What will you choose?
Tinext ko si Zoid na magmo-mall kami ni Aldrich. Baka kasi pumunta sya sa bahay, wala ako. 1pm ako sinundo ni Aldrich sa bahay, then dumiretso na kami sa mall gamit ang motor nya.
Tinanong ko nga kung bakit motor ang dinala nya eh may kotse naman sya. At alam nyo kung anong sinagotnya?
BASTA.
Oh, diba? Parang si Zoid lang.
Pagpunta namin sa mall, bumili kami ng kung anu-ano. Bumili rin kami ng pasalubong para kay Aki at pati na rin kay mommy. Syempre, makakalimutan ko pa ba ang maboy ko? Binilihan ko sya ng shirt sa bench. Pati si Aldrich binilihan ko rin. Wag na sila VJ, Ceejay at Dwayne. Dun sila magpabili sa mga mahal nila. Haha.
Nagpunta din kami sa arcade, nanood ng Bakit di ka crush ng crush mo? sa sine. After nun, nagpunta kami sa skating rink. Ayoko nga pumunta dun eh. Pinilit lang ako ni Aldrich.
"Drich, hindi ako marunong!" Hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan ko, samantalang sya, nalibot na ata yung buong skating rink.
"Kaya mo yan! Dahan-dahan lang." Nag-skate sya palapit sa'kin.
Ang daya! Palagi daw kasi sya nags-skating sa Japan. Eh, ako? First time ko 'to ^____^
Hinawakan nya yung dalawa kong kamay.
"Kapit ka lang sa'kin." Utos nya. Hinawakan ko sya ng madiin sa kamay at dahan-dahan syang nags-skate ng paatras. Hila-hila nya ako.
Pabilis ng pabilis ang pag-atras nya hanggang sa bitawan na nya ako. "Sige lang! Dire-diretso lang."
Left, right, left, right..
KYAAAAA!!!! Na-gets ko na kung pa'no!!!
"Nice one! Habulin mo nga ko kung marunong ka na!"
Zoid's POV
"Hoy, pinsan! Bawal sa'yo ang alak, ah!" Saway sa'kin ni VJ.
Nandito kami sa bar ni CeeJay. Nagyaya ang mokong eh. Sayang wala ang Louise ko.
8pm na, pero wala pa rin akong natatanggap na reply sakanya. Kanina ko pa sya tinetext. Nyemas na Aldrich yun! Kapag may nangyaring masama kay Zai, pupugutan ko ng ulo yun.
Magkaroon lang kahit simpleng gasgas si Zai, bubugbugin ko talaga sya.
Aish! Nakakainis!
Ayoko sanang pumayag na mag-mall na SILANG DALAWA lang. Kaso, bestfriend sya ni Zai. Alam ko kung gaano ka-importante sakanya yung mga kaibigan nya. Ayoko namang paghigpitan sya.
"Wala si Zai kaya walang taga-tungga ng alak nya. Haha." -Yat
"Yan! If me ang pinili mo...."
"Tumigil ka nga, Conyo! Hindi ka nga kasi bagay kay Zoid." -Ceejay
"Si Ceejay kasi ang bagay sa'yo! Hahaha." -Dwayne. Nahawa na sa kabaliwan ni Sophi -.-
"Pa'no na yan, Zoid? Gwapo daw yung Aldrich." -Sophi.
Tinungga ko yung tequilla na nasa shot glass ko tapos nagsalin ng panibago.
Tsk. Mas gwapo pa rin ako sa mokong na yun.
"Tapos dati pa sila magkakilala." -Yat
"Ang magandang pag-iibigan ay nag-uumpisa sa mahabang pagka-kaibigan." -VJ
Ininom ko ulit yung tequilla na nasa shot glass. Medyo nahihilo na ko. Kanina pa kasi ako umiinom. Wala namang umaagaw. Wala kasi yung Louise ko...
"Samantalang, nung fourth year lang kayo nagkakilala." -Sophi
"Pero sila... sobrang tagal na. Kilalang-kilala na talaga nila ang isa't-isa. Pa'no na yan, Zoid?"
Leche 'tong mga 'to =____=
Ininom ko ulit yung nasa shotglass at nagsalin ng panibago.
"Me nalang kasi, babe."
"Di nga sabi pwede! Tumahimik ka na nga lang dyan! Pinapainit mo ulo ko." Sabi ni Ceejay na ang sama ng aura. Tsk. Bagay silang dalawa -.-
"MANAHIMIK NGA KAYONG LAHAT! Di kayo mga nakakatulong." Tumayo ako at nagsimulang maglakad, pero nakaramdam ako ng matinding hilo hanggang sa....
black out.
