Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa sinabi ni Primo. Hindi ko lubos maisip kung anong kinalaman ng bagay na ito sa mga humahabol sa akin. Napalipat ang paninging ko sa bracelet na suot ko at tinitigan ito. Anong mayroon sa simpleng bracelet na ito? I gave Primo a perplexed look. What does he mean?
I breathed and face him.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko kasabay ng pag-ihip ulit ng malamig na hangin.
He smirked. "Alam mo na man siguro kung ano ang bagay na 'yan."
Hindi na namin alintana ang lamig na ang nararamdaman dahil sa masiyado na kaming seryoso. Mata sa mata. We both stared each other in silence for a minute.
I took the bracelet from my wrist and handed it to him. But he just looked at the bracelet then gulped.
"Kunin mo na at lubayan niyo na ako," matapang kong saad.
Tanggapin mo na! Ayaw ko ng ganito!
"Just keep it. You're the one who must keep that thing or else-"
"What?!" I cut off. "Or else what? You'll kill me... just what you did to those boys?!"
"You don't know them," he mumbled. Nakita kong iniwas niya ang kaniyang paningin sa akin.
"And you do?"
"Yes. And don't blame me for your mistake... because you already knew why you're here in the first place." Hindi ako nakagalaw at parang naubusan ako ng saabihin dahil sa sinabi niya.
"Alam ko naman na ako ang palihim na sumusunod sa inyo pero... pero h-hindi ko naman akalain na ganito-"
"I guess this is not the right time to argue," he cut off scanning the place with his blazing eyes. "They're coming."
Napatahimik ako bigla at biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko. Inilibot ko ang aking paningin at nakita ko ang limang lalaking walang pan-itaas na damit ang dumating. Nakangisi silang lumapag sa lupa at ang mga pakpak nila ay nawala rin pagkalapag na pagkalapag.
They looked at me sharply.
Napaatras ako mula sa kinatatayuan ko at napamura nang biglaan akong hilahin ni Primo palapit sa kaniya. Sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko na para bang dinudurog na ang boto ko
Ang limang kalalakihan na dumating ay puro may tatoo na itim na pakpak sa kaliwa nilang dibdib. Tinitigan nila ako kaya halos tumakbo na ang kaluluwa ko dahil sa takot.
"Don't move," bulong nito sa akin. "Ako ng bahala rito."
Naglakad siya palapit sa limang lalaking iyon habang ako ay naiwan sa likod niya, nanginginig. Isa laban sa lima? Paano kung mapatay siya? Paano ako? Mamatay na rin ako.
Kinapa ko ang aking bulsa para sana kunin ang celphone ko pero naalala ko na naiwan ko pala sa loob. Kailagan kong tumawag ng pulis. Pero kung tatawag ako ng pulis ay sigurado naman akong hindi rin ako paniniwalaan ng mga 'yun. Kaibigan ko nga 'di naniwala sa akin, sila pa kaya?
Nakita kong inilabas ni Primo ang isang kutsilyo mula sa bulsa nito. Tinitigan pa nito ang sarili sa kutsilyo.
"Matagal narin mula nung nagamit ko ito," sambit nito at itinutok pa ang kutsilyo sa limang lalaking 'yon.
Halos magpigil na ako ng hininga habang tinitingnan si Primo na sumugod. Lumipad ang isa at sinugod si Primo mula sa itaas pero agad naman siyang naalerto kaya nasaksak niya ito at naging abo. Sumunod naman ang isa na nagawang sapakin si Primo, tumilapon siya kaya halos mapatakbo na ako patungo sa kaniya pero pinigilan niya ako at sinabing huwag akong umalis sa kinaroroonan ko. Tumayo siya sabay pahid sa dugo na nasa kaniyang labi at matalim na napatitig sa mga lalaki. Pagkatapos yung apat sabay siyang sinugod pero nagulat ako ng may palasong biglang tumama sa dibdib ng apat na nagpa-abo sa kanila. Napanganga ako; iniisip kung saan galing ang mga bagay na iyan.
Gulat akong lumingon sa direksyon kung saan nanggaling ang palaso at nakita ko ang isang lalaki nakasandal sa katawan ng puno hawak-hawak ang isang pana. Nakasuot ito ng isang itim na hoodie jacket at nakatingin ito sa amin. Nakita ko rin si Primo na nakatitig sa lalaking iyon. Hindi ko masiyadong maaninag ang mukha nito dahil sa madilim masiyado ang paligid.
Tumalon ito mula sa puno saka naglakad palapit kay Primo. Unti-unti ko na ring naaaninag ang mukha nito. Katamtamang taas ng ilong, kulay asul na mga mata na katamtaman lang din ang laki at ang labi nitong manipis. He smiled as he takes off his hood.
