Dahil sa kaba ko ay napapikit nalang ako, pinipilit isipin na baka guni-guni ko lang ito. I can almost hear my heartbeat, dahil sa lakas ng kabog nito. Mga butil ng pawis ay unti-unti na namang lumalabas mula sa katawan ko. Anong ginagawa niya rito? Sinusundan niya ba ako?
Dahan-dahan kong ibinuka ang aking mga mata nang maramdaman kong payapa na ang paligid at hindi ko na naramdaman na may nakatitig sa akin. Inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid. Wala na siya.
Pero kahit na wala na siya ay nararamdaman ko pa rin na galing talaga siya rito at hindi ako nagkakamali. Siya nga 'yun. Pero ba't niya ako sinusundan? Ano bang kailangan niya?
Nang makahinga na ako nang maayos ay agad ko ng isinaksak ang susi at agad naman itong nabuhay. Mabilis kong pinaandar ang sasakyan palabas ng parking space. Nakatayo pa rin ang balahibo ko, sa hindi maipaliwanag na dahilan. I know that someone who's watching over me. Hindi lang si Primo, alam kong may iba pa. Pero sino at anong kailangan nila?
These past few days, ay lagi ko ng napapansin na parang may laging nakamatyag sa galaw ko. May mga matang nakatitig sa akin mula sa malayo. Pero hindi ko ito mahuli dahil kapag inililibot ko ang aking paningin ay wala naman akong nakikita.
Pagkapasok ko nang bahay ay agad kong inilagay ang mga pinamili ko sa kusina. Pakanta-kanta pa ako habang isa-isang nilalagay ang mga ito. Pan-isang linggo narin ito.
"Nakalimutan ko palang bumili ng keso," sambit ko sa sarili ng mapagtantong kulang ang mga pinamili ko.
'Yun pa naman ang pangunahing pakay ko sa grocery store. 'Di bale, babalik nalang ako bukas para makabili ng keso.
Nang matapos ko ng ilagay lahat ng mga pinamili ko ay umupo muna ako sandali at uminom ng tubig. Parang unti-unting nagiging komplikado ang buhay ko simula noong una kong sinundan sila Primo. Parang unti-unti naring nag-iiba ang mundo ko. Pero hindi ko pa rin maintindihan ang lahat. Anong nangyayari?
"Ano ba itong napasok ko?" Sambit ko sa sarili, pinagsisihan ang pagsunod ko sa mga lalaking iyun.
Tumayo ako mula sa pagkaka-upo matapos makapag-isip-isip. Tamad kong binuksan ang pinto at matamlay na naglakad patungo sa kama ko. I dived and breath.
I closed my eyes and open again.
Sa kalagitnaan ng aking pag-iisip habang nakahiga ay nahagip ng paningin ko ang isang kulay pulang papel. Kunot-noo ko itong tinitigan, inisip ko kong may papel ba akong inilabas mula sa bag. Pero parang wala naman... wala akong matandaan, dahil sa wala naman din akong ganiyang papel. Iginalaw ko ang aking kanang kamay at kinuha yung papel saka bumangon. Tinitigan ko pa ito muna bago napagpasiyahang buksan. The paper is so smooth and the scent of it was like a newly harvest rose.
Kanino 'to?
Because of the curiosity I quickly opened it without any sign of hesitation. Who put this thing in my bed? At paanong napunta ito rito?
There's a message inside of it. Who ever wrote this message has a good penmanship. Dahil sa napakaganda ng pagkakasulat, animo'y inimprinta gamit ang isang printer dahil sa ganda.
Don't let your eyes rest.
Someone is starring at you.
Your world now is not the world you knew.
They want you.
The message left me thoroughly perplexed. Anong ibig sabihin nito? They want me? Sino? Bakit? Kunot-noo ko itong binasa ulit para maunawaan ang nakasulat. I didn't know that I already read it fifty times just to get the message of it.
I stand and scanned the place nervously. Kanino ito galing? Sumilip ako mula sa bintana at nalamang papalubog na ang araw. Hindi ko na maipaliwanag ang takot na aking nadarama. Sino?
Nagpakawala ako ng isang napakalalim na hininga pagkatapos naupo muna sa kama sandali. Parang nag-iba bigla ang hangin ng kwarto ko matapos kong basahin ang sulat na 'yun.
Dahil sa kaba na nadarama ay nakita ko nalang ang sarili ko na tumayo at naglakad patungo sa kabinet. I quickly took my bag and put some clothes. I'm not safe here anymore! I need to leave as soon as possible in this house. Doon muna ako kina Van, mas ligtas ako roon. Nang mailagay ko na ang pangunahin kong kailangan ay agad akong lumabas ng kwarto at sinirado ang pinto. I wear my hoodie jacket once again. Sumilip pa ako sa labas at nang makitang wala namang kahina-hinalang tao ang umaaligid ay mabilis akong naglakad patungo sa sasakyan ko. Ete-text ko nalang si daddy, hindi rin naman yun umuuwi dito sa bahay dahil mas gusto niya sa coffe shop.
What's happening on me? Am I just being paranoid?
Pinaharurot ko agad ang sasakyan ng mabuhay ito. Anong ipapaliwanag ko kay Van kung bakit ako may dalang mga gamit? Bahala na!
--
"Anong ginagawa mo rito?" Makailang katok lang ay bumungad na agad sa harap ko si Van. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagtatakang nadarama kung bakit ako narito sa harap niya ngayon, tiningnan niya pa ako mula ulo hanggang paa.
