Inis akong naglakad pabalik kina Van at Joel pagkatapos umupo kaagad pagkarating. Natigilan sila sa pag-uusap at sabay na napatitig sa akin nang makitang badmode ako. They asked me what happened.
"Wala may nakita lang akong isang lasing," sagot ko sa tanong nila.
"Ganun ba," sambit ni Van.
Nagpatuloy ulit sila sa pag-uusap at hindi na muna nila ako kinulit dahil siguro nakita nila na wala akong ganang makipag-usap.
Ano bang problem ng lalaking 'yun at bakit ganun ang ugali? Nakatitig pa rin ito sa mga sumasayaw pero wala na itong hawak na inumin ngayon. Those eyes. Anong mayroon sa mga matang 'yun?
Mga ilang minuto ang lumipas ay dumating na ulit si Jasperson. Lumalit siya kay Primo at may ibinulong. Pagkatapos naglakad patungo sa labas. Sa'n kaya sila pupunta?
"Punta muna ako sa comfort room," paalam ko kina Joel nang maramdamang naiihi ako. They just nodded.
I find my way to comfort room. May nakakasalubong pa akong mga lasing na halos bumangga na sa akin dahil sa kalasingan. I hate drunk people.
"So-so-sorry," hindi ko na maintidihan ang salitang lumabas sa bibig ng babaeng bumangga sa akin. Pangit-ngiti pa ito habang humihingi ng tawad. Binato ko lang ito ng pekeng ngiti at nagpatuloy sa paglalakd.. Kainis ba naman 'yan oh!
I used my hand to straightened up my dress. Kaiinis yung babaeng yun! Kahit sobrang lasing na hindi pa rin umuuwi. Iba rin ang tibay ng bituka.
Pagkatapos kong gumamit ng banyo ay tiningnan ko ang sariling repleksyon sa salamin at isinukbit sa tenga ang kumawalang buhok. Agad na rin akong lumabas pagkagkatapos. Pagkalabas ko ay nahagilap ng mga mata ko sila Primo na nag-uusap. Parang nag-aaway 'ata sila. Isang ideya ang pumasok sa isipan ko at ito ay ang pakinggan ang pinag-uusapan nila. Nung una ay nagdalawang isip pa ako sa ideyang yun pero nanaig pa rin itong pagkauhaw ng utak ko sa impormasyon tungkol sa kanila.
Nagtago ako sa gilid ng pader para pakinggan kung ano ang pinag-uusapan nila.
"Kailangan mahanap natin 'yun," nanggigil na saad ni Primo habang sila Christian at Jasperson ay nakayuko lang. Parang natatakot sila kay Primo, base sa nakikita ko. Pero anong hinahanap nila?
Lumapit ako ng kaunti para mas lalong marinig ang pinag-uusapan nila.
"Pinuntahan na namin ang mga lugar na napuntahan natin pero wala talaga," paliwanag ni Christian.
Tumalikod si Primo at nakita ko ang pagka-irita nito.
"Kailangan na nating mahanap yun bago pa tayo maunahan," Primo said angrily. "At kung maunahan nila tayo-"
"Primo, nandito sila Gael at Cael," putol ni Jasperson. Sabay silang napalingon sa gitna ng dance floor kung saan may bakita akong dalawang lalaki na pilit isinisiksik ang kanilang mga sarili sa nagsasayawan sa gitna. Mukhang patungo sila rito.
Tiningnan ko sila Primo, at nalaman kong nakatitig lang sila sa dalawang lalaking paparating pero binasag din ni Primo ang pagtitig nila sa mga 'yun makaraan ang ilanh minuto.
"Bilis, sa labas. Hindi tayo pwedeng gumawa ng gulo rito?" Utos nito at agad na rin silang naglakad para lumabas. Anong nangyayari? Sino ang dalawang lalaking yun?
Nang makalabas na sila Primo ay sumunod na rin si Gael at Cael na parehas nakasuot ng itim na damit. Matangkad sila at maganda ang hubog ng katawan. Nang dumaan sila sa harap ko ay nakaramdam ako ng kakaiba pero hindi ko mapaliwanag kung ano.
Sinundan ko sila nang palihim sa labas. Pero nag-ingat ako para hindi nila mahalata na may sumusunod sa kanila. Bakit parang hinahabol nila sila Primo? Patuloy ko lang silang sinundan hanggang sa huminto sila sa madilim na parking space ng establisyemento. Nakita ko sila Primo na naghihintay kina Cael at nang dumating na ang mga ito ay nagkatitigan muna sila. Bumalot ang katahimikan na ikinatakot ko.
Nagtago ako sa pulang sasakyan at palihim silang tiningnan. May parte ng katauhan ko ang bumubulong na hindi magandang ideya itong pagsunod ko sa kanila pero nandito na ako at kailangan kong malaman kung anong nasa kanila, dahil sa kahina-hinala talaga ang mga kilos nila.
"Primo and his birds," Cael started and laughed. I felt that the ambiance here has changed in a sudden. At parang tama nga siguro na hindi magandang ideya na nandito ako.
