Chereads / Her Gangster Attitude / Chapter 35 - Chapter 34: Taking Responsibility

Chapter 35 - Chapter 34: Taking Responsibility

IYA

Wow!

Hindi ko mapigilan ang mapanganga ng makarating na kami sa aming destinasyon. Ito pala ang Magical City. Napakalaking amusement park! Wala pa yata sa kalingkingan nito ang mga peryahan na napuntahan na namin ni Trii!

Ang gaganda at ang lalaki ng mga rides!

Hindi ko malaman kung saan ko ba ipapaling ang paningin ko dahil sa daming rides na gusto kong sakyan! Halos lahat ng nakikita ko ay bago sa aking paningin.

"Miss Iya. Mabuti pa kumain muna tayo bago sumakay sa mga rides."

Hindi ko masagot si Gio dahil masyadong abala ang mga mata ko sa pagmamasid sa malaki at mataas na ferris wheel. Medyo madilim na ang paligid dahil five thirty na ng hapon. Nakasindi na ang mga Christmas lights na iba-iba ang kulay sa bawat passenger cabin.

"Pero hindi pa ako nagugutom. Hindi ba pwedeng doon na lang tayo kumain?" Turo ko sa ferris wheel.

Nagkatinginan ang mag-fiance. Nang magtama ang mga mata nila ay kaagad nilang iniiwas ang paningin sa bawat isa. Pareho silang nahiya sa isa't-isa.

Hindi naman nila ako masisisi kung bakit sobrang excited ako ngayon. Gusto ko 'tong ma-experience at pagkatapos ay ikukwento ko kay Trii. Naku, siguradong matutuwa 'yun.

"Rides muna tayo Sue," hinawakan ko na s'ya sa kamay saka hinila papunta sa bilihan ng ticket. Nawala na sa isip ko na dapat ay pinaglalapit ko silang mag-fiancé.

"Sandali Miss Iya."

Mabilis akong huminto sa paglalakad ng marinig ko ang sigaw ni Gio. Noon ko lang na-realize na sila nga pala dapat ang magkasama. Bakit nga ba ako nang-aagaw ng kadate ng iba?

"May VIP card ako dito. Tig-iisa tayong tatlo. Hindi natin kailangang pumila sa bilihan ng tickets."

Hu-wow!

Mabilis kong kinuha ang isa at kinuha naman ni Sue ang isa pa. Pumila na kami sa may sakayan. Saktong tapos na ang pag-ikot kaya pwede na rin kaming sumakay.

Wahhhhh! Bilisan n'yo namang bumaba. Excited na akong sumakay eh. Kulang na lang ay magpapadyak ako sa sobrang tuwa. Para akong batang paslit sa sobrang lawak ng pagkakangiti ko. Mabuti na lang pala at lumipat ngayong araw ang date ng dalawang ito. Ito ang kailangang-kailangan ko ngayon. Ito ang tinatawag na pampa-good vibes!

Sa wakas nakababa na rin ang lahat ng mga pasahero. Naunang pumasok sa isang cabin ang magdyowa. Susunod sana ako kaso may kung sinong humila sa kamay ko at pinigilan akong pumasok sa loob ng cabin nila Sue.

"It's their date. Bakit d'yan ka sasakay?" Seryosong tanong ng malamig na boses.

Ivan?!

Akala ko ba nasa meeting ang mokong na 'to?

Para akong timang na pinagmamasdan s'ya habang nakatayo kaming pareho sa labas ng cabin nila Sue. Pakiramdam ko nalunok ko na ang dila ko. Wala akong masabi dahil sa gulat at dahil na rin sa abnormal na pagtibok ng puso ko.

"What? Na-miss mo 'ko?" Seryoso s'ya pero bakit parang nakangisi ang mga mata n'ya?

Aaminin ko bang sobrang miss na miss ko na s'ya?

Syempre hindi diba. Ilang beses pa akong lumunok bago pinilit ang sarili ko na magsalita.

"Si Sue. Kailangan kong samahan si Sue. " nakabukas pa rin ang pintuan ng cabin nila Sue at alam kong hinihintay n'ya akong pumasok sa loob. Kahit na traydor ang puso kong biglang-bigla na lang na-excite pagkakita kay Ivan, hindi ko masisikmurang traydorin ang kaibigan ko. Dahil nga sa pakiusap n'ya kaya ako nandito tapos iiwanan ko naman s'ya sa ere.

"Ang crowded na sa loob kapag dumagdag ka pa. Are you going to be fine kung sa ibang cabin kami sasakay? " walang kaemo-emosyong tanong ni Ivan kay Sue. Napanganga na lang ang kaibigan ko habang nanlalaki ang mga mata. Kitang-kita ko ang kaba sa maamo at maganda n'yang mukha.

