Halos madurog ang puso ko ng mga araw na iyon. Feeling ko gusto ko ng mawala sa mundong ito. Pero ayoko naman kasi naaawa ako sa family ko.
That night, excited masyado ako umuwi sa bahay. Kasi kada gabi ay lagi kaming nagcha-chat ni Ethan. Pagkatapos kong mag-dinner ay umakyat kaagad ako sa taas at sinubukan ko pang mag-lock ng pinto para hindi makapasok si Althea.
Pagbukas ng laptop ko ay kaagad akong nag-online. Hinanap ko kaagad ang pangalan ni Ethan sa chatlist ko at nakita ko naman siyang online. Sa pagkakataong ito, naglakas ako ng loob na ako ang umunang mag-chat sa kanya kahit hindi ko naman ito ginagawa kada gabi kasi siya 'yung nauunang nagcha-chat sa akin.
"Hi," ito lang 'yung sinabi ko sa kanya sa chat. Sinara ko muna ang chatbox namin dalawa at pumunta sa profile ko. Mga ilang minuto pa lang ang nakakalipas, doon na ako nagtaka.
For the first time, ang bagal mag-reply ni Ethan sa akin. Or should I say na this is the first time na seen zone ako sa kanya. I open the chatbox again at tama nga ang hinala ko, na-seen zone nga talaga ako. Five minutes ago, nag-chat ako sa kanya pero wala talaga siyang reply sa akin.
Sa pagkakataong ito, naisip ko na mukhang busy siya. Ano naman ang pinagkaka-bisihan niya? Siguro nagre-research siya kaya I chat him again at sinabing, "Doing some research?"
One minute ago...
Two minutes ago...
Three minutes ago...
Four minutes ago...
Five minutes ago...
Six minutes ago...
Ten minutes ago...
PERO WALA PA RIN SIYANG REPLY. HE DID NOT SEEN IT. At napakasakit talaga sa akin iyon. Halos mangiyak ngiyak na ako sa kinauupuan ko. Bakit? Bakit naging ganito na lang ang ihip ng hangin ah? Bakit naging ganito na lang ang pakikitungo ni Ethan sa akin? May mali ba akong nagawa sa kanya? May nagawa ba akong kasalanan sa kanya? Wala akong matandaan.
Maya maya, nakita ko na seen zone ulit ako. Ume-expect ako na sana replayan na niya ako pero bigla siyang nag-offline. Nagulat ako sa ginawa niya. Hindi ko ito ini-expect. Ayaw na ba niya akong makausap? Galit ba siya sa akin? Hindi ko alam.
Halos mangiyak-ngiyak na rin akong nag-offline sa account ko. Sinara ko ang laptop ko at humiga sa kama ko. Naramdaman ko naman na automatic na tumulo ang luha ko sa mga oras na iyon. Masakit pala ang ganito 'no. Masakit pala talaga ang umasa sa isang tao. Kung alam ko lang na masasaktan ako, bakit pa ako umasa ng masyado. Tutal kasalanan ko rin naman ito kung bakit ako nasasaktan kasi nga umasa ako. Sana nga mawala na itong sakit na nararamdaman ko.
Sa pag-iyak kong iyon, hindi ko namalayan na napapalakas na ang boses ko. Nagtalukbong ako ng unan para matakpan ito pero feeling ko ang lakas pa rin ng iyak ko ngayon. Mabuti na lang at hindi narinig nila Althea, Papa at Mama. Baka kasi mag-alala sila kung bakit ako umiiyak mag-isa. Maya maya, bigla akong tumigil sa pag-iyak at hindi ko na alam ang nangyari dahil bigla na lang dumilim ang paligid ko at naramdaman ko na lang ang sarili ko na nakatulog na pala ako.
* * *
Kinabukasan...
Maaga akong gumising. Same as my daily hobbit, naligo ako, nag-ayos, at kumain ng breakfast para pumasok sa school. Hanggang ngayon ay wala pa rin ako sa sarili ko. Hanggang ngayon ay hindi ko feel ang araw ko ngayon. Nalulungkot ako. Gusto ko sana maging masaya pero hindi ko magawa. Naiinggit nga ako kay Althea kasi lagi siyang masaya. Eh ako? Halos mukha akong namatayan dahil sa nakabusangot ang mukha ko ngayon.
