THIRD PERSON
Mula sa sulok ng kanyang mga mata ay kitang-kita ni Iker kung paano matulala si Iya. She's always been so noisy and she loved to fight words with him, pero bigla na lang itong natameme na para bang hindi inaasahan ang paraan ng pakikiusap na ginagawa n'ya ngayon. Today is nothing so special for Iker. Pero kahit s'ya ay hindi na maintindihan ang sarili kung bakit sa tuwing ang babaeng ito na ang pinag-uusapan, nag-iiba ang mood n'ya at wala s'yang ibang gustong gawin kundi ang ibigay lahat sumaya lang ito.
Batid n'ya kung gaano nito pinaghihirapang gawin lahat ng makakaya just to support herself in this noisy and different environment. To support her family na naiwanan n'ya sa probinsya kinakaya nitong gawin lahat. Kahit na ang ibig sabihin pa noon ay pakikitunguhan nito ang taong pinaka-ayaw nitong makita, makausap at hingin ng tulong. Walang choice ang dalaga kundi ang pumayag sa inaalok ng estranged mother nito.
Iker's heart broke the moment he saw her tears roll down her face.
Alam naman n'ya na palagi itong umaaktong matapang at matatag. Lalo na sa harap ng mga taong importante dito. She's always like that. Iyon ang kauna-unahang napansin at hinangaan ni Iker sa dalaga. Ilang beses na nitong pinatunayan sa kanya na iba ito kesa sa lahat. She would always fight. And despite of her struggles she could still smile.
'And that's the reason why I want you to be mine, Iya. It's not just because I owe you and your family my life. The heck with that. I want to make you feel more special, make you feel that you are loved... that you are not alone. That I am here no matter what.'
Pero hindi mailabas-labas ni Iker ang iniisip n'ya dahil alam naman n'yang mas lalo lang mawiwindang ang babaeng kaharap n'ya. He would take it slowly. At kapag hindi na s'ya makatiis, saka na lang n'ya dadaanin sa santong paspasan. Naningkit na naman ang mga mata n'ya dahil sa naisip not knowing na dahil sa ginawa n'ya mas lalo na namang nagwala ang napaka-inosenteng puso ni Iya.
"Anong susunod na ride? Ayaw mo pang bumaba?"
Natigilan na naman si Iya. Napakunot noo ang dalagita saka ilang beses itong kumurap-kurap na para bang pino-process pa kung ano ang sinasabi ng binata. Hindi naman mapigilan ni Iker ang bahagyang pamumula ng tenga.
"Stop doing that, "
"Tsk. Pati ba naman pag-iisip ko pinagbabawal mo. " asar na inirapan ni Iya si Iker. Hirap na hirap na kaya s'yang paganahin ang utak n'yang kanina pa natuturete.
"Hindi ko sinabing tumigil ka sa pag-iisip. " pasupladong sagot nito.
Pinagtaasan s'ya ng kilay ng dalaga. "Eh ano 'yung sinasabi mong 'stop doing that'? "
"Making faces, "
"Wala naman akong ginagawa. Saka anong masama sa pagm-make face? "
"There's nothing wrong with it. Kaya lang, you're too cute while doing that. My heart can't take it. "
Pakiramdam ni Iya, hindi lang mukha n'ya ang namula. Parang pati yata buhok n'ya hanggang kalyo n'ya sa talampakan ay nag-blush ng sobra. Isama na rin lahat ng mga lamang loob n'ya. Hanep ding bumirada itong kasama n'ya eh, mula esophagus pababa sa large intestine, small intestine at apdo n'ya rin yata nag-blush ng bonggang-bongga.
"Times up," anang binata ng huminto na ang ferris wheel sa pag-ikot." Let's go, " Iker said suppressing his smile. Ngayon n'ya lang na-realize na ang sarap pa lang tingnan ng dalaga kapag ganitong nagb-blush at hindi malaman ang gagawin.
Hinawakan n'ya ito sa kamay saka hinila palabas sa cabin ng Ferris Wheel.
