Chereads / I Revenged On A Playboy (Tagalog) / Chapter 57 - Chapter 53: Surprise

Chapter 57 - Chapter 53: Surprise

Zai's POV

"Zailie, ang tagal naman ni babe eh!"

"Baka parating na yun."

"Pang-ilang sabi mo na yan, Zai?" Yat

Kanina pa kami nandito sa waiting shed sa gilid ng school. Nag-text kasi si Zoid kanina na inaantay na daw nya ko sa tapat ng gate. Pero nung nagpunta naman kami, wala sya.

Nasaan naman kaya yun?

"Sabi nya kasi kanina sa text, nasa tapat na daw sya ng schoolgate."

"Baka sa ibang school nagpunta?" VJ

"Oo nga. Baka ibang babae yung susunduin at na-wrong send lang sayo." Ceejay. I playfully elbowed him on his stomach and he just laughed in return.

.

.

.

.

.

"BULAGA!"

"NAMAN SOPHI! Why you nanggugulat ba?"

"Wala lang. Hahahahaha."

"Musta audition?" Tanong ko.

Nag-audition kasi yan sa DH brassband, majorette. Gusto nya daw ma-experience kaya hindi na sya sumali sa dance troupe. May sayaw-sayaw din naman daw dun. Yun nga lang, hindi pwede ang hiphop. Hello! Majorette nga, diba? Saan ka nakakita na naka-gala uniform tapos naghi-hiphop?

Ayan. Ang init na naman ng ulo ko. Si Zoid kasi nawawala eh. Hahaha

"Pasado ako at kasama ako sa audition part 2 bukas para sa mga napili. Sana mapasa ko din yun."

"Nice one. Ilibre mo kami, ah? Makakapasa ka nyan. Ikaw pa." Ceejay.

"Tss. Bolerong pervert." Bulong ni Chloe pero rinig ko. Pero si Ceejay mukhang hindi.

"Selos." Bulong ko kay Chloe tapos inirapan nya lang ako.

Close kaya yang si Ceejay at Sophi. Parang mag-kuya.

"Bakit may part 2 pa yang audition nyo?" Yat

"Ayun gusto nila eh. May magagawa ka?" VJ

"Kausap ka? Dun ka nga!" Tinulak nya si VJ palayo sakanya at lumapit kay Sophi.

"Skills na daw bukas eh. May rampahan pang magaganap >___< Kaya ko kaya yun? Nakita ko pa nga si PekengKyoot kanina. Binigyan nya ko ng tips. Hehe. Be confident and always smile. Ayun daw ang puhunan sa pagiging majorette."

"Akala ko ba flag bearer yung bruhang yun?" Sabi ko habang sa daan nakatingin. Baka sakaling dumating si Zoid.

"Ewan. Nagbabaton na sya eh. Baby, samahan mo ulit ako bukas, ah? Para may lucky charm ulit ako."

"Hmmm... may practice kami ng basketball bukas eh."

"Amp. Okay lang."

"Pero pupunta pa din ako. Hahabol nalang ako sa practice."

"Talaga? Salamat."

Tumingkayad si Sophi para mayakap si Dwayne.

"Ewwwww.."

"Inggit. Walang lovelife." Ceejay

"Bakit ikaw, meron?" Chloe asked, hands on her hips.

"Oo. Daming babaeng nagkakandarapa sa'kin dyan."

"Ewwww... So mahangin!" Pinaypay nya yung kamay nya.

"Tara na labs." Hinatak ni VJ si Yat. "Bye, guys! Una na kami. Ingat kayo!" Sigaw nya sa'min habang kinakaladkad palayo si Yat.

"W-wait! Zai, tawagan mo!" Sigaw din ni Yat.

Bopols ko talaga >…< bakit di ko naisip yon?

I took my phone out of my skirt pocket then dialled his number. Pangalawang ring palang, sinagot na nya.

[Louise ko,] Bungad nya.

"Nasaan ka?"

[Oh sht! I'm so sorry. Nagka-emergency bigla.]

"Ah," wish he didn't feel my disappointment.

[Nasa school ka pa ba? Pupuntahan nalang kita dyan.]

"Wag na. Baka kailangan ka dyan. Ano.. uh..." tumingin ako sakanila, pinapanood nila ako habang kausap ko sa phone si Zoid. "Sasabay nalang ako kina Chloe."

[You sure?]

"Oo. Sige na. Bye na. I love you."

I saw Chloe mouthed 'Yuck'. Natawa nalang ako ng bahagya.

Wala na kong narinig na salita sa kabilang linya. Nung tinignan ko yung phone ko, wala na pala yung call.

"Ako nalang maghahatid sa'yo pauwi."

Hinawakan ako ni Chloe sa braso at hinila palayo kay Ceejay.

