Chereads / I Revenged On A Playboy (Tagalog) / Chapter 59 - Chapter 54: Accident

Chapter 59 - Chapter 54: Accident

"Ang tagal naman nun. Sigurado ka bang susunduin ka nun?" Tanong ni Aldrich.

Pareho kaming nakatayo sa tapat ng gate namin, inaantay si Zoid. Actually kanina pa kami nag-aantay at kanina pa rin sya reklamo ng reklamo. Sya rin naman may kasalanan eh. Sabi ko sakanya kanina na mauna na sya pero ayaw nya.

"Baka na-traffic lang." Sagot ko.

Nasaan na ba kasi ang maboy ko? Usually kasi sobrang aga nya pumupunta sa bahay. Yung tipong kakatapos ko lang maligo. Pero ngayon, malapit na kaming ma-late pero wala pa rin sya. Medyo kinakabahan na tuloy ako.

"Traffic. Tsk."

"Mauna ka na kasi."

"Ayoko!"

Sabi sainyo eh. Reklamo ng reklamo pero ayaw naman mauna -.- Ano kaya yun?

Nilabas nya yung phone nya at inabot sa'kin, "Tawagan mo. Kabisado mo naman siguro yung number nung MABOY mo."

Teka nga! Bakit parang tonong galit yung pagkakasabi nya ng maboy? Highblood si koya =___=

"Wag nalang. Baka may emergency. Maybe nagtext sya kanina na hindi nya ko masusundo. Hindi pa naman nya alam na nawawala yung phone ko. Tara na."

Hinila ko na sya papunta sa kotse nya. Bakit kaya ngayon ko lang naisip ang bagay na yun?

He started the engine. "May kilala ka bang Zailie Louise Alvarez?" Nakangiti nyang tanong habang nakahawak ang dalawang kamay sa manibela.

"Ano bang klaseng tanong yan? Ako yun eh!"

Lumapit sya sa'kin at pinitik yung noo ko. "Ang slow mo. Pick-up line yun, miss. Pick-up lines!"

"Oo na. Wag na magalit." Natawa ako ng bahagya. "Bakit?"

"Pakisabi naman sakanya, mahal na mahal ko sya." Nag-flying kiss sya sa'kin.

"Ah ganun?" Tumalikod ako sakanya at akmang bubuksan yung pinto ng kotse pero mabilis nya kong pinigilan.

"Easy ka lang, bespren." He paused then turned me so that we were facing. "You are not mine and you can't be mine, but please let me show and tell you how I really love you . . . kahit na sa pabirong paraan."

"Sinasaktan mo lang sarili mo."

He shook his head.

"Not unless you'll feel awkward with me. Wag ka sanang maiilang. Huh? Huh?"

Parang bata.

Hindi ako sumagot hanggang sa hinipan nya ng malakas yung mukha ko.

"ANG BABOY MO!" Sinabunutan ko sya pero tumawa lang sya ng malakas.

Ang bango ng hininga nya. Looks like pareho pa ata sila ng brand ng mouthwash na gamit ni Zoid. Aww.... miss ko na agad si Zoid ;'(

Pagkarating namin sa university, una kong nilapitan ang bulletin board. Nakapaskil na kasi dun ang mga nakapasa sa first stage audition ng mga gustong makasali sa dance troupe. Out of 300 auditionist, 60 lang ang nakapasa.

"OH MY GOD! MATUTUMBA!"

Napalingon ako nang may babaeng sumigaw.

Sa'kin ba sya nakatingin?

"MISS, UMALIS KA DYAN!"

Paglingon ko ulit sa bulletin board, unti-unti na syang bumabagsak.

Masyadong mabilis ang pangyayari at nakarinig nalang ako ng isang napakalakas na ingay.

Natumba ako at napapikit sa sobrang sakit. May napakabigat na bagay ang nakadagan sa'kin. Nahihirapan man, pinilit ko pa ring idilat ang aking mga mata.

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

"A-Aldrich," only word came out from my mouth. Nanginginig ang buong katawan ko sa takot.

"Aldrich!" Nanlabo ang mga mata ko at sa ilang segundo lamang ay nag-uunahan na sa pagpatak ang mga luha ko.

