Chereads / Friendly / Chapter 7 - Ethan At Your Service

Chapter 7 - Ethan At Your Service

Nagtatanong ang utak ko kung sino itong Lyle Spencer na ito. Sabi niya secret admirer ko daw siya. Aish, kailan pa ako nagkaroon ng ganito? Ngayon lang. Hindi ko akalain na may secret admirer pala ako.

Atsaka hindi ko naman ito kilala itong Lyle Spencer na ito. Tsaka wala akong naririnig na Lyle Spencer dito sa Allison Academy, unless kung wala talaga akong kilala na ganyan ang pangalan.

Binuksan ko yung envelope na yun. Tapos may nakita akong papel doon sa loob. Kinuha ko naman ito at binuksan. Pagkabukas ko ay tumambad sa akin ang handwritten na message... for me.

Dear Joan,

Hey! It's me, Lyle Spencer. Alam kong hindi mo pa ako kilala kaya ginawa ko ang sulat na ito para magpakilala sa iyo. I'm your secret admirer at magi-straight to the point na talaga ako sa iyo. Maganda ka... at gusto kita. Sana naman magustuhan mo rin ako balang araw.

Your secret admirer,

Lyle Spencer

Napangiti ako sa sulat na nabasa ko. Secret admirer pala ah!! Sino kaya ito? Sana naman makilala ko siya ng personal. Kung sino man siya, maraming salamat sa kanya.

Kaagad na akong umupo sa upuan ko. Tinago ko na lang ang letter na ito doon sa bag ko. Itatago ko ito para may remembrance ako.

Maya maya, dumating na ang mga classmate ko at nagsimula na naman silang mag-ingay. Mga ilang minuto rin ang nakakalipas, dumating na ang teacher namin sa Araling Panlipunan at nagsimula na naman ang mala-boring na klase namin ngayong hapon.

* * *

Pagpatak ng alas singko ng hapon, kaagad na pinalabas na kami ng adviser namin para umuwi na. Kaagad naman akong lumabas sa classroom pero wala pa akong plano umuwi kasi naalala ko na may general meeting pa pala kami ng mga SSG officers.

Nakita ko naman si Althea kasama si Clyde na naglalakad papunta sa kinatatayuan ko. Mukhang sinusundo na nila ako.

"Oh Joan, tara na. Umuwi na tayo, baka hanapin pa tayo ni Tito niyan." sabi ni Althea sa akin ng makalapit na ako sa kanya.

"Althea, pwede mauna ka na muna kasi may meeting kami ng SSG ngayon eh. Pakisabi na lang kay Papa ah."

"Sure ka? Wala kang kasama pauwi."

"Hindi. Okay lang. Kaya ko ng mag-isa." sabi ko pa sa kanya.

"Sige, alis na kami ni Clyde ah. Mag-ingat ka." paalam ni Althea sa akin.

"Sige, babye. Ingat rin." pagkatapos namin magpaalam sa isa't isa, kaagad na akong pumunta doon sa classroom kung saan doon kami magme-meeting ng mga SSG Officers.

Nagsimula na naman kami mag-meeting pagdating ko sa classroom. Malapit na siguro mag-six thirty ng matapos ang meeting namin. Medyo madilim na rin ang campus kaya kailangan na rin na umuwi.

Kaagad naman silang nagpaalam sa akin ng matapos na ang meeting namin. Hindi pa ako nakakalabas ng classroom ay biglang may nag-text sa cellphone ko. Kinuha ko naman ito at tinignan kung kanino galing. Pagtingin ko ay galing ito kay Althea. Binuksan ko naman ito at binasa ang message niya.

Joan, huwag ka palang uuwi mag-isa ah. Ethan will take care of you and take you home.

Namilog naman ang mga mata ko ng mabasa ko ang message ni Althea sa akin. Paulit-ulit ko pa iyun binabasa kasi nga baka namamalik-mata lang ako. Pero kahit ilang ulit ko pang basahin ang message niya, ganun pa rin. Wala pa ring pinagbago.

