Chereads / Her Gangster Attitude / Chapter 48 - Chapter 47: Using Her As Bait

Chapter 48 - Chapter 47: Using Her As Bait

IYA

Ang usapan namin nina Yana at ng tatlo pang bruha ay magkikita-kita kami sa may gate ng school ng mga alas singko ng hapon dahil magbibihis pa ako. Nahiram namin mula sa subastahan na pag-aari nang kaibigan ng daddy ni Yana ang yellow dress ni Belle ng Beauty and the Beast na ginamit mismo sa Hollywood movie.

Four thirty pa lang ng hapon.

Hindi akma ang ayos na ginawa sa buhok at mukha ko para sa Princess theme na ihinanda ni Josefa para sa akin kaya naman malakas ang kutob kong babaguhin ito ni Josefa mamaya. Mas mabuti na siguro na makaalis dito ng mas maaga.

Pangbata ang ayos na ginawa aa akin kaya naman nagmuka akong loli. Tsk. Ano bang pumasok sa kukute ng mga ito at ginaya pa sa ayos ni Wella ang ayos ko? Wala ba silang mga mata?

"Ako na ang maghahatid kay Wella mamaya. Sabihan mo si Mang Kaloy na gamitin ang kotse ni Wella at ihatid na 'tong si Delaila sa school nila. Alis na alis na eh. " utos ng matandang aswang sa maid na sumundo sa akin.

Napairap na lang ako ng lihim. Kung hindi nila ako inayusan ng kagaya ng ayos ni Wella, hindi naman ako magmamadaling umalis no. Panira sila ng araw.

Maya-maya pa ay dumating na sa harapan namin si Mang Kaloy. Nagbigay galang ito sa aswang na masyadong kagalang-galang ang tingin sa sarili.

"Bumalik ka kaagad Mang Kaloy ha. "

"Yes po Mam. Halika na Iya. "

Bukod nga pala kay Aling Loleng at Wella, maayos  ding makipag-usap si Mang Kaloy at ang anak n'yang si Carl sa akin. Pero dahil mga busy sila sa buhay, hindi ko rin sila nakakausap ng matagalan. Si Carl, nakakakwentuhan ko lang kapag pupunta kami ng ospital. Ni hindi ko s'ya nakikita kapag mga ordinaryong araw. Para ngang pumupunta lang s'ya sa villa kapag nagkaka-emergency si Wella.

Sumunod na ako kay Mang Kaloy. Ano kayang nakain ng matandang aswang at naisip ipagamit sa akin ang kotseng ginagamit araw-araw ng anak n'ya? Huminga ako ng malalim. Kakaiba talaga ang nararamdaman ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito na lang kalakas ang kaba ko.

Nai-excite na ba ako kaagad para mamaya?

Lumabas ako ng mansyon suot-suot ang stripe blue na polo dress na puro butones sa harapan. Ang utos ni Josefa, ganoong damit daw ang isuot ko para kapag huhubarin, aalisin lang ang butones at hindi papadaanin sa ulo. Para hindi daw masira ang hair style o aksidenteng makudkod ang make up.

Binuksan ko ang pintuan sa may passenger seat ng huminto sa harapan ko ang Subaru na sasakyan ni Wella. Ito ang kauna-unahang beses na nakasakay ako dito. Mabango sa loob at malamig.

"Kamukhang-kamukha mo si Miss Wella sa ayos mo, Iya. Maganda sana kaso parang hindi bagay sa'yo ang ayos. " nang makalabas kami sa Villa lulan ng personal car ni Wella ay hindi napigilan ni Mang Kaloy na punahin ang ayos ko.

Napasulyap tuloy ako sa rear view mirror. Kitams. Pati si Mang Kaloy nakikitang hindi bagay sa akin ang ayos na ginaya nila sa ayos ni Wella. May pa-matcy-matchy pa silang nalalaman. Tsk. Mabuti pa ang mga mata ng matandang lalaki kesa sa mga mata ng matandang babaeng aswang eh.

"Nahihiya naman po akong tumanggi. Ipapabago ko na lang ho sa kaibigan ko pagdating sa school mamaya . " sagot ko kay Mang Kaloy.

Humilig ako sa may gilid ng sasakyan saka ipinikit ang mga mata ko. Kailangan kong mag-relax. Kailangan kong i-relax ang utak ko. Ang puso ko. Ang buong sistema ko para kapag magkaharap kami ni Ivan mamaya, matino naman akong makakausap.

Makalipas ang sampung minutong pag-idlip ay naramdaman ko ang mabilis na pagtakbo ng sasakyan. Anong nangyayari? Ganito ba kabilis ma-drive si Mang Kaloy kapag sakay n'ya si Wella? Hindi ba napaka-delikado ng ganito?