Primo smirked, "what brought the two of you here?"
Tumawa si Gael na ikinunot ng noo ni Primo. Nakatitig lang sila kina Gael. Parang nakikiramdan sa posibleng mangyari.
"Nagbubuhay tao na pala kayo ngayon," saad nito. I don't know if I will take that sarcastically or literally. Pero 'di ko talaga maintindhan kung anong punto ni Gael.
"Anong pakialam mo?" Ngayon nakikita ko na ang mga mata nilang lima na nagsisimula ng mag-iba. Randam ko na ang tensyon sa paligid.
"Ibigay mo na kasi ang relic," seryosong ani ni Cael. "'Yun lang naman ang kailangan namin."
Ngumisi sila Primo na kinainis ng kabila.
"Pa'no kung hindi namin ibigay? Ano papatayin niyo kami?" Nakangising saad ni Primo.
"Kung 'yan lang ang tanging paraan." Sagot ni Gael at humugot ng baril at itinutok ito kina Primo.
Halos atakihin na ako sa puso ng biglaang tumunog ang celphone ko sa bulsa. Napamura nalang ako dahil sa gulat. Yumuko kaagad ako para hindi nila makita. Bweset!
"What's that?" I heard somone asked.
I quickly took my celphone from my pocket and turn it off. Bakit ngayon kapa tumawag Van? Napahilamos nalang ako sa sarili kong mga palad dahil sa kaba. Ngayon, sigurado akong mahuhuli nila ako.
Umupo nalang ako habang nakatabon parin ang dalawa kong mga kamay sa mukha ko. Pinagsisihan ko na ngayon kung bakit ko pa sila sinundan. Sana namalagi nalang ako doon kina Van. Humugot ako ng isang malalim na hininga para mawala itong kaba na nararamdam ko.
Kita ko ang isang anino na papalapit sa akin pero bigla itong huminto. Salamat. Narinig ko nalang nang may biglang sunod-sunod na putok ng baril ang umalingaw-ngaw sa buong paligid kaya napatakip nalang ang aking mga kamay sa tenga ko. Ano yun? Anong nangyayari?!
Kahit na natatakot ay sumugal pa rin akong tingnan kung anong nangyayari at nanlaki nalang ang mga mata ko nang makita na may itim na pakpak ang nakaharang kina Primo.
Saan galing ang mga pakpak na 'yan?! At bakit nakaharang ito sa mga katawan nila? At bakit sila may ganun? Ano sila? Sino sila? Maraming mga tanong ang pumapasok sa isipan ko dahil sa aking mga nakikita.
The bullets were just bouncing as Gael and Cael kept on firing them. Hindi man lang ito natatablan. The wings were like made of steel.
I gulped when I realized that I almost my breath because of shock. Nang huminto na sa pagbaril sila Gael ay gumalaw bigla ang pakpak nila at parang hinigop ito ng likuran nila Primo.
What are they? Are they angels?
They are now shirtless and I can barely see their naked body. Biglang naglabas ng isang espada si Christian at Jasperson pagkatapos sinugod sila Gael. Ngayon, kitang-kita ko na may mga pakpak sila.
Naalala ko yung balahibo na nakita ko sa kwarto. Parehang-pareha ito sa mga balahibo ng pakpak nila. Ibig sabihin, hindi sa ibon 'yun kundi galing sa kanila.
Hindi tinamaan ni Christian si Gael dahil sa humarang ang mala-bakal nitong pakpak. Gumanti si Gael ng putok kay Christian pero ulit na humarang ang pakpak nito. Nang naubusan na ng bala si Gael ay itinapon niya ang baril pagkatapos sinugod si Christian. Para silang mga ibong nag-aaway sa himpapawid. Ang mga pakpak nila ay parang espada dahil sa ito ang ginagamit nila bilang sandata.
Lumipad si Christian patungo kay Gael at ikinulong niya ito sa kaniya mga pakpak. Nagpaikot-ikot ito sila taas hanggang sa tumilapon si Gael sa lupa nang ihagis ito ni Christian. Napadaing si Gael dahil sa sakit. Hindi na ito nakatayo pa dahil sa naging abo ito bigla nang saksakin ito ni Primo gamit ang espada niya.
"Sorry," bulong pa nito. Hindi parin ako makapaniwala ngayon sa aking nakikita. Para akong nanonood ng isang palabas lang pero totoo ito. Totoong may mga pakpak sila.
Naging abo na rin si Cael kinalaunan ng barilin siya ni Jasperson. Nakita kong nawala bigla ang mga pakpak nila. Tiningnan nila ang abo nila Gael at Cael.
"Kailangan na nating maunahan sila bago nila malaman na wala sa atin ang relic," sila? Kung ganun marami pa sila?
They leaved the parking space without a shirt. I am still shocked for what I see. Kaya pala noong una ko silang makita ay may kakaiba na akong naramdaman sa kanila
Yung takot na nadama ko kanina ay napalitan ng mga katanungan. Mga katanungan tungkol sa totoo nilang katauhan.
Human with wings?