IYA
"Sayang! You almost hit it, Babe. "
"I'll pay for another round. Makukuha ko na 'yan panigurado, "
"Okay lang kahit hindi mo makuha, Babe. "
Nag-iwas ako ng paningin sa dalawang nilalang na mukhang maglilingkisan na anumang oras.
"Pwede mo bang kuhanin lahat 'yan? " inginuso ko kay Ivan ang mga stuff toys na naka-display sa likuran ng mga boteng babasagin. Hindi naman sa nab-bitter ako sa dalawang bubuyog sa harapan ko na maya't-maya na lang nagpabebe sa isa't-isa, naririndi lang talaga ako. Puro sila 'babe ganito' 'babe ganyan'. Anak ng pitumpo't pitong tupa, nakakarindi sila. "Gusto ko na silang manahimik. " turo ko sa magdyowang maglalapit na naman ang mga pagmumukha.
"Sure."
Hinanda ni Ivan ang gagamiting laruang baril. Sabi n'ya magandang klase daw iyon. Ano naman ngayon kung maganda? Mas maganda kung mauubos n'yang lahat ang mga stuff toys na naroon para manahimik na 'tong malantod n'yang kaibigan. I bit my lower lip. Pahamak kase 'yang si Josefa. Sa kanya ko narinig ang salitang 'malantod'. Nang dahil sa mga kalokohan n'ya kung anu-anong salita tuloy ang natututunan ko.
"Are you not going to call me 'Babe' first? " nagising ako sa pagmumuni-muni dahil sa pagsasalita ni Ivan. Pero kaagad din akong natahimik ng marinig ang sinabi n'ya.
"..."
"Just kidding, " I swear naririnig ko pa sa boses n'ya 'yung tonong nakakaloko na para bang nakangisi s'ya habang nagsasabi ng 'just kidding'. Kainaman, ngayon ko lang s'ya nakitaan ng ganyan. Capable din pala s'yang magbiro? But to tell the truth, nag-mental block na naman ako dun sa sinabi n'ya kanina. Paano nga kung Babe ang gusto n'yang tawagan? Ang lantooooood!
Teka nga, teka nga lang Delaila bakit ang layo na kaagad ng tinatakbo ng isipan mo? Paano kung trip ka lang talagang paasahin ng mokong na 'yan sa simula pa lang? O malay mo, dala lang sadya ng kalandian. Mainit ang panahon ngayon. Baka nahawa. Epidemya na ngayon 'yun eh.
Si Ivan Kerwin de Ayala nagbibiro? Sinasabi ko sa'yo. Nilalandi ka n'yan. Type ka rin n'yan. Anang isang bahagi ng isipan ko. Bigla akong kinilabutan dun. Promise.
Her? Type n'ya? Pwede na sana 'yung panlalandi pero sinabi mo pang 'TYPE'?! Isipin mo naman, naturingang utak ka pa man din, ang ating si Magtanggol ay matalino lang, maganda at masarap magluto pero aminin natin in this broad daylight na hindi s'ya girlfriend material. Wika naman ng kabilang bahagi ng isipan ko.
Ouch.
Hindi ko alam na ganito pala ako ka-harsh sa sarili ko.
Eh hindi ba sinabi n'ya na si Iya girl and first and last girlfriend n'ya?
Umasa ka naman?
Anak ka ng shark! Nanghalik s'ya kanina okay?! Nanghalik s'ya!!!
Baliw!!! Demonstration lang 'yun para malaman nitong slow na amo natin na hindi na s'ya kaseng arte ng dati.
Wahhhhhh!!! I hate you. Bakit ba pinipigilan mo ang kaligayahan ni amo ha?!
'Dun tayo sa practical, Kabayan.
