Chereads / Scars and Wings / Chapter 7 - Chapter 7

Chapter 7 - Chapter 7

Pasilip-silip pa ako sa loob habang naghahanap kung saan ako pwedeng dumaan. Napakatahimik ng loob at parang ang hangin ay galing sa ibang mundo. Hindi magandang ideya itong pagbabalak kong pumasok pero nandito na ako at nandito ako dahil sa gusto ko. I want to know more about them. At makikita rin nila Van na nagsasabi ako ng totoo. Suot ang isang hoodie jacket ay naglakad ako patungo sa likuran ng bahay para tingnan kung may pwede akong daanan.

Tiningnan ko ang paligid para masiguradong walang ibang tao ang makakakita sa akin at baka tumawag pa sila ng pulis. Baka mapagkamalan akong magnanakaw. Mukha ka naman talagang magnanakaw sa ginagawa mo! Sigaw ng isipan ko. Hindi ko nalang iyon pinansin at nagsimula ng umakyat. Ito lang nag tanging paraan para makapasok ako.

Hindi rin naman ako nahirapan dahil sa hindi naman gaano kataas ang pader na inakyat ko. My feet touched on the ground. Inilibot ko ang aking paningin sa kabuohan ng bahay. Kung titingnan mo ito ay para itong isang abandonadong bahay. The air here was dead. Umiihip pa ang malakas ng hangin na nagpanginig sa akin kahit na nakasuot ako ng jacket.

Mabuti nalang at wala silang aso rito, takot pa naman ako sa aso. Nagsimula na akong maglakad ng nakayuko at tinahak ang daan patungo sa kusina. Hindi ako pwedeng dumaan sa harap dahil baka may makakita sa akin. Marami ng patay na dahon ang nakakalat sa lupa, halatang hindi na ito nalilinisan. Sumilip ako mula sa bintana at nakita ang mga gamit sa loob ng bahay. May mga malaking vase na nakalagay sa gilid ng pintuan. There were also paintings hanging on the wall. May TV rin sa gitna at kulay pula naman ang sofa. Wala ngang tao rito dahil sa sobrang tahimik. Sa'n kaya sila?

Pumunta agad ako sa kusina at pinihit ang doorknob. Nagulat ako nang mapagtanto na hindi ito naka-lock. Bakit 'di naka locked? Dahan-dahan konh tinulak ang pinto habang patingin-tingin pa sa labas. Walang pagdadalawang isip akong pumasok at agad ulit sinirado ang pinto. May isang malaking lamesa ang bumungad sa akin, may mga prutas ito sa gitna at mukhang sariwa pa ito. Napakalinis ng kusina. Gusto ko pa sana buksan ang refregerator pero napag-isip-isip ko na hindi ako pumunta rito para kumuha ng pagkain. Pumunta ako rito para kumuha ng ebidensya na magpapaniwala kina Van na hindi ako nagsisinungaling. Na totoong may mga pakpak sila.

I scanned my eyes on the living room. Simple lang ito tapos malinis, hindi mo mahahalata na lalaki ang nakatira rito.

Masiyadong kasing burara ang mga lalaki.

Wala akong nakitang ni isang pictures ang nakalagay sa paligid. Siguro, sinadya nilang hindi maglagay ng mga litrato rito. Sa aking paglilibot sa living room ay huminto ang mga mata ko sa paintings na nakasabit. Black and white ito lahat at hindi ko alam kung anong tawag sa mga paintings na ito. Pero may isang painting na bumihag sa mga mata ko: isang batang nakatalikod habang tinitingnan ang magulong mundo.

Umakyat ako sa taas at inisa-isa ang mga kwarto roon. Nauna akong pumasok sa unang pinto. Hindi rin ito nakalocked kaya madali lang akong nakasok. I stepped in and let my eyes scanned the room. The room was not that big and not that small also. May isang computer na nakalagay katabi ng study table. There were a piled of books in the shelf and I let my fingers walked through it and my eyes stop on the one book which seem to be familiar.

