Lunch Time...
Tumawag ako kay Althea para sabihin sa kanya na sabay kaming kumain ng lunch. Pero sabi niya sa akin ay tapos na daw siya kumain kasama si Clyde. Kaya wala akong nagawa kundi ako na lang mag-isa ang kakain. Pumunta na kaagad ako sa canteen pagkatapos kong ihatid ang mga snacks ng mga team mates ko.
Habang kumakain ako ay nakaramdam ulit ako ng lungkot sa sarili ko. Aish, sumpa ba ito sa akin ah? Iniiwan na ba talaga ako ng mga taong mahal ko?
Si Althea, ayun, busy sa lovelife niya. 'Yung tatlong ungas na sila Andrew, Thomas at Yuan, ewan ko kung nasaan na sila. At si Ethan... aish, namimiss ko na siya. Sana nandito siya sa tabi ko ngayon. Tsk.
Imbes na mage-emote ako dito, binilisan ko pa ang kain ko doon para makapunta na si gym at magde-design pa kami ng mga SSG Officer para sa Mr. and Ms. Intrams para bukas.
Pagkatapos kong kumain ay kaagad na akong tumayo para makalabas na sa canteen. Pero saktong pagtayo ay pumasok si Ethan... na kasama si Jenny Mae. Papalabas na sana ako pero bigla akong napahinto at napatingin sa kanilang dalawa. Mabuti na lang hindi nila ako nakita kasi marami ng tao ang pumapasok sa canteen ngayon.
'Yung lungkot na nararamdaman ko, parang dinoble pa iyun ng makita ko silang dalawa ulit na magkasama. Mas trumiple pa ito ng makita ko na magkahawak-kamay pa silang naglalakad papunta sa loob ng canteen.
Hindi nila ako nakita pero ako, kitang kita ko sa dalawa kong mata kung gaano sila ka-sweet sa isa't isa. Ito na naman ako. Feeling ko tutulo na naman ang luha ko. Nasasaktan na naman ako. Ang tanga ko rin 'no. Hindi lang tanga kundi ang bobo ko rin. Bakit ko ba kasi sila tinitignan kung masasaktan lang din naman ako? Pinapaharapan ko lang talaga ang sarili ko, sa totoo lang.
Nakita ko na umupo na sila sa vacant seat na para lang sa kanilang dalawa. Nagpaalam si Ethan kay Jenny Mae upang um-order yata ng makakain nila. Tapos sinundan ko ng tingin si Ethan papunta sa counter.
Kaagad akong tumalikod. Selos na selos na talaga ako. Kinakain na talaga ako ng matinding selos. Ano ba ang gagawin ko para mawala na ito?
Para mawala ang selos na nararamdaman ko, minabuti ko na lang na umalis na sa lugar na iyon. The more siguro na hindi ko sila titignan, the more na hindi ako tatamaan ng selos. Nagmumukha na kasi akong sira-ulo dahil dito eh. At dahil sa selos na nararamdaman ko, baka mabaliw pa ako.
* * *
Naisip ko. Siguro mawawala lang itong sakit na nararamdaman ko kapag naging busy ako. Sa mga araw na nagdaan, wala pa ring pinagbago. At sa mga araw na nagdaan na iyun, ang pag-asa rin na makakakuha ulit ako ng letter kay Lyle Spencer ay biglang naglaho. Two days na siyang hindi nagpapadala ng letter sa akin at nasaisip ko na baka busy lang siya dahil sa Intrams.
Noong araw ng contest para sa Mr. and Ms. Intrams ng school namin, naging sobrang busy ako niyon na naging sanhi ng pagkapuyat ko. Kami kasi ang nagdesign sa stage para sa contest at kami ang nag-provide sa certificate, trophy, sash lalong lalo na kung sino ang kukuhanin namin na judges.
Sa contest na iyun, naging second runner up si Ethan pero hindi naman nakuha si Jenny Mae. Nakakalungkot lang isipin kasi hindi sila nanalo. Pero kahit hindi sila nagwagi sa contest na iyun, hindi pa rin nagbabago ang pagtitinginan nila sa isa't isa. Sa bawat galaw kasi nila ay hindi ko maiwasan na tumingin sa kanilang dalawa... at ang masakit pa doon, para na talagang pinupukpok ang puso ko dahil sa selos kapag tumitingin ako sa kanila. Sobra kasi nilang sweet na hindi ko alam kung ano ang meron sa kanilang dalawa. I heard about some gossip na official daw na nanliligaw si Ethan kay Jenny Mae na ikinainis ko naman.
Pagkatapos ng Intramural, noong gabing iyun ay Acquiantance Party na ng school. Ganito talaga kami dito. Pagkatapos kasi ng Intrams ay may Acquaintance Party pa na gaganapin.
