Chereads / Scars and Wings / Chapter 8 - Chapter 8

Chapter 8 - Chapter 8

"Leave! You must not be here. You don't know what you are doing." Paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang mga sinabi ni Primo noon. Isang linggo na ang lumipas, pero paulit-ulit ko pa rin yun naririnig sa aking isipan. Simula nun ay naging maingat na ako at piniling huwag na silang pakialaman. Pero noong mga nakaraang araw ay nakikita ko si Primo sa labas ng coffe shop, nakatitig sa akin. Kinikilabutan nga ako sa tuwing, nahuhuli ko siyang nakatitig sa akin. Agad naman itong umaalis sa tuwing nahuhuli ko na siya.

Hindi ko alam kung anong kailangan niya, dahil sa hindi ko naman magawang tanungin ito dahil sa natatakot ako. Natatakot ako dahil baka may gawin sila sa akin. Sa bawat ara na lumilipas ay parang mas kinakabahan ako, at hindi ko alam kung bakit.

"Here's your order sir," magalang kong wika habang nilalagay sa lamesa ang mga inorder nila. "Enjoy and have a good day." Ngumiti ito pabalik sa akin.

Naglakad ulit ako para kunin ang isang order pa. Medyo konti lang ang customer namin ngayon kumpara kahapon. Nakakapanibago talaga.

"Thank you," ngumiti ako pabalik sa customer sabay yuko bilang tanda ng paggalang.

Maglalakad na sana ako pabalin sa kusina para maghugas nang makita kong pumasok sila Primo. Agad akong kinabahan ng tumingin ito sa akin pero kinalaunan pinutol niya rin at naglakad patungo sa lamesang paborito nila. May kaba akong tumalikod at mabilis na naglakad patungong kusina para puntahan si Van.

Tumutulong kasi si Van dito sa coffe shop kapag walang pasok.

Inilagay ko ang tray sa lababo sabay buntong hininga. Bakit ba sila nandito? Pinaandar ko ang faucet at naghilamos pagkatapos naglakad patungo sa kung saan ko nilagay ang aking bag. I took my towel and wiped my face.

"Anong nangyari sa iyo?" Kunot - noong tanong ni Van habang nakatingin sa akin. "Ba't parang namumutla ka?"

Sino ba naman ang hindi kakabahan sa tatlong iyon. Lalong-lalo na alam ko sa sarili kong hindi sila isang normal na tao.

"Wala, medyo nahilo lang ako," pagsisinungaling ko at mukhang naniwala naman naniwala siya.

"Sige, tuloy ko lang itong ginagawa ko tapos ako naman maghahatid ng orders," sabi nito at bumalim sa ginagawa niya.

"Sige, aasikasuhin ko muna rin mga customers," saad ko saka lumabas.

Lakas loob akong naglakad patungo sa lamesa nila Primo. Ang tibok ng puso ko ay mas lalong bumilis pa ng malapit na ako sa kanila. Nag-uusap silang tatlo. Ano na naman kaya ang pinag-uusapan nila?

I cleared my throat when I reached to their table. Inhale... exhale. "What is your order sir?" Mas pinilit kong maging magalang sa kanila ngayon. Kailangan kong maging mabait sa kanila.

Napahinto sila sa pag-uusap at sabay na tumingin sa akin. Kaya mas lalo tuloy akong kinabahan. Primo looked at me seriously, kaya iniwas ko ang aking paningin sa kanya. For what happened last week, ngayon mas natatakot na ako sa kanila kumpara noon. Mabuti nga at pinalabas pa ako ng buhay ni Primo gayong pwede naman niya akong patayin. Oo, niya. Hindi alam nila Christian at Jasperson na pumasok ako sa bahay nila dahil sa palihim akong pinalabas ni Primo nang hindi nalalaman ng dalawa. Hindi ko alam kung anong nasa isip niya noon.

"Gaya lang ng dati," si Primo ang sumagot. Nararamdaman ko na naman ang unti-unting panunuyot ng aking lalamunan. Sa tuwing kaharap ko si Primo, nararamdaman ko ito talaga.

"Yun lang po ba?" Panigurado kong tanong.

"Sa tingin mo? Ano pa ba ang masarap dito?" Seryosong sagot nito.

Agad kong inasikaso ang mga order nila at agad ring bumalik sa lamesa para ilagay ang inorde nila.

"Enjoy your order sir," magalang kong saad.

Aalis na sana ako nang biglaang magsalita si Primo kaya napaharap ako ulit sa kanila.