Kinuha ko ito mula sa shelf at agad na tiningnan. Naalala ko na ito yung book na hiniram nila Jasperson sa library. Isang romance novel? Mahilig siya sa mga romance novel? Akala ko pa naman may kakaiba sa librong hiniram nila... novel lang pala. I uttered a sigh and put it back.

I opened the cabinet beside the bed. Nakita ko ang jacket na sinuot ni Jasperson noong una ko silang nakita. Kung gayon, kwarto ito nga niya ito. Inis akong lumabas ng kwarto nang wala na akong ibang nakita pa. Wala akong nakita na bagay na magsasabing hindi tao si Jasperson.

Pumasok ako sa pangalawang kwarto at ganoon rin ang eksena. Pero may nakita akong isang litrato sa study table. Litrato ng isang bata na siguro ay nasa pitong taong gulang ang edad. Ang mukha nito ay parang si... si Christian siguro ito noong bata pa. At sobrang gulo rito, may mga damit pa na nakakalat sa sahig at may mga bote rin ng alak.

Wala rin akong napala sa kwartong iyon. Kainis! Bakit wala akong mahanap na ebidensya. Siguro, iniisp na nila Van na baliw na ako.

Hindi na sana ako papasok sa huling kwarto. Pero ang sarili ko ay nagmamakaawa sa akin na pumasok ako sa kwartong iyon. Tinitigan ko ang kwartong iyon at huminga ng malalim.

I slowly opened the door once again and stepped in. Kumpara sa unang dalawang kwarto na napasukan ko. Masasabi kong mas malaki ito. Malaki ang kama at may nakaharap na pa na TV sa kama. May computer din katabi ng study table. May nakita rin akong isang maliit na fishbowl pero wala itong lamang isda... ang weird. The scent of the room was so familiar. Naamoy ko na itong amoy na ito... di ko lang maalala kung saan.

Binuksan ko ang nga kabinets pero wala pa rin akong nakita hanggang napadpad na ako sa banyo, pero ganoon pa rin.... wala akong nahanap. Matamlay akong lumabas ng banyo at bumuntong hininga. Inilagay ko ang aking mga kamay sa bewang habang tinitingnan ang buong kwarto. Bakit wala akong manahap? All the things of this house were normal. Ibang usapan na iyong fishbowl na walang isda.

Dahil sa wala naman akong napala ay nagdesisyon nalang ako na umalis nalang rito. Pero nang maglakad na ako patungo sa pinto ay may narinig akong mga yabag ng paa patungo rito. Agad akong napaatras at humanap ng mapagtataguan ng biglaang gumalaw ang doorknob. Pumasok ako sa isang maliit ng kabinet na nakaharap sa kama. Wala itong laman kaya hindi ako nahirapang pumasok at posibleng hindi rin ako makita rito. Hindi ko gaanong sinirado ang kabinet at nag-iwan lang ng espasyo para sa paningin ko.

Nakita kong pumasok si Primo. My breathing was not normal anymore. Kung gayon, sa kaniya pala itong kwarto na ito. Nakita kong iginala nito ang paningin sa buong kwarto. Parang may napansin yata ito. He takes off his leather jacket and next was his t-shirt. Tinakpan ko ang aking mga mata dahil sa wala na itong panitaas na damit ngayon. His muscular body has changed the ambiance of this room. Broad chest, six packed abs, at malalaking braso. I almost lost my breath. At hindi ko namamalayan na panay na pala ang lunok ko. Why was that?

May tatoo sa kaliwang bahagi ng kaniyang dibdib, isang pakpak. Ngayon, kitang-kita ko na yung mga peklat na nasa buong likuran at harwan niya. Mga peklat na parang dulot ng hiwa ng matatalim na bagay. Naglakad siya patungo sa kabinet pagkatapos binuksan ito at iginala ang paningin sa loob. Kinuha niya ang tuwalya pagkatapos naglakad ulit patungo sa kama pagkatapos inilagay ito. Ulit, iginala niya ang kaniyang paningin sa buong kwarto. Parang may napansin 'ata siya. Alam niya kaya na nandito ako? Napansin niya kaya?

