Lumingon ako kay Althea. Naka-crossed arm siya ng makita ko siyang nakatayo sa likod ko. At hindi rin mawawala sa mukha niya ang ngiti niya.
"Nandyan ka pala!" sabi ko kay Althea ng makaharap na ako sa kanya.
"Umuwi na si Ethan?" tanong niya sa akin.
"Oo, ayun, bago pa lang umalis," sabi ko kay Althea. "Ikaw ah, bakit sa dinami-daming tao na puwedeng sumundo sa akin, ba't siya pa ang kinuha mo?" tanong ko sa kanya.
"Bakit? Ayaw mo? Ang choosy mo ah!" sabi niya sa akin. "Halata naman na gustong gusto mo eh" biro pa niyang sabi sa akin ni Althea.
Inirapan ko na lang siya at nagbago ng usapan. "Galit ba si Papa sa akin?" tanong ko sa kanya.
"Huwag ka ngang magbago ng usapan dyan. Huwag kang mag-alala, okay na papa mo. Sinabihan ko na siya na huwag ng mag-alala. Papa mo talaga sobrang overprotective," ani ni Althea sa akin.
"Hindi ka pa nasanay sa kanya eh ganyan naman talaga siya pagdating sa akin. Tabi na at papasok na ako," sinubukan ko pa siyang alisin sa daanan ng pinto ng gate pero kaagad niya ulit hinarang ang kaliwa niyang kamay kaya hindi na naman ako nakapasok sa loob.
"Wait lang. Sagutin mo muna tanong ko sa 'yo." sabi niya sa akin habang nakatingin ako sa kanya.
"Ano na naman 'yang tanong mo?" naiinip kong tanong sa kanya.
"Aminin mo nga, may gusto ka ba kay Ethan?" bigla bigla niyang tanong sa akin na kaagad naman ikinalaki ng mata ko sa kanya.
"H-huh? Ano bang pinagsasabi mo dyan ah!?" sabi ko pa sa kanya.
"Ayiieehh, wag ka ng mag-deny pa. Kitang kita na sa mukha mo na namumula ka." tukso pa na sabi ni Althea sa akin.
"At bakit mo naman nasabi iyan ah, aber?" mataray kong sabi sa kanya.
"Syempre, halatang halata ka kaya kanina doon sa canteen. Namumula kaya 'yang pisngi mo noong kausap mo si Ethan kanina. Akala mo hindi ko nakita ah."
"Eh ano naman kung namumula pisngi ko! Baka naman namalik-mata ka lang. Tabi na, padaan na ako!" sabi ko kay Althea at sinubukan ko ulit alisin 'yung nakaharang niyang kamay doon sa pinto ng gate pero hindi naman niyang ito tinanggal.
"Wait muna. Mag-usap muna tayo."
"Doon na sa loob. Maraming lamok dito!"
"Bahala ka. Sagutin mo muna ang tanong ko sa iyo. Bakit ka namumula kanina kapag kausap mo si Ethan!?" mapilit niyang tanong sa akin.
"Ang kulit mo rin 'no. Sabing wala." nakangiti kong sabi sa kanya. Feeling ko kinikilig na naman ako ngayon. Aish. Ano ba itong si Althea!? Nakailan bang ere ang mama niya dito sa kanya ah!? Pabalik-balik ng tanong eh!
Sinubukan ko ulit dumaan sa kanya pero hindi ko na naman nagawa. Nakangiti lang siya doon na nakakaloko habang nakatingin siya sa akin. "Aminin mo muna, papadaanin kita," sabi pa niya sa akin.
Ano bang aaminin ko sa kanya? Na crush ko si Ethan!? Yes, crush ko nga siya! Pero ayoko naman na sabihin ito sa kanya at baka ito ang simula para tuksuhin niya ako. Ayoko! Ang hilig kaya nitong manukso ni Althea! Hindi ko kaya ang mga panunukso niya sa akin talaga... sobra!
