Chereads / I Revenged On A Playboy (Tagalog) / Chapter 64 - Chapter 1: Change

Chapter 64 - Chapter 1: Change

When you change yourself, there are only TWO reasons. Whether you are INLOVE, or you are in PAIN.

"What happened?" Nag-aalalang tanong sa'kin ni mommy.

With her help, here I am now at my bed.

"Mommy, break na po kami." Lalo akong naiyak.

Niyakap naman nya ako at hinaplos-haplos yung buhok ko. Wala syang kahit na anong sinabi. Patuloy lang sya sa pagyakap at paghaplos sa buhok ko na parang hinahayaan na iiyak ko ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Sana nga ganun na lang.

Nung wala na kong luhang mailabas at puro hikbi nalang ang nagagawa ko, inihiga ako ni mommy sa kama. "Take a rest now, baby." Tears escaped from her eyes na mukhang kanina nya pa pinipigilang tumulo.

"Kasama sa buhay pag-ibig ang masaktan." Inayos nya yung kumot ko atsaka hinalikan ako sa noo. "Goodnight, anak."

Tumango lang ako kay tumayo na sya at pinatay yung ilaw saka lumabas ng kwarto ko.

Zoid.

Nasaan na yung sinasabi mong papakasalan mo pa ko?

Sa dami ng nangyari, dito na ba nagtatapos?

Eto na ba ang ending ng love story natin?

Hindi mo ba talagang makontento sa'kin?

***

Kahit sobrang maga ng mata ko, pumasok pa rin ako. Si Aldrich ang kasabay kong pumasok. Ang dami nyang kini-kwento tungkol sa kung anu-ano para mawala yung lungkot ko. But he didn't succeed. Sorry for that.

Nung vacant ko, naisipan kong magpahangin sa field.

Ang hirap tanggapin na wala na kami. Nung mga nakaraang araw lang, ang saya-saya namin. He even proposed to me. But now look,... haaay

Ayan na naman...

Naiiyak na naman ako.

Mabilis ko yun pinunasan bago pa tuluyang tumulo.

Nabuhayan ako ng loob nang makita ko syang dumaan. Sinundan ko sya ng tingin. Mag-isa lang sya ngayon.

Tumayo ako at tumakbo palapit sakanya. Iniwan ko yung mga gamit ko kung saan ako naka-pwesto kanina.

Nasa likuran na nya ako. Hindi ko alam kung tatawagin ko ba syang maboy or hindi. Habang naglalakad sa likuran nya, nag-iisip ako hanggang sa..

*DUGSH*

Huminto sya sa paglalakad kaya naman nauntog ako sa likod nya.

He turned around then faced me, "Ano bang problema mo?" Naiiritang tanong nya.

It took a few minutes before I could found my voice, "Please made me one of your girlfriends... kahit may affair ka sa iba, tanggap ko."

"Are you out of your mind? Seriously? Magpapaka-tanga ka para lang sa'kin?"

Tumango ako habang umiiyak.

"You're getting yourself in pain even more."

"I just... want you back."

Matagal bago sya sumagot, "Ayoko." Madiing sabi nya at tumalikod.

Mabilis akong lumapit sakanya then hugged him from behind, "Please. Kahit anong ipagawa mo sa'kin gagawin ko. Lahat ng gusto mo, ibibigay ko. Mahal na mahal kita."

Hinawakan nya ang dalawa kong kamay na nasa tyan nya at inalis iyon saka muling humarap sa'kin. "AYOKO NA SA'YO! Mahirap bang intindihin yun?! Thrill ang hanap ko sa isang babae. Hindi gaya mo na BORING!" Tinignan nya ko mula ulo hanggang paa. "Hindi isang kagaya mo ang magpapasaya sa'kin."

He left.

Ang sakit.

Napakasakit ng mga sinabi nya.

Napaupo ako sa damuhan at doon nag-iiiyak.

Tinakpan ko nalang ang mukha ko gamit ang aking mga palad.

"Kawawa ka naman. Sinabihan kang boring ni handsome Zoid."

Inalis ko yung mga palad kong nakatakip sa mukha ko at tumambad sa'kin ang tatlong babae na ang kakapal ng make-up sa mukha.

"Anong pakialam nyo? Lumayas nga kayo sa harapan ko!"

Tumawa sila ng pang-maarte.

"Well. Well. Well." Sa bawat 'well' nung babaeng nasa gitna, isa-isa silang nagkibit balikat.

"Now I understand kung bakit ayaw na sa'yo ni Prince Zoid." Sabi naman nung isa.

"Kung ayaw nyong umalis, ako nalang ang aalis." Tumayo ako at naglakad kung saan ko iniwan yung mga gamit ko kanina at umalis na ng field.

Sa paglalakad ko, naabutan ko na naman si Zoid. Nakatayo sya at mukhang may inaantay.

Gusto ko syang lapitan ulit kahit na ilang beses pa nya kong pagtabuyan.

Pero naunahan na ko ng isang babae. Hindi sya si Chelsea. Poise na poise syang kumilos at kahit saang anggulo man, napaka-ganda at sexy nyang tignan.

Nagulat nalang ako ng pinulupot nya yung mga braso nya sa leeg ni Zoid at hinalikan ito sa labi. Hindi iyon basta halik lang. At kitang-kita ko kung paano gumanti si Zoid ng halik sakanya.

