THIRD PERSON
Tahimik lang habang nasa isang sulok ng sala sila Jaire at AJ. Walang ni isa man sa kanila ang gustong magsalita. Although alam ni AJ kung sino talaga ang salarin at dahilan kaya nagkakagulo ang buong mansyon ngayon, hindi n'ya naman kayang ibenta ang kaibigan n'ya. It's a matter of life and death alright? Paano n'ya haharapin ang mga ninuno n'yang mapagpahalaga sa buhay ng isang tao kung ibebenta n'ya 'tong kaibigan n'yang sinapian yata ng masamang espiritu noong magdesisyon na kausapin ang babaeng dahilan kung bakit mas madalas ng magkatopak si Iker ngayon?
"What happened? "
Lalong tumahimik ang paligid nang pumasok sa malawak at magarang sala ng mansyon ang basang-basa sa pawis na si Iker. Mukhang galing ito sa training ground dahil sunod na pumasok dito ay si Duke na nakatali pataas ang buhok. Basang-basa din ang suot nitong v-neck shirt na kulay itim.
"Ahh..."
"Ehh..."
"Ah, eh... kase Boss... "
"Ano kase Boss... "
"What's wrong? What's with the stuttering Edmond?" Nakakunot-noong tanong ni Duke. Ramdam na ramdam ng binata ang kakaibang tensyon sa paligid.
Lalong nagyuko ng ulo ang lahat dahil kay Duke. Sino ba naman ang hindi ninerbyosin, after Iker, ito ang pangalawang nakakatakot. And heck, paano ba nila aaminin na 'yung kuting na pinaghirapan nilang makuha ang bid sa subastahan ay umuwi na sa mansyon ngayon?!
"What's the problem? " walang mababanaag na kahit anong emosyon sa gwapong mukha ni Iker habang itinatanong iyon. Prente lang s'yang nakaupo sa pang-isahang upuan. Kahit yata may dumating na lindol o bahain ang lugar na kinaroroonan nila hindi pa rin magbabago ang facial expression ng mahusay nilang boss. Not unless, kapag tungkol na sa babaeng iyon...ibang usapan na 'yun syempre.
Nagpalitan ng tingin ang lahat ng mga gwardya sa mansyon dahil mas lalong hindi na nila alam kung paano pa sasabihin ang dapat nilang sabihin. Hello?! Ilang araw kayang pinag-isipan ng Boss nila hanggang sa tubuan na lang ito ng mga nakakahindik na eyebags dahil lang sa tinitimbang nito kung kuting ba o tuta ang dapat na ibigay sa kanilang Boss Mam.
Tapos ngayon biglang umuwi ang magaling na hayop. Eh hindi ba at sa eskwelahan ibinigay iyong kuting? Ni hindi nito alam ang tungkol sa mansyon. Kaya kung hindi ito isinosoli ng babae ng Boss nila, paano naman ito makakarating sa mansyon? Tumingin na lang silang lahat sa mamahaling tiles na sahig. Maging sina AJ at Jaire ay tila na-estatwa sa may gilid ng sala.
"What's happening here Jaire? AJ? " si Duke na ang sunod na nagtanong. Kung hindi pa rin sasagot ang mga ito, wala na s'yang magagawa para sa kanilang lahat. Ang simple-simple lang namang magsalita pero lahat sila ay parang mga lantutay na kabuteng sa sahig lang nakatingin.
Tinitigan ni Duke ang mga nilalang na tinanong n'ya. Ngayon lang nangyari na naging ganito katahimik ang mga ito. Usually, nagpapa-unahan palagi ang dalawang ito sa pagsagot.
"Hindi pa rin kayo magsasalita? " tanong ni Duke sa malamig na boses. Ayaw pa naman n'ya sa lahat 'yung tinatanong na hindi marunong sumagot. At first na nangyari ang ganito.
