Chereads / Scars and Wings / Chapter 3 - Chapter 3

Chapter 3 - Chapter 3

Each day passed ay lalo na akong nahihiwagaan sa mga lalaking yun. Kahapon ay nakipag-away na naman sila sa isang lalaki at halos bugbog rin ang inabot ng lalaking 'yun kina Primo. Minsan nakikita ko rin sila sa eswkwelahan gayung hindi naman sila estudyante roon.

I'm still curios to that book. Parang nakalimutan na rin siguro nila Jasperson yung nangyari sa library dahil hindi naman nila kami tinambangan at sa tuwing magkakasalubong kami ay hindi naman sila kumikibo.

Palagi na rin sa coffe shop si Primo kaya hindi ako komportable sa tuwing nandoon ako sa coffe shop. Ganun pa rin ang mukha nito, walang ekspresyon at parang walang buhay. Napaka-misteryoso masiyado. Minsan nga ay nakikita ko silang tatlo sa kalsada tuwing madaling araw. Napagkakamalan ko na tuloy silang aswang dahil sa mga kinikilos nila. Pero masiyado silang gwapo para maging aswang.

"Kailangan niyong magsulat ng isang article tungkol sa mga nawawalang estudyante rito sa university," sabi ng head namin sa journalism club.

Nadadagdagan na naman ang nawawalang mga estudyante dito sa campus. At puro sila lalaki, lahat din ng mga nawawalang 'yun ay mga basagulero. Laging gumagawa ng gulo rito sa eskwelahan. Isang linggo na silang nawawala at pati mga awtoridad ay walang clue kung saan na ang mga ito.

Nakakapagtaka lang dahil sa puro lang naman lalaki ang nawawala. Miyembro kaya sila ng isang fraternity. Pero wala naman akong nababalitaang may Fraternity dito sa university. At kung mayro'n man, ang eskwelahan ay gagawa agad ng aksyon.

"Para maaware na rin ang mga estudyante sa nangyayari," dagdag pa nito.

Tiningnan ko ang oras ng pagkawala nila at lahat ng yun ay madaling araw. It's strange. Madaling araw sila lahat nawala at sabi pa ng mga magulang nila ay nasa bahay lang daw yung mga anak nila. How could be na nasa bahay lang? Kasi kung nasa bahay lang sila ay imposibleng ganun lang sila kadali nawala ng 'di man lang nalalaman.

"Sige po," seryoso kong saad.

"I guess that was all for today," tumayo kaming lahat at kinuha ang mga gamit sa mesa ko at inilagay ito sa bag." Meeting dismissed."

Dumiretso na ako sa kalapit na 7/11 katabi ng university. Naghihintay na sa akin si Van doon. Pagkapasok ko ay agad akong umupo katapat ni Van. Naka-order na rin siya kaya 'di na ako nag-abalang bumili pa ng pagkain.

"Ako nga rin ay natatakot na. Kahit na mga lalaki lang ang nawawala ay kailangan pa rin nating mag-ingat mahirap na," seryosong ani nito habang kumakain. Pinag-usapan namin ang misteryosong pagkawala ng mga kalalakihan.

"Sabagay, hindi natin alam ang nangyayari sa lugar natin ngayon," pagsang-ayon ko.

"Nga pala, anong nangyari sa meeting niyo?" Tanong nito. Ako kasi nasa journalism club habang siya ay sa theatrical club.

"Pinapasulat kami ng article," tipid kong sagot at uminom ng tubig. "Kakapagod nga eh, ang dami ng gawain dagdag pa sa isip ko ang..."

"Ang?"

"Wala, kalimutan mo na yun." I smiled.

Sabay kaming napatingin ni Van sa may pinto nang may kalalakihang pumasok. Hanggang dito ba nandito ba naman makikita ko sila. Sinusundan ba nila kami?

Sinundan ko sila ng tingin habang pumipili sila ng pagkain. Napatingin pa sa amin si Jasperson kaya kinabahan ako pero agad rin naman niya itong inalis kinalaunan at bumaling kay Primo na nagtatanong kung anong gusto niyang pagkain.

Nagkatitigan pa kami ni Primo nang kumuha siya ng isang drinks. He's eyes mets mine. Pero nagulat ako ng biglang may nakita akong apoy sa mga mata niya. Sa tuwing nakatitig ako sa mukha niya ay parang wala itong buhay pero ang mata niya-it tells a lot. A blazing fire on his eyes. Agad rin naman siyang bumalik kina Christian at sabay na tinungo ang cashier para bayaran ang mga kinuha nila.

