IYA
"Good morniiiinnngggggg!!!" Kamuntik ng humiwalay sa katawang lupa ko ang nanahimik kong kaluluwa dahil sa pagkalakas-lakas na pagbati mula sa likuran ko. Anak naman ng tokwa, ang boses yata na 'to ang magiging katapusan ng ear drums ko. Pambihira!
"Gusto mo bang bitayin na kita? Ngayon mismo? Sa lugar na 'to?" Anak ka ng nanay mo, antok na antok pa kaya ako. Hindi ako pinatulog ng magaling kong nanay sa totoo lang. Kainis. Ilang taon ko ng kinukondisyon ang sarili ko pero pagdating sa actual combat bumibigay ang tuhod ko. Tinamaan talaga ng magaling.
Dahan-dahang lumayo sa akin si Josefa.
"Ikaw naman. Nagi-spread lang ako ng good vibes. Bakit ba ang init na naman kaagad ng ulo mo?" Nahihintakutang tanong nito.
Inirapan ko lang sya. Ano bang good vibes sa ginawa n'ya? Eh kung masira nga ang ear drums ko sa pagsigaw-sigaw n'yang 'yan? May pampa-opera ba ako?!
"Ito naman eh. Ang aga-aga ang init ng ulo mo. Gusto mo sabihan kita ng good news para naman ma-lift up 'yang bad mood mo dzai?" Nag-beautiful eyes pa ang bruha. Akala n'ya yata ikinaganda n'ya 'yun. Sanay na ang mga mata ko sa kagandahan n'ya kaya hindi na i-effect sa akin ang pagpapa-cute n'ya, okay?
"Good news?" Ano na naman kayang pakulo ng bruhang 'to? Malamang kasambwat na naman neto 'yung tatlo pang bruha. "Siguruhin mo lang na good news 'yang sasabihin mo kung ayaw mong maputulan ng ulo ha,"
"Oi, oi, beshy! Don't be so bayolente naman. Bakit naman pati ulo ko nadamay na?" Nanlalaki na ang mga matang tanong ni Josefa.
"Huwag kang mag-alala. Pwede ka namang mamili kung alin ang puputulin ko," nagbabanta kong sabi habang nakataas ang kilay.
"T-tek l-lang h-hoy! Bakit ang manyakis mo?!" Namumula ang mukhang tinakpan ng bruha ang ibaba n'ya ng hawak-hawak n'yang libro. Nginisihan ko lang s'ya bilang sagot. Ang bilis maka-gets ha. Ibig sabihin hindi n'ya pa iyon pinapaalis? Uso na 'yun sa panahon ngayon. Transgender nga ang tawag sa kanila eh. Well, kung anuman ang choice ni Josefa, it's his choice.
"Ano na? Nasaan na ang good news mo?" naiinip kong tanong.
"Mamayang after class na ang double date n'yo."
Bigla akong napapreno sa paglalakad ng dahil sa narinig ko.
"Pakiulit mo nga."
Baka naman nabibingi lang ako. Hindi naman kase talaga ako nakatulog ng maayos kagabi. Hindi ko alam kung bakit parang tinatarak ng sanlibong patalim ang puso ko sa tuwing maaalala ang ginawang pagtingin sa akin ng magaling kong nanay.
"Mamaya na 'yung double date n'yo. Huwag kang mag-alala. Magdadala si Ces ng damit na isusuot mo."
Aba, hindi nga ako nagkamali ng rinig.
Bigla na naman akong inatake ng kaba. Biglaan naman kase. Bakit naman napaaga? Anong kalokohan na naman ang pinaggagawa ng mga bruhang 'to? Ni hindi pa ako prepared.
"Ako ba pinaglololoko mong bruha ka?! Akala ko ba good news?! Akala ko ba next next week pa 'yun?!" Gigil na tanong ko habang dahan-dahang lumalapit sa kanya. Nakuuuu...! Matitiris ko talaga ng pino ang bruhang 'to. Ano bang good news-good news?!
