Nang gabing iyun ay umuwi na si Althea galing sa birthday party nila Ethan. Galing sa taas ay bumaba ako para salubungin siya kasi gusto ko makibalita kung ano ang nangyari doon sa birthday party.
Nasa hagdan pa lang ako ay nakita ko na kaagad si Althea na papaakyat na sa taas ng hagdan. Sa nakikita ko sa mukha niya, mukhang hindi siya masaya. Bakit? May nangyari bang masama doon sa birthday party nila Ethan?
'Yung mukha kong sabik na sabik makibalita kung ano ang nangyari, biglang napalitan ito ng pagtataka at pangamba. Hindi ko rin maiwasan na kabahan dahil sa hitsura ni Althea ngayon.
Nagpatuloy si Althea sa pag-akyat niya sa taas tapos nagulat na lamang ako ng bigla niyang hinawakan ang isa kong kamay at hinila niya ako papunta sa loob ng kwarto. Mabilis naman niyang sinara ang pinto at humarap sa akin pagkatapos. Nagtataka naman ako sa ikinikilos niya.
"Ano ba nangyayari sa 'yo, ah?" tanong ko sa kanya.
"Patay ka talaga kay Ethan." sabi niya kaagad sa akin tapos bigla na naman akong kinabahan.
"H-huh? B-bakit ako patay sa kanya?"
"Ehh hindi ka kasi pumunta doon eh. Hinahanap ka niya, Joan. Hinahanap ka talaga niya, sobra!" sabi pa niya sa akin.
"H-huh? Ehh bakit... bakit naman niya ako hinahanap ah? Hindi mo ba sinabi sa kanya na hindi talaga ako makakapunta sa birthday party niya kasi nga meron ako."
"Sinabihan ko siya, Joan. Pero hindi siya naniniwala sa sinasabi ko eh. Dapat kasi pumunta ka na lang."
"Eh bakit ba kasi ako pupunta doon?"
"Kasi nga hinahanap ka niya. Para sa akin 'yun ang pinaka-worst birthday na nangyari sa kanya ever in his life." seryosong sabi ni Althea sa akin.
Matagal bago ako muling nagsalita. "B-bakit? Ano ba nangyari kay Ethan?" tanong ko sa kanya.
"Umiyak siya..."
Napatingin naman ako bigla kay Althea. Umiyak siya? Si Ethan... umiyak? Umiyak siya dahil hindi ako nakadalo sa birthday party niya. Tsk.
"Eh bakit naman siya iiyak?"
"Kasi nga gusto ka niyang makita. Kawawa naman si Ethan. Umaasa talaga siya na makakarating ka."
"Tsk. Walang kwentang dahilan. Dapat hindi siya umiiyak sa ganoon lang ang naging dahilan ng pag-iyak niya."
"Joan, umasa siya sa 'yo na darating ka. At dahil hindi ka dumating, nasaktan siya."
"Tsk, napaka-walang kwenta rin. Bakit ba ako ang hinahanap niya ah? Bakit hindi hanapin 'yung girlfriend niya? Si Jenny Mae. I'm sure naman na nandoon 'yun diba kasi nga birthday niya."
"Doon ka nagkakamali, Joan." biglang sabi ni Althea sa akin.
"Ano'ng ibig mong sabihin?" nagtaka naman ako sa sinabi niya sa akin.
"Wala si Jenny Mae sa birthday party niya. Ni hindi nga niya inimbitahan si Jenny Mae para sa special niyang okasyon eh kasi nga... ikaw 'yung gusto niyang makita... ikaw ang gusto niyang makasama habang nagbi-birthday siya. At si Ethan na rin ang nagsabi sa akin niyan." sabi ni Althea sa akin na kaagad ko namang ikinagulat.
Paano nangyari na hindi niya inimbita si Jenny Mae? Diba girlfriend niya 'yun. Dapat nandun rin siya.
Sa sinabi ni Althea sa akin, sabi niya gusto daw ako makita ni Ethan. Bakit? Ano ba ang meron sa akin at bakit gusto niya akong makita?
Hindi ako makapagsalita ngayon. Dapat pala pumunta na lang ako 'no. Eh hindi ko naman alam na hahanapin niya pala ako. Dahil sa balita ni Althea sa akin, deep inside para akong sumaya. Nagsisimula na naman siguro akong kiligin ngayon.
