Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 38 - Stop acting like you care

Chapter 38 - Stop acting like you care

NANATILING NAKATULALA si Lexine habang pinapanood ang abo ng halimaw na sumasayaw sa hangin nang bigla niyang naalala si Mang Ben. Agad niyang hinanap ang matanda at natagpuan itong walang malay at duguan sa tabi ng isang puno. May malalim itong sugat sa balikat habang namumutla ang mukha. Hinawakan niya ang kamay nito at hinanap ang pulso. Mahina na iyon.

"Don't worry, he's not dead." Nakarating na agad si Night sa kanyang tabi.

"May sugat siya."

Hinubad ni Night ang basang leather jacket. Tanging gray na sando lang ang suot nitong panloob. Hindi napigilan ni Lexine ang sarili na pagmasdan ang iba't ibang marka sa braso, balikat at leeg nito. Mayroon pang sumisilip na malaking tattoo na sumasakop sa buong likuran nito ngunit hindi niya lang makita nang maayos. Napaisip siya kung ano pa kaya ang ibang pangalan ng bawat tattoo ni Night at kung lahat ba ng mga ito ay nagtataglay rin ng kakaibang kapangyarihan.

"Ira!" Umilaw ang tattoo sa loob ng kanang braso nito.

Nakita na ito ni Lexine noon sa studio. Isa itong crescent moon at sa biyak niyon ay may isang mata. Gumihit ang asul na liwanag sa marka. Galing sa anino ni Night, unti-unting lumabas ang itim na likido at nag-evaporate sa hangin. Lumitaw sa kanilang harapan ang pamilyar na pitong talampakang itim na bulto. Muling nasilayan ni Lexine ang color purple nitong mga mata.

"Anung mapaglilingkod ko sa inyo, master?"

Hindi maalis ni Lexine ang mata kay Ira. Ito na ang pangalawang pagkakataon na nakaharap niya ang nilalang pero `di niya pa rin maiwasan ang matakot at the same ay mamangha sa kakaiba nitong anyo.

"Clean and heal his wounds. Don't forget to erase his memory."

Lumutang ang anino at binalot ng itim na balabal ang buong katawan ng matanda.

"Anung ginagawa niya kay Mang Ben?" natatarantang tanong ni Lexine.

"Don't worry, Ira will heal him." Lumuhod si Night sa harapan niya. Sinuri nito nang mabuti ang kanyang buong katawan habang malaya niya rin pinagmasdan ang binata. Kaunting galos lang ang nakuha nito sa mukha at leeg.

"Are you hurt?" tanong nito.

Nagtama ang tingin nila at biglang kumabog ng malakas ang dibdib ni Lexine. Hawak nito ang magkabila niyang braso. She started to feel conscious. Her skin suddenly ignited like an explosive firework by his mere touch and this is not a good sign.

Taimtim na tumitig sa kanya ang tsokolate nitong mga mata na para bang sinusuri ang bawat himay ng kanyang nakaraan, kasalukuyan at hinaharap. His eyes were like a wild treasure hunter, digging deeper until he reached the base of her essence. Hindi maipagkakaila na iyon na marahil ang pinakamagandang mata na kanyang nasilayan. It's ironic that she found it in the eyes of the man she despises the most.

"No. I'm okay," sagot niya sabay iwas ng tingin. Laging abnormal ang tibok ng dibdib niya sa tuwing nasa malapit ito at hindi niya gusto ang pakiramdam na iyon.

"Better," anito.

Binitiwan siya ni Night at sunud na sinuri nito ang sariling mga galos. Hindi na sila nagkibuan pa. Pumagitna ang mahabang katahimikan sa pagitan ng dalawa.

Ano na naman ba'ng nangyayari sa `yong babae ka? Hindi ba't `di ka na magpapaapekto sa kanya pero bakit parang mas lumalala ka pa ata riyan?

She can't take the akward silence anymore. Tumikhim siya at muli itong hinarap. "Night, anung klaseng halimaw `yun? Bakit niya `ko gustong saktan?"

Lumingon ito sa kanya. "It's a ravenium demon. Just a low class and easy to kill." Pinagpag nito ang leather jacket.

"Easy to kill for you, eh, halos gawin na nga niya `kong hapunan."

He snickered. "It's because of your smell, you're too sweet like a red velvet cupcake. By the way that's my favorite." He winked at her.

Umikot ang mga mata niya. Hindi siya naniniwala sa sagot nito dahil kinukutuban siyang may dahilan kung bakit siya gustong saktan ng halimaw na `yun.

"I don't believe you. Siguro kasama na naman `to sa mga laro mo `no? Siguro pinadala mo ang demon na `yun para takutin ako at saktan—"

Biglang hinagis ni Night sa kanya ang jacket nito. "Hey, I didn't send that demon to hurt you why would I do that?" Nagsalubong ang kilay nito at mabigat na bumuntong-hininga. "Look, I still don't know why the hell that ugly fucker was after you, but that's not important anymore. Ako na'ng bahala dun. Ang mahalaga you're safe at `di ka nasaktan."

Natigilan si Lexine sa mga narinig. "And wear that jacket, don't show me too much skin." Mabilis na gumapang ang tingin nito sa sira-sira niyang damit. Madiin na napalunok si Night sabay nag-iwas ng tingin.

Hindi pinansin ni Lexine ang huling sinabi ng binata. Naguguluhan na talaga siya sa mga kinikilos nito. Why is he hot and cold towards her? The last time she remembers, he was threatening her kaya ano itong kunwaring concern na pinapakita nito sa kanya?

"Why?" `Di na niya napigilan ang kanyang bibig na tila may sariling utak. "Why are you doing all of these?"