"Mang Kaloy, bakit po ang bilis-bilis ng takbo natin? " hindi ko mapigilang itanong.  Sinilip ko s'ya mula sa pwesto ko at noon ko nakita kung gaano s'ya kaseryoso habang nagmamaneho.

"Pasensya na Iya. Noong nakaraang buwan ko pa pinagmamasdan ang mga 'yan. Sila ang nagmamanman kay Wella. Hindi ako makapaniwalang totoo ang sinabi ni Loleng na may natanggap na tawag si Mam Wendy. "

Nagmamanman?

Noong nakaraang buwan pa?

At anong tawag naman ang natanggap ng aswang na 'yun?

"Ano pong tawag ang natanggap n'ya? " hindi ko mapigilang itanong ang nasa isipan ko.

"Na ngayong araw ng Party sila kikilos. At ayun pa daw sa tawag, maghanda na daw si Mam Wendy ng malaking ransom money para kay Miss Wella. "

Putek.

That's the reason kaya ipakopya n'ya ang ayos ko sa ayos ng anak n'ya? That old witch! Hindi ako ipinanganak kahapon para hindi ko maisip ngayon na isa akong dakilang pain. Na isa akong masterpiece substitute para sa anak n'ya. I look at the back sharply. Kung halang ang kaluluwa ng mga taong 'to, gaano kalaking porsyento ang meron ako para mabuhay?

"Anong balak n'yong gawin Mang Kaloy? " nakakunot-noong tanong ko. Kung isusuko ako ng personal driver ni Wella, mas malaking porsyento syempre na mabubura na ako sa mundo.

"Ililigaw ko sila. Walang sinuman sa City X ang nakakasaulo sa pasikot-sikot na maliliit at malalaking daan liban sa akin. Huwag kang mag-alala, walang ibang mangyayari sa'yo bukod sa baka ma-late ka lang ng ilang oras sa Party ninyo. " nakangiting pag-a-asure ng matanda.

But I'm don't feel assured at all!

Lalo na ng may biglang kumalabog sa likuran ng sasakyan. May isang itim na van na umalis mula sa kumpulan ng mga sasakyan sa kalsada na kitang-kita kong lumapit sa kinaroroonan ng sasakyan namin saka binangga ang bumper noon. Mahigpit akong humawak sa sandalan ng upuan na nasa unahan ko.

Mas lalong binilisan ni Mang Kaloy ang pagpapatakbo. This time, isang itim na kotse naman ang bumabangga sa tagiliran ng sasakyan. Heavens! Sa pelikula ko lang nakikita ang mga ganitong eksena! Never in my wildest dream na darating ang araw na mai-expirience ko ang ganito!

Sumuot sa isang maliit na eskinita si Mang Kaloy. Seryosong-seryoso s'ya sa ginagawa n'ya kaya naman itinikom ko ang bibig ko at palihim na umuusal ng panalangin. Kailangan pa ako ng pamilya ko. Ano na lang ang mangyayari sa lola ko kapag nawala na ako? Paano na lang si Trii? Si tiya Daning? Paano na ang apat na bruhang paniguradong hindi aattend sa Trash Party kung hindi nila ako makikitang darating doon? Paano ang confession na gagawin ko kay Ivan?

Pilit kong pinigil ang luhang nagbabadyang kumawala.

Malas ba ako kaya ayaw akong kilalanin ng magaling kong nanay? O s'ya lang talaga ang nagdadala ng kamalasan sa buhay ko? Naikuyom ko ang mga kamao ko na mabilis kong itinakip sa mga tenga ko ng bigla na lang umalingawngaw ang isang malakas na putok.

The heck! they have guns?!

"Mang Kaloy bilisan mo! May mga baril sila! " malakas kong sigaw habang nakayuko.

Pero sa halip na marinig ko ang boses ni Mang Kaloy, nagulat na lang ako ng biglang humampas sa kung ano ang kotseng sinasakyan namin. Namanhid ang buong katawan ko dahil sa lakas ng impact ng pagkakabangga. Nararamdaman kong bumibigat ang pakiramdam ko kaya naman nag-aalalang sinilip ko si Mang Kaloy.

And to my horror, he's facing right at me with a bullet hole in his forehead!

Hindi ko na alam kung anong sumunod na mga pangyayari. Siguro dahil sa sobrang sakit ng katawan na unti-unti kong nararamdaman, o dahil sa gulat at takot na makitang patay na si Mang Kaloy o marahil mas natatakot ako dahil sa mga taong humahabol sa amin.. hindi ko na alam ang dahilan dahil unti-unti na akong nilamon ng kadiliman.