Chereads / Her Gangster Attitude / Chapter 46 - Chapter 45: Waited For Four Damned Hours!

Chapter 46 - Chapter 45: Waited For Four Damned Hours!

IYA

Huminto sa tapat ng del Rosario Villa ang magarang sasakyan ni Yazu. Mas matanda lang ng tatlong taon si Yazu sa amin ni Yana kaya naman nakakailang na tumawag ng kuya sa kanya. Wala sa loob na napatingin ako sa mansyon nina Ivan.

The enormous house looked deserted and still.

"I've heard a rumor."

Lumingon ako kay Yazu. Nakatingin din s'ya sa akin thru the rear view mirror. Ewan pero bigla na lang binundol ng kaba ang dibdib ko. Kahapon pa ako hindi mapakali eh.

"Sabi nila, umuwi na raw si de Ayala sa bansang pinagmulan n'ya."

Yazu's news give me a big shock. Totoo ba 'yun? Magpagkakatiwalaan ba ang source ni Yazu? But he's from a well-known mercenary family. Kailan pa kumuha ng maling impormasyon ang mga kagaya nila?

"Isn't it a good news?" tanong nito sa tonong seryoso.

Hindi ako makasagot. Good news?

I know I promised myself to avoid him at all cost. But not seeing him is far different from avoiding him. Wala naman sigurong masama sa paminsan-minsang pagsulyap sa kanya hindi ba? I can't promise myself na makakalimutan ko s'ya kaagad-agad. Mahabang araw ko ring inalaagan ang nararamdaman ko sa kanya na hindi mawawala kaagad-agad.

"Hmm." Tumango na lang ako saka nag-iwas ng paningin.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng sasakyan. "Salamat." Wika ko sa dalawa saka ngumiti. Ramdam ko na hindi man lang umabot sa mga mata ko ang ngiting 'yun. Mabibigat ang mga hakbang na tinungo ko ang gate ng mga del Rosario. Saglit akong sumulyap sa malaking mansyon ng mga de Ayala. I can't sense anyone from there. Wala na ba talaga sila?

"Pangalan?"

Nagtaas ako ng kilay. Ilang linggo pa lang akong di nakikita ng guard na 'to hindi na ako kilala.

"Ako ang blood donor ni Miss Wella." malamig kong tugon. Ano pang halaga ng pagsasabi ng pangalan ko? Hindi rin naman nila iyon bibigyan ng importansya.

"Sandali. Tatawagan ko lang si Mam Wendy."

Hindi na ako nagsalita. Ano namang karapatan kong makipagtalo. Sa teritoryong 'to, mas mataas pa ang ranggo sa akin ng isang katulong. Mas pakikinggan pa nila ang katulong nila kesa sa isang kagaya ko. Naikuyom ko ang mga kamao ko. May araw ka rin sa'ken. Darating ang araw, hindi ko na kailangan ang tulong mo at magkukumahog ka sa paghahanap ng blood donor para sa sakit ng pinakamamahal mong anak.

Pinilit kong itago ang talim mula sa paningin ko. Nagyuko na lang ako ng ulo habang hinihintay si kuyang guard na pumasok sa loob ng post n'ya. Kitang-kita ko na hindi naman s'ya tumawag sa loob ng mansyon.

'Sige lang kuya. Galingan mo pa. Kapag ako nayamot. Ewan ko lang kung saan ka hahanap ng blood donor para sa amo mo.'

Isang oras ang matuling lumipas, pakiramdam ko tinubuan na ako ng malalaking varicose veins sa binti at hita.

Dalawa...

Tatlo...

Apat...

Lumabas si kuyang guard. Sinulyapan lang ako pero walang sinasabi. Naupo pa sa mono block na silya saka inatupag ang mobile legends n'ya.

Hindi na ako nakatiis kaya nayayamot na tinawagan ko na ang nanay kong magaling. Pasalamat na lang talaga ako na pinilit ako nang apat na bruha na magload. Sa pangatlong ring ay may sumagot na.

"Kung patatambayin mo rin lang ako dito sa labas ng pamamahay mo, sabihin mo lang. I can call my friend at magpapasundo ako ulit. Maghanap ka ng lintik na blood donor. Wala na akong pakialam kung mamatayan ka ng anak. Hindi mo na ako kailangang bayaran ngayong buwan. Aalis na ako kesa pinagmumuka n'yo akong tanga dito." I snapped coldly. Galit. Yamot. Hinagpis. Sama ng loob. Naghalo-halo ng lahat.

Kulang na lang sumama na ang luha kong punong-puno ng dugo dahil sa sobrang galit at hinanakit na pinipilit kong lunukin.

Napahinto sa ginagawa n'ya si kuyang guard. Sinamaan ko lang s'ya ng tingin. Kung nakakamatay lang siguro ang masamang pagtitig baka wala na s'yang buhay ngayon.