Ilang segundo ang matuling lumipas bago magkasunod na umiling ang dalawa. Hindi pa rin sumasagot sa tanong. Tanging iling lang ang ibinigay habang nanatili ding nakatutok lang sa sahig ang paningin.
Lalo lang nadagdagan ang mga kunot sa noo nina Duke at Iker.
"Ginugutom mo ba sila? " tanong ni Iker kay Duke na hindi pa rin kakikitaan ng kahit anong ekspresyon ang gwapong mukha.
"Why would I? Hawak ko ba ang mga bibig nila? "
"Are they sick?"
"How should I know?" malamig na sagot ni Duke kay Iker. Maging s'ya man ay nag-iinit na ang ulo dahil sa inaasal ng lahat. Kapag nagkataong napaka-seryoso pala ng nangyayari at wala man lang sinabi ang mga ito---tapos madadamay s'ya ---makakatikim talaga ang mga mokong na 'to.
Duke take a deep breath.
Magtatanong pa sana ulit si Duke nang makarinig sila nang sumisigaw. What is it again? Tch. Something's wrong with everyone.
"Boss... !Boss...!Boss...! "
"What? " wala pa ring kaemo-emosyong tanong ni Iker.
"May kasama pong note, "
"What note? " si Duke naman ang nagtanong.
May nakaalam na ba kung nasaan sila? Pero wala namang ibang nakakaalam na umalis sila sa kontinenteng pinanggalingan nila. At isa pa, hindi naman alam ni Jaire at AJ ang tunay nilang pagkatao kaya bakit parang nakagawa rin ng katakot-takot na kasalanan ang dalawang ito? Did they sell them out? To whom? And how on Earth did they found out?
"Ito po. "
Kinakabahang kinuha ni Duke ang sulat. Unti-unting nawala ang pangungunot ng noo n'ya ng mabasa iyon. Nakahinga rin s'ya ng maluwag. Hindi naman pala ganoon kalala ang sitwasyon pero bakit parang hinatulan na ng bitay ang mga taong ito? Naiiling na ibinigay ni Duke ang sulat kay Iker.
"A love letter for you, "
Hindi iyon tiningnan man lang ni Iker. Mas gusto pa nitong pagtuunan ng pansin ang mamahaling pitsel ng tubig na nakalagay sa side table na katabi ng kinauupuan n'ya.
"Burn it, " aniya habang nagsasalin ng tubig sa mamahaling kristal na baso. Matagal-tagal na rin s'yang hindi nakakatanggap ng love letter. Sa pagkakatanda n'ya lahat ng mga nagpadala sa kanya noon ay pawang mga na-trauma na. Sino kaya itong malakas ang loob na nagbigay sa kanya ng love letter ngayon?
"Baka magsisi ka kapag hindi mo 'to binasa. Isipin mo, sinong nilalang lang kaya ang may kakayanang magpadala ng sulat gamit ang pusa? " seryosong tanong ni Duke. "Where's the Siberian Forest Kitten?"
Sunod-sunod na pag-ubo ni Iker ang narinig nilang lahat pagkatapos magsalita ni Duke. Nang marinig n'ya pa lang ang salitang 'pusa' alam na n'ya kung sino ang tinutukoy ni Duke. Kahit na hirap na hirap sa ginagawang pag-ubo si Iker ay hindi pa rin maitatago ang unti-unting pagdidilim ng mukha nito.
"What happened? Did she return it? I thought she liked it? Why is it here? " hindi maitago ang pag-aalala sa boses na tanong ni Iker.
Sabay-sabay na napanganga ang lahat ng naroon. Pero sabay-sabay din nilang itinikom ang mga bibig nila. Kunyari na lang wala silang narinig. It's the first time that their Boss ask multiple question in one go, okay? Hindi naman siguro krimen ang magulat.
"You'll know here,"
Sabay-sabay na napapikit ang mga tao sa loob ng masaksihan kung gaano naging ka-clumsy ang cool na cool na boss nila sa kanilang paningin nang kuhanin nito mula sa kamay ni Duke ang nasabing sulat. Kunyari na lang wala silang nakita. It's also the first time na nakita nila itong ninerbyos. Like seriously? Ito pa rin ba ang Boss nila? Hindi kaya napalitan na ito ng ibang tao?
