IYA
Bigla akong nagdilat ng mga mata dahil sa labis na lamig na naramdaman. Napasinghap na lang ako ng maramdaman ko ang labis na pagkirot sa buong katawan ko nang kumilos ako ng biglaan.
"Gising na ang ipinadala nilang impostor, Boss! "
Muli kong ipinikit ang mga mata kong naninibago sa nakakasilaw na liwanag. Sa muli kong pagdilat ay napansin ko ang apat na lalaking nakapalibot sa akin. Ang isa sa kanila ay may dala-dalang balde. S'ya siguro ang nagbuhos ng malamig na tubig sa akin. Bukod sa sakit at kirot na nararamdaman ko ay giniginaw na rin ako sa sobrang lamig.
"Sabihin mo sa akin kung anong magandang gawin sa'yo para naman hindi masayang ang ginamit naming mga bala at gasolina. " walang kaemo-emosyong wika ng lalaking nakakatakot ang mukha.
Bigla ko tuloy naalala si Ivan. Mas madalas, wala rin s'yang emosyon. He's always cold but I never felth this fear towards him. In situation like this, I suddenly miss his cold gaze. His cold voice. His comforting presence. His smell. His smirk. His everything. Wala na bang susunod na pagkakataon para makita ko s'ya? Will it be my last day today?
Pinilit kong nilalabanan ang takot na unti-unting bumabangon sa dibdib ko.
Hindi ako marunong ng self defense. Mabilis akong tumakbo pero sa kondisyon ko ngayon, kahit ang simpleng paghakbang ay mahirap gawin. Isa-isa kong tiningnan ang mga naglalakihang lalaki sa harapan ko. Mga anak ng kambing. Ang lalaki ng katawan hindi magtrabaho ng maayos. Bakit kailangan nilang kumidnap at humingi ng ransom pagkatapos para buhayin ang sarili nila.
"Mga walang kwenta. " I spat out coldly.
Hinding-hindi ko ipapakita sa mga demonyong 'to na sukong-suko na ako sa labis na kirot na nararamdaman ko. Na hindi ko na kaya pero dahil sa taling nakabuhol sa magkabila kong kamay na nakatali sa lubid pataas--habang nakatayo ako...nanatiling nakatayo ang katawan kong damang-dama na ang pagod at sakit sa buong kalamnan. Malamang kung hindi nakatali ang mga kamay ko sa lubid na nakakabit sa kanilang kisame, baka nakalugmok na ako sa sahig ngayon.
"Anong sinabi mo? " tanong ng lalaking may hawak na balde.
"Wala kang kwenta. Wala kayong mga kwenta. Ang laki-laki ng mga katawan n'yo hindi kayo magtrabaho ng maayos. Walang kwen--ugh! "
Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng buong mukha ko matapos iyong hambalusin ng hawak na balde nang lalaki. Hindi lang iisang beses nyang hinampas ng balde ang magkabilang mukha ko.
"Yayabang ka pa? Nakatali ka na ang yabang-yabang mo pa ha?! " hahampas pa sana s'ya ulit ng bigla s'yang sipain sa tuhod ng lider ata nila. Hindi malakas ang pagkakasipa sa kanya pero sapat na para mawalan s'ya ng balanse kaya hindi tumama sa mukha ko ang susunod nya sanang hampas.
"Tama na yan. Kailangang may pakinabang ang babaeng 'yan para hindi masayang ang gasolina at mga balang ginamit ko. "
The hell with his issues. I spat out the blood from my mouth.
Dahil sa ginawa ng lalaking may dala-dalang balde, ramdam kong nabiyak ang gilid ng labi ko.
"Tawagan mo si Misis del Rosario. Sabihin mo uunti-untiin ko ang mga daliri nitong alaga n'ya kung hindi s'ya magbibigay ng limang milyong piso. " utos ng lalaking pinaka-Boss yata sa katabi n'yang may hawak na cellphone.
"Haha." hindi ko mapigilang mapatawa ng may pang-uuyam. "Mga tanga. Haha. "
Akmang hahampasin na naman sana ako ng balde ni kuyang kidnapper na puro tubig yata ang laman ng ulo.
"Sa palagay n'yo ba may pakialam sa akin ang aswang na 'yun? Haha. Mga tanga. Haha. Kaya nga ako ang ipinadala n'ya kase wala s'yang pakialam kahit na patayin n'yo pa ako. Hindi n'yo man lang ba naisip 'yun? " gustong-gusto ng sumuko ng katawan ko pero hindi pwede. Para na akong mamatay sa sobrang sakit pero kailangan kong kayanin. Pinipilit kong huwag mag-stutter. Pinipilit kong patapangin ang boses ko. Dignidad bilang isang tao na lang ang meron ako, isusuko ko pa ba?
Kung malalagpasan ko ang araw na 'to, hinding-hindi na ako aasa at mag-aasam para sa walang kwentang atensyon at pagmamahal n'ya. Wala s'yang kwentang ina. Wala s'yang kwentang tao. WALA S'YANG KAKWENTA-KWENTA!
