Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Scars and Wings

πŸ‡΅πŸ‡­ModernShadow
--
chs / week
--
NOT RATINGS
45.8k
Views
Synopsis
Valerie noticed group of men which happened to be the reason behind the daily trouble within their city. Days passed by, she began to grow curios about these men that dragged her into following them and soon, discovered something strange. She discovered that they weren't ordinary humans like them. Bringing here to the new world she never thought it exists.
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 1

"Gago ka ah!" Sinuntok nito ang lalaking nakatapon ng kape sa suot ng kasama niya. Bumagsak ang lalaki sa daan at 'di makatayo. Isang suntok lang yun pero hindi na nito magawang tumayo. Tinapakan pa nito ang ulo ng lalaki. Yung kasamahan niya ang natapunan ng kape pero yung isa ang galit na galit.

"Ano?! Lalaban ka pa?" Sigaw ng lalaking nakasuot ng itim na leather jacket. Nakakatakot ang mga nanlilisik nitong mga mata, parang isang mabangis na halimaw.

Duguan na ang lalaki at putok na ang labi dahil sa pagkakasipa sa kaniya

Duguan na ang lalaki at putok na ang labi dahil sa pagkakasipa sa kaniya. Halos nakahalik na rin ito sa lupa dahil sa nakatapak ang isang paa ng naka-leather jacket na yun sa ulo nito. Tatlo silang lalaki, yung isa sa kanan ay nakangisi lang habang yung isa naman ay walang ekspresyon. Yung lalaking walang ekspresyon ang natapunan ng kape.

I took my cofee from the table and sipped without taking my eyes away from them. Akala ko makakapagreview ako nang maayos dito. Exam ko na bukas tapos heto may gulo pa sa labas. Hindi ko maintindihan kung anong binabasa ko dahil sa hindi ako makapag-focus. Medyo marami rin kasing tao dito sa coffe shop namin, malamig kasi kaya halos lahat ng mga teenagers ay dito ang bagsak. Marami rin akong nakikitang nagrereview.

Exam's suck.

Ilang araw na silang gumagawa ng gulo dito sa lugar namin. Bago pa lang sila dito pero kung makaasta ay parang sila na ang may-ari ng lugar na ito. Halos araw-araw gumagawa ng gulo. Hindi ba sila nagsasawa? Noon nakaraang araw nga ay pinagbabasag nila ang mga gamit sa isang botique at pinilit na pagbayarin ang may-ari ng utang. Wala namang nagawa ang may-ari kundi ang magbayad. Sabi ng may-ari, wala naman daw siyang utang kaya nagulat nalang siya nang biglaang pinagbabasag ng mga lalaking iyon ang mga paninda niya.

Those boy's has a delinquent behavior.

Ang mga tao sa labas ay nakatingin lang, ayaw makialam dahil baka sila naman ang pag-initan kung makikialam sila.

"Ano bang nagawa ko sa inyo?!" Nanghihina pero nagawa pa ring sumigaw ng lalaki pabalik sa kanila. Pumulupot ulit ito sa lupa ng sipain na naman siya sa tagiliran ng lalaki. Parang ako na ang nasasaktan sa aking nakikita.

"Kanina ka pa dito?" Kahit kailan talaga late siya palagi. Halos isang oras na akong naghihintay rito.

"Not so," I replied sarcastically and smirked.

Huminto ang dalawa kong mata sa lalaking walang ekspresyon dahil sa gulat. Nakahawak ito sa braso ng kasama niya, at parang pinipigilan niya ito sa balak na pagsipa nito ulit sa lalaki.

At may bait pa palang natitira sa kaniya. Akala ko puro gulo lang ang alam nila.

"Tumigil kana at baka mapatay mo pa 'yan," malamig nitong saad ulit nang 'di pa rin nakinig ang kasama niya. Ang boses niya ay malamig, maawtoridad ang tono nito.

Inalis na nito ang kaniyang paa na nakatapak sa ulo ng lalaki kanina

Inalis na nito ang kaniyang paa na nakatapak sa ulo ng lalaki kanina. Inis pa nitong inayos ang kaniyang leather jacket.

"Makakaalis kana," malumanay at parang mabait talaga ang boses nito pero may aura na mapapasunod ka talaga.