Habang nasa tricycle kami ni Althea, bigla siyang tumingin sa akin at mukhang napansin na niya ang pagkakaiba ng mood ko ngayon.
"Bakit ganyan ang mukha mo ngayon? Para kang sinapian diyan ah!?" nag-aalalang tanong niya sa akin.
Matagal bago ako nakapagsalita sa kanya. "M-masakit lang ang ulo ko." matamlay kong sabi kay Althea.
"Uminom ka na ba ng gamot?" sabi pa niya sa akin. Halos matunaw na ako sa kinauupuan ko kakatitig sa kanya. Tumungo lamang ako bilang sagot sa tanong niya kahit ang totoo niyan ay hindi talaga masakit ang ulo ko at wala talaga akong iniinom na gamot. Tumango na lamang ako para tumigil na siya kakatingin at kakatanong niya sa akin.
Pero imbes na tumigil siya, bigla pa niyang hinawakan ang mukha ko tapos maayos na ipinaharap ito sa akin. "Teka? Bakit namumugto 'yang mata mo? Umiyak ka ba?" nagtataka niyang tanong sa akin.
Inalis ko ang kamay niya na nakahawak sa mukha ko pagkatapos ay hindi tumingin sa kanya. "W-wala ito. Sore eyes lang siguro iyan." sabi ko sa kanya.
"Adik ka na ba!? Ano'ng sore eyes pinagsasabi mo diyan? Sabi mo masakit ulo mo tapos ngayon naman may sore eyes ka. Aba! Ang galing naman ng sakit na 'yan. Ayaw 'kang tigilan!"
"Wala 'to, okay. Okay lang talaga ako."
"Sigurado ka ah!?" paninigurado niya. Tumungo naman ako sa tanong niya.
"Oo, okay lang talaga ako," sabi ko kay Althea.
"Ikaw bahala. Basta kung may problema, tawagan mo lang ako at ihahatid kita pauwi," nag-aalala pa rin niyang sabi sa akin. Then I nodded again.
Mga ilang minuto pa ang nakakalipas, sakay ng tricycle at bus, nasa tapat na kami ng gate ng Allison Academy. Kaagad naman kaming pumunta sa kanya-kanya naming mga rooms kaya kaagad na naghiwalay na kami ng daan ni Althea.
Pagdating ko sa classroom ko ay nakita ko na wala pang masyadong tao. Kaagad naman akong pumunta sa permanent seat ko at umupo doon. Wala rin naman akong assignment na gagawin kasi wala namang ibinigay sa amin kasi nagka-busy-busy na dahil sa Intramurals Day. Wala rin ngayong pasok kasi nga dahil sa event na ito. Kailangan lang namin na um-attend sa Intrams kasi may attendance na ginagawa.
Habang mag-isa akong nakaupo sa permanent seat ko, bigla akong napatingin sa katabi kong bintana. Bumilis ulit ang dibdib ko ng makita ko si Ethan na naglalakad sa hallway pero kaagad naman naglaho ito ng makita ko kung sino ang kasama niya, si Jenny Mae.
Ngumiwi ako. Tsk, bakit ko ba kasi inaaksaya ang sarili ko sa lalaking mas bata pa sa akin? Okay na rin siguro na maging sila ng Jenny Mae na yun kasi same age, same height lang sila. Hindi lang nagkakalayo ang edad nilang dalawa sa isa't isa. Hindi katulad sa akin, feeling ko hindi kami bagay ni Ethan. Kasi mas bata siya kaysa sa akin.
Age doesn't matter, sabi nila. Tsk, hindi naman totoo yan eh. Bakit ba kasi ako naniniwala sa mga ganyan?
Sa nakikita ko ngayon sa kanilang dalawa, oo, masaya sila. NAPAKASAYA NILANG DALAWA. Lalong lalo na si Ethan, para siyang walang problema habang nakangiti siya kasama si Jenny Mae. Iba na ba talaga ang kinaliligaya niya?
Nagseselos ako. Selos na selos na ako ngayon. Kinakain na ako ng matinding selos ng dahil sa nakikita ko ngayon. Pwede'ng walang ganto? Pwede'ng tumingin sa kanila pero hindi nasasaktan? Pwede ganun na lang?