Parang na-paralized ang buong katawan ko. Hindi magkagalaw at tanging ang mga luha ko lang ang kumikilos. Maski ang puso ko, parang tumigil sa pagtibok.

"Now what?" Nag-snap ng finger yung babaeng kumausap sa'kin kanina sa field kaya naman natauhan ako.

Hinanap ko si Zoid at nakitang naglalakad na ito palayo habang nakaakbay sa babaeng hindi ko kilala.

"Bakit nyo ko sinundan?" May halong galit na tanong ko sakanilang tatlo.

"Gusto lang namin."

Inirapan ko nalang sila at tumalikod. Nakaka-ilang hakbang palang ako nang mapatigil ako dahil sa sumunod nilang sinabi.

"Nakita namin yung nakita mo."

"And we can help you. . . on how to attract that Playboy and be yours again."

Umikot ako at hinarap sila.

"Really? You girls can help me bring back Zoid to me again?"

"REALLY!" Masigla at sabay-sabay na sabi nila.

"Then how?"

Nagtinginan silang tatlo bago tumakbo papunta sa'kin.

"Bago yon, magpapakilala muna kami. I'm Pink." Sya yung nasa gitna.

"Violet. Just call me Vi."

"Redilane. Red will be nice."

"I'm Zailie."

"Yeah. We know. So, let's go."

Tapos ay kinaladkad na nila akong tatlo.

May last subject pa ko pero hindi ko na muna yun papasukan. Ang imporatante sa'kin ngayon ay maging akin ulit si Zoid. Hindi naman siguro makakasama sa pag-aaral ko ang isang absent ko sa isang subject.

Sa van ni Pink kami sumakay. Napaka-kikay nilang tatlo. Yung driver nya nga eh naka-uniform pa na color pink. All pink pa ang theme ng van nya.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.

Nakaupo ako sa first row ng van na pinaggi-gitnaan ni Vi at Red. Si Pink, katabi nung driver.

"At my pink pad." (*-*)

***

"Ayaw mo naman sa color pink?" I asked sarcastically as we entered Pink's Pad. Pink na nga yung van, pati ba naman dito (=____=)

"Duh! I can't live without color pink."

"Even without Violet."

"Most of all, Red!"

Kayo na!

Pumasok kami sa kwarto daw ni Pink. Ang cute ng door nya kasi may pink feathers pa. Pagkapasok namin dun, pumasok pa kami sa isa pang kwarto.

Isang kwarto na may napakalaking salamin at pink yung frame tapos hindi mabilang na make-ups na maayos na nakalagay sa mga compartments.

"Sit here." Hinila ako ni Pink at pinaupo na nakaharap sa salamin.

Kumuha silang tatlo ng mga make-ups at kinalat ang mga yun sa table.

"T-teka! A-anong gagawin nyo?"

"Obviously, we'll put some make-ups on you." Red

Aangal pa sana ako kasi inunahan na ako ni Vi.

"Na-ah-uh! Nakita mo naman yung new girl ni Zoid kanina, right? Ganun yung mga tipo ni Zoid."

"Vi's right. As we said, tutulungan ka naming maibalik sya sa'yo." Red

"Because you're our new friend." Niyakap ako ni Pink at nakisali naman sila Vi at Red.

"So, ready for your change?" Tanong ni Vi.

Ngumiti ako at tumango.

Halata namang natuwa sila at inumpisahan na akong lagyan ng make-up. Hindi lang nila ako basta nilalagyan, tinuruan din nila ako kung paano ang tamang paggamit ng mga yun.

After a couple of hours,

"What a big change!" Red

"You are so beautiful, Zai!" Vi

"Ewan ko nalang kay Zoid kung ayawan ka pa nya."

Titig na titig ako sa sarili ko sa whole-lenght mirror.

Tama nga yung sinasabi nilang BIG CHANGE.

I looked like a complete lady. Pinasuot pa sa'kin ni Pink yung school skirt nya na medyo maiksi.

"Look at you, Zai. Walang-wala sa'yo yung babae ni Zoid kanina." Pink

"Pero, Pink, hindi ba masyadong maiksi tong skirt na to?" Tanong ko sakanya habang hinahatak pababa yung skirt. Nakatingin ako sakanya sa reflection nya sa salamin.

"Alam mo, girl, minsan lang ang buhay teenager. So, why not enjoy it? Besides, mahaba pa nga yan sa skirt namin eh." Pink

Tumango naman si Vi at Red.

"Masasanay ka rin, Zai. Umpisa palang kasi." Red

"Right. And hindi lang ang outer appearance mo ang babaguhin namin. Even your personality. And with that, hindi ka na boring sa paningin ni Zoid. Babalik na sya sa'yo." Vi

Sana nga bumalik sa'kin si Zoid. I can change myself for him. Ganun ko sya kamahal.

"Big check! We know na palaban ka na kaya hindi na kami gaanong mahihirapan. So, that's all for today. This is just the start of your change. Marami pa kaming ituturo sa'yo on how to attract a playboy. But look, umpisa palang pero ang ganda na ng kinalabasan."

Ngumiti nalang ako ng pilit at muling tinignan ang sarili ko sa salamin.

If changing myself is the only way to attract you Zoid,

To have you back,

I am willing to do that.

Related Books

Popular novel hashtag