IYA
Walang halong pagmamadali na tinahak ko ang daan patungo sa malaki at may kalumaan ng bookstore na malapit sa Academy. Palagi ko 'yung nakikita sa tuwing papasok ako habang nakasakay sa jeep. Kalahating oras din ang lumipas bago dumating ang sundo ni Wella kaya natitiyak ko na wala na sa school premises ang mga kaibigan ko.
Ngayon na lang ulit ako lalabas na mag-isa. Sa tuwing lumalabas kase ako palagi kong kasama ang apat na bruha. Walang pagmamadali sa bawat hakbang na ginagawa ko. Panay ang tingin ko sa kaliwa't kanang bahagi ng aking nilalakaran. Napakalayo ng kapaligiran dito sa City X sa lugar na kinalakhan ko. Kahit saan ako tumingin, puro nagtataasang mga building at magagarang sasakyan ang nakikita ko. Unlike sa amin na kung hindi kalabaw, baka, o kambing... sari-saring mga taniman ang mahahagip ng mga mata mo. O kaya naman ay mga nagtataasang mga puno.
Napabuntong-hininga ako ng maalala ko na naman ang buhay namin sa probinsya. Hindi ko mapigilan ang biglang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko. Nam-miss ko na sila. Si Trii. Si lola. Ang mga alaga naming hayop. Iyong paliligo namin nina lola at Trii sa ilog. Kapag mainit pa ang panahon nagpipiknik kami. Ginataang langka lang at inihaw na isda ang palagi naming baon. Aakyat ako sa puno namin ng mangga para may prutas kaming baon.
Haist.
Ito ang mahirap kapag mag-isa ka. Ang dami-dami mong maaalala. Mapapangiti ka na lang. O kaya, iiyak na lang ng walang dahilan.
Ipinagkibit-balikat ko na lang ang pag-iisa ko. Dahil sa apat na bruha, naninibago tuloy ako sa pag-iisa ko ngayon. Kung tutuusin sanay naman ako na walang kaibigan. Noong nasa probinsya kase ako, hindi naman ako nagkaroon ng mga kaibigan na masasabi kong 'matalik o malapit'. Mas naka-focus kase ako sa pag-aaral noon. Pangarap ko kase noon sa tuwing matatapos ang bawat school year, dapat may medalya at honor akong matatanggap, nang sa gayon, makita ko ang masayang mukha ni lola habang proud na proud na umaakyat upang sabitan ako sa itaas ng entablado.
Huminga ako ng malalim. Bakit ba naglakbay na naman pabalik sa nakaraan ang magaling kong isipan?
Nang makarating ako sa lugar na sadya ko ay pansamantala akong huminto. Walang katao-tao sa loob ng naturang establishment. Teka lang, kung papasok ako sa loob, papasukin din kaya nila si Ibang? Hindi ko tuloy malaman kung ihahakbang ko pa pasulong ang mga paa ko o aatras na lang.
"Welcome mam," nakangiti si kuyang guard na kaagad bumati sa akin ng lumapit ako sa kanya. Sinusubukan ko lang naman. Kung papayagan n'ya akong pumasok kasama ang kuting, mabuti. Kung hindi naman s'ya papayag, uuwi na lang ako.
Gumanti ako ng ngiti kay kuyang guard. Medyo naasiwa lang ako kase parang kakaiba ang ngiting ibinibigay sa akin ni Kuyang Guard. Malakas ng pakiramdam ko kaya alam kong may something sa ngiti ni kuya.
"Pwede ko po bang dalhin sa loob ang alaga ko kuya? " magalang kong tanong sa kanya.
"Oo naman po Mam, sige lang po. " hindi pa rin nawawala ang kakaibang ngiti sa mga labi na sagot ni kuya. Hindi ko na lang pinansin si kuya. Kasabay ng pagkibit ko ng balikat ay ang paghakbang ng isang paa ko papasok sa loob ng bookstore. Libro lang naman ang titingnan ko.
Bukod kay Ateng cashier na nagkokorte ng kilay isang lalaki lang ang nakita kong nasa loob ng book store. Wala sa sariling lumingon ako ulit kay Kuyang Guard. Nakatalikod na s'ya sa amin kaya naman hindi ko na ulit nakita ang nakakabahala n'yang ngiti. Medyo kinabahan ako. Ano kayang trip nitong si Kuyang Guard? Bahala nga sya. Bibilisan ko na lang ang pagtingin sa mga cooking books.
Dalawa lang yata kaming costumer na nasa loob ng bookstore. Hindi ko maaninag ang itsura ng lalaking katulad ko ay estudyante rin sa de Ayala Academy. Ang init-init nakasuot ng hooded jacket with maching head phone pa.
Nagpunta na ako sa pwesto ng mga cooking books. Ang dami-daming pagpipilian.
