Chereads / I Revenged On A Playboy (Tagalog) / Chapter 55 - Chapter 51: Elevator

Chapter 55 - Chapter 51: Elevator

Zoid's POV

Kanina pa ko nakatingin sa salamin.

Ang gwapo ko talaga..

At lalong guma-gwapo.

Tumingin ako sa wristwatch ko.

6pm palang pero ready to go na ko. Pupunta kasi kami ng Louise ko sa plaza. May live performance yung mga Kpop dun. Tsk.  Ang boring nun. Ayoko ngang sumama pero pinilit nya lang ako. Bakit ba napakaadik ng babaeng yun sa Kpop?

Maski yung iba naming kaibigan, ayaw sumama. Pasalamat sya mahal ko sya..

8pm pa naman yung program pero dahil nagtext ang future wife ko kanina na 6pm daw sya mag-aayos, gumayak na ko ng maaga. Ang pangit naman kasi kung sya ang pag-aantayin ko.

Naglakad ako papunta sa kama ko.

Dadalhin ko ba 'to?

Wag nalang kaya?

Aish! Baka magshorts na naman yun.

Kinuha ko yung jacket sa ibabaw ng kama at umalis na. Ayaw nyang magpasundo at sabi nya, sa plaza nalang daw kami magkita.

Zai's POV

"Nan neoman saranghaneun gasikgeoriyaha~

Nan neoman baraboneun gasikgeoriyaha~"

Kumakanta ako habang nagpapatuyo ng buhok gamit ang blower. Nakasuot lang ako ng bathrobe habang ginagawa yun.

"I need you boy  ireoke neo maneul, saranghaneunde

Nan joma joma jomahae

Nan buran buran buranhae Sigani heureulsurok naui mami

Neomaneul saenggakhaneun ka-ka-ka-ka-ka-ka-kasikheo~"

Kumuha ako ng hanging shirt at shorts.

Ang saya-saya ko ngayon (^__^) Sa wakas at makikita ko na rin ang mga Sisters wannabe ko...

...

ang...

ANG SISTAR (*o*)

Siguro kung wala akong boyfriend, mag-isa lang akong pupunta dun. Pa'no, ayaw ako samahan nila Yat >u< Matutulog nalang daw sila ng maaga kaysa sa manood ng Kpop. Tch. Ang kyuut nga nila eh, diba?

May live performance kasi ang Korean bands na under sa SM town, Starship, at YG entertainment. Minsan lang magkaroon ng ganitong opportunity so GRAB IT na! Haha

After kong magbihis, tumingin ako sa alarm clock na nasa bedside table.

6:30 na. Nilabas ko ang mga make up kit na binili sa'kin which is SOBRANG bihira kong gamitin. Kahit nagdi-date kami ni Zoid, hindi ako nagmi-make up. Hindi naman kasi ako maalam maglagay nun eh =___=

Okay, kinalat ko lahat ng yun sa kama ko at kumuha ng face powder at lipgloss. Hanggang dyan lang ang kaya ko.

Hmm.. sarap ng lipgloss. Hihi. Strawberry flavor.

After kong mag-ayos, tumingin ako sa salamin. Dapat lang na sobrang maganda ako. Magpapa-picture kasi ako sa mga biases ko.

Nagpaalam muna ako kay mommy bago umalis. Payag naman sya basta daw ihatid ako ni Zoid hanggang bahay. Kahit naman di nya sabihin yun, gagawin pa rin ng maboy ko yun (^O^)

Pagpunta ko sa plaza, sya ang una kong hinanap.

Tuminginm-tingin ako sa paligid.

(@___@) WOW!

May lobo na baloons akong nakita!

Ang daming tao ang palakad-lakad. Yung iba mukhang staff dahil sa suot nila, yung iba naman mga tindero't-tinderang naglalako ng mga paninda nila.

"Is that Zoid Louie Lee?"

