Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 36 - Unexpected enemy

Chapter 36 - Unexpected enemy

HALOS pinapapak na ng mga lamok si Lexine kakaantay sa tapat ng main gate pero hindi pa rin dumarating ang sundo niyang si Manong Ben. Mag-iisang oras na itong late. Kanina pa ito hindi sumasagot sa mga tawag niya. Hindi niya rin ma-contact si Ansell para sana sumabay na lang siya at nagpahatid dito pauwi. Alam naman ng matandang driver ang kanyang schedule kaya't siguradong aware ito sa oras ng uwian niya.

"Hindi kaya nakatulog na naman `yun?"

Nasagot din agad ang tanong ni Lexine nang sa wakas at natanaw na niya ang paparating na black Fortuner. Nagbuntong-hininga siya at agad na sumakay sa likuran. "Bakit ang tagal mo manong? Nakatulog ka siguro `no?"

Hindi umimik si Manong Ben. Nakatingin lang ito sa daan na tila walang narinig. Napakunot ang noo niya. Ipinagkibit-balikat na lang niya `yon at inabala ang sarili sa paglalaro ng Mobile Legends sa kanyang iPad mini. Sinaksak niya ang earphone sa plug at nagpatugtog ng music sa Spotify pangtagal inip sa byahe. Dahil sa pagod ay nakatulog ang dalaga.

Naalimpungatan si Lexine sa hindi kumportableng posisyon at naramdaman na gumagalaw ang kanyang paligid. Mabigat ang ulo niya at anuman sandali ay para siyang masusuka. Unti-unti niyang dinilat ang mga mata. Nang tuluyang magkamalay ay na-realize niyang nakabaliktad siya nang patiwarik. Wala siya sa sasakyan at mas lalong wala siya sa mansion nila!

Alertong pinaikot ng dalaga ang mga mata. Isang lalaki ang bumubuhat sa kanya habang nakasampa siya sa balikat nito na parang sako. Dahil sa posisyon kaya hindi niya makita ang itsura nito. "Sino ka!? Bitawan mo `ko! Saan mo `ko dadalhin?" Pinaghahampas niya ang likuran nito. 'Where's Manong Ben?' Baka may nangyari masama sa matanda. Lalo siyang dinumbol ng takot.

Patuloy na nagsisisigaw si Lexine. Higit siyang nagilalas nang mapansin na sa liblib na lugar siya dinala ng masamang loob. Walang ibang makikita sa paligid kundi nagtataasang mga damo at punong kahoy.

"Anung kailangan mo sa `kin? Let me go! Help! Please, somebody, help me!" Huminto ito sa paglalakad at bigla siyang hinagis na parang basahan. Nauntog siya sa matigas na puno at sumalampak ang pwetan sa basang putik. "Aw!"

Nag-angat siya ng tingin at ganoon na lang ang gulat niya nang makilala kung sino'ng lalaki na nagdala sa kanya sa gubat. "Manong Ben?"

Hindi makapaniwala si Lexine. Hindi dahil sa katotohanan na dinukot siya ng kanilang pinagkakatiwalaang driver kundi dahil may kakaiba sa mukha nito. Puro puti ang dalawang mata ni Manong Ben at may mga itim na ugat ang nakapalibot sa buong mukha nito.

Nanlamig ang katawan niya. Hindi si Manong Ben ang kaharap niya kundi ibang nilalang, o mas tama sigurong sabihin na may kakaibang bagay ang sumapi sa matanda. "Anung ginawa mo kay Mang Ben?"

Nasa gitna sila ng isang kagubatan na `di niya alam kung saan parte ng siyudad. Pababa na ang araw at nagsisimula nang magdilim ang kalangitan. Nakakikilabot ang ngiti ni Manong Ben. Lumuhod ito sa kanyang harapan. Siniksik ni Lexine ang sarili sa punong kinasasandalan.

"Eskelemis por sheke, yobare akumalo." Lumabas ang isang kakaibang lengguwahe sa bibig nito. Ang tunog ng boses nito ay malamig, dumodoble at puno ng hangin na tila bumubulong. "Eskelemis, eskelemis por sheke... eskelemis por sheke yo nari."