Narinig ko na nagsalita si Althea sa akin. "Alam mo, kausapin mo na lang kaya si Ethan sa lunes. Mag-sorry ka sa kanya. Sige ka, ikaw rin ang masasaktan sa huli kung hindi ka magso-sorry." sabi ni Althea sa akin at sa huli, hindi na naman ako nakapagsalita sa sinabi niya.
* * *
Pagdating ng lunes...
Nakaupo ako sa permanent seat ko habang tumitingin ako ng mabuti sa katabi nitong bintana. Baka kasi sakaling makita ko siya at kapag nakita ko siya ay tatawagin ko siya para humingi ng sorry.
Excited ako na makita siya ulit. Pero kinakabahan naman ako ngayon. Ewan ko ba kung bakit. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin nito.
Nakatutok lamang ako sa kanya ngayon. Bawat tao talaga na dumadaan sa hallway, tinitignan ko at baka makita ko siya bigla.
Pero mga ilang minuto pa lang ang nakakalipas, walang Ethan ang dumating. Naisip ko na baka hindi siya pumasok. Pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin inaalis ang mata ko sa pagtitingin sa kanya. Nagbabaka-sakali kasi ako na makita ko siya bigla.
Mga ilang minuto pa lang ang nakakalipas pero wala talagang Ethan na dumaan sa hallway na 'yun. Dumating na rin ang teacher namin at nagsimula na itong mag-discuss ng lesson niya. Kahit masakit sa akin na hindi ko siya nakita, pinagmamasdan ko pa rin ang hallway at baka makita ko siya bigla habang nakikinig ako.
At umaasa talaga ako na makikita ko siya ngayon.
Pagkatapos ng second teacher namin, kaagad naman nag-bell na ibig sabihin ay breaktime na. Huli naman akong lumabas sa room at mag-isang pumunta sa canteen para bumili ng makakain.
Habang papalakad ako papuntang canteen ay biglang namilog ang mga mata ko ng bigla ko siyang makita. Unexpected ito. Bigla akong napahinto sa paglalakad ko katulad rin ng ginawa niya ng makita niya ako. Mukhang galing kasi siyang canteen at hula ko pabalik na siya sa room niya.
Nagtama ang mata namin sa isa't isa. Sa puntong ito, nakita ko ang mukha niya. Hindi ito masyadong masaya katulad dati nung kami pa ang magkasama.
Bakit? Hanggang ngayon ba ay galit siya sa akin kasi hindi ako pumunta sa birthday party niya?
Ang tanga ko rin 'no. Sino ba ang hindi magagalit niyon. Tinuring ako ni Ethan na kaibigan tapos hindi ako pupunta sa special niyang araw. Inin-vite niya nga ako eh pero ako naman itong hindi pumunta doon. So, sino ba ang tao na hindi masasaktan sa ginawa ko? Umaasa kaya siya. Umaasa. Katulad ng ginagawa kong pag-asa sa kanya na mahalin rin niya ako. So mukhang alam na niya siguro kung paano masaktan ang mga taong umaasa.
Bigla naman niyang inalis ang pagkakatingin niya sa akin. Naglakad siya ulit at nilagpasan niya lang ako. Teka? Nasaan na 'yung HI niya palagi? Nasaan na 'yung lagi niya akong ningingitian kapag nagkikita kami? Tuluyan na ba talaga iyun naglaho na parang isang bula?
Bigla naman akong tumalikod at tumingin sa kanya ng lagpasan niya ako. Hindi ako makakapayag na ganun-ganun na lamang ang mangyayari. Kaagad ko naman siyang tinawag sa pangalan niya na naging sanhi ng paghinto ulit ng paglakad niya. "ETHAN!?" pero hindi man lang niya ako hinarap.
Lumapit muna ako sa kanya bago siya lumingon sa akin. Hanggang ngayon, ganun pa rin ang itsura niya sa akin. Mukha pa rin siyang galit sa akin. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari.
"Bakit? Ano'ng kailangan mo?" seryoso niyang sabi sa akin.
"Gusto ko lang mag-sorry kasi... hindi ako nakarating sa birthday mo."