Hinilot-hilot ko ang sintido ko dahil parang sasabog na ang ulo ko sa samu't saring isipin na ibinibigay sa akin ni Ivan ngayon. Muli kong ibinalik ang atensyon sa kanya only to see him starting to fire at the bottles on the stand. Isa, dalawa, tatlo... and so on, tiningnan ko si kuyang may-ari ng booth. Halos lumuwa eyeballs n'ya dahil sa nakikita.
Nang maging sampu na ang stuff toy na nakukuha ni Ivan ay halos mawalan na s'ya ng malay. Kakulay na n'ya ang suka sa sobrang pamumutla.
Condolences na lang sa negosyo n'yo kuya.
Maging ang magdyowang nasa tabi ko ay hindi na rin makakibo dahil sa nakikita. Ayan, babe kayo ng babe ha. Matitigil na rin kayo sa kapi-flirt sa isat isa. Hmm... ano kayang masasabi ng kaibigan ni Ivan sa kanya?
Labing tatlo ang lahat ng tinamaan ni Ivan. Hindi ako sigurado kung sinadya n'ya bang itira 'yung dalawa o talagang hindi lang n'ya tinamaan.
"Paano natin dadalhin 'to?" natatawa kong tanong kay Ivan ng lumuluhang ibigay ni kuya sa kanya lahat ng mga stuff toys na napanalunan n'ya.
Tahimik na kinuha ni Ivan ang cellphone n'ya saka nag-dial. He simply said come at maya-maya pa ay may dumating ng tatlong naggagwapuhang mga nilalang. Ngayon ko lang napansin, ang gagwapo pala ng mga guards n'ya. Hindi ko napansin noong dinala n'ya ako sa kanila. Si kuyang naghatid sa akin noong madaling araw hindi ko rin masyadong pinansin ang pagmumukha dahil mas excited ako noon sa paghanga sa dala-dala n'yang motor.
"Good evening Boss Ma'am, " sabay-sabay na bati nila sa akin ng makarating sa harapan namin. My mouth twitch. I don't know how to answer them, really. Kaya imbes magsalita ay tumango na lang ako sa kanila ng makabawi. Sino bang nagpauso ng pagtawag sa akin ng Boss Mam? Nakakaloka. Parang ang sagwa sa pandinig eh. Hindi ba pwedeng Boss din ako?
"Dalhin lahat 'to sa sasakyan. " utos ni Ivan.
"Wait, pwede bang akin na lang 'yung baboy? "
"It's all yours, " nakakunot-noong wika ni Ivan. "Para saan ang panghihingi? "
"K-kase... Ibibigay ko sana kay Sue. Okay lang ba? "
Matiim akong tiningnan ni Ivan. Alam ko naman na walang kahirap-hirap n'yang napanalunan ang mga ito pero alam ko rin na nag-effort s'ya. Kaya nakakahiyang basta ko na lang ibigay kung kani-kanino ang mga 'to. Saka isa pa, ako ang nag-request nito kaya natural kukunin ko sa kanyang lahat ito 'no. Iyon nga lang ibang usapan pa rin na nasa akin 'yung napanalunan n'ya kumpara doon sa ipamimigay ko ang napanalunan n'ya.
"Please? Hindi naman tayo makakapamasyal dito kung hindi n'ya ako isinama, " naka-pout kong sabi. Hindi ako aware na habang nakikiusap ako ay titig na titig si Ivan sa mga labi ko. He give me a smirk then he told his guards to hand over the piggy stuff toy. Malaki ang stuff toy na baboy. Ulo lang 'yun at kulay pink.
"Hehe, salamat. " masayang ngitian ko ng pagkatamis-tamis si Ivan saka niyakap ng mahigpit ang baboy.
"As long as it makes you happy. Let's go, marami pang rides. "
Tumango ako.