Chloe's POV
Natumba si babe dahil sa kalasingan. Good thing nasalo ko sya.
"Uhh, guys... me nalang maghahatid kay babe sa condo nya. Magkatabi lang naman kami ng unit eh. So, diretso uwi na rin me."
"Kaya mo ba yan?" Tanong ni VJ
Parang... hindi... he's so heavy kasi.
"Okay lang. Si babe naman 'to eh." I placed his arm on my shoulder then I put my arm aound his waist.
"Ako nalang ang maghahatid kay Zoid."
"I don't like nga! Gusto ko me."
"Ako nalang nga!"
"Sabi ko, ME!"
"Kayong dalawa nalang kaya? Ingay nyo. Tsk. Umalis na nga kayo. Ang ingay nyo."
"Baka nakakalimutan mo, VJ. Bar ko 'to! Bar ko!"
Tumawa lang sila.
Inalalayan namin ni Pervert si Zoid. Car ni Perv ang ginamit...
***
"Zailie?"
(Oh?)
"Where are you ba?"
(Sa labas ng mall. Naka-upo sa bench kasama si Aldrich.)
"Oh, well. Ako, kasama ko si Zoid. Sa unit nya.... kami lang."
Tinitigan ako ng masama ni Perv. Nasa loob kami ng kwarto ni Babe. He's natutulog na. Kami naman ni Perv is nakatayo sa tapat ng bed ni babe.
(WHAAAAAT? A-ANONG GINAGAWA NYO DYAN?)
I make my phone layo on my ear. Gosh! Babasagin ba nya ang precious eardrum ko?
"I will make gahasa him kung hindi mo sya pupuntahan dito. Is that clear? Bahala ka, lasing pa naman si Babe."
Hindi ko na sya inantay magkasagot, I hung up the call agad.
I looked at Perv again. He's glaring at me.
I mentally giggled. He's jealous I know. Kanina ko pa sya pinagseselos and as I can see, effective naman.
Duh? As if naman ME ang mang-gagahasa kay Babe.
Pwede namang si Perv ang gahasain ko, diba?
Haha.
Zai's POV
"Haist. Nakakapagod." Umupo kami ni Aldrich sa bench which is nasa labas ng mall. Sya ang may hawak ng lahat ng paper bag.
"Na-miss ko 'to. Yung bonding natin together." Sabi nya. Nginitian ko lang sya.
Naalala ko, kanina pa nakapatay yung phone ko. Sabi kasi ni Aldrich, kung pwede daw masolo namin ang araw na 'to. Pinapatay nya yung phone ko para daw walang storbo.
Nilabas ko yung phone sa purse ko.
As I turned it on, panay ang blink.
Ang daming messages ang pumasok. Ang dami ring missed calls. Karamihan galing lahat kay Zoid.
> Good luck sa malling nyo ng bestfriend mo, Louise ko :*
Napangiti ako sa text nya. Napaka-swerte ko talaga sakanya. Hindi sya gaya ng ibang boyfriend na sobrang seloso na halos sakalin na yung girlfriend.
> Louise ko, txt mo ko kapag nakauwi ka na. Labyu :*
> Nagyaya c Ceejay sa bar nya. Punta aq ah?
> Hnhanp ka nla Yat, sbi ko nagmall k kasama ng bestfriend mo. Ingat ka. Labyu ulit :*
> Wla bang reply dyan? Hehe. Enjoy ka lang dyan :) D aq nagseselos. Medyo lng. hehe.
"Makangiti wagas, ah." Napansin pala ni Aldrich yung ngiting wagas ko. Haha.
Nginitian ko lang sya tapos maya-maya, may tumatawag.
Si Chloe..
Bakit naman kaya tumawag 'to?
(Zailie?)
"Oh?"
Wag na kayong magtaka! Walang kamustahan ang nagaganap sa'ming dalawa. Ahahaha ^,^
(Where are you ba?)
"Sa labas ng mall. Naka-upo sa bench kasama si Aldrich."
Narinig kong tumawa ng mahina si Aldrich. Pa'no, talagang sinabi ko kung nasaan kami EXACTLY.
(Oh, well. Ako, kasama ko si Zoid. Sa unit nya.... kami lang.)
O______O
WTF!!!!
"WHAAAAAT? A-ANONG GINAGAWA NYO DYAN?"