"Tsk." sabi niya tapos bigla siyang tumalikod ulit at naglakad.
"ETHAN!?" tinawag ko ulit at again napahinto ulit siya sa paglalakad niya at napalingon sa akin.
"Bakit?" seryoso pero galit na sabi niya sa akin.
"S-sorry." mahina kong sabi sa kanya.
Hinintay ko na sumagot siya para sa akin pero nakatitig lang siya sa akin ng masama. Hanggang sa, "Noong una ay akala ko tunay kitang kaibigan, pero nagkakamali pala ako. Starting today, huwag mo na ako tatawagin. Kasi... hindi na kita kaibigan." pagkasabi niya iyun sa akin ay kaagad naman siyang tumalikod at naglakad ulit habang ako ay naiwan na natulala, nagulat plus... nasaktan dahil sa sinabi niya.
Hindi na kita kaibigan...
Hindi na kita kaibigan...
Hindi na kita kaibigan...
Palagi ko iyon naririnig sa utak ko hanggang ngayon. Hindi ako makagalaw sa nangyayari. Hindi ko rin ito ini-expect na sasabihin niya iyun sa akin. Akala ko papatawarin niya ako... pero hindi.
Sobra akong nasaktan sa sinabi niya. Feeling ko para na rin akong naging plastic na kaibigan sa kanya. Bakit nagkakaganito na? Wala na ba talaga? Hindi na nga ba talaga kami magkaibigan pa?
Naramdaman ko na biglang tumulo ang luha ko sa pagkakataong iyun. Nasasaktan ako. Sobra akong nasasaktan na kulang na lang mabaliw ako. Aish. Ito na nga 'yung sinasabi ni Althea sa akin eh. Na masasaktan rin ako sa huli. Tsk. Bakit ba kasi hindi ko ito naagapan pa?
Wala na akong nagawa kundi tanggapin ang katotohanan. Hindi na kami magkaibigan at never na iyon maibabalik pa... kahit kailan.
* * *
Makalipas ang ilang buwan...
Namimiss ko na si Ethan at hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ako pinapansin. Magti-third grading na pero hanggang ngayon ay cold pa rin siya sa akin.
Diba nga sinabi na niya sa akin na hindi na niya ako kaibigan. Bakit ba kasi humantong pa sa ganun ang lahat? Kung um-attend pa ako niyon sa birthday party niya eh di sana pinapansin pa rin niya ako. Ganun ba talaga ka-importante sa kanya 'yung birthday niya at dapat ay nandoon ako. Kasi hanggang ngayon ay galit pa rin siya sa akin dahil lang doon.
Wala na naman akong ginawa kundi tanggapin ang katotohanan. Pero kahit ganun na lamang ang pakikitungo niya sa akin, sinubukan ko pa rin siyang kausapin pero wala na talaga.
Makalipas ang ilang buwan ay hanggang ngayon ay sila pa ni Jenny Mae. Ang tagal na rin nila 'no. Hindi ko rin maiwasan na magselos kapag nakikita ko silang dalawa na magkasama. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin nawawala ang nararamdaman ko kay Ethan. Mahal ko pa rin siya hanggang ngayon. At habang tumatagal ay nare-realize ko na ako lang ang nasasaktan dahil sa nararamdaman ko ngayon.
Minsan nakakalimutan ko sa isipan ko si Ethan dahil na rin siguro sa dami kong ginagawa. Pero kapag nag-iisa na ako, naaalala ko siya. Hindi ko maiwasan na ma-miss siya. Minsan nga ay ini-stalk ko na lang siya sa fb para makita kung ano ang ginagawa niya. Pero lalo lamang akong nasasaktan kapag nakikita ko 'yung mga picture nila ni Jenny Mae na magkasama. Para akong sinasaksak sa dibdib kapag nakikita ko iyon, lalo na 'yung mga sweet messages nila sa comment box. Aish... naiinggit ako sa kanila, sobra!
Kapag nakikita ko na lang siguro ang mga iyun, napapamura na lang ako. How I wish maghiwalay sila! Para matapos na ang selos na nararamdaman ko.
Sabi nga nila, "Huwag kang magsasalita ng kung ano-ano at baka mangyari". Isang araw kasi ay biglang nakita ko si Jenny Mae na umiiyak mag-isa sa oval. Nakaupo siya doon sa mga bench habang malakas ang pag-agos ng luha niya.
