Chereads / Scars and Wings / Chapter 13 - Chapter 13

Chapter 13 - Chapter 13

Kinabukasan ay maaga kaming gumising para makaalis din ng maaga, medyo malayo raw kasi ang Growlsy kaya kailangan naming umalis kaagad para 'di kami abutan ng dilim. Sabi ni Lucas, mapanganib daw doon kapag gabi dahil maraming mga rogue ang nakabantay at baka mapagkamalan daw kamin kalaban.

Binalaan din ng matanda sila Primo na huwag daw nila maliitin ang mga taga-Growlsy dahil hindi rin daw ordinaryo ang lakas nila. Lalong lalo na raw ang Alpha nilang si Alexander.

Kailangan daw naming makumbinsi ang Alpha nila na tulungan kami kung sakaling makapasok na nga ang mga bampira sa mundo namin. Dahil hindi kaya ng mga kagaya ni Primo ang mga bampira dahil sa hindi ordinaryo ang bilis at lakas nito. Hindi na ako mapakali sa mga nalalaman ko at hindi pa rin ako makapaniwala na mapagdadaanan ko ang bagay na ito. Why would they wanted me to join them? Ano bang magagawa ng isang tao sa away ng mga immortal? Pero hindi na rin ito laban ng mga immortal dahil ang magiging kawawa sa lahat ng ito ay kaming mga tao. At isa pa, kailangan kong malaman kung ano bang koneksyon ko sa bracelet na ito.

Habang binabaktas namin ang kahabaan papunta sa Growlsy ay naki-usap ako kay Primo na pwede ko muna bang daanan si Dad at Van, kahit man lang na makita silang maayos at ligtas. At first, hindi pumayag si Primo, but lately, ay napapayag ko rin siya. Hindi naman din nagsalita si Lucas at ningitian na rin ako. Ngayon ko lang napagtanto na mas ligtas pala ako kasama ang mga lalaking ito. They're quite mysterious, moody and when I first saw them I think they're these so bad but now I realized that they're good... except for Primo. He's so irritating.

Napahinga ako nang malalim nang matanaw ko na ang shop namin. Primo said, that I can't go out, dahil sa baka raw may gumagalang hunters sa paligid kaya ang tanging nagawa ko nalang ay tanawin sila mula sa malayo. Marami ang customer sa ngayon at parang masaya naman si Dad. Nagpapasalamat din ako nang makita si Van na tinutulongan si Dad. Swerte ko at nagkaroon ako ng kaibigang gaya niya.

"You're friend is quite gorgeous. Isn't it?" Jasperson commended.

"Yeah. She is," I supported. "But, don't you ever touch her or else-"

"We aren't good on stopping what we want," that line... I remember that line.

"'Yan ba talaga ang motto ng grupo ninyo?" Pagparinig ko pa. Napasandal nalang ulit si Jaserson at nakita ko ang mata ni Primo sa akin pero agad din niyang inalis ang tingin niya sa akin.

Primo turned on the radio. Parang naiingayan na siya sa akin.

Isang namumong hindi ordinaryong ulap ang nakita ng mga tao sa centro ng lungsod. Hindi pa matukoy ng NASA kung ano ang bagay na ito kaya pinapayuhan muna ng NASA ang mga tao na manatili muna sa kanilang mga bahay habang inaalam pa nila ang nangyayari.

Dahil sa narinig namin ay agad naming inalabas ang aming mga ulo sa bintana pagkatapos tumingala. Masiyado ngang madilim ang paligid at parang may malakas na bagyo ang paparating. Parang unti-unti pa itong lumalaki. Gusto kong puntahan sila Dad dahil sa nag-aalala ako sa posibleng mangyari pero pinigilan ako ni Primo.

"We need to hurry," Primo said as he held my wrist. "Kung gusto mong maging ligtas sila."

Ang mga mata nito ay napakaseryoso pero mahahalata mo ang pag-aalala niya. Kinalma ko ang sarili at humingi nalang ng paumanhin. My emotion could ruin everything.