"No way! Hindi sya sasabay sa isang pervert like you!"

"Selos ka lang eh."

"Ofcourse not!"

"Edi worried ka lang kay Zai?" Dwayne, yung tono nya may halong pang-aasar.

Haay nako! Masama talagang kasama palagi si Ceejay. Idagdag mo pa si VJ.

Yung mukha ni Chloe parang natataranta sa kung ano ang isasagot. "ARGH!" Bigla syang lumapit kay Ceejay at sinabunutan.

"Hey!... Outch! Ba... bakit ako ang sinasabunutan mo?... DMN!"

Halos nakayuko na si Ceejay dahil sa pagsabunot sakanya ni Chloe.

Nagkatinginan kaming tatlo nila Dwayne at Sophi at sabay na natawa.

"Zailililing!"

"Ostrich,"

"Pare," bati ni Dwayne sakanya. Ngumiti naman sya at tumango.

"Hindi ka pa umuuwi?"

"Obvious ba! Sabay na tayo."

"Sige. Dapat pala yung motor ang dinala ko." Mahinang sabi nya.

Medyo nagtaka ako pero hindi na nagtanong pa.

Nag-goodbye ako kay Sophi at Dwayne pati na rin sa nag-aaway na si Chloe at Ceejay.

"Ayaw mong tumigil, huh?" Binuhat nya si Chloe na parang sako ng bigas. Kawag naman ng kawag si Chloe.

Ayun yung huling nakita ko kasi umalis na kami ni Aldrich. Sila Sophi naman, nauna pa sa'ming umalis.

***

After dinner, harap agad ako sa laptop ko. Pinapanood ko yung moment ni Chanyeol at ni Dara sa MAMA award. Grabe, ang swerte ni Dara Park. May G-Dragon na, may Chanyeol pa. Ansabe? Tapos eto namang si Kris, mukhang na-attract din sakanya. Dalawa sila ni Chanyeol na nahuhuling tumitingin sakanya. Yung tingin ni Kris! Shet.. haha. Pero mas madalas mag-stolen glances si Chanyeol kay Dara.

Ang swerte mo daw, Dara, sabi ni otor! Nabihag mo ang mga pantasya nya. Hahaha^^

*knock... knock... knock*

"Bukas po,"

The door creaked open, "Louise, nasa baba si Zoid."

"Wait lang po," pinause ko muna yung pinapanood ko atsaka tumayo at lumabas ng kwarto ko.

"Anong nangyari sa'yo?" Nag-aalalang tanong ko. Hinawakan ko sya sa magkabilang pisngi para makita ng maigi yung sugat sa gilid ng labi nya at pasa sa bandang cheek bone.

"Teka, gagamutin ko yan." Tumaliko ako at akmang aalis na para kunin yung first aid kit kaso hinawakan nya ako sa kamay para pigilan.

"Okay lang ako."

"Anong okay? Nakita mo na ba yung itsura mo ngayon? Ano ba kasing nangyari? Dapat pinagpabukas mo nalang yung pagpunta dito. Dapat nagpahinga ka nalang muna."

"Pumunta ko dito kasi gusto kitang makita."

"Lagi naman tayo nagkikita, eh. Pero sagutin mo muna yung tanong ko. Anong nangyari sa'yo?" Tignan ko yung sugat at pasa nya sa mukha pagkatapos ay iniangat yung kanang braso nya na may konting gasgas. "Nakipag-away ka ba?"

Umiling lang sya.

"Hindi? Eh, bakit nga?!"

Hindi sya sumagot at mukhang hindi sya sasagot. Nakatingin lang sya sa mga mata ko.

"Ayan ka na naman, eh! Naglilihim ka na naman!" Tumalikod ako at padabog na umakyat papunta sa kwarto ko.

Narinig ko pa nga syang tinawag ako pero hindi ko sya pinansin.

Eto na naman. Away na naman kami.

"Louise ko," katok sya ng katok pero hindi ko sya pinapansin.

Napatingin ako sa laptop. Nagpi-play yung mga pictures namin ni Zoid na sinet ko as a screen saver.

Ginalaw ko yung pointing device ng laptop then closed all the windows then shut it off.

Patuloy pa rin sa pagtawag ni Zoid sa pangalan ko habang kumakatok. Hindi ba sumasakit yung kamay nya?

*knock... knock... knock*

*knock... knock... knock*

*knock... knock... knock*

"ISANG KATOK MO PA, HINDING-HINDI KITA MAPAPATAWAD!"

*.....*

Edi tumigil ka sa pagkatok ngayon? Joke lang naman yung sinabi ko eh. Ikaw pa? Tsk.

"Sige na nga. Di na kita kukulitin.... bukas nalang. Basta I love you, Louise ko. Goodnight and dream of me."