He's damn handsome
He's damn handsome.
Tinapik niya si Primo sa balikat kaya naintindihan ko agad na hindi siya sa isang kalaban.
"Are you okay?" Nakangiti niyang tanong kay Primo. Napabaling pa ito ng tingin sa akin sabay ngiti.
Ang gwapo! Parang gusto ko ng magpalamon sa ngiti niya.
Primo glared at me, kaya inayos ko ang aking sarili at umarteng seryoso. Pero hindi ko talaga maitago ang ngiti ko.
"Salamat," sabi ni Primo sa gwapong lalaki.
Lumapit silang dalawa sa akin nang matapos ng kunin ng lalaking iyon ang mga palaso sa lupa. Hindi ko maalis ang titig sa gwapong lalaking katabi ngayon ni Primo.
"Anong ngingiti-ngiti mo?" Masungit na tanong nito.
I cleared my throat and looked at them seriously.
"Ngumiti ba ako?" Tanong ang sinagot ko sa kaniya at matalim niya lang akong tiningnan.
"Kailangan na nating umalis. Maraming hunters ang gumagala ngayon," wika ni Mr. Handsome.
"Teka? Anong hunters? Ikaw sino ka? At sinong mga lalaking iyun?" Sunod-sunod kong tanong.
"Lucas," saad nito sabay lahad ng kamay niya.
Tiningnan ko pa ang kamay niya bago ito tanggapin. "Valerie... Valerine Rines."
Tiningnan ni Lucas si Primo na para bang nagtatanong.
"Oo, nasa kaniya."
Inilibot ni Lucas at Primo ang paningin sa buong paligid ng may marinig kaming isang kakai ang tunog.
"Kailangan na nating umalis," sambit ni Lucas. Dumating bigla ang isang itim na sasakyan at huminto ito sa amin. Lumabas mula sa sasakyan si Christian at Jasperson.
"Marami kaming hunters na napansing umaaligid," hingal na hingal na saad ni Christian na para bang galing sa isang karera. Tiningnan pa ako ng dalawa bago bumaling ulit ng tingin kina Primo.
"Nakalaban namin ang lima," sagot naman ni Lucas.
"Tara na, bago pa tayo abutan ng malalakas na hunter" wika naman ni Primo at naglakad silang apat patungo sa sasakyan. Ako naman ay nakaiwang nakatayo. Sinisikipa intindihin kung anong pinagsasabi nila
"Teka!" Pigil ko at napahinto silang apat sabay tingin sa akin.
"Gusto mo ba talagang mamatay?" Parang naiinis na si Primo sa akin. "Sumama ka sa amin kung ayaw mong-"
"Paano yung kaibigan ko?" nabitin sa ere ang pagsasalita niya ng magsalita ako sabay lingon sa bahay ni Van. Pagkakatiwalaan ko ba sila? Paano kung?
"She will be safe and if you... if you want her to be safe... leave her," si Lucas ang sumagot.
Ulit, tiningnan ko ang bahay ni Van at ang sasakyan nila Primo. Tinitimbang kung saan ako pupunta pero- bahala na. Kung sa kanila ako sasama hindi ko masisiguradong magiging ligtas ako sa mga kamay nila lalong-lalo na alam ko kung anong kaya nilang gawin. Pero kung 'di naman ako sasama sa kanila... ay pwedeng mapahamak si Van dahil sa may humahabol pa rin sa akin.
Huminga ako ng malalim at tiningnan ang sasakyan saka naglakad patungo kina Primo.
I hope you are right Valerie.
-
Akala ko sa bahay nila Primo kami pupunta pero hindi pala. Huminto kami sa tapat ng isang malaking bahay. Sumilip pa ako sa labas at nakitang ang sobrang taas nitong pader. Wala sigurong madaling makakapasok rito.
Naunang lumabas silang apat habang ako ay pinagmamasdan lang sila. Para akong walang planong lumabas mula rito sa sasakyan. Kahit sa mga oras na ito ay hindi pa rin ako sigurado kung tama ba ang pagsama ko sa kanila ngayon. Humugot muna ako ng isang napakalalim na hininga bago lumabas ng sasakyan.
Valerie just keep calm and be alert.
Mapait na tumingin sa akin pero agad rin naman nitong binaling ang kaniyang paningin kay Primo.
"Sa tingin ko mas ligtas tayo dito," rinig kong sambit ni Lucas. Sa tingin ko bahay ito ni Lucas.
Nakita kong sumulyap sa akin si Primo. Anong problema nun? Galit ba ito sa akin?