It's definitely not a good news!
Ngayon pa lang kinakain na ako ng nerbiyos.
Susmio! Mukha pa nga akong bruha. Hindi man lang ako nakapag-beauty rest kagabi.
"Eh...eh...ano ka ba Beshy! Hindi mo ba knows na ikaw ang kauna-unahang babae na id-date ni Iker ha?" Nai-stress nang sambit ni Josefa. Hindi ko alam kung bakit s'ya stress na stress. Pero hindi ba't ako dapat ang nakakaramdam noon?
"Eh ano kung ako ang una? S'ya rin naman ang magiging first date ko kapag nagkataon ah. Patas lang kami. " angil ko sa kabila ng kabang nararamdaman.
Hindi pa ako ready! Hindi pa ako handa sa gagawin naming date! Kahit na sabihin pang sasamahan lang namin sila Sue, alangan namang forever kaming nakabuntot dun sa dalawa. And knowing Ivan, ayaw na ayaw ng taong 'yun na bumubuntot sa iba. Kaya naman malakas ang kutob ko na magsosolo lang kami habang wala s'yang paki kung nakakapag-date ba ng maayos 'yung mga taong dapat ay sasamahan namin. Anak ng tofu. Sino ba kaseng may sabi sa kanila na ayain sa isang double date ang nilalang na kagaya ni Ivan de Ayala? Akala ba nila maiisahan nila ang lalaking 'yun. Dream on guys. Dream on!
I bit my thumb dahil sa nerbiyos.
Paano kung makahalata ang lalaking 'yun na wala ako sa hulog? Na mukhang hindi ako natutulog? Magtatanong ba s'ya? Mag-aalala ba s'ya?
Tinamaan ka ng magaling Iya. Feeling mo naman important person of the year ka. Asa ka. Hah!
Gusto kong sumigaw dahil sa frustrations. Gusto ko ng sabunutan ang ulo ko sa pagiging asyumera.
Nakaka-frustrate hindi lang ang feelings ko kundi pati na rin ang bruhang 'to kasama na lahat ng nangyayari sa buhay ko.
Sa magaling kong nanay. Sa kapatid ko sa magaling kong nanay. Sa kapatid kong makulit na super nakaka-miss. Sa lola kong coma at hindi ko alam kung kailan ba gigising. Sa tiyahin kong alam ko naman na umaasa ng malaki sa akin. Kay Ivan. Sa super duper mega-epal kong feelings. Nakaka-frustrate kaya. Hindi lang halata pero nawiwindang na ang buong sistema ko.
Humugot na lang ako ng pagkalalim-lalim na paghinga saka tumingala sa langit. Dear luha, huwag ka namang pumatak. Kahit ikaw na lang ang makisama promise ma-appreciate ko 'yun ng sobra.
"Hoy, Beshy. Bakit ba highblood ka? Teka lang, hindi ba dapat lowblood ka kase sabi mo sa text kagabi papunta kayong ospital. "
Tiningnan ko ng masama si Josefa. Bakit ba ang daldal sobra ng baklitang 'to? Alam na ngang mainit ang ulo ko kung anu-ano pang sinasabi.
"Tara na."
Nagmamadali na akong nilagpasan s'ya. Malayo pa kami sa building namin tapos inuubos ng baklitang 'to ang oras sa pambubweset imbes na inilalakad na namin.
Hindi na s'ya nagsalita ng maabutan n'ya ako. Nasa loob na ng classroom ang tatlo pang bruha. Namumula ang mukha ni Sue habang ang lawak naman ng pagkakangisi nina Ces at Yana.
"Alam mo ba? Super excited si Sue sa date nila ni Gio mamaya. Haha."