"Anong sabi 'tol? Isosoli na daw ba? " tanong ni Jaire na pilit pinapakalma ang boses. He might look calm on the surface but there's a turmoil inside him waiting for the right time to erupt.
"No. "
>Ivan, please take care of Ibang. Kailangan lang ako sa ospital ngayon. Baka kase itapon ng mga kasambahay na may sama yata ng loob sa akin. Kukunin ko s'ya kaagad pagdating ko, okay? Thanks so much.<
-D
"Thanks God, " tahimik na usal ni Jaire na narinig naman ni Duke.
"Wow. You're that thankful? " nakangising tanong ni Duke. May kakaiba talaga s'yang naaamoy kay Jaire at AJ.
"Ah, eh... kase... hindi ba malulungkot si Iker kapag isinoli talaga ni Ms. Magtanggol ang kuting? " pagpapalusot ni Jaire. Pero napapalunok na s'ya dahil alam naman n'yang malakas ang pakiramdam ni Duke. Kahit kailan hindi pa nagkamali ang mga hinala nito. Delikado ngang maging syota 'to eh. Dapat na syotain nito 'yung babaeng sumisigaw ang buong katauhan kasama na ang kalamnan ng 'loyalty'.
"Mmn. " tumatango-tangong wika ni Duke. Hindi na nagtanong o nakipagtalo pa. Maraming araw pa naman para gisahin ang mga ito. Kumuha na lang si Duke ng baso saka sinalinan iyon ng tubig. Pakiramdam n'ya tuyong-tuyo ang lalamunan n'ya dahil sa stress.
"Wait... paano ba mag-alaga ng pusa?"
Nagkatinginan ang lahat matapos lumabas ang tanong na 'yun mula sa isa sa mga guard. Katatapos-tapos lang ng isang unos, heto at nagbabadya na naman ang isa pang masamang panahon. But hey, it's just taking care of a kitten. It's as simple as farting.
"Magtatanong lang ako sa vet clinic Boss. Ilang kilong catfood po ba ang bibilhin ko? " si Edzell ang unang nagtanong matapos ang ilang minuto na namang katahimikan. Mas mabuti ng makaalis s'ya dito. At least sa labas makakahinga s'ya ng maluwag dahil makakalayo s'ya sa nakakasakal na presensya ng Boss nila.
"Buy 5 sacks, "
Muntik ng mabuwal mula sa pagkakatayo si Edzell. Five sacks?! As in limang sako? Nakalimutan ba ng Boss n'ya na kuting ang pakakainin nila at hindi tigre? Pero dahil gustong-gusto na n'yang makalabas sa mansyon. Sige na, walang problema sa limang sako. It's not like money is a problem to them.
"Kulungan Boss? "
"Buy a big one. Samahan mo na rin ng magandang higaan. A lavender color collar. She liked lavender so much. And make sure to put the cat's name on the collar, "
"Areglado Boss. Ano pong pangalan nung pusa? "
Muling tiningnan ni Iker ang sulat.
"It's Ibang, "
Muli na namang napanganga ang lahat. IBANG? Ano bang pangalan 'yun? Bakit hindi na lang nito ginawang 'Alibangbang" ang pangalan nung hayop? Parang mas may dating pa yun eh. Saan ba humuhugot ng sense sa pagpapangalan ang buong angkan ng babaeng 'yun?
"O-orayt Boss! " mabilis na tumakbo palabas ng mansyon si Edzell. Ano ba namang paki n'ya kung napakabantot ng pangalan nung pusa? Hindi naman sa kanila 'yun. As long as makakatakas s'ya kahit panandalian lang dito sa nakakatakot na mansyon, mas guato n'yang gawin kahit na sandamukal pa na errand.