Iilan lang ang napili ko kaya naman lumipat ako sa likuran ng shelf, nagbabakasakaling may mga cooking book pa akong makikita doon. Naroon ang isa pang costumer. Nakakapagtaka lang ha, bakit kaming dalawa lang ang tao dito? At sa tuwing mapapatingin ako kay Kuyang Guard na nasa labas ng pintuan, nakikipagkwentuhan lang s'ya sa mga dumaraang tao at pagkatapos ay aalis na rin ang mga kausap n'ya. Sadya bang ayaw nilang bumili o hindi sila pinapapasok? Pero bakit?
Napatitig ako sa likuran ng librong nadampot ko. Hindi ko alam kung anong libro 'yun. Nakatitig lang ako doon pero nasa kawalan naman talaga ang utak ko. Hindi kaya...? Palihim akong napasulyap kay kuya na kagaya ko ay parang wala rin namang mapili. Panay lang ang titig n'ya sa mga libro at ni hindi n'ya hinahawakan ang mga iyon.
Teka lang.
Santisima! Biglang-bigla na lang akong binundol ng kaba.
Hindi kaya magk-confess ang isang 'to?
Ay nakow naman. Tsk. Sunod-sunod akong napailing sa naisip ko. Although medyo na-excite ako kase never ko pa naman maranasan kung paano ang maligawan. Kaagad ko ring inalis sa isipan ko ang isiping iyon. Malabong mangyari 'yun. Ang dami-daming naggagandahang estudyante sa loob ng campus. Masyado lang akong paranoid. Napailing na lang ako.
Huminto sa tabi ko si kuya. Palihim naman akong huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Dapat normal lang. Kung kaya n'yang utusan si Manong Guard na palayasin ang bawat costumer na nagnanais pumasok, isa lang ang ibig sabihin noon. Yayamanin si koya.
"Eherm, "
Kunyari hindi ko naririnig ang pagtikhim ni kuya.
"Eherm, "
Hindi ko ulit pinansin. Hmp. Kaya ang daming lalaking nauunahan ng iba eh, ang dami nilang pasakalye. Pwede naman kaseng tumawag na, o mag-'excuse me' man lang sana. Eh kaso mo, puro tikhim ang ginagawa n'ya. Barado lang ang lalamunan ganun? Maraming plema kaya di makapagsalita? So ano, puro tikhim na lang s'ya tapos ako manghuhula sa kung ano ang gusto n'yang sabihin? I shake my head mentally. Kaloka.
"Eherm. Miss Magtanggol, "
Hindi ko pa rin sana s'ya papansinin kaso parang biglang may nahagip ang matalas kong pandinig.
Wait lang . Kilala n'ya ako?
Dahan-dahan akong nag-angat ng paningin. Bahagya pang nakakunot ang noo ko dahil sa pagtataka. Paano n'ya naman ako makikilala eh hindi naman ako naglalalabas sa classroom. Not unless, isa s'ya sa mga ugok kong kaklase na gusto akong pag-trip-an.
Pero umangat ng bongga ang kilay ko nang makita ko kung sino ang pa-misteryoso pang guy. Tropa lang pala ni Ivan. Sino nga s'ya ulit? Ahmm...Hindi ko kilala. Oo nga pala. Wala nga pala akong kakilala sa kanila dahil hindi ko naman sila pinag-interesang kilalanin. Never mind, it doesn't matter. Hindi ko naman trabahong kilalanin ang mga alipores ng kumag na 'yun.
"May kailangan ka? Binabawi na ba n'ya 'tong Kuting? " ang nakabukang bibig ni kuya na tila ba may sasabihin ay muling tumikom. Para s'yang nag-mental block habang nakatitig sa akin.
"Hindi mo naman siguro papipigilan kay Kuyang Guard ang mga costumer na gustong pumasok kung wala kang sasabihin hindi ba? Ano 'yun? Kukunin mo na si Muning? " seryosong tanong ko pa ulit. Kung hindi n'ya babawiin si Ibang, ano pa ang ibang pakay n'ya?
Kumurap-kurap ang lalaki saka muling tumikhim. May plema yata talaga ang lalamunan n'ya. Tsk.
"Ahm, that... "
Napakunot-noo ako. Parang may gusto s'yang sabihin na hindi n'ya masabi. Nahihirapan ba s'yang magsalita. Parang croaky kase ang boses n'ya eh.
"Hindi ko babawiin ang muning mo. It's about Iker, "
Ay. Hindi naman pala s'ya paos eh. Ang macho nga sa pandinig ng boses n'ya.
Pero teka lang. Lalong lumalim ang gatla sa noo ko. About Iker? What about him? Pinagmasdan kong mabuti ang lalaking kaharap ko na wagas na wagas ding nakatitig sa akin. Kung makatingin naman mula hibla ng patay na buhok sa ulo ko, hanggang sa bagong sapatos na suot ko at pabalik wagas na wagas. May mali ba sa itsura ko? Bakit ganyan s'ya makatingin? Don't tell me he's into him? Iyon ba ang sasabihin n'ya?