"Si Gio daw ang nagpalit ng schedule dahil may importante daw s'yang gagawin next next week,"
Tumango na lang ako. Ayoko nang makipagtalo. Ayoko ng magkomento. At salamat kay Mam na kasunod kong dumating dahil hindi ko rin kailangang makipag-celebrate dahil lang sa kinikilig si Sue.
Napansin yata nilang nananahimik ako kaya hindi na rin nila ako ginulo pa. Nakatitig lang ako kay Mam habang nagle-lecture s'ya pero wala talaga doon ang isip ko. Hindi ko maintindihan kung bakit parang nakaukit na sa isipan ko ang paraan ng pagkakatitig sa akin ng magaling kong nanay kagabi. Higit sa lahat ng mga iniisip ko, unexpectedly, iyon talaga ang gumugulo sa nanahimik kong mundo.
Mariin akong pumikit.
Bakit ba ako naapektuhan? Bakit ang bigat-bigat sa pakiramdam? Matagal ko nang hinanda ang sarili ko para dito hindi ba? Tahimik na kinuha ko ang ballpen ko saka isinulat sa notebook ang mga isinusulat ni Mam sa black board. But somewhere along the way...nawala na doon ang atensyon ko.
Hindi ko namalayan na ginagawa ko na pala ang tula na assignment namin noong isang araw. May ilan ng nag-recite sa unahan ng mga ginawa nila. At maswerteng kabilang ako sa mga hindi pa natatawag. Ilang gabi ko na ring iniisip kung anong tula ba ang isusulat ko. Kung para saan ba. At kung tama bang gawin ko pa iyon.
Wala akong naintindihan sa mga itinuro ni Mam.
Sa mga sumunod na subjects ay iyong tula pa rin ang ginagawa ko. Pasalamat na lang ako dahil puro pagkopya lang sa black board ang ginagawa namin.
Nang dumating ang lunch ay dali-dali akong nagtungo sa Kitchen Dungeon. Hindi namin nagawa kaninang umaga ang dapat sana'y pambenta namin sa recess at lunch dahil nga sa biglaang pagpunta ko sa ospital kagabi. At kahit na hindi ko tinatawag ang apat ay mabilis silang bumuntot sa akin.
Kung ano na lang ang mabilis na gawin sa mga ingredients na nasa lamesa ang ginawa ko.
Seryoso din ang apat na bruha habang tinitingnan lang ako sa pagtatrabaho. Tapos ginagaya lang nila ang ginagawa ko. Sinasagot ko naman ang mga tanong nila. Labis akong nagpapasalamat sa katahimikang ipinaubaya nila sa akin.
Mabilis naming natapos ang paggawa ng turon, kotchinta, banana cake at camote cue. At dahil may tinapay naman na mahaba, gumawa na lang kami ng footlong. Iyong iba na matagal namang masisira ay ibinalik namin sa chiller para bukas na gawin. Mukhang kailangan na nga naming makahanap ng mga tauhan. Sa ganoong paraan kumikita na kami, nakakatulong pa sa iba.
Pagsapit ng hapon ay kaagad na inilabas ni Ces ang mga damit na dala n'ya.
"Pumili na lang kayong dalawa dito,"
Isang floral dress na off shoulder ang napili ni Sue na lagpas tuhod ang haba habang long sleeve crop top naman ang napili at high wait floral skirt na mahaba ang tabas. Inabutan ako ni Ces ng 2inches na ankle strap wedge. Walang tanong-tanong na isinuot ko ang mga iyon sa paa ko.
Inayusan ako ni Ces ng buhok at hindi ko na rin inabala ang sarili ko na tingnan iyon. Nang matapos s'ya sa buhok ko ay buhok naman ni Sue ang inayos n'ya. Si Josefa naman ang pumalit sa kanya at ang pagmumukha ko naman ang binusisi.
Isang oras yata ang matuling lumipas bago kami nakatapos. Wala ng katao-tao sa loob ng campus nang lumabas kami. At dahil ayoko pa rin na may makakita sa akin habang nakaayos ng ganito, ipinandong ko sa ulo ko ang school jacket na jersey. Ganoon din ang ginawa ni Sue.