Galing sa likuran ko yung boses kaya naman napalingon ako.

Anim silang babae. Wow lang, HUH! Alam na alam talaga nila yung buong pangalan ng maboy ko.

"Where?"

Ngumuso yung isang babaeng naka-head band na may ribbon na pink, may tinuturo. Tumingin ako kung saan ang tinuturo nya.

Si Zoid nga!

Bago pa ko makahakbang para puntahan ang maboy ko, inunahan na nila ako. Halos mabunggo-bunggo pa nila ako. Hello!? Hindi naman ako pandak gaya ni Sol para hindi nyo makita!

Haha! Dinamay pa si Sol, eno? Kilala nyo yun? Yung jowakis ni Renesmee?

Nakaupo si Zoid malapit sa fountain na umiilaw. Ang ganda naman! Napaka-colorfu----

(O___O)

(>___<)

SHETENES! Dinumog nila ang BOYFRIEND ko at isa-isang niyakap! Argh >.<

Pumunta ako papunta sakanila, pero imbes na hilahin ko isa-isa yung buhok nila palayo kay Zoid, tumayo lang ako sa tapat nila at nag-cross arms.

"Oh my Gee! Finally, na-meet din kita in person!" Tinulak nya lahat ng kasama nya at niyakap si Zoid. Tumawa lang na medyo naiilang si Zoid.

Sige lang! Humanda ka sa'kin mamaya, Zoid!

Hindi kita bibigyan ng Kiss! Hmpk >Q<

"Teka, Bakla!" Nilayo nung isang babae yung nakayakap kay Zoid. "Kanina ka pa eh! Ako naman." At sya naman ang nangyakap kay Zoid.

Anong tingin nila sa boyfriend ko? Libre yakap, huh?

Si Zoid naman hindi tumatanggi.

Hindi makatanggi sa chix? Tch. Magkaroon ka ba naman ng boyfriend na playboy =__=

Maya-maya, yung isa sa mga kasama nila, hinila palayo yung huling yumakap kay Zoid. "Ano ba kayo, huh? Kung umasta kayo parang hindi kayo mga babae, ah?"

I nodded, agreeing on his statement.

"ALIS!" Pinagsama-sama nya yung mga kasama nya sa isang tabi para hindi naman makalapit kay Zoid.

"KYAAAAAAH! MAS GWAPO KA SA PERSONAL! PH MY GHAD! PARA KANG SI ADONIIIIIS!"

Matapos nyang palayuin yung mga kasama nya, sya naman ang yayakap sa boyfie ko. Ano ba naman ba yan =___+

Magwawala na talaga ako dito!

"Pa-kiss pa nga"

o___O

Nanlaki mata naming lahat including Zoid nang halikan sya ng babaeng yun sa pisngi. ARGGGH!

Lumapit ako sakanya, hinawakan yung damit nya sa likod at tinulak dun sa mga kasama nya na dun lang natauhan. Brutal na kung brutal.

"Hey! How dare you and who are you?!"

"I'm Zailie, his girlfr---"

"My wife."

They gasp then exchanged looks.

Nakatayo kaming mga bababe. Katapat ko sila na sama-samang nakatayo habang si Zoid, ang sarap ng upo sa bench sa pagitan namin.

Ganyan na daw ngayon, babae na ang nakatayo at lalaki na ang pinapaupo. Take note the sarcasm =___=

"By the way, I'm Prinsesa." Sya yung babaeng hindi yumakap kay Zoid. "Fiance ng kambal nya," Tinuro nya yung babaeng humalik kay Zoid. Err..

"Ang feeler mo! Di nga kayo ni Panget, fiance pa?"

"Whatever! Hindi panget ang kambal mo!"

"Nyeyeyeye~" Tumingin sya sa'kin. "I'm Dyosa." Sya yung babaeng may Kambal daw and for the second time, ang humalik kay Zoid.

"Pretty here."

"Manika."

"Ganda."