"Nga pala, sinadya mo bang hindi tamaan 'yung huling stuff toy sa dulo? "
Tumigil saglit sa paglalakad si Ivan. Akala ko naman kung ano ang gagawin. Kukuhanin lang pala ang kamay ko. He intertwined his own fingers to mine. Mas malaki kumpara sa kamay ko ang kamay n'ya. Pero pakiramdam ko saktong-sakto lang ang mga kamay namin sa isa't isa. Bigla na namang namula ang tenga ko dahil sa kung anu-anong naiisip ko.
"Hindi mo naman gusto si Spongebob at si Garfield. Why waste the effort? " nakakunot-noong tanong n'ya.
Natigilan ako. Sa pagkakaalam ko sinabi ko nga 'yun dati. Feeling ko kase ang salbaheng pusa ni Garfield kaya ayoko sa kanya. Si Spongebob naman, naririndi lang ako sa paraan ng pagtawa n'ya. Gayang-gaya kase ni Trii ang pagtawa n'ya kaya naiinis ako lalo noon. Naaalala n'ya pa pala 'yun?
"I l-like them, " nahihiyang wika ko. Baka naman sabihin n'ya ang arte-arte ko diba?
"It's okay not to like everything. " seryoso n'yang saad saka dinukwang ang kamay n'ya sa ulo ko.
Huh?
Bago pa ako makapagsalita ay inayos na n'ya ang ilang hibla ng mahahabang buhok na naki-join sa bangs ko.
"I miss your long hair, " sabi n'ya na para bang nalulungkot. Bigla na naman tuloy napasikdo ng wala sa oras ang inosente kong puso. Parang nagwawala na naman ang mga talipandas kong braincells dahil sa sinasabi n'ya. Huhu. Hindi ba nakakahalata ang lalaking 'to na malapit na akong magka-brain hemorrhage dahil sa mga lumalabas sa bibig n'ya?
Hinila na n'ya ako palayo sa lugar na 'yun at hindi ko na napansin kung saan kami nagpunta. Ang pakiramdam ko ng mga sandaling iyon, okay lang kahit saan kami makarating basta nasa tabi ko lang s'ya.
"Ice cream or cotton candy?"
"Huh? " natutulalang ini-scan ko ang paligid. Parang 'huh' na lang yata ang natitirang salita sa vocabulary ko. I'm so doomed!
Teka nasaan ba kami?
Food Court?
So... nagtatanong s'ya kung anong pagkain ang gusto ko?
"Ikaw. "
"Huh? Really? "
Nakalagay na sa ulo n'ya ang suot-suot n'yang maskara kaya naman kitang-kita ko nang ngumisi s'ya. Teka nga. Bakit ang lawak-lawak ng pagkakangisi ng isang 'to? Muli kong binalikan sa isipan ko ang tinanong n'ya. At...
"Ibig kong sabihin dun, ikaw ang mamili. Hindi ko sinasabing ikaw ang gusto ko, " pulang-pula na naman ang buong pagmumukhang wika ko. Kainaman 'tong taong 'to. Ang saya-saya yata talaga n'ya kapag ganitong nakakakuha ng pagkakataong biruin ako ng ganito kalupet.
"Libre naman ako, bakit hindi? " kaswal na kaswal n'yang tanong na hindi ko na naman malaman kung paano sasagutin. Aba, sumusobra na ang kumag na 'to ah. Saan ba n'ya natutunan ang pakikipag-flirt? Akala ba n'ya nakakatuwa? Hindi n'ya ba alam na nahihirapan ng makasunod ang bawat himaymay ng utak ko dahil sa mga lumalabas sa bibig n'ya?!
Malilintikan na talaga sa akin ang mokong na 'to eh.
Hintayin n'ya lang akong maka-recover. Hintayin n'ya lang talaga!
Ang ending, bumili s'ya ng ice cream at pagkatapos ay ipinabalot sa plastic ang malaking cotton candy.
"Bakit sa akin lang? "
"I don't like sweets. " s'ya na mismo ang nagdala ng cotton candy dahil hawak-hawak ko ang baboy na stuff toy sa kabilang kamay ko habang hawak ko sa isang kamay ang naka-cone na ice cream. "S'ya 'yung kaibigan mo diba? Bakit hindi mo pa ibigay 'yang baboy?