Totoo ba talaga itong nababasa ko? Si Ethan? Siya maghahatid sa akin sa bahay? Teka? Paano niya nagawa ito?

Tinawagan ko kaagad si Althea. Sumagot naman ito sa tawag ko.

"Oh Joan, na-receive mo ba ang message ko sa 'yo?" rinig ko na sabi ni Althea sa akin sa kabilang linya.

"Oo. Teka? Seryoso ka ba ah?"

"Ano ka ba! Halos pinagalitan ako ng papa mo dito kasi umuwi ako na ako lang mag-isa. Dapat daw hindi kita iniwan kasi baka may mangyari sa iyo. Gusto ko sana na si Clyde magsundo sa iyo pero ayun, busy na naman sa pagbabasketball niya kasama ng tatlo. Kaya wala na akong naisip pa kundi si Ethan na lang magsusundo sa iyo." explain ni Althea sa akin.

"H-huh? Teka? E-eh b-bakit si Ethan pa? Marami namang iba dyan eh!?" sabi ko sa kanya.

"Wag ka ng choosy. Mabuti nga pumayag 'yung tao na sunduin ka ah. In a minute, baka nandyan na siya sa school. Wag kang mag-aalala, may motor iyan si Ethan. Siya na bahala sa iyo." sabi pa ulit ni Althea sa akin.

Sa pagkakataong ito hindi ko na naman maiwasan na kabahan dahil sa sinabi ni Althea sa akin. Bakit sa dinami-daming magsusundo sa akin, bakit si Ethan pa?

Eh bakit nga rin ba ako nagrereklamo ah? Mabuti nga si Ethan ang nirekomenda ni Althea na magsusundo sa kanya eh. Dapat nga matuwa pa ako.

Oo nga, natutuwa nga ako. Halos hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa sarili ko kasi kinain na ako ng kilig ng nararamdaman ko. So kung si Ethan nga ang magsusundo sa akin, ibig sabihin this is the first time na magsasama ulit kami at take note, kami lang dalawa at may time kaminv mag-usap diba.

Aish, sana naman maging okay lang ako kapag kaharap ko ulit si Ethan sa unahan ko. Kanina kasi doon sa canteen, mukha na akong kamatis doon na pulang pula ng dahil sa kanya. Mabuti na lang at hindi nila napansin iyon.

Kaagad naman nagpaalam si Althea sa akin na ibababa na niya ang tawag. May gusto pa sana akong sasabihin sa kanya pero nawala na ang linya. Kasabay ng pagputol ng linta ang saktong pagdating ni Ethan doon sa classroom. Nakita ko siya nakatayo siya doon sa labas mula sa pinto tapos nakangiti siya nakatingin sa akin.

"Joan.." narinig kong tinawag niya ako. Pumasok siya bigla tapos lumapit sa akin. Hindi ako makatingin sa kanya lalo na sa mata niya. Naiilang kasi ako kapag nagtatama ang mga mata namin sa isa't isa eh. Atsaka ito na naman itong puso ko, ang lakas ng kabog. Parang sasabog na dahil sa sobrang lakas.

"N-nandito ka pala.." sinubukan kong tumingin sa kanya kahit naiilang ako.

"Ah oo. Sinabihan kasi ako ni Althea na isundo kita. Sakto naman na wala akong ginagawa kaya pumayag na lang ako."

"Ahh... ganun ba." sabi ko na lang sa kanya. Speechless ako ngayon, bess!

"Oh tara na. Gabi na." sabi pa niya sa akin. Kaagad ko naman kinuha ang gamit ko para makaalis na kami pero bigla naman niya akong naunahan sa pagkuha nito at nagsalita. "Ako na magdadala nito."

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. "H-huh? A-ako na, ano ka ba! Nakakahiya eh."

"Wag kang mahiya sa akin. Ginagawa ko lang ito kasi kaibigan kita. Kaibigan ko na rin kasi ang turing sa mga kaibigan ni Althea. Kaya wag ka ng mahiya sa akin." ahh ganun ba. Oo, kaibigan nga. Magkaibigan pala tayo. At hindi ko ini-expect na kaibigan na pala ang turing niya sa akin. Napaka-friendly naman niya.