Kumaripas kaagad ng takbo ang duguang lalaking iyon nang pagbantaan ito na papatayin kung hindi mawawala sa paningin nila.

Nagsi-alisan na rin ang mga tao sa paligid makaraan ang ilang minuto, pero naiwan ang tatlong iyon at parang may pinagtatalunan.

"Sino ba ang tatlong lalaking 'yan?" Tanong ni Van habang nakatingin sa labas.

"Hindi ko alam kung sino ang mga 'yan.Basta ang alam ko lang ay lagi silang gumagawa ng gulo," I glowered to that group of men.

"Nakakapanghinayang, gwapo pa naman sila lalo na yung isa," wika nito habang nakatingin sa lalaking walang ekspresyon. Yun ang sinasabi niyang gwapo.

"Ew," a grimace formed in my face. "Gwapo nga pero panhayop naman ang ugali."

"Ang seryoso mo naman! Nagagwapuhan lang naman ako sa kanila, masama ba yun?" What ever!

I would have eaten my slice of sandwich when those boy's came in. Nag-angat pa ito ng tingin, naghahanap 'ata sila ng bakanteng lamesa. Inilibot ko pa ang aking paningin sa buong lugar at napagtanto na ang tanging natititarang lamesa na bakante ay ito nalang nasa tabi namin.

"Anong ginagawa nila dito?" Bulong ni Van at tiningan ang mga lalaking iyon. Naglakad na sila patungo dito sa katabi naming lamesa.

"Hindi ko alam," sagot ko. Baka gagawa na naman sila ng gulo rito.

Now, I can clearly see their face. The color of their eyes were stunning. Dark gray ang kulay ng mata ng lalaking sumuntok sa teenager na yun kanina habang green naman ang kulay ng mata ng lalaking nakangisi at kulay blue naman yung sa lalaking natapunan ng kape.

Kahit na nakasuot sila ng leather jacket ay klarong-klaro pa rin ang porma ng katawan nila. Ang lalaki ng katawan nila kaya pala ang lakas ng loob gumawa ng gulo.

Nang umupo na sila ay naamoy ko ang mabango nilang amoy. Iba ang amoy nila.

"Primo, pasensya na kanina hindi ko namamalayang ganun na pala," rinig kong saad ng lalaking nanuntok kanina. Nakaharap siya sa lalaking walang ekspresyon.

"Primo pala pangalan niya," nakangiting bulong ni Van, pasulyap-sulyap pa ito sa lalaking iyon.

"Tahimik, at baka marinig ka," inis kong bulong. Ilang saglit lang ay inilagay na ng tatay ko ang tatlong iced coffe na inorder nilang tatlo.

"Enjoy your coffe sir," magalang na wika ni tatay nang mailagay na niya ang inorder nila. Nakadikit lang ang paningin ko sa kanila, baka kasi may gawin sila kay tatay.

"Grazie," Italian?

Marunong siyang mag-Italian, halata naman sa mukha. Mukhang mayaman eh, sino ba namang mayaman ang hindi pupunta sa Italya... ang ganda kaya roon kahit sa picture at mga palabas ko lang ito nakikita.

My dad left, and they started drinking.

"Nagsasalita siya ng Italyano! Omeghed," kunyari pang kinikilig si Van, pabebe masiyado.

May pinag-uusapan sila, pero hindi ko naman maintindihan kung anong lengg'wahe ang ginagamit nila kaya halos sumuka na ng dugo ang ilong ko. Pero alam kung seryoso ang usapan nila dahil sa mga ekspresyon ng mukha nila.

"Pero kung gagawin natin yun..." reklamo ng isa, inilibot pa nito ang buong paningin sa cafe, parang naninigurado na walang makakarinig.

"Kung 'yan lang ang paraan. I know that they're looking for us now," Primo said seriously. "At 'di malabong nandito na rin sila sa paligid."

Nag-usap pa sila ng halos isang oras pero pumunta muna ako kay Dad para tulungan siya sa pagdadala ng order ng mga customer.

Naglakad na ako pabalik kay Van at tumayo na rin ang tatlong lalaki. Parang aalis na yata sila. Sa daan ko patungo sa lamesa ay bumangga ako kay Primo. Our skin touched. At parang huminto ang pagtibok ng puso ko. Hindi ko alam kung kaba itong nararamdaman ko.

He stopped and look at me seriously.

