Chereads / Her Gangster Attitude / Chapter 41 - Chapter 40: Their Untold Story

Chapter 41 - Chapter 40: Their Untold Story

YANA

Mula pa kaninang umaga tahimik na kami. Ang kwento sa amin ni Sue, naging maayos naman daw ang lakad nila kahapon. Nagkausap daw sila ng masinsinan ni Gio at may kutob din daw s'ya na nakapag-usap ng maayos sina Iya at Iker. Excited pa kami na sinalubong si Iya sa loob ng dungeon. Pero sa halip na magkwento s'ya, wala s'yang ginawa kundi ang magluto ng tahimik. Mula ng pumasok kami sa dungeon hanggang sa matapos na lang sa ginagawa doon ay hindi man lang namin narinig ang boses n'ya.

Ano kayang nangyari sa kanya?

May ginawa bang hindi maganda si de Ayala kahapon? That good for nothing bastard. What did he do to our Iya?

"Hey, tell us what happened! " hindi ko na matiis na sabi kay Iya. Dahil lahat kami ay masyadong seryoso sa ginagawa kanina sa dungeon maaga naming natapos ang lahat. Kaya heto, nasa ibabaw kami ng rooftop na hindi naman namin ginagawa dati.

"Pasasabugin ko na ba ang bungo ng lalaking 'yun? Our fame and weatlh may not be on par with his pero isa kami sa mga prominenteng pamilya dito sa bansa. If you allow me, kaya kong saktan ang baliw na 'yun. " sabi ko pa ulit.

Totoo naman 'yun. Although hindi pa ako nakakapatay, darating ang araw na baka magawa ko rin 'yun. Being the heiress of a Mercenary family, sino pa bang ibang magmamana sa negosyo ng mga magulang ko eh ako lang ang nag-iisa nilang anak. Ang alam ng lahat may mga kapatid akong lalaki, pero lingid sa kaalaman nila, hindi ko talaga sila kadugo. Siyam silang napulot ng daddy ko. Lahat iba-iba ng lahi. Ang akala ng iba, anak sila sa ibang babae ni daddy. Pero hindi, ako lang ang biological child. Dahil masyadong mabait at maunawain ang mommy ko, lumaki kaming lahat na mahal na mahal ang isa't-isa. Ni hindi namin alam na hindi pala kami magkakapatid. Noong tumuntong na lang ako sa edad na sampu saka inamin ng mga magulang ko ang katotohanan.

Binigyan ng pagkakataon ni daddy ang siyam kong kuya na puntahan at kilalanin ang sarili nilang mga pamilya. Pero sa bandang huli, kami pa rin ang pinili nila. We may be from a mercenary family. My father and brothers know how to kill if they have to. They are ruthless and doesn't like to take any loses. They don't forgive thosw who betray them. But as a family, palagi naming inuuna ang nakabubuti para sa isa't isa. I grow up looking up to them. And one day I will become just like them. Alam naman iyon ng lahat. Wala ring dahilan para itago ko 'yun.

"Iya dear, sinaktan ka ba n'ya? " nag-aalalang tanong ni Josefa este ni Mark Jose. Hindi namin makita sa maganda at nakakaakit n'yang mukha ang kaharutan na palagi naming nakikita doon. Purong pag-aalala lang din ang nakalarawan sa magandang mukha ni Mark Jose.

Seriously, minsan tinanong ko na s'ya kung nagparetoke na ba s'ya eh. Para s'yang dyosa sa ganda tapos may male organ?! Eh, mas maganda pa s'ya kesa sa aming apat.

"I-i thought you two are doing fine. " mababakas din ang pag-aalala sa boses ni Sue. At hindi kagaya noon, mas firm at buo na ang pananalita n'ya ngayon. Hindi na nauutal sa bawat katagang babanggitin.

"Paano ka namin matutulungan kung hindi ka nagsasalita d'yan?! " nai-stress na tanong naman ni Ces.

Narinig namin ang pagbuntong-hininga ni Iya. Nakatingin s'ya sa kawalan. Nang matapos n'yang magbilang ng kung anuman, isa-isa n'ya kaming tiningnan. Napalunok tuloy ako ng wala sa oras. Kinakabahan ako sa paraan ng pagtingin n'ya. Iyon ang itsura ng mga taong gusto ng sumuko sa buhay. Pero bakit? Ano ba talagang ginawa ng gagong 'yun kay Iya?!

"One year ago. May isang nilalang na nakita ang lola ko sa may sagingan namin. Tahimik lang kaming naninirahan sa Probinsya ng Katahimikan. Isang araw, biglang nagbago ang routine ng pamumuhay namin ng dumating ang taong 'yun. "

Mahina lang ang pagsasalita ni Iya pero lahat ng salitang binibigkas n'ya ay rinig na rinig namin. Hindi kami nagsalita. We urge her to continue using our eyes.