"Wala nga! Ang kulit mo! Padaan na sabi!" nag-try ulit ako na dumaan sa kanya pero waepek pa rin. Naiinis na ako sa kanya. Teka? Kung naiinis nga ako, eh bakit nakangiti pa ako sa kanya ngayon? Ehhh kasi... parang sira, pinipilit pa rin niya kasing ipaamin sa akin kung bakit namumula 'yung pisngi ko noong kausap ko kanina si Ethan.
Pero kahit anong pilit niya sa akin na paaminin ako, hindi pa rin ako nagsalita subalit sinubukan ko talaga na dumaan doon sa nakaharang niyang kaliwang kamay sa pinto ng gate ng bahay namin.
At sa wakas, ayun, nakadaan nga ako. Nagsisigaw pa nga siya sa akin eh. Pero wala na akong pakialam doon. Natatawa naman akong pumasok ng bahay at dumaretso sa kwarto na hanggang ngayon ay nandoon pa rin ang kilig na nadarama.
* * *
Pagkatapos kong magbihis ng pambahay ay kaagad naman akong bumaba para kumain na ng dinner. Habang kumakain naman kaming apat doon kasama sila Papa at Mama, hindi pa rin maiwasan sa bunganga ni Papa na magbunganga kahit kumakain kami. Bakit daw mag-isa akong umuwi? Bakit daw iniwan ako ni Althea? Sino ang nagsundo sa akin? At nung malaman niya na si Ethan ang nagsundo sa akin, doon na talaga siya nagbunganga ng sobra. Parang machine gun 'yung bunganga niya kakasalita dahil daw bakit lalaki ang nagsundo sa akin. Aish, si Papa talaga. Ito na rin siguro ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay wala akong lovelife. Ayaw kasi ni Dad na tumali ako sa isang relationship kasi nga daw bata pa ako at wala pa ako sa tamang edad para sa ganyan. Eh bakit si Althea, pwede na?
Pagkatapos namin kumain ng dinner ay kaagad na umakyat na ako sa taas para pumunta sa kwarto. Kailangan ko pa kasi maggawa ng assignment para bukas. Iniwan ko na si Althea doon sa baba na naghuhugas ng plato kasi siya naman ang naka-schedule ngayon sa paghuhugas, by schedule kasi kami.
Habang gumagawa ako ng homework ko diba, hindi ko rin maiwasan na magbukas ng facebook sa laptop ko. Pag-open ko sa account ko ay nakita ko kaagad sa friends ko na may nagsend ng friend request sa akin at nakita ko na si Ethan iyon.
Ethan Malcolm Kiefler
Add friend Ignore
Hindi na ako nagdalawang isip na i-accept siya. Tapos mga ilang minuto pa lang ng paga-accept ko sa kanya, bigla siyang nag-chat sa akin.
"Hi," chat niya sa akin. Halos bumilis na naman ang tibok ng puso ko ng biglang makita ko na nag-pop out ang pangalan niya sa chat box. Aish, ito na naman ako! Kinikilig na naman ako!
"Hello..." chat back ko sa kanya. Mukhang ang lapad ng ngiti ko ngayon habang nakaharap ako sa laptop ko. Feeling ko ay abot tenga na 'yung ngiti ko ngayon dahil sa sobrang saya na nadarama ko.
Nag-type siya at bigla siyang nag-reply. *"Musta?" chat back niya sa akin.
"Okay lang," reply ko sa kanya with smiley emoticon.
"Mabuti naman." sabi niya sa akin. Magta-type sana ako ng bigla nakita ko na nagta-type rin siya. *"Kumain ka na?"
"Ahm, oo tapos na. Ikaw?" reply ko.
"Eto, kumakain pa lang habang nagcha-chat sa iyo." reply niya with smiley emoticon at may pagkain pa na emoticon pa itong kasama.
"Tapusin mo muna yan bago ka mag-chat sa akin."
"Bakit? Ayaw mo ba ako maka-usap?" reply niya sa akin.
