"Zailie, pwede ka ng umuwi. Kami na bahala ni Marvelou dito." Nakangiting sabi ni Marvelou.
Nasa loob kami ng screening room. Kaming tatlo kasi ang naatasan na magscreen sa mga auditionist ng DH dance troupe. Sa'min ang first stage ng pag-audition at pang-second naman ay yung mga nakakataas na yung magja-judge sa mga masiswerteng mapipili namin.
"Oo nga. Sige na. Labas ka na." Pagsang-ayon naman ni Jhenna.
Third year college na ang dalawang yan pero ayaw magpatawag ng "ate". Nagmumukha daw kasi silang matanda. Haha. Yae nyo na. Magaganda naman yang dalawang yan eh.
"Di nyo naman siguro ako pinagtatabuyan, diba?" Sarcastic na tanong ko.
"Hahahaha! Medyo lang naman. Sige na. Alis na."
Ano pa nga ba? Inayos ko yung mga form ng mga auditionists na hawak ko at binigay sakanilang dalawa.
Ayaw ata nila kong kasama >___< pinagtatabuyan nila ko eh.
Paglabas ko ng screening room ay diretso lobby. Ang daming auditionist ang nakapila.
I kinda felt awkward nung napansin kong lahat sila nakatingin sa'kin.
Yumuko tuloy ako habang naglalakad pero napahinto rin naman dahil may pares ng sapatos ang natatanaw ko kaya tumingala ako.
May cute na babae ang nakangiti sa'kin at may red rose na hawak. "Sorry daw po sabi ng maboy mo."
As I can see sa name nya : Ayyyeeeeennn
"Ah, s-salamat." Tinanggap ko yung bulaklak at naglakad ulit.
Shems! Nakakailang talaga kasi lahat sila pinapanood akong maglakad hanggang sa lahat na sila ay nagsitayuan at isa-isa akong binigyan ng red rose.
"Bati na daw po kayo sabi ni Zoid." NicoleBigueras
"Pinapasabi po ng maboy mo mahal na mahal ka daw nya." gee3dame
"Wag ka na daw pong magalit." MahalKita787
"Oo nga po. Magpapakasal pa daw kayo." HazelDael
Ang dami ko ng hawak na red rose -.- Mga pakulo nitong Zoid ko! Hahaha (*O*)
Paglabas ko ng lobby, nanlaki yung mga mata ko at the same time medyo natawa.
May tatlong naggagwapuhang lalaki kasi ang nakatayo at bawat isa sakanila ay may hawak na placard habang may kagat-kagat na red rose. Nakasuot pa sila ng white polo shirt with bow tie. Blue ang kay VJ, red ang kay Ceejay at green ang kay Dwayne.
Hmmmm... dapat kay Ceejay yang green eh! Haha
Binasa ko yung nakasulat sa mga placards na hawak nila.
VJ: Sorry na :)
Ceejay: Wag ka ng magalit please :(
Dwayne: Bati na tayo :D
May mga emoticons pa talaga, huh?
Maya-maya, nilapitan ako nila Yat, Chloe at Sophi. May mga kung ano silang hawak at napansin ko na lahat yun may nakadikit na note.
Unang nagbigay si Yat.
Niyakap ko nalang lahat ng red rose gamit ang isang braso ko dahil nahirapan akong tanggapin yung binibigay ni Yat. Walang may gustong tumulong sa'kin :3
Isang lunch box na transparent ang binigay nya. At kitang-kita ko ang super duper yummy melted cheese. Awww... alam na alam talaga ng maboy ko kung ano ang mga gusto ko. Especially to my favorite lasagna. Mas naadik ako sa pagkaing yun kapag ang daming melted cheese.
Binasa ko yung nakasulat sa note.
'Ang hirap pala na umabot na galit ka sa'kin. Hirap akong makatulog . . .'
"Tapos ka na?" Nakangiting tanong ni Sophi.