Agad nang binuhay ni Primo ang sasakyan at pinaharurot nito. Tahimik lang ako buong biyahe at patuloy pa ring iniisip ang mga mangyayari. Vampires could kill thousands of people. They're thirsty, and they want blood. I imagined that if the portal will be opened by Zografos and if the Alpha of Growlsy rejected to help, it might be the end of human race. Dahil sa kaiisip ay hindi ko namalayang nakatulog pala ako at magising na ako ay kakapasok pa lang namin sa isang madilim na kalsada kung saan maraming mga puno ang mga nakapalibot. Naabutan nga kami ng dilim rito at nakita ko nalang si Primo na napahugot nang isang napakalalim na hininga. Lahat ng mga balahibo ko sa katawan ay unti-unti nang nagtatayuan. Dinahanan ni Primo ang pagpapatakbo sa sasakyan at tanging ilaw lang ng sasakyan ang nagbibigay ilaw sa paligid. Halos mapatalon pa ako mula sa kinauupuan ko nang isang alulong ang aking narinig.

"Bababa kami... dito ka lang," saad ni Primo at napatango nalang ako.

Nang makalabas na sila ay inilibot nila ang kanilang paningin sa buong paligid at may narinig akong kaluskos galing sa kagubatan na para bang may tumatakbo papunta rito sa kinaroroonan namin. Maya-maya lang ay sunod-sunod na alulong ulit ang narinig ko. Parang alam na nila na may nakapasok sa balwarte nila.

"Alexander!" Sigaw ni Primo at isang alulong ulit ang narinig ko. Maya-maya lang ay pares ng mga mata ang umilaw mula sa kagubatan. Lumalapit ito patungo sa amin. Sigurado akong mga lobo na ito, dahil ito rin ang nakikita ko sa mga palabas na napapanood ko. Napaatras sila Primo nang makita ang mga ito at lalo pa itong dumadami. Ito na siguro ang sinasabi nilang rogue na nagbabantay sa lugar ng Growlsy. Pero paano kung hindi sila maniwala sa amin? Magiging katapusan na namin.

Maya-maya lang ay kita ko na ang buong anyo ng mga lobo. Ang mga dilaw nitong mata, ang mga balahibo nitong magaganda, pero ang mga pangil nito ay napakahaba at parang kahit na anong oras ay pwede na nila kaming lapain.

"Nandito kami para humingi ng tulong!" Sigaw ni Primo. "Miyembro kami ng ACES."

Maya-maya lang ay biglang nag-anyong tao ang isa sa mga kanila at napatatakip nalang ako sa aking mga mata nang mapagtantong nakahubad na pala ito.

"Ito magbihis ka muna... may kasama kaming babae," rinig kong saad ni Lucas. Alam kong napatingin din ang taong lobo rito sa kinauupuan ko. Nang ibalik ko ang aking paningin sa kanila ay nakabihis na ito kaya nakahinga na ako nang maayos.

"Bagay ba sa akin?" Tanong nito habang inaayos ang damit na ibinigay sa kaniya ni Lucas. They all nodded, kahit hindi naman bagay dahil sa masiyado itong masikip sa kaniya dahil sa malaking katawan pero maganda ang hubog. Alam kong sinabi lang nila 'yun para makuha ang loob nito.

"Anong kailangan ng ACES dito?" Seryosong tanong nito. Siguro ito na ang sinasabi nilang Alpha ng Growlsy.

"Kailangan namin ang tulong ninyo," saad ni Jasperson. "Ang mga bampira."

"Bampira?" Tumawa ito nang mapakla pagkatapos sumeryoso ulit.

They all nodded.

"Kalokohan. Matagal nang wala ang mga bampira... nakakulong na sila kaya paanong may mga bampira ulit?"

"Zografos kasama ang mga hunter at ibang ACES ay binuksan na ang portal ng mga demonyo at isusunod na nila ang sa bampira," sagot naman ni Lucas.

Nakita kong natahimik muna si Alexander nang ilang minuto bago magsalita.

"Hindi na kami lalaban," saad ni Alexander at tunalikod.

"PERO!" Biglang napunit ang damit ni Primo at lumabas ang mga pakpak niya at aakma na sana siyang susugod pero humarang ang mga lobo kaya napilitan niyang labanan ang mga humarang sa kaniya. Sumugod din ang mga lobo pero halos tumitilapon lang ang mga ito dahil sa mga sipa at sapak na natanggap nila mula kay Primo. Nakatingin lang si Alexander sa nangyayari at nang halos maitumba na lahat ni Primo ang mga rogue ay hinarap niya si Alexander. Seryoso silang nagtitigan at para bang kahit na anong oras ngayon ay may matinding labanan ang mangyayari. Kaya kailangan ko nang gumawa ng paraan.