Kumunot ang noo nito ngunit hindi ito sumagot.

"Bakit `di mo na lang ako hayaang mamatay at kunin ang kaluluwa ko tutal `yun naman ang gusto mo sa `kin diba? Pero bakit lagi mo pa rin akong nililigtas laban sa mga gustong manakit sa `kin?"

Nanatili lang itong walang kibo. Wala siyang makuhang sagot sa lalaki na tila ba kausap niya ay pader. Muling sumiklab ang apoy sa kanyang dibdib. Ano ba talaga'ng hatid ni Night sa buhay niya? Kaligtasan o kapamahakan?

Naiinis si Lexine dahil hindi lang nito ginulo ang kanyang buhay, maging ang isipan niya'y binulabog na rin nito. Hindi na ito nakuntento sa pananakot sa kanya. Nais pa siya nitong paglaruan at sirain na parang isang bagay.

"Why do you keep protecting me against these monsters if you're also a beast? Wala kang pinagkaiba sa ravenium demon na `yun, sa grupo ni Cristoff, o sa mga kidnapper. Pareho-pareho kayo na gusto `kong saktan. So why do you keep on acting like a knight in freaking armor when the truth is that you're the biggest villain here!"

Gulong-gulo na si Lexine sa lahat ng nangyayari. Halos mamatay na siya ngayong araw dahil may letseng halimaw ang gusto siyang gawing hapunan. Ano pa ba'ng klaseng panganib ang dapat niyang kaharapin? Ano pa ba'ng paghihirap ang dala sa kanya ng lalaking ito? And she's certain that whatever this "care" he was attempting to show to her was only part of his evil mind games. She will never allow herself to get deceived by the devil.

"Masama ka, Night. So please stop acting like you care for me."

Walang sagot na narinig si Lexine mula rito. Tumayo ang binata at nilapitan ang katawan ni Mang Ben na nilubayan na ni Ira. Lumakad ito palayo bitbit ang matanda. Napilitang tumayo si Lexine at sumunod sa lalaki. Naging tahimik ang buong paglalakad nila hanggang sa makalabas ng gubat. Naroon sa gilid ng kalsada nakaparada ang itim na Fortuner.

Pinasok ni Night si Mang Ben sa likuran bago walang imik na humarap sa kanya at pinagbuksan siya ng pinto. Pumasok siya ng sasakyan at tahimik na umupo sa passengers seat. Umikot ang binata at pumuwesto sa drivers seat. Hindi sila nagkibuan buong byahe at kahit masakit ang buong katawan ay hindi niya nagawang makatulog. Malalim na'ng gabi nang makarating sila sa mansion. Mahimbing pa rin ang tulog ni Mang Ben. Nanatili walang kibo ang dalawa sa loob ng sasakyan.

Si Lexine ang bumasag sa nakabibinging katahimikan. "Pwede ka nang bumaba rito. Ipapabuhat ko na lang si Mang Ben."

Malakas siyang napasinghap nang bigla siyang inipit ni Night sa gilid ng pinto. "I'm not saving you to become your goddamn knight in bloody armor." He pushed himself harder on her. His gazes were back to being cold and ruthless. "I'm doing it because I.fucking.own.you."

Muling bumalik ang kaba sa kanyang dibdib. Paulit-ulit man siyang sagipin nito ay hindi pa rin mawawala ang katotohanan na isa pa rin itong makapangyarihan at mapanganib na nilalang.

"Get off me." She tried to push him but his chest was hard like a wall.

Nilapit nito ang bibig sa tenga niya. "I have your precious soul in my hands and nobody is allowed to benefit from it but only me, understood?"

Pinukol niya lang ito ng matalim na tingin.

He faced her again and gently caressed her flushing cheeks. "So, stop whining like a baby my sweet little cupcake. Just enjoy our game."

"Napaka-sama mo talaga."

He lifted the corner of his mouth as he playfully twirled the ends of her hair between his two fingers. "You have no idea how bad I am... especially in bed."

She gritted her teeth. "Bitawan mo `ko."

"As you wish, my lady."

At katulad ng nakaugalian nitong gawin. Hinalikan ni Night ang noo niya at awtomatiko siyang pumikit. At tulad ng dati, sa oras na idilat niya ang mga mata ay wala na ito sa kanyang harapan.

Nanatili lang nakatulala si Lexine sa loob ng sasakyan. Mayamaya pa at hindi na niya napigilan ang paglabas ng mapapait na halakhak. Parang siyang tanga na tumatawa mag-isa. Hindi niya alam kung anung unang gagawin: ang umiyak o ang tumawa?

"What have you been expecting, Lexine? Na mabuti siya, that he cares for you?" Tila nababaliw na kinausap niya ang sarili. She's laughing at herself dahil kung anu-anong katangahan ang naiisip niya. Gusto niyang batukan ang sarili to think even for a second na baka sakaling may kabutihan sa puso ni Night.

"You are so stupid. Of course he doesn't care for you. He's too evil to care. Pinaglalaruan ka lang niya to keep his fucking self entertained! He's nothing but a manipulating psycho beast. Gaga ka dahil nagpapaikot ka sa kanya. Mahina ka, Lexine, ang hina-hina mo talaga."

Umiiyak siya dahil sa kabila ng lahat ng inis at galit na nararamdaman niya para sa lalaki. Hindi niya matanggap sa sariling naapektuhan siya. Hindi lang dahil sa pisikal na kirot kundi maging emosyonal. At naninikip ang dibdib niya sa kadahilanang ayaw niyang aminin.

Nasasaktan si Lexine dahil unti-unti na siyang nahuhulog sa mga patibong nito.