"Kung may iba kang suhestyon, handa kaming makinig. " wika ng leader sabay ngisi ng nakakatakot.
Kitang-kita ko ang paglabas ng ginto n'yang ngipin ng ngumisi s'ya.
"Let me call someone. "
"Sinong tatawagan mo? " nanlilisik ang mga matang tanong ng lalaking may hawak na balde.
"Someone who's more wealthier than that stupid old Wendy del Rosario. " matapang kong pahayag. Kapag talaga nakalabas ako dito ng buhay, ipapakita ko sa kanya kung gaano s'ya katanga para tratuhin ako ng ganito. Ni hindi yata tao ang tingin n'ya sa akin.
"Bigyan s'ya ng telepono. " utos ng Boss nila na matiim na nakatingin sa akin.
"I can't talk like this. I need to negotiate with him you know. "
Kung hindi man ako makaligtas ngayon. At least, kahit boses man lang sana ni Ivan... marinig ko.
"Ginagago mo ba kami? " tanong naman ng lalaking katabi ng lalaking may hawak na balde.
"Eh di patayin n'yo na lang ako ng hindi n'yo ako pinapakinabangan. " walang gana kong sagot but deep inside, I'm secretly praying na pagbigyan nila ako. Alam ko wala silang mga kaluluwang tao pero sana, kahit ngayon lang, sana buntutan naman ako ng swerte.
"Untie her. Wala naman s'yang ibang magagawa. " utos na naman ng Boss.
Galit na binitawan ng lalaking humampas sa akin ang hawak-hawak n'yang balde. Walang pag-iingat na inalis n'ya ang pagkakatali ng mga kamay ko.
Sa kabila ng sakit ay pinilit kong magpakita ng tibay at tapang. Kapag nakita nilang hindi nila ako mapapakinabangan, baka mas mapaaga lang ang buhay ko.
Arrgghh!
Ang sakit! Gusto ko ng isigaw ang pananakit ng buong katawan ko. Walang parte na hindi masakit!
Mariin akong pumikit saka sumandal sa pader na salamat na lang at malapit sa likuran ko.
"Phone. "
Pahagis na inabot ng isa pang lalaki ang cellphone na hawak-hawak n'ya. Huminga ako ng malalim ng mahawakan iyon. Calling the authority is suicide. Muli akong huminga ng malalim saka idinail ang nag-iisang number na nasaulo ko. Mula ng malaman kong inilagay ni Ivan sa phonebook ng cellphone ang number n'ya, wala na akong ibang ginawa kundi ang titigan iyon kaya naman mas saulado ko pa ang number n'ya kesa sa number ko.
Kung totoong nasa ibang bansa na si Ivan. Then, I don't have any choice kundi ang tanggapin na hanggang dito na lang ako.
Nagyuko ako ng ulo ng magsimulang mag-ring ang cellphone ni Ivan. Nandito na kaya s'ya ulit sa bansa? O baka naman may pang-international call lang 'tong Boss ng mga toang 'to na halang ang mga kaluluwa?
And to my amazement, may sumagot sa panghuling ring.
"Hello?"
Pakiramdam ko, nag-circulate ulit sa buong katawan ko ang lakas at enerhiya na nawala na sa akin ng marinig ang malamig n'yang boses.
"I-ivan? " hindi ko gustong pumiyok pero sa sobrang emosyon, hindi ko napigilan ang paggaralgal ng boses ko.
Ang tagal-tagal kong gustong marining ang boses n'ya. Ang tagal-tagal ko s'yang iniwasan at pinagtataguan pero s'ya at s'ya lang naman talaga ang taong gusto kong makausap at makasama... sana.
"Delaila? " maging s'ya man ay tila hindi makapaniwala.
Ilang segundong nanahimik kaming dalawa na para bang tinitimbang kung tama ba ang mga naririnig namin.
"Where are you? Whose number is this? What took you so long to call me? Are you okay? Can we talk properly now? " sunod-sunod n'yang tanong sa boses na sobrang nag-aalala.
My heart felt so satisfied and warm.
I think, calling him and finally talking to him is definitely the most wonderful thing I ever did. Even if I lost my life now, hearing his genuinely worried and concerned voice suddenly makes me feel happy.
"Ivan... "
"Where are you? Nasa Party ka na ba? I'll be your date." he sounds so demanding nung sinabi niyang 'I'll be your date'.
Huminga ako ng malalim. Yung Trash Party na matagal naming pinaghandaan na magkakaklase ay parang hindi na ganoon ka-importante ngayon.
Hindi ko kayang manghingi ng pera kay Ivan para lang ipang-ransom sa akin. Kung suswertehin ako, baka naman makalabas pa akong buhay dito. Bahala na. Pero bago ang lahat. I need to ask Ivan some favor.
"I need a favor. "
"Anything for you. What is it? "
"Ikaw na ang bahala kay lola at Trii. I love you. You hear me? I love you. "