May pretty na, may ganda pa?

"And Gangstah,"

They looked at each other briefly then simultaneously yelled, "And we are the ASSUMERAS!" They giggled.

"Mamatay na nagtanong," (-____-)

"Ang mean ng asawa mo, Zoid! Palitan na yan." Gangstah

Umiling lang si Zoid habang nakangiti.

"Ngi-ngiti-ngiti ka dyan. Kilala mo ba yang mga yan?" Tinuro ko yung assumeras daw.

"Hindi," maikling sagot nya.

"HINDI?! EH, BAKIT NAGPAPAYAKAP KA?" Tumingin ako ulit sa assumeras. "AT KAYO!" Dinuro ko sila isa-isa kaya naman bahagya silang napaatras. "BAKIT NYO NIYAKAP AT HINALIKAN ANG MABOY KO, HAAAA?"

"Lagot ka, Dyosa!" Ganda

"Malay ko bang halimaw yang babaeng yan."

"ANONG SABI MO?"

"Wala. Nevermind. Tara na nga, maghanap nalang tayo ng pogi sa tabi-tabi. Yung poging walang HALIMAW na asaw---AAAAAAAH~" 

Bigla silang tumakbo habng sumisigaw. Pa'no, tinakot ko sila na hahabulin ko.

Halimaw, huh?

Sa ganda kong 'to?

*flip hair*

Napatingin ako kay Zoid na tumatawa ng mahina.

Baliw. Tsk

Tinalikuran ko nga. Pinapanood ko yung mga taong dumadaan pero ang buong atensyon ko ay nasa taong nakaupo sa likuran ko.

"Louise ko," Tinusok-tusok nya yung tagiliran ko. Medyo napapaliyad pa nga ako kasi nakakakiliti.

"Tigilan mo nga ako! Maghanap ka ng ibang babae dyan." Pagkasabi ko nun, bigla nya kong hinawakan sa kamay at hinila paupo sa bench sa tabi nya. Medyo nagpanic pa nga ako kasi baka mawalan ako ng balance.

Bara-bara kasi (=o=)

"Bakit pa ko maghahanap?" he seriously asked.

Hindi ako nagsalita at umiwas nalang ng tingin.

"I already have you..

Louise ko,"

>/////<

Syeteng lalaking 'to! Matapos mang-inis, magpapakilig naman.

He buried his face against my neck. Nakakakiliti! Nararamdaman ko yung hininga nya >O<

"I love you," hinalikan nya yung leeg ko.

I remained silent.

"Galit ka?" Umayos sya ng upo. Hinawakan ang dalawa kong kamay at inilapit yung mukha nya sa'kin. "Galit ka?" ulit nya. Mahina ang pagkakasabi nya at may tonong nanglalambing.

"Sino ba namang hindi magagalit kung may nangyayakap at HUMAHALIK sa boyfriend mo." Tumingin ako sakanya at tinulak sya palayo sa'kin. "Hindi mo manlang tinaboy o kung ano man. Ang playboy mo talaga!"

Tumayo ako at aalis na sana pero bigla nya ulit akong hinila paupo at niyakap.

Err. Ang PDA nya talaga. May mga nakatingin na sa'min. Shems >///<

"Wag ka ng magalit. Nag-iisa ka lang,"

"Nag-iisa pero---"

Hindi pa ko tapos sa pagsasalita, nilagay na nya yung index finger nya sa bibig ko. "Nagpapaka-gentleman lang ako. Alangan namang ipagtabuyan ko sila.. edi napahiya yung mga yun. Babae pa rin sila, Louise ko."

"Eh pa'no nalang yung mararamdaman ko?"

"You don't understand." Umalis sya sa pagkakayakap sa'kin.

"Sige, baliktarin natin ang sitwasyon. Isipin mo na ako yung nasa posisyon mo at ikaw ang nasa posisyon ko. What will you feel?"