"Ivan kailanga---, "

"Miss Iya, ipaubaya mo na po si Sue sa akin. Promise hindi ko s'ya pababayaan. "

Nalunok kong lahat ang sasabihin ko dahil sa biglang pagpuputol ni Gio sa mga gusto ko sanang sabihin.

"Pero... Sue... "

"Sue. You'll be fine, alright? Kapag... Kapag natapos ang rides na 'to at hindi ka pa rin maging komportable sa akin... ulitin na lang natin sa ibang araw ang date na 'to. Can you trust me kahit ngayon lang? "

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.

Si Sue nanlalaki pa rin ang mga mata pero kay Gio na iyon nakatitig. Si Gio naman kitang-kita ko ang nerbiyos sa gwapong mukha.

Iyon naman pala. Hindi lang naman pala si Sue ang may gustong mag-work out ang relasyon nila. Kitang-kita ko sa mukha ni Gio na sa kabila ng kabang nararamdaman n'ya ay seryoso s'ya para kay Sue. Ewan ko ba kung bakit ko nasasabing seryoso s'ya sa relasyon nila kahit na wala pa naman akong karanasan sa ganoon. Girl's instinct siguro?

"Pero nangako ako kay Sue. " Putol ko sa namamayaning katahimikan. Ang haba na ng pila at hindi sila makasakay-sakay dahil lang sa amin.

"Sue? " pukaw ni Gio sa natutulala pa ring kaibigan ko.

"O-okay. I-iya, mag-enjoy ka na l-lang k-kasama si I-iker." kandautal na wika ni Sue. Ngitian n'ya ako habang isinasarado ang pintuan ng cabin nila. Although nakikita kong kinakabahan s'ya, mababanaag ko rin sa nagliliwanag n'yang mga mata na she's taking the risk. "I'll be fine, " she mouthed.

Huminga ako ng malalim saka nagpatianod na ng hilahin ako ni Ivan sa kabilang cabin. Kinakabahan pa akong naupo sa isang upuan habang hindi pa rin ako makapaniwala na pinagmamasdan s'yang umuupo sa kabilang upuan.

"A-akala ko nasa meeting ka?"

"Iniwanan ko na kay Duke. Here, nabili ko sa labas,"

Tinanggap ko naman ang supot na inaabot n'ya. Hindi ko naramdaman ng umandar na ang Ferris wheel dahil nagmental block na ako ng makita ko ang laman ng supot.

Isang extra large na siopao.

Ito ang paborito kong ipasalubong sa kanilang dalawa ni Trii noon. Palagi silang tig-isa. Iyong regular size lang dahil hindi naman kakayanin ng budget ko ang extra large.

"Ayaw mo? Akin na,"

Mabilis kong inilayo ang supot ng akmang kukuhanin n'ya iyon sa akin. Inilagay ko iyon sa may gilid ko saka tumingin ako sa labas. Napatanga na lang ako sa senaryong nakita ko.

Ang gandang tingnan ng sunset mula dito sa taas.

Naalala ko na naman sina lola. Kapag umaakyat kami sa burol, pinapanuod namin doon ang pababa ng araw. Nakasama na rin namin minsan si Ivan. At kasabay ng pag-alala ko kila lola ay muling bumalik sa isipan ko ang matalim na tingin sa akin ng magaling kong nanay.

Hindi ko alam kung dahil lang ba sa lugar. O dahil sa lungkot at pangungulila. O dahil sa sunset. O dahil sa stress. O dahil sa sobrang bigat na. O dahil nasa tabi ko si Ivan na palaging nagbibigay sa akin noon ng pakiramdam na safe ako basta kasama ko s'ya... hindi ko na napigilan ang unti-unting pagpatak ng luha ko.

"Tch. Napakaiyakin mo pa rin," wala akong mabanaag na inis o yamot sa boses n'ya. Dahan-dahan ko s'yang nilingon.

Tuluyan ng bumigay ang mga depensa ko ng makita ko ang pag-aalala sa gwapong mukha n'ya. Lalong nagpulasan palabas ang masaganang luha mula sa mga mata ko.

"What happened? " he's concern and angry at the same time. I felt so warm inside. Knowing there's still someone who would ask me 'what happened'. Alam ni Ivan ang istorya ng buhay ko. Noong nasa bahay pa s'ya, palagi n'yang naririnig sa amin ni lola na pinagtatalunan ang magaling kong nanay. Hanggang sa ikinuwento ko sa kanya lahat. Ang pagkadismaya ko. Ang walang hanggang pag-aasam ko noon na bumalik ang nanay ko. Ang galit at sama ng loob ko. Kahit na hindi s'ya noon nagbibigay ng mga pampalubag-loob na salita, sapat ng nakikinig s'ya.

