Chereads / Her Gangster Attitude / Chapter 33 - Chapter 32: Secretly Celebrating

Chapter 33 - Chapter 32: Secretly Celebrating

IYA

Makalipas ang tatlong oras na pagmomonitor kay Wella ay pinauwi din kami ng private hospital. Bukod sa nawalan lang si Wella ng malay wala naman daw ibang naging komplikasyon.

"Mom, can we eat something please? " nakikiusap na wika ni Wella using her sweet voice and puppy eyes.

"Anak marami kang pagkain sa bahay,"

"Pero mommy ang tagal na po nating hindi kumakain sa labas. Kahit ngayong gabi lang po, please."

Kanina ko pa naririnig si Wella na umuungot ng ganyan sa ina n'ya. Bahagya akong sumulyap sa nanay n'ya na sa kasamaang palad ay nanay ko rin. Tumigil ito saglit sa paglalakad saka masuyong tinitigan ang anak na si Wella. Alangan namang ako diba? Napangisi na lang ako sa sarili ko saka nag-iwas ng tingin.

Pero teka lang.. ito ba 'yung tinatawag nilang 'selos'? O baka naman hindi naman talaga ako nag-seselos. Baka nags-self pity lang. Yah. Tama 'yun. Self pity lang 'to. Tuluyan ko ng binilisan ang paglalakad ko, pasalamat na lang ako dahil mabilis maglakad si Carl. Walang makakahalata na masyado akong desperadang makalayo.

"Antok ka na? "

Lumingon ako kay Carl. Iyon kaagad ang itinanong n'ya nang makapasok ako. Siguro dahil nakita n'ya ang ginawa kong paghihikab.

"Oo eh. Sanay kase akong matulog ng maaga, " nakangiting sagot ko na totoo naman. Sa probinsya kase ala-sais pa lang naghahanda na kami sa pagtulog. Makalipas lang ang isang oras o kalahating oras tulog na ako noon.

"Haha. Masasanay ka rin dito sa City X. Maraming mga kabataan dito na mas gustong pagpuyatan ang social media kesa matulog ng maaga. "

Ngiti lang ang isinagot ko. Hindi naman uso sa bokabularyo ko ang salitang 'social media' kaya bukod sa pagpupuyat sa pag-iisip kina lola o kung may makita akong magandang basahin na libro, wala na akong ibang pinagpupuyatan.

"Carl,"

Sabay pa kaming tumingin ni Carl sa taong kumakatok sa bintana ng kotse. Ang kanyang ama na si Mang Kaloy naroon.

"Bakit po 'tay?"

"Sundan n'yo ang sasakyan namin at kakain muna daw tayo sa labas,"

"Sige po 'tay."

Kakain muna sa labas?

"Kasama ba tayo?" Hindi ko mapigilang itanong kay Carl. Bakit naman kailangan pa kaming isama? Good mood ba ang nanay kong magaling?

"Oh, bakit, ayaw mo ba?" curious na tanong ni Carl habang binubuhay ang makina ng kotse.

"Hindi naman sa ayaw. Hindi ko pa kase nakakaharap ng personal ang asawa ni T'yang. Parang nakakailang," sagot ko na half true at half lie. Wala naman kase akong pakialam sa asawa ng magaling kong nanay. As long as binabayaran nila ako ng maayos. Wala namang magiging problema sa usapan namin.

Nagtatakang tiningnan ko si Carl. Aba, himala yata. Limang minuto na ang nakakalipas pero hindi pa rin s'ya nagkokomento. Hmm...bakit nagtatangis yata ang bagang ng lalaking 'to? May nasabi ba akong hindi maganda?

"May problema ba?" ako naman ang na-curious. Ngayon ko lang nakita ang ganitong side ni Carl. Para s'yang galit na ewan.

Ilang minuto pa ang matuling lumipas bago ko narinig ang boses n'ya.

"Wala 'yun. May naalala lang ako,"

Ahh.

Tumango-tango na lang ako. Hindi ko na nagawa pang magsalita dahil mukhang may iniisip na s'ya. Baka mamaya mas lalong mawala sa pagmamaneho ang focus n'ya mahirap na.

