Chereads / Her Gangster Attitude / Chapter 31 - Chapter 30: You're Seeking Death

Chapter 31 - Chapter 30: You're Seeking Death

IYA

Nakahinga ako ng maluwag nang makalayo na ang jeep na sinasakyan ko sa bookstore. Kung anu-ano ang pinagsasasabi ko kanina sa kaibigan ni Ivan. Mukhang hindi n'ya inaasahan ang mga tirada ko. Ako rin naman, hindi ko na pinag-isipan kung ano ang mga pinagsasabi ko. Sana lang hindi n'ya isipin na masyado akong defensive sa pagsasabing hindi ko gusto si Ivan.

Siguro naman hindi ako isusumpa ng lalaking iyon sa pagsasabi kong bakla s'ya. Wala naman akong ibang choice eh. Kung hindi ko iyon sinabi, baka ako na ang niraratrat n'ya ng maraming tanong. At ayokong ikwento kahit na kanino ang mga nangyari noon. Mabuti na lang effective ang ginawa ko. I caught him off guard. Hehe. Lalong napanatag ang kalooban ko ng maalala ko ulit ang itsura nung lalaki. Parang hindi matanggap ng isipan n'ya ang mga sinabi ko. Bahala s'ya. Hahaha. Sino bang may sabi sa kanya na corner-in ako?

Nang tumingin ako sa paligid ay naalala ko na naman ang mga kasyungahang pinagsasasabi ko kanina.

"I'm sorry but I can't return Ibang to you. Bayad ito ni Ivan sa pag-aalaga namin sa kanya noon. But if your worried kung may gusto ako sa kanya. You can rest assured na wala dahil I still value my life. Hooking up with him is like throwing away my life..."

Thinking about those words... hindi ko mapigilang kagatin ang pang-ibabang mga labi ko. Kung alam lang ng lalaking 'yun. Kung alam lang n'ya... parang pinupunit ang puso ko habang walang habas iyong sinasabi ng matabil kong dila. How does hooking up with him is like throwing away my life? Although I don't do the 'hooking up' thing, just knowing Ivan and letting him be a part of our simple life, it's already a blessing.

"Masyado s'yang mayaman. Masyado s'yang gwapo. Masyado s'yang famous. Masyado s'yang mataas. At lahat ng 'masyado' ay nakakasama. So there, sayo'ng-sa'yo na s'ya..."

Who cares if he's so damn rich? Who cares about everything? Hindi ba kapag gusto mo ang isang tao dapat lahat pantay-pantay? Pero bakit pagdating kay Ivan parang nagkakaroon ako ng insecurity complex? Pakiramdam ko hindi sapat ang buong pagkatao ko para sa katulad n'ya. Gusto ko s'ya. Gustong-gusto ko s'ya pero hindi ko iyon kayang panindigan. Naduduwag ako. Mariin akong pumikit ng maramdaman kong nagluluha na ang magkabilang mata ko. It's so unfair. Bakit kailangang makaramdam ako ng ganito? Bukod sa masakit na sa puso, nakakasakal din.

Madilim na nang makarating ako sa bahay ng magaling kong nanay. Napakunot-noo ako ng makita kong nagkakagulo na naman ang lahat.

"Anong nangyayari? " nababahala kong tanong sa nakasalubong kong kasambahay. Mabilis kong dinala sa likod ng isipan ko ang mga personal kong alalahanin. Hindi kaya inatake na naman si Wella? Pero imposible 'yun.

Huminto sa harapan ko ang babaeng hindi ko alam kung ano ang pangalan.

"Si Miss Wella isinugod sa ospital, " pabulong n'yang sagot.

"Bakit daw? "

Okay pa s'ya kanina ah. Anong nangyari at biglang inatake ang batang 'yun?