Napaisip sya saglit hanggang sa kumunot yung noo nya. "I think I got your point. Promise, di na mauulit."

"Siguraduhin mo lang."

Tumango sya habang nakangiti. "Nasanay ka kasi sa pagiging playboy," I murmured.

"Narinig ko yon."

"And?"

Pinitik nya yung nook o.

Ang sakit nun >D<

"Sinasaltik ka na naman. Pa-kiss nga," Ngumuso sya at akmang hahalikan ako pero tinulak ko sya.

"Ayoko! Dahil sa nangyari kanina, hindi kita bibigyan ng kiss!"

"Oh? Talaga?"

Bakit parang sa tono ng pananalita nya eh may binabalak sya o_O

"Oo! Hindi kita bibigyan ng kiss! Manigas ka!"

"Okay,"

Okay?

Okay lang sakanya?

Bago yun, ah?

"Kung hindi mo ko bibigyan ng kiss, AKO nalang ang magbibigay sa'yo!"

"M-maboy, wag naman dit---"

Hindi na nya ko pinatapos magsalita, hinawakan na nya yung likod ng ulo ko atsaka mabilis na hinalikan.

"PDA KA NA NAMAN! Nakakahiya >,<"

"Nakakahiya?" Natatawang tanong nya.

"Oo kaya--"

*tsup*

"Ano, nahihiya ka pa?"

"Hindi na >___<"

Tumawa na naman sya na parang baliw.

Maya-maya, binasa nya yung labi nya tapos napakunot yung noo. "Lasang strawberry." puna nya.

"Hehe. Lip gloss ko yan."

"Nag-ayos ka pa talaga. Pero ang sarap. Ang tamis."

"Ng alin? Ng lip gloss ko?"

"Hindi, yung labi mo."

>////<

Tumawa na naman sya na parang wala ng bukas. Pinagti-tripan nya ba ko?

Maya-maya, napatingin sya sa shorts ko.

Biglang nawala yung ngiti sa labi nya.

"Naka-shorts ka na naman. Lika nga dito."

Bossy!

Tumayo ako papunta sa harapan nya.

Hinubad nya yung jacket nya at tinali yung sleeves sa waist ko.

"Tama lang pala talaga na dinala ko 'to," Sya

~continuation~

Biglang nag-ingayan yung mga tao. May nagsasalita na rin sa mic. Nagkatinginan kami ni Zoid atsaka tumakbo papunta sa concert hall.

Ow myyyy! Magsisimula na!

"And now let me present to you... the SM TOWN!!!"

Unang lumabas yung boy band under ng Sm Town entertainment tapos yung sa girls naman. After nila, yung YG entertainment naman hanggang sa..

tentenenentenen...

Starship entertainment na.

Nagpapanic na ko dito sa pwesto ko kasi ang daming ulo ang nakaharang. Kung sa big screen naman ako manood eh parang wala din. Parang nanood lang din ako sa TV or sa laptop.

Naramdaman ko nalang na lumipat ng pwesto si Zoid. Pumunta sya sa harapan ko at dahan-dahang lumuhod.

"Hoy, anong ginagawa mo dyan?" Medyo malakas na tanong ko. Nagpe-perform kasi ng chorus yung boyfriend. Actually, lahat naman eh. I got a boy pa nga yung pinerform ng SNSD at wolf naman ang EXO.

Lumingon sya sa'kin at tumingala, "Pasan na."

"H-huh? Pero.."

Hindi na nya ko pinatapos magsalita, kinuha nya ang dalawa kong braso at inilagay sa magkabilang nyang balikat at tuluyan na kong pinasan sa likod nya.

Aangal pa sana ako kaso bigla syang tumayo.

"Sistar!"

Oh em geee! Ayan na sila! Hindi ako mapakali. Kyaaaah~ Andyan na ang most favorite kpo girl ko!

Unang lumabas si Dasom na nakangiti habang kumakaway, sinundan ni Soyou, ni Bora at ni Hyorin.

