================================================================
Saturday
Tinawagan ko si Zoid para itanong kung sabay ba kaming papasok. Medyo mali-late na kasi ako at kanina pa ko kinukulit ni Aldrich na sakanya nalang daw ako sumabay kasi mukhang hindi na naman daw makakarating si Zoid.
Pero gaya nga ng sabi ko, tinawagan ko sya at sabi nya, malapit na sya. Medyo traffic daw kasi.
Minutes later,
"Andyan na yung magaling mong maboy," he said harshly then made his way towards his car, but before he climbs in he muttered something. "See ya at school.... Mahal ko," he sent me a flying kiss.
"Mahal ko. Tss."
Nakatayo na pala sa tabi ko si Zoid.
"Uhh.. let's go," I said without looking at him.
Habang nagda-drive sya, nakatingin lang ako sa bintana sa tabi ko. Paulit-ulit na nagpa-flashback sa utak ko yung nakita ko kahapon sa national bookstore.
Sasabihin ko ba sakanya na nakita ko syang may ibang babaeng kasama kahapon?
Baka ipaliwanag nya na blockmate or relative nya lang yun.
Right! I must've talk to him. I know he can't cheat on me.
Umayos ako ng upo. Nakatigil yung kotse kasi naka-red pa yung traffic light.
Huminga ako ng malalim bago nagsalita. "Uhmm... maboy.... uhh... n-nakita pala kita kahaponsa national bookstore na may kasamang babae. Uhmmm... blockmate mo ba yun?" Kinakabahan na sabi ko habang nakatingin sa windshield.
Ilang segundo na ang nakalipas pero hindi pa rin sya sumasagot kaya napatingin na ko sakanya.
Ang lawak ng ngiti nya habang hawak yung phone nya, obviously nagti-text sya. Maya-maya, nilagay nya yun sa ibabaw ng dashboard nang hindi naalis yung ngiti sa labi nya.
"Ano nga ulit yun?" Nakangiti nyang tanong sa'kin.
Yung ngiting alam kong hindi ako ang dahilan.
3
Nag-green na yung traffic light.
"Uhm.. never mind."
"Okay." Nagdrive na ulit sya.
He's acting so weird! Hindi nya man lang ako pinilit sabihin kung ano ang sinabi ko sakanya.
Argh (>____<)
Ang hirap ng ganito.
After school, nagtaxi lang ako pauwi. May importante daw kasing pupuntahan si Zoid. Si Aldrich naman, gabi pa ang tapos ng klase nya.
SUNDAY
Usually, umaga palang pumupunta na dito sa bahay si Zoid para sumama sa'min ni Mommy magsimba. Pero ngayon, hindi. Tinawagan ko sya kanina pero hindi nya sinasagot kaya nag-text nalang ako sakanya. Sabi ko kung sasama ba sya sa'min magsimba.
Nagulat ako nung nagreply sya na hindi daw sya makakapunta.
Nakapag-reply sya tapos hindi nya sinasagot yung mga tawag ko? Ayaw nya ba 'kong kausap?
Buong maghapon nasa loob lang ako ng kwarto ko. Wala si mommy kasi birthday nung classmate nya nung highschool at invited sya.
Nung 6pm, nakaramdam ako ng gutom kaya naman tumayo ako para kumuha ng pagkain sa baba.
Nagulat nalang ako nang pagbukas ko ng pinto ng kwarto ko, tumambad sa'kin si Zoid na nakatayo.
Seryoso yung mukha nya.
"Maboy,"
Hinawakan nya ko ng madiin sa elbow at hinila tapos tinulak ng malakas sa kama.
Nag-bounce pa ko sa kama.
Magsasalita pa sana ako kaso inunahan na nya ko ng halik.
Agressive.
Yan sya ngayon.
Amoy alak at lasang sigarilyo yung lips nya.
Ano na bang nangyayari sakanya?
Umiiwas ako sa mga halik nya pero hindi sya tumigil kaya naman tinulak ko na sya. Umupo ako sa kama at dun ko na-realize na umiiyak na pala ako.
Ang fierce ng itsura nya ngayon.