"Naabutan n'ya kaseng nag-aaway si Mam at Sir. Tapos bigla na lang s'yang nawalan ng malay, "

"Nasaan na s'ya? "

"Isinugod na nila sa ospital si Miss Wella, "

Dahil sa narinig ko ay dali-dali kong hinanap si Carl. Mukhang nagmamadali rin s'ya at kung tama ang hula ko, hinahanap n'ya rin ako dahil nagkasalubong kaming dalawa na parehong nagmamadali pa sa paglalakad.

"Tayo na? " tanong n'ya pero hindi naman maalis ang paningin n'ya sa braso ko. Wala sa sariling nasundan ko rin ng tingin ang tinitingnan n'ya.  Nanlaki ang mga mata ko nang may bagay akong ma-realize.

Si Ibang!

Oo nga pala. Paano ang kuting ko?

Napatingin ako sa maliit na gate na nasa pader. Parang nananadya pa na doon talaga kami napatapat. Naisip ko tuloy ang nilalang na nagbigay sa kuting. Hindi ko alam kung bakit pero malakas ang pakiramdam ko na mas magiging safe ang pusa ko kung si Ivan ang mag-aalaga. Dali-dali akong kumuha ng papel at sumulat doon. Kakapalan ko na lang ang pagmumukha ko. Babawiin ko rin naman bukas si Ibang. Ayoko lang s'yang iwanan na mag-isa sa loob ng kwarto ko. Mamaya mapag-tripan pa s'ya ng mga katulong ng nanay kong magaling na alam ko namang may lihim na galit sa akin. Habang minamaniobra ni Carl ang sasakyan ay mabilis ko namang tinakbo ang maliit na gate at ipinasok ko sa maliit na siwang si Ibang.

"Pumasok ka muna sa loob baby ko. Maraming pagkain d'yan. Babawiin na lang kita pag-uwi ko, " bulong ko sa kuting na ligtas namang nakatawid sa kabilang gate. Nakatingin s'ya sa akin at tila ba ayaw pang umalis. Binubugaw ko s'ya papasok sa loob ng kabilang villa sa pamamagitan ng hand gesture. Sana naman ay ma-gets n'ya.

"Ano 'yun? "

Napatingin ako kay Carl. Nakatingin s'ya sa gate kung saan ako nanggaling. May pagtatakang mababanaag sa mukha n'ya.

"Ah... eh.. Iyong kuting ko, tumawid sa kabilang pader, " sabi ko na para bang 'yung pusa ang kusang umalis.

Saglit pa s'yang tumingin sa gate na pinanggalingan ko pagkuwan ay tiningnan ako saglit.

"Ipagtanong na lang natin pagbalik. Mas importateng makasunod na tayo sa ospital, " seryosong wika ni Carl.

Tahimik na sumakay ako sa sasakyan. Pinaandar naman na iyon ni Carl. Palihim kong sinulyapan ang gate na punong-puno ng mga kandado. Wala na si Ibang sa pwestong kinatatayuan n'ya kanina. Nakahinga ako nang maluwag. I clenched my fist and wished na sana ay makita s'ya ng mga bodyguard ni Ivan.

"Don't worry, kakilala ni Tatay ang hardinero sa kabila. Ipagtanong na lang natin bukas, "

Ngumiti ako ng tipid. Hindi ko lang masabi na wala naman talagang problema dahil sinadya kong papuntahin ang alaga ko sa mismong may-ari ng villa.

********

AJ's POV

Naririnding ibinaba ko sa eleganteng sofa ang cellphone ko. Ano bang problema nitong si Jaire at kanina pa 'to paikot-ikot?

"Will you stay put, Dude?" panlimang babae na ang nakakausap ko pero ni isa sa kanila hindi ko pa masabihan ng talagang pakay ko dahil natotorpe na naman ako. Hindi ako makapag-concentrate sa sasabihin ko dahil sa lintik na si Jaire. "Did you eat something bad?" hindi ko na maitago ang yamot na nararamdaman ko.

Lalo akong napa-praning dahil sa ginagawa n'ya.