Lumabas na rin sila pagkatapos bayaran ang mga 'yun.

"Anong nangyari sa iyo?" Pagtatakang tanong ni Van. "Ba't parang natulala ka?

"Nakita mo ba 'yun?" Tanong ko sa kaniya, kumunot pa ang noo nito at tinitigan ako.

"Ang alin?"

"Yung mga mata niya."

"Anong mayroon sa mga mata niya?"

Siguro guni-guni ko lang 'yun. Ang dami ko na kasing iniisip kaya baka nag-i-imagine lang ako. Pero kita ko talagang nag-apoy ang mga mata niya.

-

HALOS mag-aalas nuwebe na ng gabi nang matapos kaming magsulat. At halos wala ng tao rito sa campus. Kaniya-kaniya na kaming paalam at nagsimula na akong maglakad mag-isa palabas. Takot pa naman akong mag-isa. Parang nagsisisi tuloy ako na pinauna ko ng pauwiin si Van. Habang naglalakad ako palabas ng campus ay biglang may tumakbong pusa kaya halos atakihin na ako sa puso.

"I can manage to go home. 'Di ako natatakot," I mumbled to myself. Pero kahit na anong sabihin ko sa aking sarili ay 'di pa rin no'n mababago na natatakot pa rin ako. Naalala ko pa 'yung mga lalaking nawawala kaya mas lalo ko pang binilisan ang paglalakad.

Nagpaalam na ako sa guard nang makalabas. Sobrang tahimik na rito sa labas, at wala na akong masiyadong nakikitang sasakyan. Tiningnan ko ang oras sa relo ko. Quarter to ten na pala kaya halos wala na akong makitang tao dahil sa may curfew.

Dahil sa wala ng sasakyan rito ay napilitan na akong maglakad papuntang plaza. Doon na lang akl maghahanap ng masasakyan.

Sa kalagitnaan ng aking paglalakad ay nakita ko sila Primo. May mga tanong agad na nabuo sa isip ko. Parang may pupuntahan ito na importante dahil sa nagmamadali ito. Sa'n sila pupunta? The inner me wanted to go home, dahil sa natatakot na pero ang kuryosidad ko ang nangingibabaw at nakita ko na lang ang aking sarili na nakasunod na sa kanila. Sa tuwing lumilingon sila sa kanilang likuran ay nagtatago ako.

Patuloy lang ako sa pagsunod sa kanila hanggang huminto sila sa isang bahay na madilim. Inilibot pa nila ang kanilang paningin bago pumasok. Agad akong lumapit sa bahay nang makitang nakapasok na sila. Sinubukan kong humanap ng ibang daan para makapasok dahil sa isinirado nila ito, pero wala akong nahanap. Anong ginagawa nila rito? Anong gagawin nila sa isang lumang bahay at kaydilim pa.

Hinugot ko ang aking celphone mula sa sa bulsa. Dahil sa hindi naman ako makakapasok rito, kukunan ko na lang ng litrato itong bahay na ito para hindi ko makalimutan. There's something about them.

Nang matapos ko ng kunan ito ng litrato ay napatalon ako sa kinatatayuan ko nang may marinig akong ingay nanagmumula sa loob.

Agad akong tumakbo dahil sa takot na nadama. Biglang lumakas ang hangin dito sa kinaroroonan ko at biglang dumilim. May narinig akong isang tunog na hindi ko mawari kung ano.

Napatingin ako sa taas ng may parang isang ibon ang napadaan sa itaas ko dahil sa biglang nagdilim ang kinatatayuan ko ng ilang segundo. Dinagdagan pa ng sabay-sabay na pag-alulong ng mga aso sa paligid kaya binilisan ko na ang paglalakad ko para makauwi na ng bahay.

Pagdating ko sa bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto at siniguradong naka-lock ang pinto. Hindi ko lubos maintindihan ang kaba na nadarama pero mas nangibabaw ang mga tanong na nasa isip ko. Who are they?

Nang makaligo na ako at makapagbihis ay naglakad na ako papuntang kama pero natigilan ako ng may makita akong bagay sa sahig. Kinuha ko ito at nalamang isa itong itim na balahibo ng ibon. Tiningnan ko ang kabuoan ng aking kwarto. Pa'no ito napunta rito?