"Ahh---tek---"
Hindi naituloy ni Iya ang sasabihin dahil sumubsob sa likuran ni Iker ang buong mukha n'ya. "Aray, "
"Iya! Pupunta kami sa Carousel ni Gio gusto mo bang sumama? "
Dahan-dahang lumabas ang dalaga sa likuran ni Iker. Ramdam n'yang nag-iinit ang ilong n'ya dahil sa lakas ng impact ng pagkakahampas noon sa likuran ng binata. Kitang-kita n'yang magka-holding hands ng mga sandaling iyon sina Sue at Gio. Pero nagkunwari s'yang walang nakikita para hindi mailang ang dalawa. It's good na nagkakamabutihan na sila.
"Gusto kong i-try yung Anchor's Away. "
Alam ni Iker na walang kahilig-hilig si Iya sa mga boring na bagay kaya naman hindi na s'ya nagtaka sa pinili nitong ride. Ganito talaga s'ya kahit noong nasa bukid pa s'ya ng mga ito. Kahit ang simpleng pangangahoy na kung tutuusin ay napaka-boring, nagagawa nitong exciting.
"Let's go then, " muling hinila ng binata si Iya palayo sa lugar na iyon. Ni hindi n'ya man lang sinulyapan ang mga taong kausap ng dalagita.
"Kita-kits na lang tayo mamaya! " habang kinakaladkad palayo ay nagawa pa ring lumingon ni Iya at magpaalam kay Sue na kaagad namang tumango. Nakangiti pa nga ito habang kumakaway.
Na-curious tuloy si Iya. "Okay na kaagad sila? " mahina n'yang bulong saka muling hinilot-hilot ang ilong n'ya. "Ang sakit talaga ah. "
IYA
Gusto kong pumalahaw dahil sa ilong ko.
Ang sakit-sakit talaga. Bakit ba ang tigas-tigas ng likuran ng lalaking 'to? Gusto ko sanang magreklamo pero alam ko naman na kasalanan ko rin dahil hindi ako tumitingin sa daan. Marahan kong hinilot-hilot ulit ang ilong ko saka nagpalinga-linga sa paligid. Ang lawak-lawak talaga ng lugar na 'to.
Ang daming pwedeng sakyan na rides. Tapos ang dami pang mga souvenir shop.
Sa dinami-dami ng mga souvenir shop na nadaanan namin, napahinto ako sa harapan ng maliit na shop. Puro mga maskara ang itinitinda doon. May malalaki at maliliit. May mga maskarang gawa sa papel. Meron ding gawa sa plastic at sa goma.
"Ivan, saglit. "
Kaagad namang huminto sa paglalakad ang nilalang na ayaw bitawan ang kamay ko. Kanina ko po gustong tanggalin 'yun pero hindi ko maintindihan kung ano na naman ang trip ng mokong dahil ayaw bumitaw.
"Gusto mo? "
"Si Trii, favorite n'ya si Luffy ng One Piece. Tapos gusto n'ya rin si Happy ng Fairytail. " sabi ko saka kinuha mula sa sabitan ang dalawang maskarang gawa sa papel. Marami pang magagandang klase ng maskara ang naka-display. Pero mas gusto ko itong simple lang. Gusto kong matutong magpahalaga ang kapatid ko kahit na simpleng bagay lang iyon. "Magkano po itong dalawa? "
"Forty pesos po 'yang dalawa, "
Wow ha. Ang mahal ng karton nila. Pero binayaran ko pa rin. Kung itong maskara na gawa sa papel ay mamahalin na, paano pa kaya iyong gawa sa plastic o 'yung gawa sa goma? Tahimik na kinuha ko ang mga maskara. Walang paa-paalam na isinuot ko kay Iker ang maskara na may pagmumukha ni Luffy na nakangiti ng nakakaloko saka ko isinuot ang maskarang may pagmumukha ni Happy na umiiyak.
"Ayan para kunyari kasama natin si Trii, " nakangiting wika ko.