Marahas na nagpakawala ng malalim na paghinga si Jaire saka naupo sa katapat kong sofa. Tch. Bakit ba parang ang laki-laki ng problema ng taong 'to ngayon? Iniwanan na ba s'ya ng mga syota n'ya?

"Boss...! "

"Boss? "

"Boss! "

"Sir AJ, nasaan po si Boss? "

Napasabunot na lang ako sa buhok kong ni hindi ko pa nasusuklay. Kapag minamalas ka nga naman. Bakit sa dinami-dami ng araw na magkakagulo itong mga bodyguard ni Iker, ngayon pa?

"What happened? Lumabas s'ya kanina. Tinawagan yata s'ya ni tita, "

"May malaki tayong problema! "

Ano naman ang pwedeng maging problema?

"Sabi ni Mang Ben isinoli daw ni Boss Mam ang kuting na regalo ni Boss! "

"Ha? "

"What? "

Nagkatinginan kami ni Jaire. Noon ko lang nakitang namutla ang loko. Bakit parang may kakaiba sa taong 'to?

"Dude, are you sick? Bakit wala ng kulay ang mukha mo? " hindi ko mapigilang itanong.

Bilang sagot ay pinunasan ni Jaire ang pawis sa noo n'ya. Naka-aircon kami ah. Bakit naman pinagpapawisan ang lokong 'to?

"What could have happened? She told me she's not giving it back, " bulong ni Jaire na dinig na dinig ko.

Anong pinagsasasabi n'ya?

Giving it back?

"Dude, you talked to her?" and by 'her' alam ko naman na alam na n'ya kung sino ang tinutukoy ko.

"Talked to her? " pagbabalik tanong ni Jaire. Tiningnan n'ya ako saka sunod-sunod na umiling. "Damn, it's the other way around. S'ya 'yung imik ng imik. I don't know how the heavens made her brain. She even said I'm a gay. Darn it. "

Jaire look so serious and devastated.

Pinoproseso ko pa sa isipan ko kung ano ang sinabi n'ya.

"So you talk to her nga? But then, she caught you off guard? Hahaha, dude I told you she's no normal. Sa palagay mo ba magugustuhan s'ya ni Iker kung normal na babae lang s'ya? " natatawa kong tanong.

Hahaha. The hell with him being a gay. I'm sure kung anu-ano ang sinabi sa kanya ng babaeng 'yun para hindi n'ya masabi kung ano talaga ang gusto n'yang sabihin.

"Next time be prepared, dude. She's not someone to mess up with. Hindi mo ba nakita kung paano n'ya pagsabihan at pandilatan ng mga mata si Iker noong unang araw n'ya dito? Tsk. You're seeking death. Kapag nalaman ni Iker na pinuntahan mo ang babae n'ya ewan ko lang kung ano ang gawin n'ya sa'yo, " Natatawang naiiling na sabi ko sa kanya.

"Damn! "

What else can he do aside from cursing? Kitang-kita ko ang pamumutla ni Jaire kaya naman hindi ko na dinagdagan ang mga sinabi ko.  I also gave up looking for a date. Wala namang patutunguhan 'tong ginagawa ko. As of this moment, wala akong maisip na pamatay na pick up lines.

"Kailangan ko na bang mag-ipon para sa gagamitin kong kabaong? "

Humagalpak ako ng tawa sa sinabi ni Jaire. Aware naman pala s'ya sa ginawa n'yang kalokohan. Hahaha. Akala n'ya yata kase lahat ng babae makukuha n'ya sa looks n'ya. Tss.

"Don't worry about the coffee. Abuloy ko na 'yun, "

"Wala ka man lang bang pabiscuit? "

"May biscuit pa? "

"Of course! "

"Hahaha. You're so cheap dude. I can give better than that, "

Sabay kaming napailing at ngumisi ni Jaire dahil sa mga kolokohan namin. But honestly, I'm really, really praying for this person's perverted soul.