NAMUMUGTO ang mga mata ni Lexine paggising niya kinabukasan. Buong gabi siyang umiyak kaya't mahapdi ang mga `yon. Kahit anung kapal ng concealer na inilagay niya ay nangingitim pa rin ang ibaba niyon. In the end, napagdesisyunan na lang niyang magsuot ng shades.
"Taas ng araw?" Tinukso agad siya ni Janice nang magkita sila sa campus.
"Masakit lang ang mata ko, too much lights."
"Ganun? Don't tell me may kumagat na vampire sa `yo kahapon kaya bigla kang natakot ngayon sa liwanag?" dagdag tukso ni Xyrille at sabay siyang pinagtawanan ng dalawa.
'Oo muntik na `kong makagat pero hindi ng vampire kundi ng isang halimaw.'
Pinili na lang niyang huwag umimik sa dalawa. Buti na lang at wala silang class ngayong araw kay Mr. Hernandez kaya hindi niya makikita si Night. Kahit papano, pansamantala siyang makakahinga nang maluwag. Nagkahiwalay silang tatlo upang tumungo sa kani-kanilang klase. Dumiretso si Lexine sa locker area upang kumuha ng mga libro para sa susunud na subject nang may humigit sa kanyang braso.
Halos atakihin siya sa puso sa matinding gulat. Nabitawan niya tuloy ang mga dalang gamit. "Ano ho'ng kailangan niyo?" nagtataka niyang tanong sa isang lalaking janitor.
"Doblehin mo ang `yong pag-iingat dahil mas dumarami ang kalaban. May mga bagong masasamang nilalang ang nakapaligid sa `yo. Marami sila at `di sila titigil hangga't hindi ka nila nakukuha."
Natigilan si Lexine. Saka niya lang napansin na katulad ito ng librarian nung isang araw. Tulala ang mga mata, walang kislap at parang robot na nilagyan ng tape recorder para magsalita. Nanuot sa ilong niya ang halimuyak ng malamig na pulbos. Kung gano'n ay tama ang hinala niya!
May ibig sabihin ang amoy na `yun. Iisa lang ang naiisip niyang maaring may kagagawan ng mga ito. "Ano ho'ng ibig niyong sabihin sa mga kalaban na gustong kumuha sa `kin? May kinalaman ba ang ravenium demon na dumukot sa `kin kahapon sa mga kalabang tinutukoy mo?"
Biglang tumirik ang mga mata nito. Napaatras si Lexine. Muling bumuka ang bibig ng matanda pero sa pagkakataong iyon ay iba na ang boses na lumabas mula rito.
"Oo, Alexine. Isa ang ravenium demon sa mga pinadala ng kalaban para kunin ka."
Natakpan niya ang bibig. Hindi siya maaring magkamali. Kilala niya kung kanino ang boses na iyon. "Cael?"
Ngumiti ang janitor. Tumirik ang mga balahibo niya. "Ako nga ito, Alexine."
"Paano... paano mo `to nagagawa? Sinung tinutukoy mong mga kalaban at bakit nila `ko gustong kunin?"
"Hindi ko pa maaring sagutin ang mga katanungan mo. Basta doblehin mo ang `yong pag-iingat. Parati `kong nakabantay sa `yo."
Bumuka ang kanyang bibig. Ito nga si Cael dahil memoryado ng isip niya ang tunog ng baritono nitong boses. "Anung gagawin ko? How can I escape those... freaking ugly monsters?"
"Ang puting balahibo. Palagi mong dadalhin ang balahibo bilang proteksyon. Sa oras na kailanganin mo ng tulong gamitin mo `yun."
Sinasabi na nga ba niya at may kaugnayan ang balahibo kay Cael. Isa-isa nang nagdudugtong-dugtong ang lahat. Ang halimuyak ng powder at eucalyptus ay senyales na nasa malapit lang si Cael. Ang puting balahibong matagal nang nakatago sa ilalim ng kanyang unan ay nanggaling mismo sa binata.
Nais pa sana tanungin ni Lexine ang kaharap nang biglang dumaan ang isang grupo ng mga istudyante. Kaklase niya ang mga `yun sa isang minor subject. Napilitan siyang ngumiti pabalik sa mga ito. Nang tuluyan nakalagpas ang grupo ay muli niyang hinarap ang janitor pero nagbago na ang itsura ng mga mata ng matanda.
"Huh? Anung ginagawa ko rito?" nagtatakang kausap nito sa sarili. Para itong naggising sa isang panaginip. Tumingin lang sa kanya ang janitor na may nalilitong mukha. Wala siyang maisagot sa tanong nito. Umiling ang matanda at lumakad palayo.
Wala siyang ideya kung anung klaseng magic o super powers ang ginagamit ni Cael pero hindi na `yun mahalaga. Ang importante ay mas nakakausap na niya ito at hindi na lang siya aasa sa kanyang panaginip.
Kahit na hindi niya kilala ang misteryosong binata ay wala na syang ibang choice kundi ang magtiwala. Wala na siyang ibang aasahan pa kundi ang sarili niya at ang Tagabantay niyang si Cael.