Chereads / Her Gangster Attitude / Chapter 40 - Chapter 39: Feeling Nothing

Chapter 40 - Chapter 39: Feeling Nothing

IYA

I have the best sleep ever!

Naghihikab na inilibot ko sa loob ng kwarto ang aking paningin. Paano nga pala ako nakauwi kagabi? Sa pagkakatanda ko dinala ako ni Ivan sa bahay nila. Ni hindi ko nga nakamusta si Ibang dahil sa sobrang pagod at antok.

Teka lang...

This room is three no four.. no.. five? I think it's a lot bigger than my previous room.

White and gray ang kulay ng naturang silid. Malamig sa paningin ang silid na masyadong elegante na hindi naman nababagay sa kagaya ko. Pinapalitan ba ng nanay kong magaling ang silid na ginagamit ko? Inilibot ko pang muli sa paligid ang paningin ko hanggang sa mahagip ng masyado kong matalas na mga mata ang isang imahe na hindi ko inaasahang makita.

Aba...

Akalain mong kasama sa package deal si Ivan. Standee n'ya ba 'yan?

"Good morning! " ngumiti ako ng pagkatamis-tamis sa life-like standee ni Ivan na nakapikit habang nakahalukipkip at nakasandal sa headboard ng malaking kama. Sino ba namang hindi mabubuhayan ng dugo kung sa paggising pa lang sa umaga ay ang pagmumukha na ng nilalang na ito ang makikita. Susme, kapag ganito naman ang tanawing magigisnan sa tuwing imumulat ko ang mga mata ko paniguradong mapagpapasensyahan ko lahat ng mga hindi magagandang mangyayari sa maghapon.

"Mornin'.

Napahinto ako sa gagawin ko sanang pagbaba sa kama.

May nagsalita?

Anak ng kuting.

Nagsasalita 'yung standee?!

Ay wow. Ang high-tech naman.

Pero bago ako makalingon ulit sa standee ay napatitig ako sa damit na suot ko. Hindi naman ito ang damit na suot ko kahapon. At isa pa, wala naman akong damit na ganito kalaki. Kanino ko naman nadekwat 'to? Muli kong inilibot sa paligid ang paningin ko saka ko lang napagtanto ang isang bagay.

Wala talaga ako sa kwarto ko.

Ang syunga eh. Ang syuuuuunga-syunga!

Simpleng difference lang hindi ko matandaan. At talagang nag-imagine pa ako na bibigyan ako ng magaling kong nanay nang ganito kalaki at ganito kagarang silid ha. Talagang muntik ko pang malimutan 'yung nakamamatay na tingin n'ya sa akin noong isang araw. Tsk.  Tsk.  Tsk. Iya. Iya. Iya. Saang lupalop na naman ba ng kalawakan naglalakbay ang isipan mo ha? Nahigop na naman ba ng blackhole ang katinuan mo para maisip mong concern ang magaling mong nanay sa'yo?

'Aba. Baka naman kailangan mo ng magpabuhos ng kumukulong mantika sa albularyo. O baka naman mas kailangan mong makainom ng kapeng gawa sa holy water para layasan ka na ng masamang espiritu na nananahan sa katawan mo.'

Napakamot na lang ako sa ulo dahil nagsisimula na naman akong sermunan ang sarili ko. Haist.

Huminga ako ng malalim saka luminga sa pinanggalingan ng walang kaemo-emosyong boses kanina. Si Ivan, nakahalukipkip pa rin habang nakasandal sa headboard ng kama.  Kinusot-kusot ko ang mga mata ko. Baka naman naalimpungatan lang ako. O namamalikmata kaya? I blink. And blink again. Then I blink again. May mali yata sa paningin ko.

Nasa harapan ko nga s'ya. And the worst thing is... kahit sabog-sabog ang buhok n'ya at pagkatapos ay nakasuot lang ng simpleng T-shirt na pinartneran pa ng maluwag na pajama... anak ng shark, bakit ang lakas pa rin ng dating n'ya?! Kahit idagdag pa na ke aga-aga ay nakabusangot na kaagad ang pagmumukha n'ya feeling ko ay mas dumoble ang karismang taglay n'ya habang tinititigan ko ng matagal. Napalunok ako. Napapansin ko lang...napapadalas ang paglunok ko sa tuwing nasa harapan ang nilalang na 'to. Nakakatakam ba? Oo, siguro. Normal na babae lang din naman ako sa kabila ng mga katapangan at katarayang ipinapakita ko okay? Kainaman, ang aga-aga pinakakabog ng lalaking 'to ng wagas ang dibdib ko.

Ang pinaka-masaklap pa, wala pa akong almusal kaya siguro wala ring matinong pumapasok sa isipan ko. Tch.

"Enjoying the view? " seryosong tanong ni Ivan.

Ahh?

Sino bang hindi mag-i-enjoy lalo na kung kasing-kisig n'ya ang view?