"Sa'n ka nakabili ng ganiyan?" Tanong nito.

"Ang alin po?" Pagtataka kong tanong kasi wala naman siyang sinabi kung ano.

"Iyang bracelet."

"Ah ito po," saad ko habang hinawakan ang bracelet na nasa kaliwa kong kamay. "Hindi ko po ito binili."

Ba't parang interesado siya sa pangit na bracelet na ito?

"Ganun ba," saad nito sabay buntong hininga.

"Bakit po ba?" Puno ng kuryosidad ang boses ko. Heto na naman ako, nagtatanong na naman.

"Wala. Mag-ingat ka." Saad nito pagkatapos tinalikuran ako.

May pagtataka akong tumalikod at naglakad pabalik sa kusina. Anong ibig niyang sabihin?

"Kaya pala... bakit sila nandito?" Salubong na tanong ni Van sa akin habang tinatanaw sila Primo.

Inayos ko ang sarili ko para 'di mahalata ni Van ang takot na nararamdaman ko ngayon.

"Hindi ko alam," pagsisinungaling ko. Kahit na hindi nila sinabi kung anong sadya nila rito, alam ko sa sarili ko na baka ako ang pakay nila.

"So, iyan ang sinasabi mong may mga pakpak?" Tumatawa nitong tanong.

I sighed. Kung alam mo lang. Mabuti na rin na hindi niya alam. At mabuti na rin na hindi siya naniwala sa akin. Ayaw kong maramdaman niya ang kabang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko silang tatlo. Kulang na nga lang kumaripas ako ng takbo.

"Kalimutan mo na 'yun. Stressed lang siguro ako ng mga oras na iyon," nakangiti kong sabi. "Atsaka, hindi namang totoong may mga anghel talagang nahulog mula sa langit."

She looked at me seriously then laughed. "Parang ganun na nga! Pero malaanghel naman ang mukha ng tatlong iyan."

Napangisi nalang ako sabay sambit ng, "sabagay."

"Ang gwapo talaga ni Jasperson. Kahit na laging nanununtok-astig tingnan," kulang nalang tumili si Van habang pasulyap-sulyap kay Jasperson.

"Eh, kung ikaw suntukin niyan? Masasabi mo pa kayang gwapo siya?" Nakangisi kong tanong at naglakad patungong refregerator para kumuha ng malamig na tubig.

"Gago! Hindi naman siguro manununtok ng babae 'yon," wika nito a marahan pa akong tinampal sa braso.

Hinarap ko siya ulit habang iniinom ang tubig. "Akala ko ba, si Primo ang maa gwapo? Ba't parang nag-iba yata ihip ng hanging ngayon?"

"Napagtanto ko kasi na may-"

"Gago ka ba! Ano bang pinagmamalaki mo?" Naputol sa pagsasalita si Van nang nay marinig kaming kaguluhan mula sa labas. Agad kaming tumakbo sa labas para tingnan kung anong nangyayari at nakita ko ang isang lalaking sinisigawan si Primo pero walang emosyon lang itong nakatingin sa lalaking sumisigaw sa kaniya. Jusko! Kuya, umalis kana at huwag mo ng patulan 'yan... 'di mo alam kung anong kayang gawin ng tatlong iyan.

Parang ayaw ko ng tumingin sa kung anong nangyayari dahil sa alam ko na rin naman kung anong magiging kahihinatnan ng lalaking iyan. Pero nandito sila sa coffe shop namin kaya kailangan kong pigilan sila at baka mabasag pa nila lahat ng gamit rito. Natatakot na rin ang ibang customers.

"Ano?! Lalaban ka?! Tumayo ka diyan!" Sigaw ulit ng lalaki sa mukha ni Primo.

Naglakad ako patungo sa lamesa nila, kahit na kinakabahan.

"Excuse me sir... ano po bang problema natin baka maaari po nating ayusin po ito," pakiusap ko sa lalaki. "Sir, kalma lang po kayo."

"Ano tayo!!! Gago ka ha! Ang bastos mo masiyado eh! Ilabas mo ang tapang mo ngayon!" Sigaw nito ulit at benaliwala lang ang pakiusap ko.

Tiningnan ko si Primo na parang isang sigaw nalang ng lalaki siguradl akong puputol na ito. Tiningnan ko sila Jasperson-wala itong imik at para bang walang pakialam sa mga nangyayari.

Anong gagawin ko ngayon?