"Hindi naman sa ganun. Kumain ka na muna kasi at baka mabulunan ka."
"Okay lang. Sanay na naman akong masaktan eh."
"Hala! Ikaw ah! Mga hugot mo."
"Hahaha joke lang." sabi niya sa akin. "Ano na ginagawa mo ngayon?"
"Gumagawa ng homework."
"Oh, same lang pala tayo eh. Kumakain ako at gumagawa ka ng homework mo habang nakaharap sa laptop mo. Pantay na tayo."
"Pantay ka dyan! Kumain ka nga lang. Ang dami mong sinasabi eh." sabi ko sa kanya at nag-send naman siya sa akin ng tatlong laugh na emoticon.
Hindi na muli akong nag-chat pa sa kanya. Kaagad ko na kasing hinarap ulit ang homework ko para ipagpatuloy ang ginagawa ko. Ayoko sana na ituon ko lang ang sarili ko sa pagcha-chat sa kanya kasi inaamin ko na nae-engganyo ako sa kanya at dahil dito nakakalimutan ko na may homework pa pala akong ginagawa. Aish, lalo pa tuloy akong kinikilig ngayon sa totoo lang. Nag-chat kasi siya sa akin eh, hindi ko 'to ini-expect talaga.
Maya maya biglang tumunog ang chat box at nakita ko na nag-message siya. Binasa ko naman ito.
"Bukas, may gagawin ka?" sabi niya sa akin. Bakit naman niya natanong?
"May pasok po ako bukas." then sent.
"Ay, oo nga pala."
"Bakit?"
"Gusto ko sana sabay tayo mag-lunch bukas ulit. Kung pwede lang sa iyo?" namilog ang mga mata ko ng mabasa ito sa chat box namin dalawa. Teka? Niyayaya niya ba ako? Himala! Bakit? Wala ba siyang kasabay kumain ng lunch?
Aish, bakit ba ang dami kong tanong! Um-oo na kaya ako para wala ng gulo! Ang dami kong satsat eh gusto ko naman na sumabay rin sa kanya sa lunch bukas.
"Sure. No problem. Kita na lang tayo sa canteen bukas." reply ko sa kanya. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na maging excited para bukas. Magkikita na naman kasi kami ulit ni Ethan at sabay pa talaga kami magla-lunch. Sino ba ang tao na hindi mae-excite doon ah!? Aish! Ang puso ko talaga ngayon, parang pinupukpok ng martilyo dahil sa sobrang lakas ng kabog. Gusto ko sana sumigaw at magtitili dito sa loob ng kwarto ko pero naisip ko na gabi na pala at baka marinig pa ako nila Papa, Mama at Althea at magtanong kung bakit ako sumisigaw.
Nakita ko na nagta-type siya ngayon. Bigla naman niya itong si-nend sa akin at binasa ang message niya.
"Gusto ko sana na huwag tayo sa canteen mag-lunch. Doon tayo sa---"
Naputol ang pagbabasa ko ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Althea sa loob ng kwarto ko. Kaagad ko naman isinara kaagad ang laptop ko para hindi niya makita kung ano ang binabasa ko at kung sino ang ka-chat ko. Baka malaman niya na si Ethan ang ka-chat ko ngayon, tuksuhin na naman niya ako!
Humarap ako kay Althea at nagtataka siya kung bakit bigla kong isinara ang laptop ko. "Oh, Joan, ano nangyayari sa iyo? Bakit parang nakakita ka ng multo? Naka-drugs ka ba!?" sabi niya sa akin tapos lumapit pa siya sa kinauupuan ko doon sa study table ko.
"Wala. Akala ko kasi kung sino ang ASUNGOT na pumasok sa kwarto ko. Ikaw lang pala ang ASUNGOT NA YUN!" idiniin ko talaga ang asungot para sa kanya para mas intense at matamaan siya. Pero yun nga, kahit ano'ng tawag ko sa kanya na nakakainis na mga salita, hindi pa rin siya natatablan. Mukhang may shield yata itong babaeng ito kaya hindi natatablan sa masasakit kong mga salita sa kanya.
