Kinabukasan, naging masaya na naman ang buong araw ko ng magsabay kami ni Ethan mag-lunch. At hindi pa iyon, hindi sumabay sila Althea, Clyde, Andrew at Yuan sa akin kaya solong-solo ko si Ethan ngayon.
Habang kumakain kami ay hindi rin namin maiwasan na mag-usap ng kung ano-ano. Ang sarap niya ngang kausap eh. May sense of humor siya at paminsan-minsan, ang sweet ng mga sinasabi niya sa akin na naging sanhi ng pagbilis ulit ng puso ko.
Hindi ko rin maiwasan tignan ang mukha niya, lalong lalo na 'yung ngiti niya. Masasabi ko lang talaga sa sarili ko kapag nakatingin ako sa kanya, ngiti pa lang niya nakaka-in love na. Ang sweet rin kasi ng ngiti niya eh. Hindi tuloy ako makatingin sa kanya ng maayos. Sana naman hindi niya mapansin ang kinikilos ko 'no.
Pagkatapos namin mag-lunch, ako na ang unang nagpaalam sa kanya. Sabay naman kaming lumabas sa canteen at pumunta na sa kanya-kanya naming classroom. Ganun pa rin, habang naglalakad ako ay hindi ko talaga mapigilan ang mapangiti mag-isa. Sabi niya kasi sabay ulit kami mag-lunch kasi gusto daw niya ako kasama. Ano ba! Kinikilig na naman ako eh!! Nagha-heart na naman 'yung mga mata ko ngayon.
Pagdating ko sa classroom ay biglang may tumawag sa akin na isang babae. Nagtataka naman ako kung bakit kaya nilapitan ko ito at nagtanong kung bakit niya ako tinatawag.
"May pinabibigay sa iyo," sabi ng babae sa akin tapos sabay abot niya sa akin ng isang sobre katulad ng nakita ko kahapon sa upuan ko.
Narito na naman ako sa pagiging curious ko. Kaya hindi na ako nagdalawang isip na magtanong sa kanya. Inabot ko muna ang sobre na binibigay niya sa akin tapos doon na ako nagtanong sa kanya. "Kanino daw ito galing?"
"Ewan ko. Binigay rin sa akin 'yan ng friend ko eh. Sabi daw niya sa akin iabot ko daw sa iyo," sabi ng babae sa akin.
"Ganun ba," ani ko sa sagot niya. Tapos maya maya ay nagpaalam na siya sa akin.
Tinignan ko ang sobre na hawak hawak ko ngayon. Sa likod nito ay may nakasulat ulit na From your Secret Admirer: Lyle Spencer katulad na nakasulat sa first na sobre na nakita ko kahapon. Sino ka ba talaga Lyle Spencer?
Kaagad ko naman itong binuksan at kinuha ang papel na nasa loob nito. Binuksan ko 'yung papel at tumambad sa akin 'yung sulat kamay na nakasulat doon.
Dear Joan,
Heto na naman ako, inaaksaya ko na naman ang oras mo sa pagbabasa sa useless kong letter para sa iyo. Sana hindi ka mainis sa akin ah. Ayoko kasi na mainis ka sa akin dahil lamang dito. I would like to say... thank you... kasi everyday you make me smile when I saw you. 'Yung ngiti mong napakaganda, yung ganda mong kakaiba, yan yung gusto ko sa iyo. I hope someday magkita na tayo... at masabi ko na ang totoong nararamdaman ko para sa iyo ng personalan. I hope you will like me just the way I admire you. I love you... always.
Love,
Lyle Spencer
Habang binabasa ko ang letter na ito galing kay Lyle Spencer, hindi ko namamalayan na nakangiti na pala ako. Feeling ko napaka-swerte kong babae kasi for the first time in my life, mayroong nagkagusto sa akin ng seryoso. Kahit NBSB ako, marami pa rinh nanliligaw sa akin pero feeling ko hindi naman sila seryoso sa akin eh. Feeling ko sasaktan lang nila ako kaya they deserved to be rejected. Bahala na kung magtampo o kaya naman magalit sila sa akin, basta ayoko sa kanila. Sinasayang lang nila ang oras ko sa mga laro nilang walang kwenta.
The second letter from Lyle Spencer that I've got, hula ko seryoso talaga siya sa sinasabi niya sa akin. Kahit hindi ko pa siya nakikita, nararamdaman ko 'yung pagkaseryoso niya. Maraming salamat sa kanya ah! He made my day complete... lalong lalo na kay Ethan. Dalawa na sila na nagpapabuo at nagpapasaya sa araw ko. Ang haba talaga ng hair ko!
Same sa first letter na nakuha ko rin galing kay Lyle Spencer, tinago ko rin ito sa bag ko. Iipunin ko ito para kapag nagkita na kami ni Lyle, maipapakita ko sa kanya 'yung mga letter niyang gawa para sa akin.
Kaagad naman akong umupo sa permanent seat ko ng makita ko na paparating na ang teacher namin this afternoon. Nang magsimula na siyang mag-discuss ng lesson niya, parang wala 'yung utak ko sa lesson niya. Nakatuon lamang ito sa dalawang lalaki na nagpapasaya ng araw ko... si Ethan at si Lyle Spencer.