He saved me.

Nakadagan sya sa'kin at nakadagan naman sa likuran nya ang napakabigay na bulletin board.

I witnessed how hard he tried to open his eyes and when he succeed, he flashed a weak smile and collapse on top of me.

"T-tulong," I plead almost whispering.

Samu't-saring ingay ang naririnig ko. May ingay ng mga taong nagpapanic at kung anu-ano pa.

"Aldrich! Gumising ka! Please!" Tinatapik-tapik ko yung pisngi nya habang umiiyak hanggang sa mapadpad yung kamay ko sa ulo nya.

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil may naramdaman akong basa. And when I lifted my hand, I saw a blood all over my palm.

Lalo akong naiyak at paulit-ulit na binibigkas ang mga salitang "Aldrich, gumising ka."

Napahawak ako sa ulo ko dahil kumikirot sa sakit hanggang sa nawalan ako ng malay.

***

Pagdilat ng mga mata ko, tumambad sa'kin ang puting kisame.

"Louise ko," bigla akong sinunggaban ng yakap ni Zoid.

"You're awake! Thank God." Niyakap din ako ni mommy na mugto ang mga mata. "You made us dead worried, Louise. Especially your dad. I'll let him talk to you later. Kanina pa yun tawag ng tawag."

Napansin ko sila Yat, Chloe at Sophi na nakaupo sa couch at natutulog. Nakasandal yung ulo ni Yat at Sophi sa headrest ng couch habang kay Ceejay naman nakasandal si Chloe na nakaakbay sakanya. Si VJ at Dwayne naman ay nakatayo sa gilid.

"Ako na tatawag sa doctor." Dwayne offered and with a comforting smile, he left the room.

Napahawak nalang ako sa ulo ko dahil medyo kumikirot. Naramdaman ko pa ang bandage na nakapalibot dito.

Biglang nagflashback sa'kin yung insidente kaya naman nakaramdam agad ako ng kaba at pag-aalala.

"Si Aldrich?" Tanong ko kay mommy.

Humiwalay si mommy at hinawakan ang kamay ko.

"There's nothing to worry about him, Louise. Aldrich is fine and according to his doctor, he's so lucky dahil hindi sya nagkaroon ng bone fracture dahil sa natumbahan sya ng napakabigat na bagay."

I felt relieved pero hindi nawala ang pag-aalalang nararamdaman ko.

"Gusto ko po syang makita, mommy. Please."

Lalong humigpit ang yakap sa'kin ni Zoid.

She nodded slowly and said, "Okay. Okay. After mong ma-check ng doctor."

Pagbalik ni Dwayne, kasunod nya yung doctor. Chineck nya lang naman ang kalagayan ko and informed us na pwede na kaming lumabas ng hospital the day after tommorrow.

Lumabas si mommy ng kwarto to check if pwede ng bisitahin si Aldrich.

Nakakapagtaka lang dahil ang tahimik ni Zoid. Hindi ko pa sya narinig na magsalita simula pa kanina. Pati sila VJ ang lungkot ng mga mata. Yung parang may tinatago silang problema? Ewan. Ganun yung pagkakaintindi ko sa expression nila eh.

"May problema ba?" I asked him.

Umiling lang sya at may inilabas na bagay mula sa bulsa ng pants nya.

"You better take care of it." Sabi pa nya habang inaabot sa'kin yung phone ko.

"San mo nakuha to?"

"Basta."

Eto na naman yung basta nya =___=

"Louise ko," he kissed my forehead before saying, "kapag sinabi kong hindi na kita mahal . . . wag na wag kang maniniwala."

I felt something unexplainable feelings. Hindi agad ako nakapagsalita. Instead, tumingin ako sa pwesto nila Ceejay, Dwayne at VJ na umiwas ng tingin.

Magsasalita na sana ako kaso biglang bumukas ang pinto.

"Louise, you can go and see him." Nakangiting sabi ni mommy.

Inalis ko yung kumot na nakapatong sa lower body ko at umalis sa hospital bed. With my boyfriend's help, nakarating kami sa room kung saan naka-assign si Aldrich.