Dagling nag-init ang magkabilang tenga ko dahil sa pumasok na kamanyakan sa isip ko.

Nagyuko ako ng ulo. Mas lalo akong kinabahan dahil pakiramdam ko may halong pagkairita ang boses n'ya. Bakit ba parang high blood na high blood s'ya? Pinigilan ko ang sarili kong tingnan ang mukha n'yang napaka-flawless.

Opps.

Meron nga pala s'yang isang flaw. Isa s'yang buhay na statue. Palagi na lang kaseng walang kaemo-emosyon ang gwapo n'yang mukha kaya naman mas mukha s'yang gwapong bato kesa tao.

Pero sandali lang, hindi ba at marunong na s'yang ngumiti? He's even laughing at me noong mag 'lunch date' kaming dalawa sa classroom na punong-puno ng mga kandila. And adding to that, he can even grin deviously. And yeah, marunong na rin s'yang mang-asar at paminsan-minsan ay magbiro.

And on top of that, hindi ba't ang galing-galing din n'yang landiin ako?

"Hey little girl, sit up properly! " once i heard his stern voice on the background, para akong nagising mula sa magandang panaginip. Kakaisip sa mga flaws at kagwapuhan n'ya muntik ko ng makalimutan na nasa harapan ko nga pala s'ya.

"I'm not a little girl. " nakasimangot kong sagot.

"A lot more reason for you to sit up properly. " he snapped back.

Ano bang problema ng lalaking 'to? Ang aga-aga, ang sungit-sungit. Tahimik na umupo ako ng maayos saka tiningnan ang suot ko. Hinawakan ko ang laylayan ng damit.

"Kanino bang damit 'to? " mahina kong tanong na narinig pala ng nilalang na inakala kong standee kanina.

"It's mine. " sabi n'ya sa malamig na tinig.

Bakit ba galit s'ya? Ni hindi ko nga alam kung paano napunta sa katawan ko anhg damit n'yang 'to. Hindi kaya...?

"A-anong ginawa mo s-saken? " nanlalaki ang mga matang tanong ko. Bigla ko lang na-realize. Hindi naman ako naglakad patungo sa silid na 'to, so ibig sabihin, ang hudyong 'to ang nagdala sa akin dito. "Bakit nandito ako sa kwartong 'to? Kanino 'to?  At bakit ibang damit na ang suot ko? Anong ginawa mo sa akin?! " sunod-sunod na tanong ko habang binabayo na rin ng kaba ang dibdib ko. Ano bang nangyari kagabi? Bakit wala akong maalala?

Sinamaan ko ng tingin si Ivan pero di hamak na mas masama ang tinging ibinibigay n'ya sa akin.

"Hindi mo ba maalala ang mga kalokohang ginawa mo kagabi? " he asked in a very exasperated tone.

"Anong ako? Tulog ako kaya anong kalokohan ang gagawin ko? " ninenerybiyos kong tanong.  Wala talaga akong maaalala.

Pero may isang bagay na nagpadagdag na naman sa kaba ko. Mayroon akong sakit na lumalabas lang sa tuwing natutulog ako ng sobrang himbing. Pero... ginawa ko na naman ba 'yun?

"You sleep walk last night, "

Mariin akong napapikit sa rebelasyong iyon ni Ivan. One month matapos s'yang matagpuan ni lola, three times or four times a week yata akong nag-s-sleep walk. At madalas s'ya ang nakakahuli sa akin. Isang beses, nagising s'ya dahil pinipilit ko s'yang bumangon dahil magpapasama ako para umigib ng tubig sa bukal. Nangyari iyon, alas tres ng madaling araw. Alas tres! Alas tres at gusto kong mag-igib kami ng tubig sa bukal.

Kagabi. Anong ginawa ko kagabi?

Bakit ba kase kapag nasa paligid ang lalaking 'to, palagi na lang ang himbing-himbing ng tulog ko to the point na bumabalik ang matagal ng nakatagong sakit ko.

"Anong ginawa ko kagabi? " kinakabahang tanong ko saka dahan-dahang nag-angat ng paningin.

Nakatingin sa akin si Ivan kaya naman nagkasalubong ang mga paningin namin. Kahit na parang may libo-libong paru-paru na nagliliparan sa tyan ko, pinilit kong pakalmahin ang sarili ko at nakipagtitigan sa kanya.

"You seduced me last night. "

Parang bomba sa pandinig ko ang mga salitang binitiwan n'ya. Napanganga na lang ako saka mahigpit na hinawakan ang laylayan ng T-shirt na suot ko. May nangyari ba sa amin? Ito na ba ang katapusan ng mga pangarap ko? I'm only fifteen! Magiging ina na ba ako sa edad na kinse?!

"You're thinking too much. Nothing happened. You just took off your clothes. Rummage my closet and wore that shirt. I saw everything. I felt so hot that's why I'm inside the bathroom the entire night... bathing cold water. "

Iyon naman pala. Nakahinga ako ng maluwag. Wala naman pa lang nangyari.