"Ewan ko. Hindi ko alam. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ang laki-laki ng impact n'ya sa buong sistema ko. Kahit hindi s'ya marunong ngumiti. Kahit napakatahimik n'ya. Kahit nakakatakot s'yang tumingin. Kahit na napaka-cold n'ya...hindi ko maipaliwanag kung bakit at kung kailan ako nagsimulang dumepende sa kanya. Whenever he's around, I always feel safe. I notice every single detail of his reactions. I can even felt it when he's mad or happy or he just want to be alone. I want to make him smile, make him happy. And I loved to cook for him. Siguro kaya ganoon ako kase, iyon ang kauna-unahang pagkakataon na may nakasama akong ibang lalaki sa bahay namin na hindi ko kaano-ano. Nang umalis s'ya, dapat kinalimutan ko na s'ya. Dapat nawala na 'tong nararamdaman ko para sa kanya. Pero nang mapadpad ako dito, at makita s'ya ulit. Hindi ko mapigilan ang sayang nararamdaman ko. At sa palagay ko, mas lalong lumalim ang kung ano mang nararamdaman ko noon para sa kanya. I just thought about it last night. It's so frightening to know that he weighs so much to me. Nakakatakot lang na 'yung nararamdaman ko hindi lang simpleng 'like' or 'infatuation' not even near to the word 'crush'. I know all is fair in love. Pero hindi eh. Magkaiba kami ng mundong ginagalawan. He's too high while I'll be forever on the lower ground."

Lahat kami ay natameme ng matapos ang mahinang pagsasalita ni Iya. Sa sobrang haba noon, nakikini-kinita pa namin sa aming mga isipan lahat ng mga kinukwento n'ya. Kaya naman pala magkakilala sila ni de Ayala? Sila pala ang sumagip sa baliw na 'yun noong mabaril nung isa pang baliw?

"Wala s'yang kasalanan sa mga pangyayari. It's all my fault. Who told me to like him? Haha. Ang taas lang ng pangarap ko diba? " tumatawang tanong n'ya ng sunod-sunod pero 'yung lungkot na mababanaag sa boses n'ya, hayp lang. Nanununtok ng puso.

"Ano nang gusto mong mangyari ngayon? " it's so unsual for Mark Jose to be this cooperative. Kung sa iba-ibang pagkakataon siguro, baka nagpa-party na 'to at nagpasalamat dahil may masusulot na naman na jowa.

"Tulungan n'yo akong makaiwas sa kanya guys, please. "

Nagkatinginan kaming apat. Umiwas? Iyon eh kung magagawa talaga n'yang makaiwas. Knowing de Ayala, he can do everything.

"We can help you pero akala mo ba ganoon lang kadaling iwasan si de Ayala? " hindi ko mapigilang ibulalas.

"Kailangan ko lang ng kaunting panahon. Kapag nakuha ko na ulit ang composure ko. Kapag kaya ko na ulit kontrolin ang sarili ko, okay na 'yun. Gusto ko lang maging normal sa tuwing haharap ako sa kanya. I don't want to look like a lovestruck fool when I'm facing him, you know. "

Tahimik na hinilot ko ang pagitan ng mga kilay ko. Ang buong akala ko ay hindi s'ya tatablan ng karisma ni de Ayala. S'ya pala ang nagunguna sa listahan. At isa pa, mukhang hindi lang basta pagkagusto ang nararamdaman n'ya. Mahal na n'ya ang damuhong 'yun.

"Are you sure? Alam mo Iya, ang feelings ay hindi bigas na pagkakain ay itatae mo na lang pagkatapos. The more na pinipigil mo 'yan, the more na kakawala 'yan." Mark Jose said bluntly.

"I know." mahinang anas ni Iya. Para s'yang sundalong suko na kaagad, ni hindi pa nga nagsisimula ang laban.

"Alam mo pala. Eh para saan pa at gusto mong umiwas?" Nakataas ang kilay na tanong ko.

"Para makapag-isip ng matino?" Patanong din n'yang sagot.

She's a hopeless case. Mukhang wala talaga kaming magagawa kundi ang ilayo nga muna s'ya pansamantala kay de Ayala.

Tahimik na kinuha ko ang cellphone ko saka nag-text kay Peter.

'Kapag nagpunta si de Ayala at hinanap si Iya. Tell him may pinuntahan kami. Huwag na huwag kayong magpapaakyat dito sa rooftop'

Ilang minuto lang ay may nagreply sa text ko.

'Oright! Akong bahala sa kanila'

Good. Ngayon, ang kailangan na lang naming gawin ay samahan ang babaeng 'to na kahit kasama namin physically ay mukha namang nasa ibang planeta. Damn that bastard. Kaya ayoko ko sa mga lalaking kagaya ni de Ayala. Bossy. They always thought that they're above everything. Kaya mas gusto ko pa ang mga kagaya ni Brandon Esguerra. He has the most angelic voice on earth. Madali s'yang i-aaproach at palagi ring nakangiti.

Oh boy. I'm thinking about him again.

"Oh, bakit namumula ka d'yan?"

Nag-iwas ako ng tingin kay baklita. Ang lakas talaga ng pakiramdam nito ah.

"Naiinitan ako." Katwiran ko na lang.

"Arte. Eh, di ikaw na ang rich kid!" inirapan pa ako ni Josefa.

Tch.

Bakit ba ako ang pinapansin ng baklitang 'to. Hindi ba n'ya alam na mas malaki ang problemang kinakaharap namin?

Hanggang sa matapos na lang ang lunch break namin ay nasa rooftop lang kami. Habang abala sa pakikipagtext si Sue, may binabasa namang libro si Ces. Ako naman ay naglalaro sa cellphone ko at si baklita naman ay may idino-drawing. Habang si Iya. Ayun. Nakasandal sa may pasamano. Nakatingin sa kawalan. Walang kabuhay-buhay ang mga mata.

Damn!

I'm going to skin that damned bastard alive!