Dahil lunch break rin 'yun at tapos na akong kumain, papunta na sana ako sa room ko ng makita ko siya. Ayoko sana siyang lapitan pero may nagtulak sa akin na puntahan ko ito.
Kaya lumapit ako sa kanya at tinanong kung bakit siya umiiyak.
Ayaw pa niyang magsalita niyon sa akin kasi mukhang nahihiya siya. Pero inin-courage ko siya na sabihin niya ang problema niya sa akin at baka makatulong ako. Kahit pinagmumura ko itong babaeng ito sa isipan ko dahil nga sa gusto ko silang maghiwalay ni Ethan, hindi ko pa rin magagawa na saktan rin siya physically. Ayoko ng ganun! Okay na 'yung nasa isip ko kasi ako naman ang kumu-control eh... tsaka ako lang ang nakakaalam sa iniisip ko.
Wala naman siyang nagawa kundi sabihin ang totoo. At nagulat ako ng bigla niyang sinabi sa akin na, "Hiwalay na kami ni Ethan."
Halos hindi ako makagalaw sa inuupuan ko ng marinig ko iyon mula sa bibig niya. Parang bomba na bigla sumabog ito sa tenga ko ng marinig ko iyon galing sa kanya.
Deep inside, inaamin ko na masaya ako dahil sa hiwalay na sila ni Ethan. Pero hindi ko naman kayang ngumiti dahil sa balitang iyon. Kahit masaya ako sa balita niya sa akin, hindi ko rin maiwasan magalit kay Ethan. Tinanong ko si Jenny Mae kung bakit sila naghiwalay at sinabi niya sa akin na malaki talaga ang issue sa kanila ang selos. Seloso daw si Ethan sabi sa akin ni Jenny Mae. At dahil sa selos na iyon, doon na sila naghiwalay. Dagdag ni Jenny Mae sa akin na pinagseselosan daw ni Ethan ang kababata niya na lalaki, na may gusto sa kanya. Malaking issue na ito dahil sa kanya. Dahil nasasakal na si Jenny Mae sa mga sumbat at galit ni Ethan sa kanya kapag nagseselos ito, nasabi ni Jenny Mae na maghiwalay na lang sila at sinang-ayunan naman ito ni Ethan.
Niyakap ko si Jenny Mae para tumahan na siya sa pag-iyak niya. Ayoko 'yung nakakakita ng tao na umiiyak sa harapan ko kasi nadadala rin ako sa iyak niya. OA lang pero ganun talaga ako.
Bago umalis si Jenny Mae para bumalik sa room niya, may sinabi pa ito sa akin.
"Joan, dahil w-wala na kami ni Ethan, d-dahil hiwalay na kaming dalawa; gusto ko sana na... bantayan mo siya. Huwag mo siyang pababayaan. Kahit hindi ka na niya pinapansin, nararamdaman ko kay Ethan na... kaibigan pa rin ang turing niya sa iyo. Hindi mo lang alam... na sa bawat araw na nagsasama kaming dalawa, hindi talaga nawawala sa bibig niya ang pangalan mo. Oo, inaamin ko na ko na minsa... nagseselos rin ako ng d-dahil sa iyo. Pero ano nga ba ang magagawa ko. Tinuring ka na talaga niya na kaibigan niya eh... pero feeling ko... mas higit pa iyon sa inaakala ko. Feeling ko mahal ka ni Ethan... at naniniwala ako doon. Ikaw na bahala kay Ethan ah! Wag mo siyang pababayaan. May tiwala ako sa iyo, Joan. At naniniwala ako na magiging masaya siya kapag ikaw ang kasama niya."
Pagkatapos niyang sabihin ito ay umalis na siya kaagad habang ako ay nagulat at natulala sa sinabi niya sa akin.
Tinuring ka na talaga niya na kaibigan niya eh... pero feeling ko... mas higit pa iyon sa inaakala ko... Feeling ko mahal ka ni Ethan... at naniniwala ako doon.
Ito na lamang ang mga kataga na laging bumabalik sa isipan ko sa mga oras na iyun. Mahal daw ako ni Ethan, mahal daw niya ako.