Bumuka ng ubod nang laki ang bibig ni Manong Ben at lumabas roon ang mahaba nitong dila. Matulis ang dulo niyon at nahahati sa dalawa na katulad ng ahas. Lumitaw ang matutulis nitong pangil. Nagpakawala ito nang malakas at nakakikilabot na hiyaw. Tila lumipad ang kaluluwa ni Lexine paalis ng katawan niya.

Tumindig ang lahat ng balahibo niya sa katawan. Matining siyang tumili. Bago pa siya masunggaban ni Mang Ben ay mabilis niyang nakapa ang isang matigas na bagay sa lupa at buong pwersang hinampas ang mukha nito. Agad siyang kumaripas nang takbo.

Muli niyang narinig ang galit na hiyaw ni Mang Ben. Hindi na niya alam kung saan siya pupunta basta't tumakbo lang siya nang mabilis at walang lingon. Halos madapa na siya sa malubak at maputik na daan. Kung saan-saan direksyon pumipihit ang kanyang ulo. Nakakita siya ng malaking punong kahoy at agad nagtago sa likod niyon. Umaapoy na'ng dibdib niya sa kakulangan ng hangin. Masakit na rin ang kanyang mga binti. Tinakpan niya ng dalawang kamay ang bibig upang pigilan ang nagbabadyang hikbi.

"Eskelemis... eskelemis... eskelemis." Ramdam niyang nasa likuran lang ito. Nanginginig siya at tahimik na nanalangin na sana'y makaalis siya ng buhay.

Ilang saglit pa ang lumipas at tumahimik ang paligid. Tanging kulisap at ihip ng hangin ang maririnig. Nakiramdam muna si Lexine. Mukhang nakalayo na si Mang Ben. Dahan-dahan niyang sinilip ang likod ng punong pinagtataguan. Wala na nga roon ang matanda. Maingat siyang kumilos at nagsimulang maglakad.

Nakailang hakbang pa lang si Lexine nang tumalon mula sa itaas ng puno si Manong Ben at lumanding sa kanya. Malakas siyang tumili. Natumba sila at sabay na bumagsak sa putikang lupa. Umibabaw ang matanda sa kanya. Nakabuka ang bibig nito habang panay ang paggalaw ng dila nito na handa na siyang tuklawin. Tumutulo sa mukha niya ang kulay itim nitong laway.

"Eskelemis por sheke!"

Inipit ni Manong Ben ang magkabila niyang balikat. Nahihirapan siyang manlaban dito lalo na't nanghihina na ang mga braso niya. Binuka ng matanda ang bibig at sumunggab sa kanya. Nagpakawala si Lexine ng matinis na tili nang isang iglap ay nawala si Manong Ben sa ibabaw niya at lumipad ito palayo. Bumangon siya at natagpuan ang pamilyar na bulto na nakatayo sa kanyang harapan.

"Night..." Tila nabunutan siya ng malaking tinik sa dibdib nang bigkasin ang pangalan ng binata.

Lumingon ito sa kanya. "Are you alright, cupcake? Don't worry, daddy's here."

Natulala at napipi lang Lexine sa kinauupuan. Sa kabilang panig ng gubat ay muling tumayo si Mang Ben at nagwawala na animo mabagsik na tigre.

"Just stay there, I'd make this quick and I expect a reward after." Pilyong kumindat sa kanya si Night. "Gula!" tawag nito.

Lumiwanag ang tattoo sa kanang pulsuhan ng binata. Isa iyong baliktad na tatsulok na may bituin sa gitna. Lumabas sa palad nito ang mahabang espada na binabalot ng asul na apoy. Labis na natulala si Lexine sa nakikita. Ngayon niya lang na-realize na may ibig sabihin ang bawat tattoo ni Night sa katawan.

Mabilis na sumugod si Mang Ben patungo kay Night. Nakataas ang dalawang kamay nito habang nakabuka ang malaking bibig nito at handa ng kagatin ang binata. Subalit likas na mabilis kumilos si Night at naiwasan nito ang pagsugod ng matanda. Sa isang iglap ay lumitaw ito sa itaas ni Mang Ben. "Up here doggy!"

Tumingala si Mang Ben. Agad tumalon si Night habang nakatutok pababa ang espada nito. Tumusok ang patalim niyon sa balikat ng matanda. Humiyaw ito at nangingisay na natumba sa lupa.