Ayy? Hindi kaya...
"Bakla ka? " hindi ko mapigilan ang sarili kong itanong.
JAIRE
"Bakla ka? "
I felt like my world fell apart because of her stupid question. Ako bakla? Her courage is as wide as heaven. And where the heck did she get that idea? It's so absurd and so out of this world. Damn it.
"You like Iker, hindi ba? " tanong n'ya pa ulit.
It's the second bomb that she dropped on my face casually. Then she look at me like I'm the most unexpected thing na natagpuan n'ya sa tanang buhay n'ya.
"Hmm. Alam mong papunta ako sa lugar na 'to kaya plinano mong ikulong ako dito at komprontahin, tama ba? "
Hey. How did she know that? This probinsyana is not as simple as she look on the outside. But where the hell did she get the idea that I am gay?
"I'm sorry but I can't return Ibang to you. Bayad ito ni Ivan sa pag-aalaga namin sa kanya noon. But if your worried kung may gusto ako sa kanya. You can rest assured na wala dahil I still value my life. Hooking up with him is like throwing away my life," sabi n'yang walang kakurap-kurap.
It's not the situation that I'm expecting. Nor the sentence that I'm dreading to hear. Bakit parang bigla akong nasaktan sa mga sinabi n'ya para sa kaibigan ko? She don't really care about Iker? Men, I don't know what to feel, really.
"Masyado s'yang mayaman. Masyado s'yang gwapo. Masyado s'yang famous. Masyado s'yang mataas. At lahat ng 'masyado' ay nakakasama. So there, sayo'ng-sa'yo na s'ya. "
Hindi ako makapagsalita. Wala s'yang kakurap-kurap habang nakatitig sa akin. At bakit sa pananalita n'ya parang ipinapamigay n'ya sa akin si Iker. And what does 'sa'yong-sa'yo na s'ya' mean?
"Hindi mo ako kaagaw sa kanya okay? Kung iniisip mo na may gusto ako sa kanya. Wala. Kaya huwag kang mag-alala, hindi ko s'ya aagawin. Hindi ko s'ya gusto. Wala kaming future. Hindi kami bagay. Pero, " she suddenly stop talking. And I'm not aware na kanina ko pa pala pinagmamasdan ang bawat galaw ng labi n'ya. "Pero hindi ko ibabalik si Ibang. We already sign a contract. I'm its master and its my pet. Pwede bang hayaan mo na lang kami na magkasama poriber? "
What the heck?
Anong pinagsasasabi n'ya?
Para talaga s'yang nasa ibang dimensyon. Bakit hindi ako maka-relate sa kanya? Anong sign ng contract? It's just a kitten. Paano naman magsa-sign ng kontrata ang kuting? At bakit n'ya ba ipinangangalandakan na hindi n'ya aagawin sa akin si Iker? Hindi ko rin naman aagawin sa kanya ang kaibigan ko. I just want to know her a little dahil baka hindi n'ya alam kung ano ang papasukin n'ya.
But what is this awkward situation?
Bakit para akong girlfriend ni Iker na kinakausap ang babaeng kinakalantari n'ya?!
"Pwede ba? Promise hindi ko guguluhin ang relasyon n'yong dalawa. At isa pa, mayayaman naman kayo. Makakabili pa ulit kayo ng marami pang kuting. "
Huh? Pwede bang ano? Ano bang pinag-uusapan namin? Pakiramdam ko bigla akong nahilo sa pakikipag-usap sa kanya. Hindi ko s'ya masundan.
"Pwede bang sa akin na lang 'tong pusa? Promise hindi na rin ako pupunta doon sa lunch na inaalok ni Ivan. Pwede na ba? "
I nodded kahit na hindi ko masyadong maintindihan kung ano ba ang hinihingan n'ya ng permiso.
"Okay. Usapang matino 'yan. Alis na ako. Bye. " tumalikod na s'ya sa akin at naiwanan lang akong natutulala. Dahil hindi ma-process ng isipan ko ang mga pinagsasasabi n'ya, naiwanan akong nakatulala.
"Sir Jaire, pwede ko na po bang papasukin ang ibang mga costumer? "
Napukaw ang diwa ko ng maramdaman ko ang kamay na mahinang tumapik sa braso ko.
"Mang Ben. Nasaan 'yung isang costumer? " bakit nga ulit ako iniwanan ng babaeng 'yun? Hindi pa naman kami tapos mag-usap. Hindi ko pa nasasabi ang mga pros and cons kung sakali ngang maging sila ni Iker.
"Yung estudyante po ba na kausap n'yo kanina? Nakasakay na po sa jeep, "
Napahawak na lang ako sa batok ko saka tumingala sa kisame ng bookstore. F^ck. I didn't even had the chance to tell her my agenda. Talking to her is like being lost inside an old and large forest, nakakaligaw.