"And now you're seducing me again. What? Do you take me as a stone sitting here feeling nothing?! " paangil n'yang tanong while clenching his jaw.

Hah?

Muli na naman akong napatingin sa kanya. Pero bago pa ako makaisip ng itatanong ay mabilis na s'yang nakapunta sa loob ng banyo n'ya. Rinig na rinig ko mula sa kinaroroonan ko ang pagragasa ng tubig sa loob ng banyo.

Napatingin ako sa wall clock.

Alas-kwatro pa lang ng madaling araw. Don't tell me naliligo na s'ya ng ganitong oras? Ano, excited na ba s'yang pumasok sa school? Hindi naman s'ya dukhang kagaya ko na kailangang gumising ng maaga para sa extra income na ginagawa ko kasama ang mga kaklase ko.

Muli akong napatingin sa suot ko.

Hindi ko mapigilan ang pag-iinit ng mukha ko. Nakakahiya. Baka naman sabihin ng kumag na 'yun inaaki---wait, hindi nga ba't sinabi n'ya kanina na sini-seduce ko daw s'ya?!

Hindiiiiiii!!!

Gusto ko na namang iuntog ang ulo ko dahil sa kasyungahan at pagiging slow ko. Iya, bakit naman antanga-tanga mooo?! Kaya ba s'ya naliligo ay dahil... dahil namamanyak s'ya sa ayos ko?! When the reality suddenly hit me hard on the head, dali-dali akong nagtungo sa closet n'ya at naghanap ng maisusuot na pang-ibaba. Luckily may nakita akong pang-basketball na short doon. No need to be choosy. Kesa naman umakyat ako sa puno ng naka-underwear lang.

Anak ka ng pitompu't pitong tupa Delaila!

Nagpapakamatay ka na ba talaga?!

At dahil hindi pa ako ready mamatay, binuksan ko ang bintana sa kwarto ni Ivan matapos kong isuot ang shorts n'ya. Saktong may malaking sanga ng punong mangga na nakaharap sa may bintana ng kwarto. Walang imik na naglambitin ako doon saka nanulay. Tinalo ko pa ang unggoy sa pagliban sa sanga ng puno. Sa isang kisapmata, mula sa magarang silid ni Ivan, narito at nakatayo na ako ngayon sa balkonahe ng kwarto ko.

Ito na ang huling beses.

Ang huling beses na magk-cross ang landas namin ni Ivan Kerwin de Ayala.

Wether I like it or not, kailangan ko na talagang iwasan si Ivan. Para sa ikabubuti ng puso ko. Whenever he's around, I'm always a mess. Ni hindi ako nakakapag-isip ng matino. I'm always being stupid and clumsy. Idagdag pa na palagi na lang akong natutulala sa harapan n'ya. Alam ko kahit hindi n'ya sabihin ng harapan, mukha akong eng-eng kapag nalulunod na sa kagwapuhang taglay n'ya. Tinamaan ng magaling. Kailangan ko na talagang umiwas. Hindi na baleng walang Ibang. Mas maaalagaan n'ya naman ng maayos ang pusa. Sa dami n'yang tagasilbi at bodyguards, imposible namang walang mag-alaga sa kuting na 'yun.

Nang makita ko ang paggalaw ng mamahaling kurtina sa silid ni Ivan ay kaagad akong pumasok sa loob ng silid ko. Sapo-sapo ang dibdib na napasandal ako sa dahon ng pintuan.

Nakakainis!

Nakalimutan kong magdala kahit isang stuff toy. Wala na ang mga souvenir. Hayyy. Iya. Wala na. Hindi na pwedeng bumalik doon. At wala naman na akong balak na lumapit kay Ivan. Ito na talaga ang huling beses na makikipagkita ako sa kanya. Hindi ko na pwedeng palawigin ang pakikipag-ugnayan ko sa kanya dahil ako lang din ang masasaktan sa bandang huli. Kahit na walang magsabi sa akin. Alam ko naman. Maliwanag pa sa sikat ng araw na magkaiba ang mundong ginagalawan naming dalawa. Sapat na ang mga nakaw na sandaling nakilala ko s'ya.

As our memory together flashed back like a movie.

A tear fell from my eyes.

Wala pa kaming nasisimulan pero bakit ganito na kaagad kasakit sa pakiramdam? Ganito ba talaga kapag alam mong gustong-gusto mo ang isang tao pero alam na alam mo rin sa sarili mong hindi kayo nababagay at nararapat sa isa't isa? I sigh deeply. I tried to console myself but failed to do so. Bigla ko na lang naalala ang tipid n'yang tawa at ang nakakaloko n'yang ngiti. Napangiti ako ng mapait. Wala akong pinagsisihan sa mga nangyari. Nagpapasalamat pa nga ako na nangyari ang mga iyon. Atleast, may nadagdag sa magagandang alaala na maingat na nakatago sa puso ko. As I keep on thinking about Ivan.

A second tear fell.