Hindi kami nag-iimikan habang palabas kami sa gate ng campus. Dahan-dahang lumapit sa akin si Sue at mahigpit s'yang humawak sa kamay ko. Panandaliang nawala sa pagmumukmok ang isipan ko ng maramdaman ang hawak n'ya. Ang lamig-lamig ng kamay n'ya.
"S-sorry Iya. I-i k-know i-it's so sudden. P-pwede naman tayong umatras if you're not f-feeling well," kandautal na wika ni Sue. Pero wala akong makitang paninisi sa maganda n'yang mukha na mas lalong gumanda ng maayusan s'ya.
Ilang beses akong pumikit at nagmulat ng mga mata na para bang sa paraang iyon ay mawawala ang bigat na nararamdaman ko.
"Sorry. Dapat masaya ako para sa'yo ngayon. Dahil sa personal kong problema, naapektuhan tuloy ang masayang araw mo."
Sunod-sunod na umiling si Sue na para bang ayaw n'yang akuin ko ang kasalanan.
"May kasalanan din ako. Dapat pinaghandaan man lang natin ang araw na 'to,"
"Ano ka ba. You'll be fine. Sasamahan kita," nakangiting wika ko na pilit pinasisigla ang tinig.
Nahinto kami sa pag-uusap ng may humintong sasakyan sa tapat namin. Isang matangkad at gwapong lalaki ang lumabas mula doon.
Aba'y kapre nga!
Halos nakatingala kaming lahat nang makalapit s'ya.
"Hello guys. I'm Giovanni Carvajal."
Magandang ngumiti ang lalaki. Mukhang hindi gagawa ng kalokohan. Sana nga.
"Nice to meet you. I'm Ces. This is Josefa---"
"It's Josia,"
"Whatever. This one is Yana and the one beside Sue is Iya," pagtutuloy ni Ces sa pagpapakilala n'ya ng bigla na lang s'yang singitan ni Josefa. Ano bang masama sa pagtawag ko sa kanya ng Josefa?
Hindi n'ya ba alam na pangalan iyon ng bayani? Ayaw n'ya pa nun? Nakapa-choosy talaga.
"Nice to meet you guys. Ako na ang magdadala kay Sue at Miss Iya sa Magical City. Nasa meeting pa kase si Mr. De Ayala kaya susunod na lang s'ya,"
Napaka-pormal n'ya naman. Miss at Mr? Pwede namang sa pangalan na lang kami tawagin. At anong meeting naman ang pinuntahan ng lalaking iyon?
"Let's go," ako na mismo ang umalalay kay Sue sa pagsakay.
Nang makasakay s'ya ay sumunod naman ako. Kumaway kaming dalawa ni Sue sa naiwanang tatlo na pare-parehong nakangiti habang gumaganti ng kaway. Parang mas excited pa sila kesa sa amin.
Hindi ko alam kung ano 'yung Magical City na tinatawag nila. Kaya siguro hindi ako makaramdam ng excitement kase hindi ko naman alam ang lugar. Plus, mukhang hindi naman sisipot si Ivan. Tamang third wheel lang yata talaga ako ngayon.
Habang nasa byahe kami ay hindi pa rin bumibitaw sa kamay ko si Sue. Nagpapawis na nga ang mga kamay namin pero hindi n'ya iyon alintana. Parang habang tumatagal pa nga ay lalo s'yang nininerbyos.
Napapailing na lang ako habang napapangiti. Tamang desisyon na rin siguro itong pagsama ko dahil mada-divert nito ang atensyon ko. Hindi ko pwedeng pabayaan si Sue dito. Kahit na ba mukhang harmless 'tong kapreng kasama namin eh. Mahirap ng ibigay ang buong tiwala sa panahon ngayon 'no.