"Sir, pakiusap lang po-huwag na kayong gumawa ng gulo rito," si Van na ang kumakausap sa lalali ngayon pero base sa mukha nito ay parang wala itong plano na magpapigil.

"Sir-" susubukan ko sana pakiusapan ito ulit perk bigla akong sinampal nito aya napangiwi nalang ako sa sakit. Nagulat lahat ng mga tao sa loob ng coffe shop. Pinahidan ko ang dugo na lumabas mula sa labi ko.

"Ayos kalang Val?" Pag-aalalang tanong ni Van sa akin.

I just nodded to assure Van that I'm okay.

Nakita kong walang emosyong tumayo si Primo mula sa pagkaka-upo at naglakad patungo sa lalaking iyon. Nagulat rin ang lalaki at dahil sa mas matangkad si Primo sa kaniya, nakatingala nitong tiningnan si Primo. Napatitig nalang ako sa kanilang dalawa at hinayaan nalang sila.

"Do you know that hurting a girl is not my type? But then you just did it in front of me," seryoso nitong wika sabay sapak sa lalaki.

Natumba ang lalaki at hindi na nagawang tumayo pa dahil sa parang nawalan ito ng malay. Gulat lang na tiningnan ng lahat ng tao rito sa coffe shop si Primo habang naglalakad pabalik sa lamesa niya.

Bigla nalang bumolis ang tibok ng puso ko na hindi ko maipaliwanag. At yung kaba na naramdaman ko kanina ay parang biglang napalitan ng hindi ko maipaliwag na emosyon.

Agad rin naman silang tumayo tatlo at naglakad patungo sa labas. Nang dumaan sa harap ko si Primo ay may sinambit pa ito.

"That blood ruined your lips. Gamutin mo 'yan, nakaharang sa magandang tanawin."

Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin kaya napakunot nalang ang noo ko habang sinusundan sila ng tingin. Gusto ko pa sanang pasalamatan sila pero malayo na sila.

Nang mawala na sila ay bumaling ako ulit ng tingin sa lalaking walang malay.

Pinigilan na kita e, pero hindi ka nagpapigil-'yan tuloy bagsak ka.

-

Napakaganda ng araw. Ni wala akong makitang ulap sa kalangitan

Maraming mga tao ang nasa labas para suliting ang magandang panahong ito.

Lumabas ako mula sa sasakyan pagkatapos ipark ang sasakyan. Ilang linggo na rin akong hindi nakakapag-grocery kaya halos ubos na ang stock ko sa bahay kaya kailangan ko ng bumili. I made my way to into the store.

"Magandang araw po!" Magalang na salubong ng gwardiya. Ngumiti lang ako bilang tugon.

Habang namimili ako ng canned goods ay nakita ko ang isang lalaki na parang nakatitg sa akin. Hindi rin naman ito staff ng grocery store na ito dahil sa hindi naman 'to naka-uniporme. Lalapitan ko na sana ito pero agad rin naman itong umaalis sa tuwing gumagawa ako ng hakbang patungo sa kaniya.

Hindi ko nalang ito inisip at nagpatuloy sa pamimili.

Nang makuha ko na agad ang mga kailangan ko ay agad ko na itong binayaran sa cashier. Hindi rin naman ito karami kaya hindi rin ako mahihiralan sa pagbibitbit sa kotse nito.

"Thank you for coming Ma'am!" Masiglang saad ng gwardiya habang pinagbubuksan ako ng pinto. Agad akong naglakad papunta sa kung saan ko ipinarada ang sasakyan bitbit ang dalawang bag ng groceries.

Sa aking paglalakad ay naramdaman kong parang may nakatitig sa akin kaya ibinaba ko na muna ang mga pinamili ko at inilbot ang paningin sa likuran. Nakita ko ulit yung lalaking nakita ko sa loob kanina. Kinabahan na ako ng patuloy pa rin itong nakatitig sa akin kaya agad kong kinuha ang mga pinamili ko at mabilis na naglakad pabalik sa sasakyan.

Palingon-lingon kong binuksan ang sasakyan at agad na isiniksik ang mga pinamili ko pagkatapos pumasok na. Mabilis ang tibok ng puso ko kaya humugot ako ng isang malalim na hininga para mapakalma ang sarili ko.

Sino 'yun?!

Pumikit ako sandali pero ng ibuka ko na ang aking mga mata ay nakita ko ang isang lalaking nakatayo sa harap ng kotse ko. Matalim ang titig nito sa akin na para bang may balak na masama.