"Pwede bang papasukin mo muna ako?" Tanong ko habang 'di komportableng tinitingnan ang paligid.
She opened the door widely and I came in.
"Ano bang nangyayari at ba't parang takot na takot ka?" Tanong nito.
Inilagay ko muna ang aking bag sa sofa bago siya sinagot, "pwede bang dito muna ako?" Pakiusap ko.
Kunot noo niya akong tiningnan at nagpakawala ng matalim na titig sa akin. "Ba't parang namumutla ka na naman? Tapos hingal na-"
"Someone's following me," I mumbled seriously. Napatitig siya sa akin bigla at napa-buntong hininga.
Tumayo siya mula sa pagkakaupo at kumuha ng isang baso ng tubig at ibinigay ito sa akin. Sinundan ko pa ito ng tingin.
"Anong sinasabi mo?" Tanong nito matapos iaabot sa akin ang isang basong tubig.
Inilapit ko ang mukha ko sa kaniya saka lumingon sa kanan at kaliwa bago bumaling sa kaniya ng tingin.
"Someone's following-" naputol ako sa pagsasalita nang maisip ko na- kung sasabihin ko ito sa kaniya ay baka madamay siya. Ayaw kong mangyari 'yun. Hindi rin pa naman ako sigurado na katulad nila Primo ang sumusunod sa akin.
"Wala. Kalimutan mo nalang iyun. Napakatahimik kasi sa bahay - alam mo na... ako lang mag-isa," pagsisinungaling ko at nakita kong napakunot ang noo nito.
"You are so weird. Kunti nalang mapagkakamalan na talaga kitang baliw," saad nito at tumawa kaya napahagikhik narin ako.
"May naghanap pala sa iyong lalaki kanina sa coffe shop... kaibigan mo raw," sabi nito na nagpakunot ng noo ko.
Kaibigan? Wala naman akong ibang lalaking kaibigan ah.
"Anong sabi?" Usisa ko pa.
"Ewan ko ba dun... parang weirdo. Sabi ko kasi na wala ka tapos ayun," kwento pa nito.
"Walang sinabing kahit na ano?" Wala naman kasi akong iba pang kilala na lalaki bukod kina Primo.
"Wala nga... tsaka umalis din naan kaagad ng sabihin kong wala ka."
"Mabuti at sinabi mong wala ako," baka isa yun sa mga napapansin kong sumusunod sa akin.
Pagkatapos naming maghapunan at dumiretso na agad kami sa kwarto niya para makapagpahinga. Nakatulog na si Van pero ako ay dilat na dilat pa rin. Hindi ako makatulog dahil sa mga bagay na bumabagabag sa akin. Nakatitig lang ako sa orasan, tinitigan ang bawat paggalaw ng kamay nito.
Isang oras bago maghatinggabi ay may narinig akong kalampag na nanggagaling sa bobong. Napabangon ako mula sa pagkakahiga at napatingin sa kisame. Tulog na tulog pa rin si Van hanggang ngayon. Umiihip ang napakalamig na hangin kaya napayakap ako sa aking sarili. Inilibot ko ang paningin sa paligid bago tumayo at sinuot ang tsinelas.
Parang may kung anong nasa itaas. Naglakad ako patungong bintana at binuksan it. Sumalubong sa akin ang napakalamig na hangin kaya napayakap ako ulit sa aking sarili ng wala sa oras. Sorang tahimik na sa labas at tanging tumatahol nalang na aso ang nakikita ko.
Nagtaka ako ng mapagtanto na sa direksyon ko tumatahol ang aso. Ba't siya tumatahol? Patuloy pa rin ito sa pagtahol kaya dahan-dahan akong tumingala pero napamura nalang ako nang may biglang humila sa akin mula sa likuran ko sabay takip sa bibig ko. Nagpumiglas ako pero hindi ako makagalaw dahil sa lakas nito. Ang paghinga ko ay bumilis kasabay ng paglabas ng aking mga pawis. Ang kamay nito ay nakapikit pa rin sa bibig ko kaya hindi na ako halos makahinga. Ang mainit nitong katawan ay dumikit sa balat ko.
Bitawan mo ako!
"Huwag kang maingay," bulong sa akin ng isang pamilyar na boses.
Primo?
Inalis niya ang kaniyang kamay mula sa pagkakatakip sa bibig ko. At nang mamabawi na ako ng hangin ay lumayo ako sa kaniya ng halos isang metro at matalim siyang tinitigan. Nakita kong dahan-dahan niyang sinirado ang bintana. He glanced at me nonchalantly.
"Alam na nila," sambit nito.
"Anong alam? Nino?" Tanong ko pero tiningnan niya lang ako.
Ba't niya alam na nandito ako?
"Teka," sambit ko nang talikuran niya ako. Napahinto rin naman siya at nilingon ako.
Tiningnan ko si Van na tulog na tulog pa rin. Mabuti nalang at hindi siya nagising.
"Ba't ka nandito?" Tanong ko. Sa halip na sagutin ako ay tinalikuran lang ako nito at naglakad palabas. Sinundan ko ito hanggang sa nasa labas na kami ng bahay.
"Ano ba! Ba't ka nandito!? Anong kailangan mo sa akin?" Sunod-sunod kong tanong na nag-udyok sa kaniyang huminto at hinarap ako.
He smiled sarcastically. "Pasalamat ka at iniligtas kita."
"Anong iniligtas?" Pagtataka kong tanong.
"May humahabol sa iyo dahil sa bagay na iyan," saad nito sabay tingin sa braso ko.