"Tsk. Walang kwenta."
Walang kwenta?
Sino?
Ako ba yung sinasabihan nya?
Marami akong gustong itanong sakanya pero heto na naman ang bibig ko na ayaw bumuka.
Tumayo sya at lumabas na ng kwarto ko.
Sinundan ko naman sya pero ang bilis nyang kumilos dahil pababa na agad sya ng hagdan. Bumalik ako sa loob ng kwarto ko at sumilip sa bintana.
Pagkasakay nya sa kotse nya, pinaharurot nya yun bigla.
Ano na bang nangyayari?
Ano bang dahilan kung bakit nagkakaganyan si Zoid?
Is there someone who can answer me?
***
Monday
Tuesday
Wednesday
Thursday
Wala sa mga araw na yan na sinundo ako ni Zoid. Hindi naman sya nagti-text sa'kin. Kung hindi lang ako pinilit ni mommy na kay Aldrich na lang sumabay pumasok, malamang late ako ng mga araw na yan sa kakaantay sakanya.
Vacant hour at nasa tamabayan na naman kami. As usual, kompleto kami. Si Zoid lang ulit ang wala. I looked at my phone. 3pm na means, 30 minutes na ang vacant nya. Pero bakit hindi sya pumunta dito?
Malapit ng matapos ang vacant ko pero hindi ko pa sya nakikita.
Mabuti pa si Aldrich, basta may free time sya, pumupunta pa talaga sya sa department namin atdumadaan sa room namin para makita ako. Sumisilip sya sa pinto ng room tapos kakaway.
Ganun din si Zoid before. Inaabangan nya ang paglabas ko sa room tapos sabay na pupunta sa tambayan.
Eh ngayon?
Tsk.
Ayokong isipin na may iba syang babae.
Loyalty is his first policy when it comes to me, remember?
"I miss Zoid." Malungkot na sabi ko. Tinukod ko ang chin ko sa ibabaw ng libro na nakapatong sa round table kung saan kami nakatambay.
Napatigil sila sa mga ginagawa nila at tumingin sa'kin tapos nagpalitan sila ng mga tingin.
Another weird thing (>0<)
Tumingin nalang ako sa paligid hanggang sa mapunta ang atensyon ko sa lalaki na may kasamang babae. Holding hands pa sila habang naglalakad.
Familiar yung likod na yun.
Ugh. Ayokong mag-isip!
Hindi sya yun!
Pinagmasdan ko yun hanggang sa medyo sumide view sya.
Pareho silang tumatawa.
"Z-Zoid," nanginginig na sabi ko.
I stood up and was about to take a step but someone grabbed my hand.
"Zailie don't."
"Yat, nakita ko si Zoid. May... may kasamang babae."
I forcely removed her grip then ran.
Habang tumatakbo palapit kay Zoid, naririnig kong tinatawag nila ako at feeling ko ay hinahabol nila ako.
Sinundan ko pa sila hanggang sa makalabas sila ng school.
Hinawakan ko si Zoid sa braso kaya naman napatigil sya sa paglalakad at dahan-dahang tumingin sa'kin. Pati na rin yung babaeng kaakbay nya.
His expression was so unreadable.
"Do you know her, hun?" Tanong nung babaeng kasama nya.
Yung boses na yun.
Ayun yung mala-anghel na boses na narinig ko sa national bookstore.
Kung anong ganda ng boses nya, ganun ka-anghel ang mukha nya. Ang ganda-ganda nya.
Pero teka...
"H-Hun?" Naluluhang tanong ko kay Zoid.
Hindi sya sumagot. Ipinamulsa nya lang yung isa nyang kamay.
"Hi, I'm Chelsea. You are?" Nakangiti nyang sabi habang naka-reach out yung isang kamay.
"Maboy, sino sya? MAGSALITA KA!"
Hindi ko alam kung bakit napaatras si Chelsea. Kung dahil ba sa pagsigaw ko o dahil sa umiiyak ako.
"Hun, who is she?"
"Dun mo nalang ako antayin sa kotse."
"Pero sino muna sya? Hun, please tell me."
"She's one of my flings."