* * *
For the past few weeks had past, walang nagbago sa akin... lalong lalo na sa pakikitungo ko kay Ethan. Ganun pa rin, lagi kaming nagkakasama ni Ethan at ang masaya pa diyan ay lagi kaming nagcha-chat tuwing gabi. Masaya ako kapag nandyan siya, natutuwa ako kapag kasama ko siya. Marahil siya na nga ang naging sanhi ng pagngiti ko mag-isa kasi lagi siyang sumasagi sa isip ko kapag ako'y minsan ay nag-iisa.
Wala pang isang linggo na inamin ko na sa sarili ko na may gusto na ako sa kanya. Kasi nararamdaman ko na talaga dito sa puso ko na mahal ko siya at gusto ko siya. Gusto ko sana itong ilihim ng patago para lang sa akin pero mukhang totoong nga'ng walang lihim na hindi nabubunyag.
Nalaman rin ni Althea ang lahat-lahat. Nalaman niya na may gusto ako kay Ethan. Sobrang lakas niya manukso sa akin ng malaman niya ang totoo. Hindi ko kayang pigilan ang bunganga niya sa kakasalita about kay Ethan, kung ano ang hobby niya, kung ano ang favorite na mga bagay na nakakapagpapasaya sa kanya, pati na rin kung ano ang tipong gusto ni Ethan sa babae. Lahat 'yan sinabi niya sa akin.
Pero kahit na alam na ni Althea ang lahat, sinabihan ko pa rin siya na wala sanang makakaalis nito, even Ethan at si Papa. Kaya ayun, maayos naman siyang kausap eh. Kami lang ang nakakaalam na may gusto ako kay Ethan. Kung mangyari man na madulas siya at nasabi niya ang totoo, siguro kakalbuhin ko ang babaeng ito.
Tungkol sa letter ni Lyle Spencer? Ayun, araw-araw ay palagi akong nakakatanggap, same time and same place. Minsan nga pinapaabot niya ito sa akin sa pamamagitan ng mga estudyante rin dito sa Allison Academy eh. Wala pa rin akong clue kung sino ang Lyle Spencer na ito pero sa mga letter na lagi niyang binibigay sa akin, natutuwa ako kasi napapangiti niya ako sa mga sweet messages niya para sa akin. Kung sino ka man, Lyle Spencer, sana magkita na tayo, at makita na kita ng personal. Ang hirap kaya na tumatanggap ka ng letter tapos walang kang idea kung ano'ng itsura ng sender na nagpapadala sa iyo.
Ethan...? He was my inspiration. Kasi sobrang bait niya talaga sa akin. Napaka-caring rin niyang tao. At kapag kasama ko siya lagi, feeling ko safe ako. Kapag kasama ko siya lagi, feeling ko ayoko ng matapos ang araw na ito. Siya na kasi 'yung tao na palaging nagbibigay ng saya at inspirasyon sa buhay ko araw-araw, at nagpapasalamat ako kasi dumating siya sa buhay ko.
Intramurals Day...
Ka-team mates ko siya. Hindi ko ini-expect na magiging team mates kami. Siya pa nga ang pambato namin sa Mr. Intramurals eh kasi bagay na bagay siya sa para dito. Gusto ko ako sana ang Ms. Intramurals pero hindi ko naman maipipilit ang sarili ko na sumali dyan diba. Kailangan pa kasi ng voting ng body para makasali ako.
Hindi ako sumali. Pangarap ko lang iyun. Ayoko kasi sumali sa mga ganyan kasi isa rin akong mahiyain na tao. So ang naging Ms. Intramurals para pambato sa team namin ay si Jenny Mae Mendiola, yung magandang babae na second year high school na dito sa Allison Academy. Para sa akin ay bagay rin siya para sa competition na ito kaya nga siya ang napili sa amin eh.
Ang masasabi ko lang kay Jenny Mae ay mabait siya na babae. Siya 'yung tipo ng babae na mahinhin, palaging tahimik pero hindi pa rin mawawala sa pisikal na katangian nito ang kagandahang taglay. He is also tall just like Ethan at feeling ko nga... bagay sila... na ayoko naman pakinggan.
Naiinis ako sa mga tukso ng mga team mates ko sa kanilang dalawa. Lagi kasi nilang sinasabi na bagay na bagay talaga silang dalawa na hindi ko naman tututulan pa. Inaamin ko, BAGAY NA BAGAY TALAGA SILA. For me they are such a perfect couple... pero wala naman talaga silang SILA.
Hindi ko maipaliwanag ang inis na ito sa kanilang dalawa minsan. Feeling ko... n-nagseselos ako. Aish, oo, mukha nga akong nagseselos. Gusto ko sana sabihan si Ethan na huwag siyang magpapahulog sa mga biro ng mga team mates ko at baka magkatotoo. Pero hindi ko naman iyun magagawa kasi nga hindi ko hawak ang buhay niya. Ang masama pa nga dyan ay mukhang gustong gusto pa ni Ethan si Jenny Mae sa kanya... na iyon naman ang hindi ko nagustuhan.