Para na akong tanga eh. Ipinagsisiksikan ko ang sarili ko sa isang tao na mukhang wala namang pakialam sa akin. Ginagawa ko lang naman siguro ito dahil sa gusto ko talaga siya, at dahil sa kagustuhan ko ngayon sa kanya, ito ako ngayon... nasasaktan.
Pero kahit patuloy na akong nasasaktan, pipilitin ko ito. At hindi ako makakapayag na mawala lamang siya ng ganito bigla sa akin.
Naramdaman ko na lang ang sarili ko na biglang tumayo, lumabas ako sa classroom at hinabol si Ethan na kasama si Jenny Mae.
Kaagad ko siyang tinawag ng makalabas ako. "ETHAN!?"
Parehas silang napalingon sa tawag ko. Nakita ko na nagpaalam muna si Ethan kay Jenny Mae na pupuntahan niya ako. Tumungo na lamang ito at naglakad si Ethan papunta sa kinatatayuan ko.
"Bakit?" nagtatakang tanong niya sa akin.
"W-wala lang."
"Oh? Bakit mo ako tinawag kung wala lang ang sasabihin mo?" natatawa sabi niya sa akin.
"May gusto lang akong sabihin sa iyo," sabi ko.
"Ano yun?"
"Gusto ko sana sabay tayo kumain ng lunch mamaya. Katulad ng dati," pinilit ko ang sarili ko na ngumiti kahit wala ako sa mood ngayon dahil sa kanya.
"Hala! H-hindi puwede eh," bigla niyang sabi sa akin na kaagad naman ikinalungkot ulit ng mukha ko.
"H-huh? B-bakit?" tanong ko sa kanya.
"Nakapag-promise na ako kay Jenny Mae na sabay kami magla-lunch mamaya na kami lang dalawa."
"Ahhh... ganun ba?"
"Oo eh. Sorry Joan ah," sabi pa niya sa akin. Nadismaya ako sa sinabi niya. Pero kahit malungkot ako ngayon, pinilit ko ulit na maging masaya.
"Sige. Wala 'yun. Naiintindihan ko naman kung bakit eh," *naiintindihan ko na nililigawan mo si Jenny Mae at ayaw mo na makasama ako kasi nakakaistorbo lang ako.* Gusto ko sana sabihin ito sa kanya pero parang ang panget naman kung sasabihin ko ito diba. "Next time na lang." plastic na sabi ko na lang sa kanya habang nakangiti.
"Sige. Next time na lang. Sorry talaga, Joan." sabi pa niya ulit sa akin.
"Wala 'yun. Lakad na at hinihintay ka pa ni Jenny Mae."
"Sige. Babye." paalam niya sa akin at tuluyan na nga siyang pumunta doon kay Jenny Mae at nagpatuloy ulit sila sa paglalakad. Wala akong nagawa kundi bumalik na lang doon sa classroom mag-isa. Wala akong magagawa eh ganun talaga. Ayaw na niya sa akin. Nag-aaksaya lang ako ng oras sa kanya kaya napagdesisyunan ko na lang na tumigil na.
Umupo ulit ako sa permanent seat ko. Tapos mangiyak-ngiyak na mag-isang umupo doon. Aish, bakit ba ako umiiyak ah? Sino ba ang iniiyakan ko? Bakit ko ba iniiyakan ang isang tao na wala namang naging KAMI? Ang bobo ko rin 'no!
Kung kalimutan ko na lang kaya siya? Siguro yun nga ang dapat na gawin ko. Ang kalimutan siya at bumalik ulit sa dating ako.
Mag-iisa na naman ako. Napakasakit isipin pero ganun na nga ang mangyayari sa akin.
Teka? Hindi pa ito ang katapusan? Hindi pa ako nag-iisa. Hindi pa mangyayari yan kasi nandiyan pa si Lyle Spencer para bigyan ako ng mga letter na nakakapagpasaya sa akin. Siguro kakalimutan ko si Ethan muna at itutuon ko ang sarili ko kay Lyle Spencer. Gusto ko siyang makilala, gusto ko siyang makita at gusto ko na rin siya makausap ng personalan.
Pero paano ko ba nga iyon gagawin ah?