Oh ma boy~ oh ma boy~ baby

Niga museun sarangeul ara, nae mam man apa

Oh ma boy~ oh ma boy~ baby

Niga eotteoke nae mameul ara

Don't let me down boy~

Sinayaw nila yung chorus ng maboy.

"Maboy daw, oh." Sabi ko kay Zoid habang pinapanood kong sumayaw yung mga ate ko.

"Magaling ka pa sumayaw dyan eh."

Napatingin ako sa mukha nyang malapit sa'kin.

"Sana naman, maboy kung pupurihin mo ko.. yung totoo naman. Tsk."

"Totoo nga yun! You are the best lady in the universe.. for me."

Nag-pout ako, "Sige na nga. I love you, maboy."

He smiled and tried to capture my lips, but it looks like he was struggling so I leaned forward and kissed him.

The program goes very well. Ang galing ng Bigbang, EXO at yung B.A.P.

Ang cute ni Zelo. Yung batang yun...

Kay otor na daw yun eh. Tsk. Edi kanya na! May Zoid naman ako. Ahihi (*U*)

***

"Bakit ganyan itsura mo?" Tanong nya habang nagda-drive. Sabi nya kasi daan daw muna kami sa unit nya bago nya ko ihatid sa bahay.

"Sistar >u<" Nanlulumo kong sagot.

After kasi ng program, nakapagpa-picture ako sa lahat ng biases ko except sa SISTAR. Hindi pa kasi tapos yung program, umalis na sila dahil may kung anong emergency daw.

Imbes na sumagot, tinawanan nya lang ako. Kanina pa yan tawa ng tawa =___= Nakakaloko na, huh!

Pagsakay namin sa elevator, kami lang yung tao. Hating gabi na rin naman kasi. Tinignan ko yung reflection ko sa elevator. Para akong nakasuot ng palda hanggang tuhod dahil sa suot kong jacket na napakalaki >o<

"Louise ko," I looked up to him.

"I wanna try something."

Magsasalita pa sana ako kaso bigla na nya kong hinawakan sa batok at hinalakan. Nanlaki pa yung mga mata ko pero agad din naman nawala then responded to his kisses.

My arms autimatically moved around his neck, then his changed its position to my waist.

So, this is what he wanna try? A kiss in the elevator? Haha

*Ting*

Lumayo ako ng konti at ngitian sya. "We're here." Sabi ko at hinila na sya palabas ng elevator.

As we entered his unit, he closed the door shut then pinned me against it.

"That was great. Let's do it again!" Nakangising sabi nya.

Automatica na nasapok sya ng kamay ko. Namimihasa eh (.__.)

Napakamot sya sa ulo nya na halatang dismayado, "Makapag-bake na nga lang." Pumunta sya sa kitchen.

Alam ko na kung ano ang ibi-bake nya.

My favorite lasagna (^O^)

***

2am na, pero nasa condo pa rin ako ni Zoid. Nanonood kami ng A walk to remember. Shemay! Nakakailang tissue na ko sa palabas na 'to.

Tinignan ko yung katabi kong nakaupo sa couch habang nanonood, nakaakbay pa sya sa'kin.

"Bakit ka nakangiti?" Nagtatakang tanong ko sakanya.

WAGAS ba naman kung ngumiti =___+++

Halos naubos ko na nga yung tissue na binigay nya sa'kin kanina tapos sya todo ngiti? Baliw na ba talaga to?

"Iniisip ko kasi.."

"Yung alin?"

"Elevator." Ngumiti na naman sya ng nakakaloko.

"Elevator?" Napaisip ako saglit hanggang sa ma-realize ko kung ano yung nasa isip nya. Grr.. Talaga naman!

"I wanna do it again... with you." He licked his lowerlip.

"Ihatid mo nalang ako sa bahay bago kita masapok." =____=

He has no choice but to take me home. Next time nalang daw (-o-)