Makalipas ang twenty minutes na byahe, huminto ang dalawang sasakyan sa malawak at pribadong parking lot.

"Kasama ba talaga tayo?"

Hindi pa man ako sinasagot ni Carl ay may kumakatok na sa bintana ng kotse. Ibinaba ni Carl ang salamin.

"Ate Iya, sama po kayo ni Kuya Carl saka po si Mang Kaloy. Kakain po tayo,"

"Ahh..." pambihira ano bang pinaaandar ng batang 'to? Hindi ba n'ya alam na ayokong makasama ang nanay n'ya?

"Let's go. Minsan lang manlibre si Miss Wella."

Napatingin ako kay Carl. Seryoso ba s'ya? Eh kung s'ya na lang kaya ang sumama. Wala naman ako sa mood kumain.

"Hindi po ako ang manlilibre kuya Carl. Hindi ko po nadala ang ipon ko eh," natatawang wika ni Wella. "Sabi ni daddy sagot n'ya raw ang lahat," anito pa na masayang-masaya ang boses.

Napangiti tuloy ako ng wala sa oras. Masaya akong makita na sa kabila ng pamumutla ng mukha n'ya at halos wala ng kulay ang mga labi n'ya, nagagawa n'ya pa rin tumawa. Hindi ko magawang isama s'ya sa galit na nararamdaman ko para sa magaling kong nanay. Pareho lang kaming biktima ng pagkakataon. O ipagpalagay ng ako lang 'yung biktima, still, wala pa rin s'yang kinalaman doon.

Magkasunod kaming bumaba ni Carl sa sasakyan. He's a gentleman ha. Hinintay n'ya ako at magkasabay kaming naglakad patungo sa loob ng restaurant. Magara at sobrang linis tingnan ng naturang lugar. Ngayon lang ako nakapasok sa ganito. Nakakailang pala. Mukhang ang susosyal ng mga taong nasa loob.

"Kinakabahan ako," mahinang bulong ko kay Carl.

"Okay lang 'yan. Huminga ka ng malalim. Imagine-in mo na lang na tayo-tayo lang ang tao dito." Bulong din ni Carl.

Sinunod ko naman ang sinabi n'ya. Salamat sa mahinhing background song, nakatulong iyon ng malaki para mas magrelax ang buong sistema ko.

Dalawang table ang kinuha ng mag-asawa. Nakaupo na sa kabilang table si Mang Kaloy kaya kaagad kaming nagtungo ni Carl doon.

"Umorder na lang kayo ng gusto n'yo," narinig kong sabi ng tatay ni Wella.

Pinilit ko ang sarili ko na huwag silang tingnan. Kinuha ko na lang ang menu na nasa tapat ko at pakunwaring binasa iyon. Wala naman akong kilalang kahit anong pagkain.

"Ate Iya ano pong gusto mo?" Mula sa kabilang lamesa ay tanong ni Wella.

Wala sa loob na lumingon ako sa pwesto nila. Magkasabay ding tumingin sa direksyon ko ang mag-asawa. Parehong hindi kababakasan ng kahit anong emosyon ang mga mukha nila kaya naman kahit kinakabahan ako---sa hindi ko malamang dahilan ay pinilit ko ring magmukhang walang pakialam sa kanila.

"Wala akong kilalang pagkain dito sa menu. Kahit ano na lang na pwede kong kainin," sabi ko kay Wella saka tipid na ngumiti.

Kitang-kita ko ang pagkunot ng noo ni Mister del Rosario habang naka-poker face pa rin ang magaling kong nanay.

"Okay ate Iya. Mom, pwede naman po naming kainin 'to diba? Tapos ito? Then ito? Then...ito pa, at ito rin?" Excited ang boses ni Wella.

Hindi ko alam kung bakit parang ang gaan-gaan ng loob sa akin ng kapatid ko. Nararamdaman n'ya rin kaya iyong tinatawag na lukso ng dugo?

"Mmn," iyon lang ang tanging isinagot ng magaling kong nanay. Mula sa peripheral vision ko ay kitang-kita ko ang pailalim n'yang tingin sa akin.

