala mo ba kung sino?" natatawang tanong niya.

"H-hindi." Shocks, baka mahalata ako!

"Hahahahahaha!" Hindi ko alam kung bakit tawang-tawa siya. Parang engot.

"Tss." sabi ko na lang.

Maya-maya'y napahawak ako sa pisngi nang naramdaman ko ang maliliit na patak ng tubig dito. Maya-maya pa parang mas dumadami pa ang mga ito.

"Umuulan! Huy!" sabi ko saka napabalikwas ng upo, pero si Richard eh nakahiga pa rin at nakapikit na parang damang-dama yung ulan.

"Hayaan mo na."

Mas lalo pang lumakas ang patak ng ulan, hindi na kinaya na saluhin ng mga dahon ng puno, kaya napapatakip na ako sa ulo ko.

"Aish, Baichi, boring naman ng buhay mo." aniya saka mabagal na bumangon bago niya ako tinignan.

"Dalian mo na magkakasakit tayo nyan-" natigil ako sa pagsasalita nang kilitiin niya ako sa bewang. "Hoy!" medyo napaatras ako.

Lumawak ang ngisi niya kaya naman bigla akong kinabahan. "Dito pala kiliti mo ah..."

"H-hoy, w-wag, binabalaan kita Richard!!! AHHHHCK!" Nasalampak ako sa bermuda grass habang tawa ng tawa at habang kinikiliti niya ang bewang ko. "Tama na please hahahaha a-ayoko na! Omaygash! Hahahaha!"

Tumayo ako at tumakbo palayo pero hinahabol niya pa rin ako habang patuloy ang paghalakhak niya. Ilang minuto pa, napahiga nanaman kaming dalawa sa bermuda grass at hinarap ang langit. Napapikit ako dahil sa pagod at patak ng ulan.

"Woah!" sambit ko habang dinadama ang tubig na pumapatak sa mga damo.

Ang laya ng pakiramdam ko ngayon.

"First time kong magpa-ulan ah!" hinahabol ko ang aking hininga.

Narinig ko siyang humalakhak kaya napahalakhak na rin ako.

"Talaga?" aniya.

"Hmm. Noong bata ako, never kong na-try magpaulan kasi bawal. Baka daw magkasakit ako." dugtong ko pa.

"It's not always bad to break a rule. Sabi ko naman sayo, ginawa ang rule para baliin din."

"Ah kaya pala masiyado kang pasaway."

"Hindi, masunurin ako basta gugustuhin ko." Sagot naman niya. "Kapag gusto ko ang isang bagay o tao... susundan ko kahit saan pa ako makarating."

"Ibang 'masunurin' na yata sinasabi mo e!"

Napalingon ako sa kanya dahil pakiramdam ko iba na ang tinutukoy niya. Napansin ko ang pagbaba ng tingin niya sa akin. Kasunod ang mabilis na pagiwas ng tingin at ang pagpula ng kanyang tenga.

"B-baichi," aniya bago tumayo. "G-gumagabi na, 'lika na."

Huh?

Tumayo siya at iniwan akong nakaupo doon. Kunot noong sinundan ko siya ng tingin. I shrugged, pagkatapos ay nagpasya na ring tumayo para sundan siya at sumilong rin sa library building.

Umupo ako sa pinakahagdanan doon samantalang nanatili lang siyang nakatayo hindi kalayuan sa akin. Doon namayani ang nakabibinging katahimikan. Paminsan-minsan niya akong tinitignan, pero agad din siyang umiiwas.

"Hoy, ano bang problema mo?" hindi ko na napigilang itanong dahil para siyang tanga sa inaasta niya. Kinakabahan tuloy ako.

Hindi niya ako sinagot at tumingin lang ulit sa ulan. Napayakap ako sa sarili ko dahil umihip ang hangin, tapos pinagmasdan ko si Lee-ntik na may kausap na ngayon sa phone.

"Ten minutes. Kung mahal niyo pa ang trabaho niyo." aniya sa matigas na tinig bago ibaba ulit yung cellphone niya. Nanatili lang kami sa ganoon hanggang sa napadako ang tingin ko sa unahan nang may narinig akong dumating. Napatayo ako agad at napangiti.

"Kuya Maximo!" masaya kong bati at agad rin namang bumusangot nang mapatingin ako kay Lee-ntik na ang blanko na naman ng tingin sa akin.

Parang kanina lang okay na kami ah?

"Kailan pa kayo naging close?" sabi niya at napairap naman ako.

"Ehem," nadako ang tingin ko kay Kuya Maximo. Yumuko siya, "Magandang hapon, young master, young lady-"

"Nako, nako, huwag na po! Hindi na po kailangan!" sabi ko para pigilan siya sa pagyuko. Tinignan na naman ako ng masama ni Lee-ntik kaya tinaasan ko siya ng kilay ng bahagya.

"Bakit ba?"

Hindi ko alam kung bakit bigla na naman siyang naging abno at umiwas na naman ng tingin.

"U-umupo ka nga! Aish!" sabi niya kaya nagtataka man ay umupo na rin ako. Hinarap niya si Kuya Max.

"Alam niyo bang late kayo ng 2 minutes?" sabi ni Lee-ntik kaya yumuko nanaman si Kuya Maximo.

"Paumanhin, young master. Ilang sandali na lang ay parating na rin sila."

"Aish." tumingin na naman siya sa akin. "Ikaw. Ganyan ka lang. Wag kang gagalaw!"

Aba!

hindi pa man tapos si Lee-ntik ay napansin na namin ang mga taong nakaitim na humahangos papunta sa amin. Yumuko sila kay Lee-ntik pagkatapos ay may inabot. Sa isang iglap, nagitla na lang ako nang biglang may ibinatong kung anong bagay si Lee-ntik sa direksyon ko.

"Ano 'to?" tanong ko, at tumayo, habang binubuklat ang laman ng paper bag. Isang towel, palda, plain T-Shirt, at.... napkin? What? Wala naman akong dalaw ngayon ah?

"Sabi kasi ni M-maximo baka may mens ka kaya hindi mo ako pinapansin..." umiwas siya ng tingin. Na-guilty ako at natawa at the same time. Talagang tinanong niya pa kay Kuya MAximo kung bakit hindi ko siya pinapansin? "Saka hindi ba obvious? Damit yan pamalit! Aish! Bilisan mo na! Shoo shoo!"

Napatalon ako sa gulat nang bigla niya akong hawakan sa magkabilang balikat, tapos pinatalikod at tinulak palayo sa kanya. Nilingon ko siya na kunot ang noo. He just mounted "Shoo!" habang naghahand signal pa.

Ano ako, aso?

"Psh." sabi ko na lang bago dumeretsong CR sa hindi kalayuan. Napangisi na naman ako dahil sa binigay niyang napkin. Lakas talaga magisip n'on!

Pagdating sa CR ay tinignan ko ang sarili ko sa reflection ng salamin doon, at halos binalot ang pisngi ko ng pulang dugo nang makitang BAKAT PALA ANG FLORAL KONG BRA SA BLOUSE KO?!?!?!