Flings?
Ka-fling nya lang ako?
"I need to clear things with her so please..."
"But hun---"
"JUST GO TO MY FCKN CAR AND WAIT ME THERE!"
Napaatras ulit yung Chelsea. Tumango sya bago umalis.
"Anong sinasabi mong FLING? Nag-propose ka nga sa'kin, diba?"
"Proposing to you? Ha! I was so numb that time."
Hindi ako nakapagsalita sa sinabi nya. I feel like I was in a dream. I was in a nightmare.
May sinabi pa sya na naging dahilan para huminto ang mundo ko.
"Let's break up."
Lalo akong naiyak.
"May... may nagawa ba ko?" I managed to ask between my sobs.
"Wala naman. Actually, we already broke up four days ago. Nakalimutan ko lang sabihin."
Ayun ba yung dahilan nya kung bakit hindi sya sa'kin nagpaparamdam ng mga araw na yun?
"Pero bakit? Mahal mo ko diba?"
Lumapit ako sakanya at niyakap sya ng mahigpit. "Please do tell me this is just a prank. Mahal na mahal kita, Zoid. Please don't do this."
"I did love you,"
Hinawakan nya ang dalawa kong braso at tinanggal sa pagkakayakap sakanya. "Pero nakakasawa yung relasyon natin. I can't live sticking in just one girl. I've realized hindi ako makontento sa ibang babae lang. No thrills... and most of all.. NAKAKASAWA."
"I can be one of your girls. Please don't leave me."
I shed away my non-stop tears.
"Didn't you understand it? SAWANG-SAWA NA KO SA'YO! Sa pagiging childish mo, sa pagiging selosa mo.. EVERYTHING!"
Lumapit ulit ako sakanya para yakapin sya pero laking gulat ko ng tinulak nya ko dahilan para mapaupo ako sa sahig.
"AYOKO NA SA'YO!"
Pinilit kong makalapit sakanya at niyakap yung binti nya habang umiiyak.
"Please don't do this. Babaguhin ko ang sarili ko para sa'yo. Ibibigay ko naman sa'yo lahat eh... basta... wag lang ganito.."
Napahagulgol nalang ako ng iyak.
I'm now begging. I don't care about my ego. All I care about is him.
"Look at you now. You are so pathetic. Hindi ganyan ang Zailie na nakilala ko noon. Yung palaban... a girl who revenged on me."
He bent down to remove my grip on his, "Makakahanap ka rin ng para sa'yo." Pagkasabi nya nun, naglakad na sya palayo.
"IKAW LANG ANG PARA SA'KIN, ZOID!" Sigaw ko sakanya pero hindi sya lumingon. Patuloy lang sya sa paglalakad na parang walang nangyari.
Na parang wala syang babaeng tinalikuran na nasasaktan.
"Sabi ko naman kasi sa'yo wag eh. Ayan tuloy nasasaktan ka."
She held my arms then lifted me up.
Pinunasan ko yung pinsgi ko na basang-basa atsaka tumingin sakanya. Nanggilid na rin yung luha sa mga mata nya. "Anong ibig mong, Yat? Alam mo 'to?"
Yumuko sya at tuluyan ng tumulo yung luha nya. Tinignan ko sila isa-isa, "Alam nyong lahat 'to?" Galit na tanong ko sakanila.
Wala ni isa ang nagsalita sakanila. "ALAM NYONG LAHAT NA NILOLOKO AKO NI ZOID?"
Still, walang sumasagot. Yung mga expression nila, naawa na may halong guilty.
Tumawa ko ng pilit, "Ako pala yung tanga dito. Ang tanga-tanga ko! Nakakainis!" Sinabunutan ko yung sarili kong buhok, frustrated. "Wala akong kaalam-alam na niloloko na ko dito!"
"Zai,"
lalapitan na sana ako ni Yat pero umatras ko.
"Wag nyo kong lalapitan! Akala ko pa naman mga kaibigan ko kayo."