One time, habang nagre-rehearsal sila para sa production number for the contest, ako ang nakatoka sa snack committee for the team. Kaagad akong pumunta sa gate para ibigay sa kanilang dalawa ang snacks nila at para makapagpahinga naman sila. Kasama ko niyon si Althea kasi sakto rin na ka-team mates ko siya at na-belong rin siya sa snack committee.
We are now heading to the gym, dala dala ang snacks ng candidate namin. Pagpasok namin sa gym ay nakita namin kaagad silang dalawa na nagpapahinga. Nag-uusap rin sila at nagtatawanan, just like we did also ni Ethan kung kami lang dalawa.
Nang makita ko silang dalawa, feeling ko biglang sumakit ang puso ko. Feeling ko para akong binato sa dibdib ko sa mga oras na iyon. Feeling ko nawala ang mood ko ng makita ko silang magkasama. Bakit? Kasi... inaamin ko na nagseselos ako. Oo, nagseselos talaga ako. Gusto ko sana sumugod sa kanilang dalawa at paghiwalayin sila pero ang panget lang kung gagawin ko 'yun diba. Kaya wala na lang akong ginawa kundi pabayaan sila.
Habang nagmemeryenda silang dalawa ay bigla akong kinausap ni Ethan. Para pa siyang nahihiya sa akin sa mga oras na iyon. At bigla siyang nagsalita. "Joan, p-paano manligaw?"
Nagulat naman ako sa tanong niya sa akin. At bigla akong ngumiti dahil dito. Sino ba ang liligawan niya? Ako? Tsk. Napaka-assuming ko naman talaga. "H-huh? Wala akong alam diyan. Bakit? Sino ba ang liligawan mo ah?"
"Si..." nakangiti pa siya ng magsalita siya. "...si Jenny Mae."
Parang isang bomba na sumabog sa pandinig ko ang mga katagang sinabi ni Ethan sa akin. Si Jenny Mae, si Jenny Mae ang gusto niyang ligawan. At para sa akin ay napakasakit iyun sa puso ko.
Nalungkot ako sa sinabi niya. Imbes na ipakita ko ito sa kanya ay pinilit ko na maging masaya at i-cheer up siya na ligawan niya si Jenny Mae kahit ako ay nadudurog at nasasaktan na.
"Gusto mo siya 'no?" tanong ko sa kanya. Ayoko sanang saktan ang sarili ko pero ginawa ko na.
Tumango siya sa tanong ko. "Oo, gusto ko siya. Masarap siyang kasama, masarap siyang kausap at nagiging kumpleto ang araw ko kapag kasama ko siya." sabi niya sa akin. Eh ba't ako? Kapag kasama mo ba ako, hindi ka rin ba masaya? Kapag kausap mo ba ako, hindi ka rin ba masaya? At hindi ba nakukumpleto ang araw mo kapag kasama mo ako?
Napakasakit isipin ito ngayon. Halos mangiyak-ngiyak na ako sa kinatatayuan ko pero pinilit ko na maging masaya para hindi niya mahalata. Baka kasi sabihin niya ay affected ako.
"G-ganun ba?" nauutal kong sabi sa kanya.
"Oo. Kaya gagawin ko ang lahat para mapasaakin siya. Balang araw ay magiging girlfriend ko siya. At papatunayan ko iyun ito sa iyo." sabi niya sa akin. Oh sige! Patunayan mo! Patunayan mo. Siguro naman hindi niya alam na nasasaktan na ako. Okay lang, at least masaya ako maka-usap ka lang at makasama.
"S-sige. Good luck. Sana nga maging girlfriend mo si Jenny Mae." sabi ko at pinipilit ko na maging masaya para sa kanya.
"Salamat. Kaibigan nga talaga kita. At hindi ako nagsisisi na nakilala kita." sabi niya sa akin. Ako rin, hindi rin ako nagsisisi na nakilala kita... pero dati iyon. Sa ngayon, mukha na akong tanga. Sa ngayon nagsisisi na ako kung bakit pa kita nakilala? At dahil diyan, ito ako ngayon... malungkot, nasasaktan at nagdurusa.
Kaagad naman siyang nagpaalam sa akin na lalapitan niya si Jenny Mae. Hindi naman ako tumutol para dito. Bahala na siya. Buhay niya iyan. Nandito lang ako sa kanya para maging kaibigan niya. Para maging KAIBIGAN niya.
Sa unang pagkakataon bago ako umalis, nakita ko pa silang dalawa. Masaya na naman silang nag-uusap ngayon at feeling ko hindi ko na kaya ang nakikita ko.
Tumalikod ako. Gusto ko sana kalimutan ang lahat. Gusto ko alisin sa utak ko ang mga nakita ko ngayon. Gusto ko tanggalin itong sakit na nararamdaman ko sa puso ko ngayon. At sa unang pagkakataon sa buhay ko, naramdaman ko na lang na tumutulo na ang luha ko at umiiyak na ako. Hindi ko kaya ang maging ganito.