Wala naman akong nagawa kundi bitawan na 'yung sana na gamit na dadalhin ko. Nauna na naman akong lumabas ng classroom at pumunta doon sa motor kung saan niya ito ipinarada.

Nakita ko na sumakay na naman siya sa motor niya. Binigyan pa niya ako ng helmet para maisuot ko tapos nakita ko naman siya na sinuot na niya ang sa kanya. Kaagad naman akong sumakay sa motor niya kahit hanggang ngayon naiilang pa rin ako sa kanya.

Sa nararamdaman ko ngayon, nandoon pa rin ang kilig at kaba sa dibdib ko. Kilig kasi kasama ko ulit siya at kaibigan na ang turing niya sa akin at second, kaba kasi hindi ako sanay na magkasama kami na kami lang talagang dalawa. Siguro kikilos na lang ako na parang ako para hindi ako kabahan. Okay, Joan, be yourself! Wag kang magpapa-panic. Okay lang na kiligin ka basta wag mo lang ipapakita ito sa kanya.

Nang makasakay na ako sa motor niya, kaagad na naamoy ko 'yung panlalaki niyang pabango. Dahil doon, naa-attract na talaga ako sa lalaking ito. Ang sarap niya amuyin. Ang bango niya kasi.

"Oh ready ka na?" bigla niyang tanong sa akin.

"Huh?" ano ka ba, Joan. Wag kang maging baliw sa kanya. Mag-focus ka sa sarili mo. Wag mong ilipad ang utak mo.

"Sabi ko kung ready ka na. Aalis na tayo." sabi pa niya.

"S-sige, alis na tayo." sabi ko na lang sa kanya.

"Kumapit ka ah. Mabilis akong magpatakbo."

"Huh?"

"Sabi ko kumapit ka."

"Saan?"

"Dito.." sabi ni Ethan sa akin tapos bigla niyang hinawakan ang dalawa kong kamay at siya na ang gumawa na iyakap ito sa baywang niya na kaagad naman akong nagulat sa ginawa niya. "Kumapit ka, baka mahulog ka." pahuling sabi pa niya sa akin.

Sa pagkakataong ito, habang nakayakap ako sa kanya, hindi ko labis maigalaw ang dalawang kamay ko sa pagkakahawak sa tiyan niya. Nagiging statwa na naman ako dito ng hindi inaasahan eh. Oh my god! Bakit kailangan pang mangyari ito sa akin? Maswerte na ba ako? Aish.

"Ready ka na?"

"Huh?"

Narinig ko na bumuntong hininga siya sa sinabi ko. "Sabi ko kung ready ka na? Kung nakahawak ka na ng mabuti?" tanong pa niya sa akin.

"Ahh Oo, nakahawak na ako ng mabuti. T-tara na." sabi ko sa kanya. This moment... sana hindi na ito matapos pa! Sana maging ganito na lang ang porma ko sa kanya. Thank you lord! Thank you sa blessings! Thank you sa magandang araw na ibinigay mo sa akin! I owe you a lot! Ang lakas ko talaga sa iyo.

Maya maya, umalis na kami. Totoo nga talaga ang sinabi niya. Mabilis nga talaga siya magpatakbo ng motor. Halos yumakap na nga ako sa kanya dahil sa sobrang takot sa pagpapatakbo niya nito.

Hindi lang rin yakap ang ginawa ko sa kanya, naisandal ko rin ang ulo ko sa likod niya dahil sa sobrang barumbado siya kung magpatakbo ng motor. Ayoko ng sumakay ng motor kahit kailan, promise!

Oh! And second thought, binabawi ko na sinasabi ko kanina. Bakit? Kung ito lang lalaki ang makakasama ko habang nakasakay ako ng motor, hindi na ako aangal pa. Bahala ng mabilis siya at barumbado siya kung magpatakbo ng motor basta lagi lang akong nakahawak ng mahigpit sa kanya. Natawa ako sa sarili ko. Hokage moves na ginagawa ko eh. Kita mo nga naman, marunong pala ako ng ganitong moves. Akala ko mga lalaki lang gumagawa ng ganyan, pati pala mga babae marunong na rin. Aish, ano ba pinagsasabi mo, Joan. Kumapit ka na nga lang dyan ng mabuti at baka mahulog ka.