"Tama na 'yan!" Isang babae ang biglang lumitaw mula sa likuran ni Alexander. The girl have the same eyes as wolves, kaya agad ko ring nalaman na isa rin itong lobo.

That must be my line. Pero naunahan niya ako kaya lumapit nalang ako at tumabi kay Lucas. He remains calm after what happened. Talaga bang ganiyan sila kapag lumalaban si Primo, hindi nila tinutulongan?

I looked at him, pero umiling lang ito. Nabasa niya kung anong nasa utak ko.

"Huwag na tayong makialam," saad ni Lucas sabay buntong hininga.

Ibinalik ko nalang ulit sa babaeng iyon. She's beautiful. I think she's the princess of Growlsy.

"The Alpha's Mate," Christian mumbled.

Nakita ko ang mukha ni Alexander na kanina ay parang isang mabangis na hayop pero ngayon ay balik normal na rin ito ulit.

"Alexandra," sambit ni Alexander, habang nakakunot ang noo na para bang nagtatanong kung bakit siya nandito.

Alexander the Alpha and Alexandra the Alpha's Mate. Sa pangalan palang nila ay malalaman mo na talagang tinadhana sila.

"Hindi ba pwedeng mag-usap kayo nang maayos?" Ma-awtoridad nitong tanong. "Hindi lahat ng bagay ay nadadaan sa gulo."

"It was my fault. Sorry," paumanhin ni Primo.

Habang nag-uusap sila ay bumalik ako sa sasakyan para kumuha ng damit para ibigay kay Primo. Agad ko rin naman itong ibinigay sa kaniya.

"Thanks," he said as he gave me a side glance.

"Sa mansyon na tayo magpatuloy sa pag-uusap," saad ni Alexander at naunang naglakad.

Naiwan si Alexandra at ningitian niya lang kami pagkatapos sumenyas ito na sundan namin siya.

"Welcome to Growlsy," she smiled.

-

The place looks old. There were some statues standing in the middle of the village. And Alexandra said that it is the statues of Alpha's being reigned for the past hundered years. Some of them died on fighting on the vampires and some were being killed by the human hunters. The father of Alexander was killed on the last war of Immortals.

Kaya pala ganoon nalang siya kabilis magdesisyon na hindi kami tulungan. His father died on the war and now war is soon to happen again. Nag-iingat na siguro siya, dahil sa baka may mawala na naman sa kaniya.

Habang naglalakad kami patungo sa bahay nila Alexander ay may mga tao kaming nakakasalubong, at yumuyuko silang lahat kay Alexander. Malaki talaga ang respeto nila sa kanilang Alpha, though some of the people here in the village are humans. Hindi ko maisip na may mga tao palang nakatira dito kasama ang mga lobo.

"They are the kids who lost their parents on the last war," Alexander said, pertaining to the kids playing happily.

Napatingin ako sa mga batang naglalaro. They all ran to Alexander wearing a smile when they saw him approaching. The kids called him papa Alpha.

"Sige na... maglaro na kayo doon at may bisita pa ang papa Alpha ninyo," sabi nito sa mga bata at ginulo pa ang mga buhok nito. The kids all nodded and ran back again to the place where they're playing.

The whole village is relying to their Alpha. Kaya kung sasama ang Alpha nila sa amin, ay wala nang magpoprotekta sa kanila. Wala pa silang anak ni Alexandra kaya pala ganoon nalang siya kalapit sa mga bata.

"Paano kung hindi sila pumayag?" Tanong ko kay Primo. First time kong magtanong sa kaniya.

"Babalik na tayo sa syudad kung ganun nga... kailangan nating pigilan si Zografos para 'di mabuksan ang portal ng mga bampira," he gave me a side glanced.

I breathed, worried for what might happen.

Huminto kami sa isang mansyon; sa bahay ni Alexander. There were many plants sorrounding the house. The scent of those plants welcomed us.

"May mga tao pala kayong kasama dito sa pack ninyo?" Simula ni Lucas habang naglalakad papasok.

Taas-kilay na tumingin si Alexander kay Lucas. "What's the problem with that?"

"They are the people who's been trusted by his father before it died," Alexandra added.