I hate being weak! Ang sakit ng likod ko >___<

Nilapitan ako ni tito at tita na parents nya.

"I'm sorry po." Nakayukong sabi ko.

"No, dear. It isn't your fault. It's good na okay ka na." Nakangiti nyang sabi.

"Zailie," nanghihinang tawag sa'kin ni Aldrich.

Nilingon ko si Zoid. He smiled but doesn't reach his eyes then slowly nodded as if he was telling me, "Lalabas muna ako." I smiled back at him then he made his way out of the room.

Lumapit ako kay Aldrich, he reached for my hand then held it.

"Maiwan na muna namin kayo." His dad said.

I watched them got out of the room.

"May masakit sayo?" he asked.

"Ikaw nga 'tong may benda sa ulo tapos ako yung tinatanong mo ng ganyan."

He laughed softly.

"Okay ka na?" Tanong ko.

Tumango naman sya habang nakangiti, "Andito ka na eh,"

Umusog sya para paupuin ako sa hospital bed kung saan sya nakahiga. Nagkwentuhan lang kami hanggang sa tinawag na ako ni mommy. Kailangan ko na daw magpahinga. Hindi pa daw kasi ako fully recovered. Ramdam ko naman yun kasi kumikirot-kirot pa yung ulo ko at medyo masakit yung bandang likod ko.

After kong mag-'goodnight sweet dreams kay Aldrich, lumabas na ako sa hospital room nya nang nakaalalay sa'kin si mommy.

Paglabas namin, naabutan ko pa si Zoid na nakatayo habang nakasandal sa wall.

Hindi pa pala sya umuwi.

Agad syang lumapit sa'min at tinulungan si mommy sa pag-alalay sa'kin.

Iba yung expression nya ngayon. Parang pinaghalong guilt at lungkot.

***

Kinabukasan ng hapon, na-discharge na ako sa hospital. Si Aldrich naman, inabot pa ng 3 days bago makalabas.

So ayun, back to normal na ang lahat. Usap-usapan nga yung nangyaring accident sa school eh. Baka daw may nagplano nun kasi everyday daw chini-check yung mega bulletin board na yun kung may sira na ba or kung any moment ay matutumba na. Maayos at matibay daw ang pagkakatayo nun so paanong nangyari daw na natumba yun to think na marami ang naka-support dun.

Maski ako nagtataka din. Pero ang importante ngayon, okay na ang lahat.

Ay, hindi pala.

Para kasing iba yung kinikilos ni Zoid ngayon. I don't know if it's just me being paranoid, but I somehow felt he was avoiding me. Everytime na nilalapitan ko sya, looks like hindi sya mapakali.

Bigla nalang syang gagawa ng excuse na "I gotta be late on my next class."

As if naman na hindi ko kabisado yung schedule nya.

Tulad ngayon, Friday ngayon at pareho kaming half-day lang. Nandito kaming lahat sa tambayan pero sya lang ang wala.

Naiinggit na nga ako sa mga kasama ko kasi katabi nila yung mga partners nila. Eh, ako?

Ito, kanina pa nakatitig sa phone ko. Nagbabakasakali na mag text or tumawag sya.

Napabuntong-hininga nalang ako.

Maya-maya, may gwapong nilalang ang lumapit sa'min.

"Zailie, tapos na naman yung klase mo, diba?" Tanong nya.

"Oo. Bakit, Aldrich?"

"Samahan mo naman ako sa mall. May bibilhin lang ako sa national bookstore."

"Hmmm.. sige."

Nagpaalam ako sakanila na sasamahan ko si Aldrich sa mall. Tumango naman sila. Mga busy eh.

Tumayo ako at tinignan ulit yung phone ko. Haist. Ang hirap talaga ng umaasa.

Pagkarating namin sa mall, national bookstore ang una naming sinugod.

"Zailie, maghahanap lang ako ng tracing paper at blueprint. Pumili ka na rin ng librong gusto mo."

Nagningning yung mga mata ko sa sinabi nya.

"Kahit ilan?"

( ~ *v*)

"Kahit ilan!" [^___^]

Nice! Ang dami kong gustong bilhin na libro dito!