Naramdaman ko pa na mabilis na pinaharurot pa ni Ethan ang motor niya. Walang hiya! Napaka-barumbado naman ng lalaking ito kapag magpapatakbo ng motor. Ang bilis niya kasi magpaandar ng motor na naging sanhi ng pagkatakot ko. Lord, kayo na bahala sa akin kung ano ang mangyayari! Baka kasi sa puntong ito, dito na kami maaksidente at dito na kami mamatay. HUWAG NAMAN SANA!

Ipinikit ko ang dalawa kong mga mata. Tapos natagpuan ko na lang ang sarili ko na mahigpit na nakahawak sa tiyan niya, doon mismo sa damit niya. Natatakot ako dahil sa pinaggagawa niya. Pwede bang bagalan niya lang ang pagpapatakbo ng motor niya. Halos humiwalay na kasi ang kaluluwa ko sa katawan ko ngayon eh.

Maya maya pa ay naramdaman ko na lang na huminto na siya sa pagpapaandar ng motor niya. Kaagad kong idinilat ang dalawa kong mata at nakita ko na ang gate ng bahay namin. Mabuti naman at alam niya kung saan ako nakatira. Aish, hindi rin ako nag-iisip 'no. Kaibigan niya nga pala si Althea at for sure alam na niya kung saan nakatira ang pinsan ko.

Kaaad naman akong bumaba tapos hinubad ang helmet ko. Ibinigay ko ito sa kanya at hinarap siya. "Thank you nga pala sa paghatid mo sa akin."

"Wala yun." nakangiti pa niyang sabi sa akin. Matagal bago ako nakapagsalita.

"P-pasok ka muna sa bahay. Dito ka na mag-dinner," yaya ko sa kanya.

"Huh? Huwag na. Uuwi na rin ako. Gabi na rin kasi eh, baka hinahanap na ako sa amin," tanggi niya sa akin.

"Ahm sige. Salamat ulit."

"Sige. Pasensya nga pala sa pagpapatakbo ko ah. Sanay kasi ako sa pagpapatakbo ng motor ko ng mabilis."

"Wala yun. Okay lang. Basta next time, kung ihahatid mo ulit ako, bagalan mo na. Natatakot ako eh," natatawa kong sabi kay Ethan.

"Sige, kita na lang tayo sa school bukas."

"Sige, bye," pagkatapos namin magpalitan ng pagpapaalam, kaagad na niya ulit pinaandar ang motor niya at mabilis na niyang itong pinaharurot papaalis sa bahay namin. Habang papaalis siya sakay ng motor niya, tinitignan ko na lang ito hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Tapos biglang napangiti sa hindi sinasadya.

Hindi ko akalain na mabait pala 'yung lalaki na 'yun. Ang swerte siguro ng magiging girlfriend niya kapag nagkataon. At sana naman ay ako na ang maswerte na iyun.

Huh? Ano ba pinagsasabi ko? Hindi. Hindi dapat ganito. Okay na sa akin na hanggang paghanga lang ang tingin ko sa kanya. Hindi na 'yung gusto ko siyang maging boyfriend.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko na mapangiti. Kung mayroon mang makakakita sa akin, baka iisipin nila na nababaliw na ako. Oo, mukha na talaga akong baliw! Baliw kay Ethan, actually!

My god! Kinikilig na naman ako! Namumula na naman ang pisngi ko!

Habang nakatayo pa rin ako sa labas doon mismo sa tapat ng gate ng bahay namin, nagulat ako ng biglang may nagsalita sa likuran ko.

"Oh! Nandyan ka na pala! Ba't hindi ka man lang pumasok dito!?"

Kaagad akong napatingin kung sino ang nagsalita. At nakita ko si Althea na nakatayo doon sa nakabukas ng pintuan ng gate ng bahay namin.