"I see," he mumbled. At nakapasok na nga kami sa mansyon.

There's a chandelier hanging on the ceiling, and a lot of paintings where hanging on the wall. All of thos paintings where made by Alexander. He was just not an Alpha, but also a man who loves art. Nabusog na ang mga mata ko. All of the things here inside wer like an artifacts. Napakulama na pero ang gaganda pa rin.

"Who's this?" Turo ko sa isang litrato ng babae. Ang ganda nito.. parag isang diyosa.

"That's her mother," Alexandra answered. Kaya pala ang gwapo rin ng Alpha nila.

"Where is she now?"

"Namatay siya noong pinapanganak siya ng kaniyang ina," ramdam ko ang lungkot sa mga salita ni Alexandra.

Having no mother in your life is hard. Gaya nang sa akin. Hindi ko na nakita ang ina ko simula ng pagmulat ng mata ko dahil sa sabi ni papa namatay daw ito sa isang aksidente noong sanggol pa ako. Lagi akong nabubully noon dahil sa wala akong ina, at sinasabi nilang baka napulot lang daw ako ni Papa kaya wala akong ina. Umuuwi ako noon galing sa school umiiyak kasabay ng mga katanungan na bumabalot sa aking katauhan. Pero nang lumaki na ako ay unti-unti ko nang natatanggap na wala talaga akong ina. But my father never let me feel that I don't have a mother. Kasi naging ina 't ama na ito sa akin. My dad is enough.

"I am sorry to hear that," malungkot kong saad, at ngumiti ito.

Niyaya ako ni Alexandra na maghanda ng miryenda para sa kanila. Seryoso ang mga ito. Alam kong kinukumbinsi pa nila si Alexander tungkol sa tulong na hiningi namin. At sana mapapayag nila si Alexander.

"Do you love that guy?" Biglang tanong ni Alexandra habang nakatingin kay Primo.

"No way!" Kunot noo ko siyang tiningnan. "Ibig kong sabihin... kakakilala ko lang sa kanila."

"They are a fallen angel. May nakatadhana rin sa kanila... and I feel that it's between you and him," seryoso nitong ani habang naglalagay ng vegetable salad sa bowl.

Kunot noo ko ulit siyang binato ng tingin. "Eh... para lang sa inyo yun. I am human and we're different."

"Love is love. Parehas sa amin ni Alexander... isa akong halfblooded siya naman full blooded but still we are destined to each other..." halos makalimutan ko nang may hawak-hawak pala akong basa kaya muntikan ko na itong mabitawan.

Nilagay ko ang hawak-hawak kong baso. "Hindi ako naniniwala sa destiny." Napabaling ako ng tingin kay Primo at laking gulat ko nang tumingin din ito sa akin kaya ibinalik ko uliy ang paningin kay Alexandra.

Napahawak ako sa dibdib ko. Ang lakas ng kabog.

"It's up to you..." she smiled. "Tara na at baka nagugutom na rin ang kasamahan mo."

Kinuha ko amg pitchel na may lamang juice saka sumunod na kay Alexandra.

Destiny? Tssk! Hindi 'yan totoo. He's an angel and I am a human. Our world ia different.

"Pag-iisipan ko..." rinig kong saad ni Alexander. Tiningnan ako ni Primo kaya napayuko lang ako at inilagay ko na ang dapat kong ilagay saka umupo katabi ni Alexandra.

"Sige... hihintayin namin ang magiging desisyon mo," kalmadong saad ni Primo.

"Baka nagugutom na kayo? Mukha kasing malayo pa ang pinanggalingan niyo..." wika ni Alexandra habang nilalagyan isa-isa ang plato ng salad.

Tiningan ni Primo ang salad na parang diring-diri. Huwag mong sabihin na hindi siya kumakain ng gulay? Sila Lucas naman ay nagsimula ng kumain pero si Primo ay patuloy pa rin sapa pagtitig sa salad.

"Anong problema?" Pagtataka kong tanong sa kaniya.

"What's this?" turo niya pa sa nakalagay sa plato niya.

"Vegetable salad..." si Alexander ang sumagot.

"Ganun ba..." sambit nito at sinimulang nang ungkayin ang salad gamit ang tinidor nito.

Gusto kong tawanan siya dahil sa ekspresyon ng mukha nito habang sinusubo ang gulay. At nang maisubo na niya ang gulay ay napatawa nalang ako ng wala sa oras.