Halos atakihin na ako sa puso ng tanggalin niya ang kaniyang belt at nagsimula ng hubarin ang jeans niya pagkatapos. Jusko! Parang iba 'ata makikita ko rito. I hold my breathe for a second and managed to cover my eyes.

Nang mahubad na niya ang jeans ay bumalandra ang boxer niya. Napalunok ako ulit. Ilang beses na ba akong lumulunok? Mainit na nga dito sa loob ng kabinet, parang mas lalong uminit pa ngayon.

Pero nang hawakan na niya ang kaniyang na parang huhubarin na naman ito ay hindi ko na mapigilan ang sarili ko.

"Teka! Ihinto mo 'yan!" Hindi ko namalayang lumabas na pala ako mula sa kabinet at pinigilan siya sa kaniyang planong paghuhubad ng boxer.

Pagtataka niya akong tiningnan. Ang mga mata niya ay nag-aapoy at parang tinutunaw ako ng mga tingin niya. I stopped for a second and realized what I've done. Lumabas ako mula sa pinagtataguan ko at sigurado akong nagtataka na siya ngayon kung bakit ako naririto. Baka tumawag siya ng pulis?! Baka ipahuli niya ako?! Baka mapagkamalan niya akong magnanakaw!

Iginala niya ang kaniyang mga mata sa akin mula ulo hanggang paa. Ang tanging nagawa ko lang ay yumuko. Parang naging bato ako rito sa kinatatayuan ko. Anong kabobohan itong nagawa ko? Napakatanga ko! Pinigilan ko ang aking hininga habang hinhintay ang magiging reaksyon niya. Naramdaman kong naglakad ito palapit sa akin. My heart beats faster than earlier. At ang mga pawis ko ay nagsisimula ng tumulo. I gulped. Parang unti-unti akong nilalapit sa isang apoy.

Dahan-dahan akong tumingala sa kaniya, mas matangkad kasi siya kaya kailangan ko pang tumingala. Sobrang lapit na niya sa akin at halos ramdam ko na ang paghinga niya. Walang ekspresyon ang kaniyang mukha habang patuloy pa rin sa pagtitig sa akin. I felt a heat touched my skin when his eyes met mine. Hindi ko alam ang kung ano gagawin, dahil sa parang hindi naman ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong nito, habang patuloy pa rin ito sa pagtitig sa akin. Ang boses nito ay nakakatakot. Kahit na kalmado ang mukha nito hindi ko pa rin maiwasan ang kaba. Parang natutuyo na itong lalalamunan ko at parang hindi na ako makapagsalita dahil sa kaba.

Anong isasagot ko? Na nandito ako para maghanap ng ebidensya na magpapatunay na may mga pakpak sila. That they weren't ordinary human? I think that's not a good idea. Pero wala na akong ibang maisip na isasagot sa kaniya.

"Hu-huwag kang lumapit sa akin," tanging naisagot ko. Hindi ko alam kung anong mangayayari sa akin dito ngayon. Paano kung patayin niya ako rito?

"Remember, you're here in my room and I can do whatever I want to you, " he emphasized the last words that made me shivered. "Why are you here?" He repeated.

"I-I-I'm just here-"

"What?!" I almost jumped when he shout.

"I-I'm j-just h-here because I saw t-the t-three oo-of you have this," I stuttered, and now he's glaring at me.

"What?!" He repeated once again.

"I saw that you have this wings," I answered as I close my eyes.

Natahimik siya at nagulat sa naging sagot ko. Umatras siya mula sa akin at gulat akong tiningnan. Hindi pa rin ako makagalaw mula sa kinatatayuan ko. I glanced to him and saw that he's wearing back again his jeans and shirt before he approached again to me once again.

"Leave," he mumbled.