Naunang naglakad papasok si Lucas papasok ng gate. Sumunod na rin kaming pumasok. Medyo nagdadalawang isip pa akong pumasok at pinagmasdan pa sila, pero kalaunan ay iginalaw ko na rin ang aking mga paa at sumunod na sa kanila.
Sumirado rin naman ang gate ng kusa pagkatapos kong makapasok. May mga nakapalibot na mga bulaklak sa gilid ng bahay at mayroon ding mga statwa ng anghel ang aking nakita.
"Ang mga kwarto ay nasa itaas. Kaniya-kaniya tayong kwarto," saad ni Lucas nang makapasok na kami sa loob. Medyo malaki nga ang loob ng bahay. I saw a chandelier hanging, giving light the house.
Naglakad ako patungo sa mga paintings na nakasabit. I saw a paintings of demons and angels. Pero huminto ang paningin ko sa isang painting: isang babaeng nakahubad habang nakagapos ang nakahilata sa isang parehabang semento. Naharap ito sa mga anghel na may maiitim na pakpak.
Tumindig bigla ang aking balahibo sa 'di malamang dahilan kaya naglakad na ako para puntahan sila na ngayon ay nag-uusap na sa living room.
"She shouldn't be here," Christian said so I stopped for a while and hid so I'd know what they're talking about. Pero parang ako na nga pinag-uusapan nila.
"I know... but she's the one who should-"
"Valerie," tawag sa akin ni Lucas na nagpahinto sa pagsasalita ni Primo. They glanced at me in chorus. How did Lucas know my name?
I managed to smile and approached them. Nakita ko si Primo na napasandal sa sofa habang diretsong nakating kay Lucas. Hindi ko alam kung anong gagawin at sasabihin ko ngayon, at ang tanging alam ko lang ay kailangan kong makisama sa kanila. I have many questions in my mind that needed an answer. Mas pinili ko ang tumayo kahit na may bakanteng upuan naman dahil hindi ako kumbinsido na kailangan ko pang umupo katabi nila. I swallowed but my throat was dry in nervous.
"Kailangan kong umuwi. Hindi ako pwedeng mamalagi rito," seryoso kong saad.
"No, you must stay here," Primo frowned.
"Ano bang nangyayari? Naguguluhan na ako... sino ba kayo? At sino ang mga lalaking iyon." I asked them hysterically. Naguguluhan na ako. Hindi ko na alam kung ano ang mga nangyayri. Kulang nalang mamatay ako.
"You already know what are we," Primo said as he looked at me sharply.
Gulat na napatingin si Christian at Jasperson kay Primo. Alam kong gulat sila sa ideyang alam ko na kung ano sila.
"What?! Are you serious? " Christian asked as I saw he glared at me.
"Pero, paano?" Tanong naman ni Jasperson.
Walang emosyong tiningnan ako ni Primo bago bumaling kay Jasperson. Kinakabahan ako baka sabihin ni Primo sa kanila na pumasok ako sa bahay nila ng walang pahintulot. Pati na rin ang pagsunod ko sa kanila. Baka tapusin na nila ako.
Pero na sa akin ang bracelet. At mukhang importante ito sa kanila kaya sa tingin ko 'di nila ako kayang tapusin.
"Hindi mo na kailangang malaman pa," ang tono ng boses nito ay nakakatakot. Nakita kong tumahimik nalang ang dalawa sabay buntong hininga. Parang takot na takot sila talaga kay Primo.
"Alam na ng mga hunters na nasa atin ang relic," kwento ni Lucas. Hinubad niya ang suot niyang jacket at inilagay sa kaniyang tabi.
"Nakakalat na rin ang mga ACES sa buong siyudad," saad naman ni Jasperson.
Sinabi ni Lucas na ang mga hunters ang tawag sa mga nakaenkwentro namin kanina. Mahihina lang daw sila pero ang ACES daw ay lubhang mas malakas kaysa sa mga hunters. ACES. Angels of Christ and Enemy of Satan.
ACES were angels of Christ who disobeyed GOD, but at the same time they're enemy of Satan.
Sila Primo ay lumabas muna para siguraduhing ligtas ang paligid kaya kami lang ang naiwan dito ni Lucas.
"Half?' Naguguluhan kong tanong.
"Parang ganun na nga," sagot naman ni Lucas.
ACES have nine members: CHRISTIAN, LUCAS, JASPERSON, PRIMO, MICHAEL, XENOS, SANDRO, SERAPHIM AND XOU.
"So, parte kayo ng ACES," tanong ko. Umatras ng kaunti si Lucas at hinubad ang t-shirt niya pagkatapos tumalikod. Nakita ko ang isang numerong nabuo dahil sa piklat na para bang sinunog.
Numero 7.
He's number seven.