Aldrich looked at me na parang nagtatanong kung bakit ako sumigaw. I lifted my right hand as a sign na mamaya ko sasabihin. Tumango naman sya.
(I will make gahasa him kung hindi mo sya pupuntahan dito. Is that clear? Bahala ka, lasing pa naman si Babe.)
*toot* *toot*
She hung up. Tsk.
Teka nga,
LASING?
Aish! Bakit naglasing ka, maboy! Alam mo naman bawal sa'yo yun eh! Wala ako, wala tuloy taga-agaw ng alak nya.
Si Ceejay kasi eh! Haha. Sinisi daw ba?
"Ano yun, Zailie?" Tanong ni Aldrich with worried expression.
Tinatawag lang nya ko sa pangalan ko kapag seryoso sya.
"Si Zoid kasi eh."
"Ano daw?"
"Lasing. Bawal pa naman sakanya yun. Atsaka, baka ma-rape sya."
Mauunahan ako ni Chloe!!! Waaaa ~>o<~
"Aldrich, pupunta ko sa unit ni Zoid. Magta-taxi nalang ako."
Nagmamadali kong binalik yung phone ko sa purse at mabilis na tumayo. Hinawakan nya ko sa elbow.
"Bakit, Drich?"
"Pwede bang magtanong?" Seryoso yung itsura nya.
"Nagmamadali ako eh. Pero sige, ano yun?"
Aish. Hindi ako mapakali. Hindi ako kinakabahan dahil baka gahasain sya ni Chloe. Alam ko namang si Ceejay na yung bagong target ng babaeng yun eh. Kinakabahan ako kasi uminom ng alak si Zoid. Pa'no na yan kapag sumikip na naman ang dibdib nya?
"Importante ba ko sa'yo?"
"A-ano bang klaseng tanong yan? Of course! Importante ka sa'kin! Bestfriends tayo, remember?" I answered, looking down at him. Nakatayo kasi ako, sya naman nakaupo pa rin sa bench.
Tinitigan nya ko ng matagal na parang hindi sya satisfied sa sagot ko.
"Ha!" Tumawa sya pero pilit. "Bestfriend! Tama. Bestfriend!" He looked straight to my eyes. "Tutal, bestfriend mo naman ako... pwede bang, ako muna ang piliin mo over your boyfriend?"
Natulala ako sa sinabi nya.
Ako muna ang piliin mo over your boyfriend?
Bakit kailangan ko pang mamili sakanilang dalawa?
Pareho silang importante sa'kin.
"Kahit ngayong gabi lang, Zailie. Pwede bang, ako muna?" He stood up and reached for my hand. "Please, Zailie. Kahit ngayong gabi lang." Kita ko sa mga mata nya ang pagmamakaawa.
"Pareho kayong importante sa'kin ni Zoid. Sobrang importante." Diniinan nya yung pagkakahawak sa kamay ko. "Pero mas importante sa'kin si Zoid. He needs me now, Drich. Sana maintindihan mo."
He slowly removed his grip on me. "Kelan lang ba kayo nagkakilala ng Zoid na yan?" Medyo galit yung tono nya. I somewhat felt nervous. This is the first time na makita ko syang ganito. Palaging calm and cool kasi sya.
"N-nung fourth year lang ako."
"Eh, tayo? Matagal na tayong magkakilala, diba? Bakit hindi nalang ako?"
"Drich, wala yun sa panahon! I love Zoid so much! At hinding-hindi magbabago yun!"
"Sinabi sa'kin ni tita na may heart disease sya. Iiwan ka rin nung lalaking yun! IIWAN KA RIN NY---- *SLAP*"
First time kong manampal. Manampal ng tao at talagang sa bestfriend ko pa nagawa yun.
He said too much.
Naramdaman ko nalang ang sunod-sunod na pagpatak ng luha ko.
Nakita ko kung pa'no lalong magalit yung mga mata nya.
"Wag kang magsasalita ng ganyan, Drich! Hindi mo alam ang nararamdaman at pinagdadaanan namin! Wala kang alam! Wala kang al----"
He cupped my cheeks hard then kissed me with so much force.
Tinulak ko sya ng malakas at pinunasan yung labi ko!
"BAKIT MO GINAWA YUN! ANO NA BANG NANGYAYARI SA'YO?" Galit na galit ako sakanya. Hindi pa rin nagpapaawat yung mga luha ko. Tulo pa rin ng tulo.
Wala na kong paki kahit pinapanood na kami ng mga tao.