Sobrang labo na ng paningin ko dahil sa luha kaya naman pinunasan ko ulit yun. "Lalo ka na, Yat! Diba, dapat ako yung kinakampihan mo? Tayo yung magkakampi, diba? Tayo yung magbestfriend kaya dapat tayo ang nagdadamayan! PERO BAKIT GANITO, HA? BAKIT?"
Tinignan ko sila isa-isa.
Yung mga mukhang akala ko tunay kong kaibigan.
Hindi pala.
"Yow! Zaili----"
Hindi ko na pinatapos magsalita si Aldrich, sinampal ko na sya ng malakas.
Halatang nagulat sya.
"MAGSAMA-SAMA KAYO! MGA MANLOLOKO!!!"
I screamed at the top of my lungs then ran away.
Bahala na kung saang lupalop ako dalhin ng mga paa ko.
Ang gusto ko lang ay makalayo.
This is the worst day in my entire life.
Aldrich's POV
Absent yung prof namin sa last subject kaya naman naisipan kong pumunta sa tamabayan nila Zai. Nagbabakasakali na hindi pa sya umuuwi.
Di naman kasi sya nagre-reply sa mga text messages ko eh.
Pagpunta ko dun, nandun yung mga bag ng kaibigan nya pati na rin yung kanya.
Tsk.
Nasaan naman kaya yun?
I took my phone out of my pocket then called her. Pero ring lang ng ring.
Tinext ko nalang sya at sinabing kinuha ko yung mga gamit nya. Antayin ko nalang sya sa loob ng kotse ko then sabay na kaming umuwi.
Paglabas ko ng gate, malayo palang tanaw ko na sya.
Alam kong sya yun.
Tsk. Sya pa (=___=)
Kumunot yung noo ko kasi tahimik na mga nakayuko yung mga kaibigan nya na parang mga batang sinisermonan ng teacher. Tapos si Zailie yung teacher.
Nakangiti akong lumapit sakanila.
"Yow! Zaili----"
Nagulat nalang ako dahil sa pagharap nya, mugto yung mga mata nya. Hindi lang yun. Bigla pa nya kong sinampal ng malakas.
"MAGSAMA-SAMA KAYO! MGA MANLOLOKO!!!"
Sigaw nya at tumakbo palayo.
Natulala ako.
Shet!
Ang sakit ng sampal nya.
"May kasalanan ba ko dun?"
Tanong ko habang hinihimas yung pisngi ko na sinampal nya.
Sa pagkakaalam ko, isa lang naman ang nagawa kong kasalanan eh.
Ang mahalin sya kahit alam kong may mahal na syang iba...
Pero para sa'kin di yun kasalanan.
Tumingin ako sa mga kaibigan nya.
Lahat sila nakatingin sa papalayong si Zai maliban sa isang babae na nakatingin sa'kin.
Naga-gwapuhan na naman ata sa'kin.
Pero may lalaki ang nakahawak sa kamay nya.
"Ang galing! Bumakat yung kamay nya."
Amaze na sabi nya habang nakatitig sa mukha ko.
Medyo slow ako kaya hindi ko na-gets ang sinabi nya. Tumakbo na rin ako at hinabol si Zai.
"Zailie,"
"Diba sabi ko, wag nyo kong lalapitan?"
Gamit ang dalawang kamay, ipinantakip nya yun sa mukha nya habang nakaupo sa gilid ng kalsada.
"Bakit ko naman gagawin yun? At bakit mo ko sinampal kanina? Sabi ko naman sayo diba hindi ko na kayo guguluhin ni Zoid?! Tanggap ko na hanggang bestfriend lang ako sa buhay mo."
Dahan-dahan nyang ibinaba yung kamay nya mula sa mukha at tumingin sa'kin.
Basang-basa yung mukha nya dahil sa luha.
"Wala kang *sob* alam? Totoo?"
Lumuhod ako para mapantayan sya. I took out my hanky then gently wiped her beautiful face.
"Oo nga po. Ano ba kasi yun?"
Imbes na sumagot, umiyak na naman sya kaya niyakap ko sya ng mahigpit.
Ganun ang posisyon namin hanggang sa medyo naging okay na sya at sya na mismo ang nagsabing ihatid ko na sya sa bahay nila.