Ano? Anong tingin 'yan. His eyes... I can see many things in his eyes.

"Pasensya na," sambit ko. Tumalikod lang ito na parang walang nangyari at naglakad palabas. Sinundan ko pa ito ng tingin hanggang sa tuluyan na silang mawala sa paningin ko.

Tulala akong naupo pabalik sa upuan at iniisip ang mga nakita ko sa mata niya.

Pagkauwi ko sa bahay ay agad na akong dumiretso sa aking kwarto. Inilagay ang mga gamit sa mesa at umupo muna sa kama. Humugot ako ng isang malalim na hininga.

Huhubarin ko na sana ang aking damit para makaligo nang may makita akong isang bracelet na sumabit sa damit ko. Kinuha ko ito mula sa pagkakasabit at malapitan kong tiningnan. Isang itim na bracelet na may kulay puti sa gitna nito. Wala naman ganito si Van kaya kanino ito? O baka naman sa kaniya rin ito dahil mahilig siyang bumili mga bracelets.

Hindi rin naman ito akin dahil ampangit nito. Makaluma, at kung susuotin ko iyan ay sigurado akong pagtatawanan lang din nila ako sa huli.

Pagkatapos kong makaligo at makapagbihis ay agad kong kinuha ang laptop at binuksan ito. I opened my Facebook account and saw the message of Van.

"Why I can't even find the facebook account of those boys?" Her message with a matching crying emoji.

I don't know who was she pertaining about, but lately I realized that it's them. Ano na naman kayang naisip nito at bakit naisipan niyang hanapin ang facrebook account ng mga lalaking iyon.

I typed back.

"Ewan ko, baka wala silang facebook account."

Sa panahon talaga ngayon makakita lang ng magaganda at gwapo ay hinahanap agad facebook account nila. For what? Stalking?

"Ay nakita ko na! Mali pala yung spelling ko kaya 'di ko mahanap," alam kong tumatalon na siya ngayon sa tuwa dahil ganiyan naman talaga siya kapag nahanap na niya hinahanap niya. I have this curiosity who kept on pushing me to ask the full name of those boys but... I don't think it's a good idea.

"Ano nakita mo?" I typed back as fast as I could. I have this attitude that I hate the most. If there's something I don't know, I'll make a way just to know what is that thing all about.

Mga ilang minuto muna ang lumipas bago siya magreply. I think she's busy starring the pictures of those boys.

"Wala, ang weird lang masiyado. Konti lang pictures nila, at lagi silang magkasama tatlo... teka? Bakit ka nagtatanong ka sa akin, search mo kaya?"

"No thanks, I'm not interested," I lied. Marami pa akong dapat pagtuonan ng pansin kaysa diyan.

"If you say so... but if you have time here is there name. Christian Alesandro, Jasperson Heynes and the handsome cold person Primo Sichihiro." Kilalang-kilala na niya talaga ako. Alam kong sinadya niyang ilapag ang mga pangalan nila dahil alam niyang hindi ako napapalagay kapag may hindi nalalamang bagay.

Mga ilang minuto ang lumipas ay nagpaalam na siya dahil sa biglang sumakit daw ang ulo nito. Ang utak ko naman ay lumilipad na sa ibang dimensyon.

"Bukas na promised," I mumbled to myself. That's why I hate this attitude, I might be crazy soon.

Dahil sa hindi pa naman ako makatulog ay kinuha ko muna ang novel na hindi ko pa natatapos basahin.

The Selection by Kierra Cass. This story is damn good.

Lady America and Prince Maxon.

I love their way on selecting a girl who can marry Maxon. A soon to be princess might be a poor or a rich. Equal, as long you're the one who's been choosen by the Prince. 35 girls 1 crown.

Binalik ko sa shelf ang libro nang maisip ko na parang wala pa rin ako sa akin isipan. Dahil ang isip ko ay naiwan pa rin sa ideyang 'search their facebook account'.

I hate you Van! Bakit pa kasi niya nilapag ang mga pangalan ng mga lalaking iyon. Ngayon, hindi tuloy ako makatuloh kakaisip.

Padabog akong bumangon mula sa pagkakahiga at inis na hinablot ang laptop pagkatapos binuksan ito. I opened my facebook account and quickly search their names. I can help it anymore. Baka mabaliw na ako kung hindi ko ito gagawin.