Aba, buti sana kung kalahati o isang oras lang ako naghintay. The fudge, it's freaking four hours, dude! Four damned hours!

Nang patayin ko ang cellphone ko ay nagsimula na rin akong maglakad palayo. Hmp! Sigurado namang magkukumahog s'yang pabalikin ako. Kaya nga s'ya napilitang lumapit sa akin dahil ako ang gusto n'yang magdonate ng dugo sa anak n'ya. Sa yaman nila, sigurado naman ako na may iba silang makukuha. Pero dahil gusto n'yang makasiguro sa kalidad ng dugong isasalin sa pinakamamahal n'yang prinsesa, sinadya n'ya pa ang Baryo Katahimikan para kunyari ay kukuhanin ako at papag-aralin.

Hypocrite!

"Mam!"

Hmp!

Eh mukang sinuswelduhan ka naman yata ng maayos ng magaling mong amo para sa pang-i-snob sa mga kagaya ko. Pakaligaya ka kuya!

"Mam!"

Tinamaan ka ng magaling eh. Palamon ka sa mobile legends mo.

"Mam! Mam sandali lang po!"

Mam your face! Sira-ulo.

"Mam! Mam!"

Napahinto ako sa paglalakad ng humarang na sa daan ko ang tinamaan ng magaling na guard. Pinanlisikan ko s'ya ng mata. Aba, hindi nakakatuwa ang apat na oras. Ni hindi pa ako nag-aalmusal. Mamatay na ako sa gutom puro mobile legends pa inaatupag ng siraulong 'to! Sarap ipakain ng cellphone n'ya sa kanya eh. Hmp!

"Anong kailangan mo? Lumayas ka nga sa harapan ko. Takte ka. Hindi mo ba alam na apat na oras mo akong pinaghintay?! Ni hindi pa ako nag-aalmusal na kumag ka. Kung hindi ako tinawagan ng amo mong kasing galing mo sa palagay mo ba pupunta ako sa lungga n'yong 'to?!" Gigil na gigil talaga ako. Sa sobrang gigil ko, gusto ko ng durugin ang siraulong 'to. Gusto kong pulbusin pati mga buto n'ya.

"Mam, pasensya na po mam."

Akala mo sinapian ng anghel sa bait ang hayup. Anak ng tokwa, hindi kaya nakakatuwang maghintay ng apat na oras. Plus the damning fact na nakatayo lang ako. Darn them!

"Pasensya?! PASENSYA?! Apat na oras mo akong pinatayo, PASENSYA?!" kulang na lang magliyab na ang mga mata ko sa sobrang panlilisik.

"Patawad mam, hindi ko po alam. Hin--"

"Hindi mo alam? Hindi mo alam pero hindi mo naman yata ininform ang nasa loob na nandito ako? Hindi mo alam pero puro mobile games ang inatupag mo?!"

Noon bumukas ang malaking gate ng mga del Rosario. Lumabas ang matandang aswang na nakasuot pa ng mamahaling daster. Ngayon lang talaga sumagad ang yamot ko sa kanya.

"What's this commotion all about?" Tanong n'ya sa boses na maawtoridad. Buset. May 'what's the commotion' pang nalalaman ang aswang.

"Iyang guard n'yo ho. Ni hindi man lang sinabi na apat na oras na akong naghihintay dito. Kung hindi pa ho ako tumawag sa inyo, baka tinubuan na ako ng ugat dito. " kahit na galit na galit na ako. Hindi ko pa rin maalis ang pag-'ho'. Pero kung wala akong galit na nararamdaman ngayon, malamang 'po' ang gagamitin ko.

Hmp!

Dapat hindi ko na 'to binibigyan ng kahihiyan eh. Tutal, wala naman s'yang kwentang nanay. Kaasar talaga.

Tiningnan ko si kuya ng may panlilisik pa rin. Noon lang s'ya namutla ng sobra. Nangangatal na rin ang dalawang kamay n'ya.

"Ma--,"

"You're fired." Malamig na wika ng magaling kong nanay dito. "Pumasok ka na sa loob. " baling n'ya naman sa akin saka pumasok na sa loob.

Ganun lang. Ganun n'ya lang inayos ang lahat. Wala s'yang paki kung nagpupuyos na ako sa galit. Basta tinanggal n'ya lang sa trabaho ang magaling na guard na ngayon ay umiiyak na. May paluhod-luhod pang nalalaman sa harapan ko.

Huminga ako ng malalim. I know, I couldn't ask for more. Hindi dahil sa wala akong mairereklamo. Kundi dahil wala naman akong karapatan. Para sa kanya, tama ng tinanggalan n'ya ng trabaho ang guard na 'yun. Ni hindi s'ya nagtanong kung bakit pinaghintay ako ng ganun katagal.

Tumingala ako sa kalangitan saka huminga ng pagkalalim-lalim. I guess it's enough. For now.