Hindi ko na napigilan ang paghagulgol sa mga kamay ko dahil sa sobrang bigat ng nararamdaman ko. Sa tanang buhay ko, s'ya lang ang nag-iisang taong pinapayagan kong makita ako sa ganito kapangit kong sitwasyon. S'ya pa lang ang nakakaalam na marunong akong umiyak. Na marunong akong malungkot at masaktan. Dahil sa harapan ng mga taong mahal ko at sa harap na rin ng inang kinamumuhian ko---ipinapakita ko sa kanila na matatag ako. Na walang sinomang makakabuwag sa tapang na ipinapakita ko.

Kalahating oras yata akong nag-iiniyak sa loob ng cabin. Nang mawala na ang sakit sa dibdib ko ay kaagad kong pinunasan ang basang-basa kong pisngi.

"Let me,"

Para akong naistatwa ng maramdaman ko ang masuyong pagpupunas ni Ivan sa mukha ko gamit ang mamahalin n'yang panyo. Noon ay sinasabihan n'ya lang ako ng iyakin at hinahayaang umiyak ng umiyak, never n'yang pinunasan ang pagmumukha ko. Ngayon n'ya pa lang ito ginawa kaya naman walang makakasisi sa akin kung bakit tila naging bato na ang buong katawan ko.

"Who bullied you?" seryoso n'yang tanong.

"Wala," namamaos kong sagot. Hindi ako makatingin sa kanya. Gusto kong lumayo pero ayaw sumunod ng katawan ko.

Gusto ko ng bumaba pero mas lamang ang kagustuhan kong makasama s'ya ngayon. Tawagin na lang nila akong makasarili. Hindi naman siguro kalabisan na hingin ko kahit ang oras n'ya lang ngayon.

"Hindi ka iiyak ng ganyan kung walang nam-bully sa'yo," he said coldly.

Cold naman na talaga s'ya kahit na dati pa. Immune na ako sa pagiging cold n'ya.

Kinuha ko ang supot ng siopao. Bigla akong nagutom matapos umiyak ah. Pero dahil naman sa ginawa kong pag-iyak, lumuwag naman ng bongga ang dibdib ko. Kumuha ako ng isang sauce at ibinuhos iyon lahat sa loob ng siopao na nilagyan ko ng maliit na butas sa gitna.

Kumagat ako ng malaki. Ang sarap!

"Gusto mo?" Alok ko sa kanya.

"Kulang pa 'yan sa'yo,"

"Hindi ah. Malaki kaya 'to. Hati tayo." Akmang hahatiin ko na ang siopao ng pigilan n'ya ang kamay ko.

"No need,"

Dahan-dahan s'yang yumuko at kumagat sa parteng kinagatan ko. Anong ginagawa ng lalaking 'to? Biglang nag-init ang magkabila kong tenga dahil sa ginawa n'ya.

"What?"

"Ah...y-yung kinagatan m-mo k-kase..."

Pinagtaasan n'ya ako ng kilay na para bang sinasabi na 'oh tapos?'

"Kinagatan ko na kase 'yun."

"So?"

So?

Tama bang iyon ang isagot n'ya sa sinabi ko? Sa pagkakatanda ko masyado s'yang maarte. Ultimo kutsara n'ya bawal gamitin ng iba. Iyon ngang kutsarang ginagamit n'ya noon sa bahay ay nilagyan n'ya ng tanda. Bawal naming gamitin iyon dahil inangkin na n'ya kahit hindi naman s'ya ang bumili. Tapos ngayon bigla na lang kakagat sa kinagatan ko. Eh diba, mas dugyot 'yun? May laway ko na kaya 'yun.

"Hmm?"

Anong 'hmm'? Akala ba n'ya masyado akong brainy o may lahing manghuhula para maintindihan ang pagsasalita n'ya na akala mo ay 'summary' ng mga sasabihin n'ya dapat?

"Anong g-gusto mong isagot ko sa 'hmm' mo?" Naguguluhan kong tanong.

Lagpas isang taon na mula ng umalis s'ya sa probinsya ah. Hindi pa rin ba nadadagdagan ng lumipas na panahong iyon ang level ng IQ ko? Hindi ko talaga s'ya ma-gets.

"Do you mind?"

Huh? Do I mind what? Bakit parang mas lalong gumulo?

"Hindi ba ikaw dapat ang tinatanong ko ng ganyan dahil laway ko ang nauna dito sa siopao?"

"Really?" Nakakalokong tanong n'ya habang bahagyang nakataas ang gilid ng labi n'ya.

Is he grinning at me?

His grinning face caught me off guard kaya hindi ko na namalayan na nailapit na pala n'ya ang mukha n'ya sa mukha ko. At nang ma-realize ko kung gaano na lang kaliit ang pagitan ng mga mukha namin ay may naramdaman akong lumapat na kung ano sa bibig ko.