Hindi naman nagreklamo ang kasama ko kaya mas lalo pang lumawak ang ngiti ko. Ibang-iba sa makikitang umiiyak na character sa maskarang suot-suot ko. Magaan ang pakiramdam na sumilip-silip pa ako sa mga souvenir shop at sa mga paninda nila. Baka ito na ang una at huling beses na makakasama ko ang masyadong importateng nilalang na katabi ko kaya naman lulubos-lubusin ko na. At dahil ayaw pa rin n'yang alisin ang pagkakahawak ng kamay n'ya sa kamay ko, bakit hindi ko na lang muna i-enjoy ang sandaling 'to. Tutal naman, ngayon lang ito mangyayari. Iisipin ko na lang na isa itong magandang panaginip.
Napadaan kami sa bilihan ng mga cosplay costumes.
"Kuya, magkano 'tong dalawa? " tanong ko habang itinituro ang costume ni Saitama ng One Punch Man at ni Son Gokou ng Dragon Ball.
"Two thousand, isang libo po ang isa, "
At dahil naglalakad pa din kami ni Ivan habang nagtatanong ako, muntik na akong madapa dahil nawalan ako ng balanse nang marinig ko ang sinabing presyo ni Manong. Isang libo bawat isa? Anak ng tokwa. Gawa ba sa ginto ang bawat hibla ng sinulid na ginamit?
"Careful, "
"Susme! Aatakehin ako sa puso ng dahil sa presyo ah. "
"You like it? "
"The costume yes. Pero nakaka-hate ang presyo. " nanlulumo kong sagot. Gustong-gusto ko pa naman sanang bilhan si Trii. Saka na lang kapag may extra budget na ako. O kaya hahanap na lang ako ng mga second hand. Grabe namang kamahal.
"Pahinging isang large at kids size nito then medium and kids size of this one, "
"Gagawin mo d'yan?" nakakunot-noong tanong ko sa kanya. Kung pangbatang size lang ang bibilhin n'ya maiintindihan ko kung para kanino n'ya iyon bibilhin. Pero kanino ang medium at large?
"I'll wear the large one and you'll wear the medium. The two smalls is for Trii,"
Napanganga ako. Gumagana na ang utak ko eh, mukhang magma-malfunction na naman dahil sa sinasabi ng lalaking 'to. Anong ibig n'yang sabihin dun?
"Close it. " Ivan snap my mouth shut.
Bigla na namang nag-init ang buong mukha ko dahil sa tila kuryenteng nanulay mula sa mga daliri n'ya patungo sa balat ko.
"I know how much you loved weird things. " tahasang pahayag ni Ivan na hindi ko man lang nailagan. Kahit noon pa, palagi n'yang sinasabi na ang weird daw ng mga gusto ko. Hmmm. Naisip n'ya rin kaya na kasali s'ya sa kategoryang 'yun? O baka naman aminado din s'yang wierd talaga s'ya? "May fitting room ka ba? " pasupladong tanong nito kay Kuya na tuwang-tuwang naghahanap ng dalawang kids size na costume.
"Ilang taon po ba 'yung batang magsusuot? " sa kabila ng pagsusungit ni Ivan ay all smile pa rin si kuya. Natatakot siguro na mawala ang costumer na kagaya ni Ivan.
"Ivan, hindi ba pwedeng hiramin lang natin 'to? Saka ko na lang bibilhan si Trii kapag may sapat na ipon na ako, "
"Nah. Nangako na ako sa kanya bago ako umalis na bibilhan ko s'ya dito, "
M-may ganun silang usapan?
Ang sweet ha. Kay Trii nagpaalam s'ya pero sa akin... I mentally slap my head. Ano ba naman Delaila, pati ba naman ang kapatid mong si Trii ay pagseselosan mo?
"Wala pa akong pambayad para dito, " itinaas ko sa kanya ang costume ni San Gouku na kulay red.
"It's your souvenir. No need to pay. Just cook some food for me. Kapag may free time ka. " paputol-putol nitong sabi habang tinitingnan ang costume ni Saitama na inabot sa kanya.