Lumingon ako sa tinitingnan ni Ivan. Nasa kabilang stall nga sina Sue at bumibili ng French fries.
Inabot ko kay Ivan ang hawak kong ice cream saka nagmamadaling lumapit kay Sue. Nagulat s'ya ng makita ako pero biglang nanlaki ang mga mata ng makita kung ano ang dala ko.
"Para sa'yo, " nakangiting ibinigay ko ang baboy sa kanya. Alam ko naman na mahilig s'ya sa baboy. Ang pagkakaalam ko nga, baboy ang pet n'ya. Karamihan sa mga bags n'ya ay puro baboy ang designs. Lahat ng mga keychains n'ya ay baboy din ang design. Lahat 'yun kulay pink. Hindi pa siguro s'ya nakakakita ng babiy na inaalagaan sa pig pen o sa likod bahay lang kaya hindi n'ya naiisip na hindi naman talaga ganun ka-cute ang baboy. Pero kanya-kanyang trip naman 'yun kaya susuportahan ko na lang s'ya sa trip n'ya.
"Para sa akin talaga 'to? " hindi makapaniwalang tanong ni Sue.
Tumango ako ng sunod-sunod.
"Huwaaaa! Salamat Iya! " sa sobrang saya ni Sue, niyakap n'ya ako ng pagkahigpit-higpit. Pagkatapos n'ya akong pakawalan ay iyong baboy naman ang niyakap n'ya. "You're so soft and cuddly. " kung kausapin naman 'yung baboy kala mo tao din.
Mabilis na akong nagpaalam sa kanya.
"Salamat, " nakangiting wika ko kay Ivan ng muli akong makarating sa tabi n'ya. Tinanguan n'ya lang ako.
"Try natin sa roller coaster? " tanong n'ya ng mapatapat kami doon.
"Okay. Pero lakad-lakad muna tayo. Ubusin ko muna 'to, " itinaas ko ng bahagya ang hawak-hawak kong ice cream in cone. "Tikim ka. "
Sunod-sunod s'yang umiling. "Ayoko. "
"Tikim lang naman. " inilapit ko pa sa bibig n'ya ang ice cream. Tinitigan na naman n'ya ako. Nginitian ko lang s'ya. Ayoko kayang ipagdamot ang pagkain na s'ya din ang bumili.
"You're only allowed to share ice cream with me. Ayokong nakikipag-share ka nito sa iba. " seryosong sabi n'ya saka kumagat sa ice cream na nakatapat pa rin sa bibig n'ya.
Natigilan ako dahil sa pagbabanta sa boses n'ya. He sound serious. Dead serious.
Ayaw n'yang magsi-share ako ng ice cream sa iba?
Maang na napatitig ako sa ice cream na kinagatan n'ya. Noon ko lang na-realize ang aftermath ng katangahan ko. 'Yung ice cream na isinubo n'ya, iyon din ang kailangan kong isubo. Big deal ba 'to?
Syempre big deal 'to!
Tahimik na kinain ko na lang ang natirang ice cream. Hindi na ako nag-alok pa ulit. Nakakahiya naman ako. Eh kase naman, bakit isa lang kase ang binili n'ya? Natural mag-aalok ako diba?
Dali-dali ko ng inubos ang kinakain ko. Pero napahinto ako pagdating sa dulo dahil may lamang chocolate 'yun. Utang-uta na ako. Hindi ko na kayang kainin pa 'yun. Nagpalinga-linga ako sa paligid para maghanap ng basurahan. Pero bago pa man ako makalapit doon ay may humila na sa kamay ko.
Napanganga na lang ako ng isubo n'ya lahat 'yung dulo ng ice cream na gusto kong itapon.
"..."
"Rollercoaster, let's go. "