"Asungot ka dyan! Ikaw siguro ang asungot dyan! Teka!? Ano ba ginagawa mo dito? Ano'ng meron sa laptop mo?" nakangiting tanong niya sa akin.
"Wala. Gumagawa lang ako ng homework dito kaya ikaw dyan, umalis ka na at gawin mo na rin ang homework mo para wala ka ng gagawin bukas, okay ba yun!?" sabi ko sa kanya at halos ipagtulakan ko na siya doon sa labas ng kwarto ko para makalabas siya.
"Ikaw ah! Nahahalataan na talaga kita, Joan. Hindi ka naman ganyan sa una. Baka may tinatago ka na sa akin na hindi ko alam." sabi pa niya sa akin.
"Wala, ano ka ba! Lumabas ka na, okay." sabi ko sa kanya.
"Wait muna pahiram muna ng laptop mo at manunuod ako ng KDrama." sabi pa niya sa akin. Hindi puwede 'no! Ka-chat ko pa si Ethan eh!
"Hindi puwede. May nire-research pa ako. Doon ka na manuod sa laptop mo."
"Nakakasawa na doon. Dito naman sa iyo."
"Hindi nga puwede, may ginagawa ako."
"Hmm. Ang sabihin mo lang, may ka-chat ka!" nakangiti niyang sabi sa akin. Bigla naman akong kinabahan sa sinabi niya. Bakit ba sa tuwing maghuhula siya, nata-timing na totoo ang hinuhula niya sa akin? Manghuhula siguro itong si Althea! Hindi ko alam!
"W-wala."
"Hmm.. Kung wala kang ka-chat bakit ayaw mong magpahiram ng laptop ah?"
"May nire-research nga ako. Ang kulit mo 'no." sabi ko sa kanya at successful ko naman siyang napalabas sa kwarto ko.
"Sure ka?" sabi niya habang nakangiti siya ng nakakaloko sa akin.
"Oo nga." napapangiti ako sa ngayon pero hindi ito ang oras para magbiro ako. Kailangan ko ng basahin 'yung message ni Ethan sa akin kasi nabitin ako kanina dahil dito kay Althea. Nakaka-excite kasi eh! Pero hindi ko mapigilan na ngumiti. Napapangiti kasi ako sa itsura ni Althea na masyado talaga siyang nanghihinala talaga sa akin. Aish, ewan ko ba dito sa pinsan kong sira ulo!
"Sure na sure ka ah!?" sabi pa ni Althea sa akin.
"Ikaw ang kulit mo. Sabing oo nga."
"Lagot ka sa akin kapag iba ang ginagawa mo. Balang araw malalaman ko rin ang lihim mo." sabi niya sa akin.
"Wala akong lihim 'no kaya umalis ka na. Babye." sabi ko sa kanya at bigla ko ng sinara ang pinto ng kwarto ko. Ni-lock pa ito para hindi na siya makapasok.
Kaagad akong bumalik sa study table ko. Dali dali ko naman binuksan ang laptop ko at tinignan ang message ni Ethan sa akin.
Pero pagtingin ko sa message niya, parang ibang iba na sa nabasa ko kanina. Mukha ngang nawala 'yung message niya sa akin at binago eh. Kasalanan mo ito Althea eh! Kasalanan mo 'to!
Wala akong nagawa kundi basahin 'yung recently message niya.
"Sige, doon na lang tayo sa canteen magkita bukas."
Kahit wala na 'yung message niya sa akin kanina, masaya naman ako ngayon sa nabasa ko galing sa kanya. Aish, excited na ako para bukas. Makikita ko na naman siya.
"Sige. Sige." reply ko na lang sa kanya at saktong pag-send ko ay doon siya nag-offline bigla. Aish, sayang nawala na siya. Pero okay lang, magkikita naman kami bukas eh. I'm so excited na talaga para bukas!