I nodded.
Ibibigay na sana nya yung heart shaped box na hawak nya pero napansin nya ata na nahihirapan na ko sa pagbitbit ng mga luho ni Zoid.
"Ganito," Iniyakap nya yung mga braso ko sa mga dala ko. "Yan. Perfect!" (^__^) Pinatong nya yung heart shaped box sa ibabaw ng lunch box.
'Chocolates for you, Louise ko. Ako gumawa nyan at sana magustuhan mo ;)'
Basta ikaw gumawa, maboy, magugustuhan ko talaga :">
Nung napansin ni Chloe na tapos ko ng basahin yung note, hinawakan nya yung kamay ko at inihawak doon yung handle ng paper bag.
Heck! How can I possibly know what's inside?
Tinignan ko yung mga boys at binasa ulit yung mga nakasulat sa placards.
Sorry na :)
Wag ka ng magalit please :(
Bati na tayo :D
Mahal na mahal naman kita eh <3
"Huh?" Kumunot yung noo ko nang mabasa yung last phrase. Wala naman yun kanina ah?
I slid my gaze up to who was holding that thing and found that it was Zoid. It was my maboy.
Naka-uniform lang sya di gaya nung tatlo. May hawak din syang rose pero hindi red kundi blue. My favorite! At . . . at NAKA-POUT? O.o
Waaaah! Naka-pout nga ang maboy ko! So kyuuut~
Wait. Ano yung . . . ano yung naririnig ko mula sa likuran?
Lumingon ako at nakitang nagsisiksian ang mga auditionists at mga nag-gi-giggle sa kilig sa pangunguna ni Marvelou at Jhenna. Ang daming taong nanonood >„< tapos may mga kumukuha pa ng video.
Umayos na ko ng tayo at tumingin ulit sa maboy ko. Saktong pagtingin ko sakanya bigla syang kumanta.
"Sorry na.... kung nagalit ka di naman sinasadya."
>////<
"Kung may nasabi man ako init lang ng ulo
Pipilitin kong magbago pangako sa iyo
Sorry na nakikinig ka ba? Malamang sawa ka na
Sa ugali kong ito na ayaw magpatalo
At parang sirang tambutso na hindi humihinto
Sorry na talaga kung ako'y medyo tanga
Hindi ako nag-iisip na-uuna ang galit
Sorry na talaga sa aking nagawa
Tanggap ko na mali ako wag sanang magtampo.."
Kumakanta ang maboy ko ng walang mic! Tagalog pa at lalo akong naiinlove sakanya (*////*)
Sarap sa panding ng boses! Nyaaay~ Proud girlfriend here.
Naglakad sya palapit sa'kin, "Sorry na." Sabi nya ng pakanta habang inaabot sa'kin yung blue rose na hawak nya.
And because of that, lalong nagtilian yung mga babae sa likod ko. Mas kinikilig pa ata sila sa'kin.
"Bati na tayo?" Tanong nya na parang batang inaamo yung kaaway nya.
"Matitiis ba kita?"
Ngumiti sya ng malapad sa sagot ko. "I love you." He kissed my head.
"Eh, kung tinutulungan mo kaya ako sa pagbitbit nitong mga luho mo?"
"Kaya mo na yan."
Hindi na nya ko inantay pa na makapag-react, binuhat na nya ako na parang bagong kasal. Lumakas tuloy ang hiyawan ng mga tao.
"Wooot! ZL yan eh!"
Natawa kami pareho.
"Salamat." Sabi nya at nagsimula ng maglakad.
Habang karga-karga nya ko ay nakatingin lang ako sa mukha nyang napakaaliwalas (*0*)
Nakatingin lang sya sa daan habang ako naman yakap-yakap yung mga luho nya.
"Tunaw na ko." Nakangiti nyang sabi. Still, nakatingin pa rin sa daan.