Automatic na nawala yung ngiti sa labi ko ng magsalita ulit sya, "Ikaw magbabayad, ah!"

(>…<)

"Ostrich!"

Tumawa sya tapos ginulo yung buhok ko. "Just kidding. Pumili ka na."

"Ikaw magbabayad, ha?!"

"Oo na. Lagi naman eh." [=____=]

As we parted our ways, isa-isa kong tinignan ang mga libro sa bawat shelf na madaanan ko. Nahagip pa ng mga mata ko yung mga published book gaming wattpad at yung iba naman ay may nakalagay na first seen on CandyMag. Kinuha ko yung mga wala pa ko. Napatingin pa nga sa'kin yung babaeng may hawak na my prince book.

Ang dami ko kasing kinuha (*…*)

Nginitian ko nalang sya at naghanap pa hanggang sa makita ko yung twilight manga.

Oh my!

Gusto ko nyan.

Kinuha ko yung first volume at tinignan yung price.

Ang mahal naman (-___-)

Volume 1 palang 'to, ah?

Oh well, kahit Mahal..dinampot ko pa rin at kinuha lahat ng volume. As in lahat! (Up to the last volume)

Yae na. Si Aldrich naman ang magbabayad eh. Ahohoho (*0*)

Nilapag ko muna yung mga librong dala-dala ko sa floor. Aayusin ko para hindi ako mahirapan sa pagbuhat.

"Gusto ko nun," narinig ko habang inaayos ko yung libro. Nasa likod siguro ng shelf na katabi ko yung boses ng babaeng yun.

Grabe. Parang anghel yung boses nya. Ang sarap sa pandinig.

"Yan," mahinang sabi ko atsaka binuhat yung mga libro. Tumayo ako at nagsimula ng maglakad pero napahinto ako nang magsalita ulit yung babaeng mala-anghel yung boses.

"Zoid, I want that too."

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko nakasama si Zoid ngayong araw kasi may iba syang kasama?

Nalaman ko nalang na naglakad ako papunta sa kabilang shelf.

Ang tanga ko talaga!

Dapat hindi nalang ako umikot para makita sila.

Makitang inaabot ni Zoid ang isang manga na nakalagay sa bandang itaas ng shelf. Nakangiti nyang inabot yun sa babae.

Nakatalikod sa'kin yung babae kaya hindi ko makita yung it sura nya.

"Thanks, hun." Hinalikan nya sa pisngi si Zoid. Kinurot naman nya ito ng mahina sa pisngi.

Kung titignan, ang sweet nila as a couple.

Couple?

Bakit ko naman naisip yun?

They are not a couple. I am his girlfriend and we are the couple!

Ang engot no, Zoid!

Nandito ako!

Inakbayan nya yung babae at nagsimula ng umalis.

Gusto kong tumakbo papunta sakanila at hilahin yung babae palayo sakanya pero hindi ako makagalaw hanggang sa tuluyan na silang mawala sa paningin ko.

"Ang dami mo namang kinuha. Tsk. Bubutasin mo ba bulsa ko?"

Naramdaman kong kinuha nya yung mga librong dala ko.

Pagharap ko sakanya, nanlaki yung mga mata. "Bakit ka umiiyak? Ako naman magbabayad eh."

Bigla ko nalang sya niyakap. Nasa pagitan namin ang mga libro. Hindi nya ko mayakap pabalik kasi yakap nya yung mga libro.

"Bakit ka umiiyak?" He asked softly as if he was talking to a kid.

Hindi ko sya sinagot. Umiyak lang ako ng umiyak. Wala na akong paki kung gumagawa na kami ng palabas dito.

Nasasaktan ako. Hindi ko alam kung anong iisipin ko. Malaki ang tiwala ko kay Zoid pero sa nakita ko kanina... hindi ko na alam.

Hanggang sa ihatid ako ni Aldrich sa bahay, wala pa rin akong imik. Hindi na naman nya ako kinulit pa. Nag-stay sya sa bahay. Sinamahan nya rin ako sa kwarto ko hanggang sa nakatulog ako.