Namilog ang mga mata ko. Hindi ba ako ginogoyo ng lalaking 'to? Bakit parang maganda ang mood n'ya ngayon? "Totoo? Sa akin na 'to? Hindi ko 'to babayaran? "
"Umn, "
"Ahh, excuse me po. Ilang taon po 'yu---"
"Walo kuya. Magwawalo. Saan po pwede magsukat? " excited na niyakap ko ang Son Gouku costume.
"D'yan lang po sa pintuang 'yan. "
Dali-dali akong nagtungo sa pintuan na itinuro ni kuya.
After twenty minutes...
Wearing the mismatched face mask and cosplay costume...mukha kaming mga syunga. Hahaha. Habang suot-suot ko ang costume ni Son Gouku nakalagay sa mukha ko ang umiiyak na mukha ng kulay asul na pusang si Happy. At habang suot-suot naman ni Ivan ang costume ni Saitama, hindi rin iyon bumagay sa nakangising mukha ni Luffy.
"We look like a joke, "
"Umn! " tumatangong sang-ayon ko.
"Gusto mo pa rin even though we look like idiots? "
Pinagtaasan ko ng kilay si Ivan. Kaya lang hindi n'ya 'yun makikita dahil sa suot kong Happy mask.
"Akala ko ba we look like a joke, bakit naging idiots na kaagad? "
"It's the same for me. " naiiling na hinawakan n'ya ang noo n'ya pero kaagad din s'yang ibinaba ang kamay n'ya dahil wala s'yang nakapang 'noo'. "Tch. It doesn't matter as long as you like it. Where do you want to go next? "
Masayang nagpatianod ako kay Ivan habang hinila n'ya ako sa kamay. Hindi pa ako makapag-decide kung saan susunod na pupunta. Mas mabuti pa sigurong namnamin ko na muna ang sandaling 'to habang hawak-hawak n'ya ang kamay ko. Ngayon lang 'to Iya, okay? At dahil ngayon lang mangyayari 'to. Lubos-lubusin mo na.
"Diba sabi mo dati sharp shooter ka? Kaya mo bang patumbahin ang mga 'yun? " itinuro ko ang isang booth kung saan babaril ka ng mga nakahilerang bote. Depende sa boteng mapapatumba ang makukuhang stuffed toy. "Gusto ko 'yung panda, "
"Okay. Let's go. "
Mas lalo akong napangiti dahil mas humigpit ang kapit n'ya sa kamay ko. Ivan is a cold person but he has the warmest hand on Earth.
"Babe gusto ko 'yang panda. Get it for me. "
Tiningnan ko ang stuff toy na itinuturo ng babaeng kaseng edad ko. Iyon din ang itinuro ko kay Ivan.
"Okay Babe. I'll get it for you. " wika ng lalaking may pagka-flirt ang boses. Tiningnan ko s'ya at napatingin ako kay Ivan pagkatapos.
Dahil ang lalaking nakikipag-flirt sa harapan namin ay walang iba kundi ang kaibigan n'ya. Sino nga ba s'ya sa kanila? Hindi ko kilala. I mean, kilala ko sa mukha pero hindi ko alam ang pangalan.
"It's Jaire. " ani Ivan sa mahinang boses.
"Okay. Kaya mo ba s'yang talunin? "
"..."
"Hindi? "
"He can't beat me. "
Ohh? Eh di mali pala ang tanong ko kaya hindi s'ya makasagot kanina.
"Girlfriend n'ya? " hindi naman ako uchuserang tao pero para may mapag-usapan lang iyon ang naitanong ko.
"He have lots, "
"Lots of girlfriend?"
"Yes."
Eh s'ya kaya nakakailang girlfriend na? Sabi n'ya kanina ako daw ang first kiss n'ya. Totoo ba 'yun o mema lang?
"Hmmm? "
Lumingon ako sa kanya. Bakit na naman s'ya nagh-'hmmm'?
"Ano? " nagtatakang tanong ko.
"You'll be my first and last girlfriend. "
Parang nabibingi na naman yata ako at kung anu-ano na naman ang naririnig ko. Iba talaga ang epekto ng presensya n'ya sa buong sistema ko. Isang salita lang mula sa kanya nagmemental block na ako. Nawawalan ng kapasidad ang utak ko para gumana ng maayos.