"Ang gwapo-gwapo mo kasi eh!" I giggled. "I love you, too, maboy." Iniangat ko yung ulo ko at hinalikan sya sa labi.
Lalo syang ngumiti. Tumingin sya sa'kin saglit tapos sa daan na ulit.
Ayan na naman!
"Namumula ka!" I laughed. "Ayiiie~ kinikilig ang maboy ko." I teased between my giggles. Tinutusok-tusok ko pa yung pisngi nya habang tumatawa. Pati sya natatawa na din.
Nung malapit na kami sa kotse nya, nakarinig ako ng isang tunog. Tunog na parang nahulog na isang bagay. Weird >__<
Baka guniguni ko lang yun kasi si Zoid parang walang narinig.
Binuksan nya yung pinto ng kotse nya nang hindi ako binababa atsaka ako iniupo sa front seat. Oh diba, parang na-paralize lang ang peg ko.
Hinalikan nya ko sa noo bago sinara yung pinto at umikot para sumakay sa driver seat.
Nawala yung ngiti ko nang mapatingin ako sa bintana na nasa tabi ko. May isang lalaki na sa tingin ko ay 20+ na ang edad ang nakatayo at nakatingin mismo sa kotse ni Zoid habang nakasara ang isang palad. He was holding something, I think?
Tinted naman yung kotse ng boyfriend ko kaya hindi nya malalamang pinagmamasdan ko sya.
*PUK*
"ARAY!" Reklamo ko habang hinihimas yung noo kong pinitik ni Zoid.
Kanina lang sobrang sweet. Tapos ngayon brutal -.- ilang mood ba meron ang isang lalake ha? Sabihin nyo nga!
"Tulala ka na naman."
"Eh kasi . . ." I paused and tumingin kung saan nakatayo yung lalaki kanina pero wala na sya.
"Kasi?" Curious na tanong nya at tumingin kung saan ako tumingin.
"Uh, wala. Wala lang yun."
Kumunot yung noo nya pero tumango din tapos nagdrive na.
After ng dinner, dumiretso agad ako sa kwarto ko. Yung time na yun ko lang kasi naalala yung phone ko. Masyado akong pinakilig ni Zoid. Ayan tuloy nakalimutan ko ng i-check yung phone ko. Baka may important message akong na-receive.
I took my skirt and slid my hand inside it's pocket but I found no phone. Nagsimula na kong makaramdam ng kaba. Binalikatad ko na yung bulsa at maging yung skirt pero wala yung phone ko.
Hindi naman ako mahilig maglagay ng phone sa bag eh. Sa skirt lang. Pero kahit ganun, kinuha ko pa rin yung bag ko at kinalkal. Hindi ko pa rin mahanap kaya naman tinaktak ko na lahat ng laman ng bag ko sa kama. Inisa-isa kong tsinek yung mga gamit ko, binuksan yung pouch pero wala pa rin.
"Argh! Napakaburara mo talaga, Zai!" Sabi ko sa sarili ko habang tinutuktok yung noo ko.
Pinikit ko yung mga mata ko at inisip yung mga nangyari hanggang sa . . .
"Oh men!" Aish! Napasabunot nalang ako ng buhok.
Yung tunog na narinig ko kanina. Baka tunog yun ng nahulog na phone. Ugh >___<
Bigla kong naalala yung paper bag na inabot sa'kin ni Chloe kanina which was isa sa mga luho ni Zoid.
I stretched my arm and reached for it that was placed on the top of my bedside table. I took my hand inside of it at nilabas ang . .
Ang . . .
STAR1 SHIRT! KYAAAAAH~
SUPER DUPER I LOVE YOU, ZOID!!!!!
Niyakap ko yung shirt at pumikit. Alam na alam talaga ng maboy ko kung paano ako papasayahi ^__^
Biglang nawala yung panghihinayang at inis ko dahil nawala yung phone ko. Okay ng walang phone at least may STAR1 shirt ako. Love it <3