Ano namang kasalanan ko? Hindi ko naman ginayuma ang anak n'ya. Kasalanan ko bang ipinanganak n'yang may puso si Wella? Hindi kagaya n'ya na ipinaglihi yata sa tuod.

Ay...

Oo nga pala. Sa akin nga lang pala s'ya ganyan. Parang langit at lupa ang layo ng distansya kung ikukumpara ang paraan ng pagtrato n'ya sa amin ng anak n'ya. Tsk. C'mon Iya, para namang hindi ka pa sanay.

Mabilis na silang umorder. At ang maganda sa restaurant na ito, mabilis din silang mag-serve. Hindi ko kilala ang mga pagkaing nasa harapan ko pero mukha namang masasarap. Kinalimutan ko na lang na may kasama ako at ibinuhos ko na lang sa pagkain ang buong atensyon ko.

WENDY

Kulang na lang ay mabasag ang wine glass na hawak ko dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawak ko doon. What's wrong with that brat? And what's wrong with my Wella? Bakit parang close na close na silang dalawa?

Does that brat did something behind my back? Bakit sinusuway n'ya ang utos ko na huwag na huwag makikipaglapit kay Wella?

Muli akong nagsalin ng wine. Sinalinan ko rin ang wine glass ng asawa ko. Hindi s'ya pwedeng makahalata or all my plans will turn into nothing.

Tiningnan ko ang pagkaing inorder ni Wella. The truth is, wala naman talagang bawal na pagkain para sa blood donor. Pero para naman mas worth it ang ibinabayad ko sa kanya at mas makita kong sincere sya sa ginagawa n'ya, hindi ba mas maganda kung puro healthy foods ang kainin n'ya? May allergy si Wella sa seafoods and nuts. Gusto ko namang maranasan din ng brattenela na 'yan kung ano ang dinaranas ng Wendy ko. She should do her part properly.

Maybe she's secretly celebrating sa nangyayari sa amin ni Wella. Wella's sickness is a blessing in disguise to her and her family. She should be thankful for that. I don't know why she's acting high and mighty. Hindi pa ba s'ya thankful na pinilit kong isilang s'ya? Hindi naging madali ang siyam na buwang dinala ko s'ya sa sinapupunan ko. And now, when looking at her, parang ako pa ang may utang na loob? Ni hindi man lang ako tingnan ng maayos.

That darn brat!

Tiningnan ko s'ya ng walang kahit na anong emosyon. And I admit, the look I gave her is a bit cold.

Or should I be the one na dapat magpasalamat? Kung wala s'ya, malamang may nangyari ng hindi maganda kay Wella. Bago s'ya dumating sa mansion noon, kinausap na kami ng doctor about sa pwedeng mangyari kay Wella kung hindi pa makakahanap ng donor within this month.

I wonder how did the old lady raised her. She's a tough one.

IYA's POV

Napahinto ako sa pagsubo dahil bigla na lang nagtaasan ang mga balahibo ko sa batok. Teka nga, may multo ba? Nagtatakang nagpalingon-lingon ako sa paligid at kitang-kita ko sa akto ang magaling kong nanay na nakatitig sa akin.

Anong problema n'ya?

Wagas na wagas makatingin ah. Ano? Nanghihinayang na sya kaagad sa gagastusin n'ya para sa pagkain ko? Tch. Ayaw n'ya naman pala akong makasama dito bakit nagpapilit pa s'ya sa anak nya? S'ya naman ang nanay kaya dapat s'ya ang nasusunod. Tsk. Tsk. Tsk. Nakalawala tuloy ng gana.

Tuluyan ko ng ibinaba ang kubyertos na hawak ko. May hindi pa ako natitikmang pagkain, so what? Baka mamaya kaluluwa ko na pala ang kapalit nito eh. Huwag na lang. May uuwian pa akong pamilya sa probinsya.

"Busog na 'ko, una na ako sa may sasakyan," sabi ko sa mag-amang kasama ko sa lamesa. Tumayo na ako saka nagpunta sa labas ng restaurant. Alam ko naman kung saan nag-park si Carl. Doon na lang ako tatambay. Kesa naman mawalan sila ng ganang kumain dahil sa akin.