Sabay nila akong tiningnan na para bang nagulat sa bigla kong pagtawa kaya ibinalik ko ulit amg sarili sa pagiging seryoso.

"Dito kasi sa nayon namin ay ipinatupad ni Alexander ang pagkain ng gulay araw-araw... at kumakain lang ng karne ang lahat ng mga pinamumunuan ko tuwing may okasyon," Kuwento pa ni Alexander.

"Vegetarian?"

"Sort of..."

"I see..."

Inilibot ni Alexander sila Primo sa buong nayon habang ako ay napiling magpahinga sa kwarto kasama si Alexandra. Nag-usap kami tungkol sa naging lovestory nila na para sa akin ay nakakakilig. Alexandra said that she hated Alexander at first. At ang nakakatawa pa ay they both don't want each other. Napaka-seryoso daw kasi noon ni Alexander, prepairing for his reign as an Alpha.

"Ayaw ko talaga sa kaniya nun... like... kapag nakikita ko siya ay kumukulo ang dugo ko," natatawa nitong kuwento.

Hindi ko naman maitago ang ngiti ko habang nagkukwento siya.

"But how did you two make it?" tanong ko.

"That Alexander save me from death..." just what he did.

I shooked my head. And focus again to Alexandra. She leaned her elbow in the bed and his palm was on her cheek.

"How?" Curiosity filled my voice.

"Dozen of vampires came when I was in the house. Ang lahat ay nasa bahay ng Alpha nun para sa isang party... e' hindi ako pumunta dahil sa ayaw na ayaw ko talaga si Alexander nun..." she paused for a second. "Kaya ako lang naiwan sa bahay ng dumating ang mga bampira - I thought that was the end of my life but then Alexander came and saved me."

"That's sweet..." I giggled. "Para pala siyang isang superhero."

"Sort of..."

Like Primo...

I shut the unwelcomed thoughts came in. Yes, he saved me but that doesn't mean anything. He's not the type of guy I want. My type is a Lucas like person.

"Have you been in a relationship before?" She asked. Now the table has turned.

"Nope." I replied.

Her right brow raised, not contented in my answer.

"Yes. Hindi pa talaga ako nagkaka-boyfriend," paliwanag ko ulit. "I'm a 'study first girl'."

Tumawa siya sa sinabi ko at natawa na rin ako.

"But how?!" Tanong nito ulit pero patuloy pa rin siya sa pagtawa.

"Wala... hindi ko talaga trip magkajowa. Wala rin naman aking nagugustuhan pa."

"That's impossible!" She wined.

"It's possible!" I countered.

We both sat in silence for a second and laughed again. Parang magkakasundo kami ni Alexandra.

Nang mapagod na kami sa pag-usap ay napagdesisyonan naming sundan sila Primo sa ilog daw. Nangingisda. Bitbit ang isang basket na may lamang pagkain ay naglakad na kami patungo sa ilog.

Ang tunog ng agos ng ilog at rinig ko na at mas lalo pa itong lumalakas sa tuwing gumagawa kami ng hakbang. The place where quite, at ang tanging ingay lang na iyong maririnig ay ang huni ng mga ibon at ang tunog ng ragasa ng tubig.

"Alexandra!" Tawag ni Alexander nang makita niya kaming palapit. Here are they, shirtless and wet. I saw Primo scanning his eyes in the water and slowly point the spear in the water and slammed it in.

At nang kunin na niya ulit ang spear ay isang malaking isda ang nasa tusukan nito. I can't hide the smile on my face.

"Woh!" Sigaw nila na para bang nanalo sa isang digmaan.

At nakahuli na rin sila Lucas, Christian at Jasperson. Si Alexander naman ay nilapitan na kami kaagad, siya yung unang nakahuli ng isda. Lumapit na rin sila Primo sa kinaroroonan namin bitbit ang mga nahuli nila.

My eyes flewed to Primo's body. At 'di ko namamalayang panay na pala ang lunok ko. Agad kong inayos ang aking sarili.

"I got one..."pagmamalaki pa nito.

"Congrats..." I smiled.

Agad na silang gumawa ng apoy habang ako patuloy pa ring nakatitig sa kanila and I feel something different. I feel... it's like my heart suddenly beat fast. Am I...?

NO WAY.