W-WAIT!!!

Time freeze! Bakit parang hinahalikan n'ya ako?

At bago ko pa masagot ang sarili kong tanong ay buong kapilyuhang ipinasok n'ya ang kanyang dila sa loob ng bibig ko. Nanlalaki ang mga matang napaatras ako. Mabilis kong tinakpan ng mga palad ko ang bibig ko.

Ano bang ginagawa ng lalaking 'to?

"See? I don't mind. Your saliva tastes good anyway."

Kulang na lang ay masunog ang buong mukha ko sa sobrang pag-iinit dahil sa narinig kong sinabi n'ya.

He don't mind? My..my...m-my s-saliva tastes what? So nilasahan n'ya ang laway ko kaya ipinasok ang dila n'ya sa loob ng bibig ko? Teka lang sandali, sinong nagturo ng kamanyakan sa lalaking 'to?

"Bakit ka nanghahalik?" Hindi ako sigurado kung galit ba o naiiyak ang boses na lumabas mula sa bibig ko.

"May problema ba dun?" Pagbabalik tanong n'ya na para bang napaka-simpleng issue lang ng ginawa n'yang panghahalik. It's my first kiss okay?! And he stole it just like that!

"May problema ba dun? Tinatanong mo kung may problema ba dun? Natural meron! First kiss ko 'yun okay?" kulang na lang ay ipadyak ko ang mga paa ko. Ano bang gusto talagang mangyari ng baliw na 'to?! "Ni hindi kita boyfriend, " mangiyak-ngiyak ko pang dugtong.

Nakakatakot na experience 'yun okay? Nakakatakot 'yun dahil alam ko sa sarili ko kung gaano kalaki ng puso ko ang sinakop na n'ya. Nakakatakot 'yun dahil baka laro lang pala sa kanya tapos aasa ako. Nakakatakot 'yun kase nabigla ako, syempre matatakot talaga ako sa halip na kiligin.

"So what? It's also my first kiss. Ni hindi kita girlfriend. " aniya sa tonong nanunumbat din.

Huh?

Teka lang, paano na ba umiikot ang Planet Earth ngayon? Nasakop na ba kami ng mga alien?!

Saka hello! ano naman ang mawawala sa kanya? Lalaki naman s'ya ah. Hindi naman importante sa kanila kung sino ang una nilang halikan. Sa aming mga babae, importante kung sino ang magiging first kiss namin. Ni hindi ko naranasan 'yung sinasabi sa libro na nakakakuryente daw, na nakakakilig, na it's mind blowing daw. P...pero dun sa part na mind blowing, totoo namang blown na blown ang utak ko sa nerbiyos, my goodness!

"Ano na lang ang sasabihin ng magiging boyfriend ko kapag nalaman n'yang hindi na s'ya ang unang nakahalik sa akin ha?!"

Okay, I know I'm not thinking straight anymore. Eh anong magagawa ko? Kapag ang taong 'to na ang kaharap ko nawawala na ang sense of logic ko.

"Heh. You took my first kiss so I'm your responsibility now. Pananagutan mo ako o isusumbong kita sa mommy ko?"

Ha?

Teka lang, bakit nasali sa usapan ang mommy n'ya?

Masisiraan talaga ako ng bait sa lalaking 'to. Bakit kung makaasta s'ya parang s'ya ang babae sa aming dalawa? Anong responsibility eh hindi naman s'ya nabuntis. Tas alangan namang s'ya ang mabuntis ko? Ang gulo!

"Teka nga, bakit ako ang aako sa responsibilidad eh ako ang babae?" totoo naman 'yun ah. Saka hindi ko nga alam kung anong klaseng responsibilidad ba ang pinag-uusapan namin.

Kung kanina ay kaunti lang ang iniangat ng sulok ng labi n'ya. Ngayon naman ay banat na banat ang bibig n'ya sa sobrang pagkakangiti.

"Okay. I'll take it then. " walang kaabog-abog n'yang sagot. "Pananagutan ko ang nangyari sa atin, "

Nawalan na ng kakayanang makapaglabas ng kahit anong salita ang bibig ko. Hindi ko na talaga alam kung paano hahabulin ang way n'ya ng pag-iisip. Hindi ko s'ya masundan. Hindi ako maka-relate sa kanya. Ano bang nangyari sa amin? Ganun ba kalupit ang halik n'ya? Mabubuntis ba ako ng laway n'ya? Oh my goodness. Sunod-sunod kong pinukpok ng sarili kong kamao ang ulo ko.

'Yung totoo? Iniwanan ko ba sa classroom ang utak ko kanina? Bakit parang hindi na gumagana? Can someone tell me what's happening right now?