"MAHAL KITA, ZAILIE! MAHAL NA MAHAL!" He paused, looked down then looked at me again. "Alam ko naman na mahal mo rin ako eh." He laughed bitterly. "Yun nga lang, bilang bestfriend. Okay na yun. At least mahal mo pa rin ako kahit hanggang bestfriend lang." Kinuha nya yung mga paper bag na nasa bench then left.
He left me dumbfounded.
Nung bumalik na yung diwa ko, nagpara ako ng taxi papunta sa condo ni Zoid.
Pagpasok ko sa unit nya, naabutan ko na nag-aasaran sila Chloe at Ceejay.
"Sayang. Dapat di ka nalang nagpunta here eh." Sabi ni Chloe na halatang nagbibiro.
I gave them a weak smile. Siguro napansin nila yun pero hindi nalang pinansin at umalis na sila. Mabuti naman.
This day is so exhausted.
Umupo ako sa kama ni Zoid at hinaplos yung makinis nyang mukha. I traced the bridge of his nose down to his lips.
I smiled naughtily, pero agad na nawala.
Naalala ko yung ginawa sa'kin ni Aldrich. I shook my head to forgot the memory. As if naman mawawala agad yun! Tsk. Nababaliw na ko >___<
"Hmmm... Louise ko." Dahan-dahan nyang minulat yung mga mata nya. He smiled. A smile that can captivate every girls' heart.
"Bakit ka uminom ng alcoholic beverage? Bawal sayo yun, diba? Bakit ba napakapasaway ng mahal ko?" Kinurot ko ng mahina yung magkabilang pisngi nya.
"Musta bonding nyo ng bestfriend nyo?"
Bigla na naman nag-flashback yung,... yung....
"O-okay lang. Tinuruan nya ko mag-skating."
Hindi ko na sinabi yung katarantaduhang ginawa sa'kin ni Aldrich. Ayokong malaman nya yun, because I'm protecting his emotions.
Everytime na sumasakit yung chest nya, sampu ang balik nun sa'kin.
"Okay lang ba pakiramdam mo, maboy? Chest pain?"
He shook his head nang hindi nakatingin straight in my eyes.
"Liar. Magsabi ng totoo, maboy!"
"Yes. But, there's nothing to worry about. Mild chest pain lang 'to."
"Anong lang? Teka, kukuha ako ng tubig."
May gamot na kasi na nakalagay lang sa ibabaw ng bedside table nya. Tumayo ako pero hinila nya ko pahiga sa tabi nya.
"Sanay na ko sa ganitong klaseng chest pain. Okay lang ako."
"Pero kas----"
"Dito ka nalang sa tabi ko. Mawawala rin 'to maya-maya."
I nodded. Hinihimas-himas ko yung chest nya habang nakayakap sya sa'kin.
I kissed his chest.
"That's better. Mas mabilis pa umipekto yung kiss mo kaysa sa gamot."
I chuckled.
"Pa'no ka nga pala napunta dito?" He asked.
"Nagtaxi ako."
"Louise ko!" Warning tone, eh?
"Hihi. Tinawagan kasi ako ni Chloe kanina eh."
"Anong sabi?"
"She will make gahasa you daw kapag hindi kita pinuntahan dito." >____<
He laughed. Bagay ba sa'kin maging conyo? Haha.
"Maboy, may tanong ako...."
He remains silent na parang inaatay yung kung ano mang itatanong ko.
"Sa lahat ng naging ex girlfriend mo, sino yung pinkagusto mo?"
"Bakit mo naman natanong yan?"
"Sagutin mo nalang!"
"Hmmmm..." He paused.
Mukhang sa dami ng mga naging girlfriend nya, nahihirapan syang mamili =___=
"Si Chloe."
"Bakit?"
"She's almost perfect. Maganda, mayaman, sexy, hot, poise na poise kumilos---"
"Eh, ako? Ba't mo ko nagustuhan?"
"Bakit kita minahal."
"Osige, bakit mo ko minahal? Anong meron ako?"
"Cute ka."
Eh?
"Yun lang?"
"Oo."
Hinampas ko sya sa braso.
"ANG DAYA MO! Ang dami mong sinabi kay Chloe, pero sa'kin CUTE LANG? Nakakainis ka!"
He chuckled again.
Oh my! Sarap pakinggan ng chuckle nya *O*
"Dun kasi kita minahal eh. Ang cute-cute mo kasi, aein!" Pinisil nya yung dalawa kong pisngi sabay halik sa noo ko.