That night, alas syete pa lang ng gabi ay marami ng mga estudyante ang nagsisidatingan. Busy ako ng mga time na yun kasi nga kami ang organizer ng event. At sinabihan kami ng guidance councilor ng school na dapat secure ang lahat at dapat walang mangyayaring masama. Kaya nagyaya kami ng mga police sa tulong ng head ng school para maging secure ang Acquiantance Party.
Tumingin ako sa wrist watch ko at nakita ko na nasa bandang eleven na ng gabi and still, nage-enjoy na ang mga estudyante sa pagsasayaw nila doon sa gitna with disco lights pa.
While nage-enjoy sila, ako nasa back stage. Nandoon lang ako at nagbabantay. Hindi ko rin kasi hilig 'yang mga ganyang event eh kaya dito na lang ako sa back stage, magbabantay.
Nakaramdam ako ng uhaw kaya kaagad akong tumayo para pumunta doon sa canteen. Sa covered court kasi ginanap 'yung event eh atsaka 'yung covered court ng school at 'yung canteen ay malapit nakakapunta ako doon.
Bukas ang canteen ng school. Dahil gabing gabi na nga at masyado na silang nage-enjoy sa pagsasayaw nila, wala ng tao sa loob ng canteen. Bale ako na lang ang nandito at si Ate na nagse-cell phone habang nagbabantay sa popcorn stand. Patay na rin ang ilang mga ilaw dito at ang nagsisilbing ilaw lang ng canteen ay ang nasa gitna nitong malaking ilaw.
Pumasok ako sa loob at nakita ako ni Ate. Kilala na ako niyan kasi madalas siya 'yung nakukuhanan ko ng order ko kapag dito ako kumakain.
Ngumiti ako kay Ate ng makita niya ako. "Ate, iinom lang ako ng tubig." paalam ko sa kanya.
"Sige, pasok ka lang sa kusina." nakangiti niyang sabi sa akin at pumasok naman ako sa kusina ng canteen para kumuha ng maiinom.
Habang nasa kusina ako ay may narinig akong dalawang estudyante na pumasok sa canteen. Hindi ko sila nakita kasi nasa loob ako ng kusina. Pawang mga boses lang nila ang naririnig ko, at sa boses na iyun, kilala ko na kung sino ang mga ito.
Lumabas ako para makasiguro. Nakita ko kaagad sila na nakatambay sa popcorn stand at bumibili sila. Hanggang ngayon ba talaga ay magkasama silang dalawa? Diba tapos na ang contest? Oo nga pala, nanliligaw nga pala itong si Ethan kay Jenny Mae. Tsk.
I rolled my eyes when I saw them. Tapos uminom ulit ako ng tubig. Sa pagkakataong iyun, parang gusto kong lunurin ang sarili ko sa tubig. Para kapag malunod ako, sasagipin ako ni Ethan at iiwanan niya si Jenny Mae. Weird ba!?
Ang kahilingan ko na sana layuan ni Ethan si Jenny Mae at lapitan ako ay biglang nagkatotoo. Tatalikod na sana ako para pumunta ulit sa kusina ng canteen para kumuha ng tubig ng biglang tinawag ako ni Ethan. Mukhang nakita niya kasi ako eh.
"Joan!? Joan!" tawag niya sa akin. Bumuntong hininga ako bago ako humarap sa kanya. Pagkaharap ko sa kanya ay nakita ko na tumatakbong papalapit na siya sa akin.
"B-bakit?" nauutal naman ako ng makita ko na nasa harapan ko na siya. Hindi pa rin nawawala sa puso ang mabilis na pagkabog nito kapag nandyan siya. Siguro nga hindi talaga kumukupas ang feelings kahit gusto mo na talagang kalimutan ang isang tao na mahalaga para sa 'yo.
"Nasaan ka ba ah? Ngayon lang kita nakita." nakangiti pa niyang sabi sa akin. So hinahanap niya ako, ganun? Sa puntong ito, parang bumabalik na naman ang saya ko ng malaman ko sa sarili ko na hinahanap niya ako.
"Ahm, b-busy ako. You know naman na SSG President ako diba." minabuti kong maging kalma sa kanya.
"Ahh.. mabuti naman kung ganun. Hinahanap talaga kita eh," sabi niya bigla sa akin na ikinasaya ko naman. Talaga? Hinahanap niya ako? Bakit naman niya ako hinahanap?
"B-bakit?" nauutal kong sabi sa kanya. Bakit mo ako hinahanap, Ethan? Kasi namiss mo ako? Tsk. Ano ba itong pinag-iisip ko.
"Kasi may maganda akong balita na sasabihin sa iyo," excited pa niyang sabi sa akin.
"Ano 'yun?" nae-excite rin ako. Ano ba 'yang magandang balita na iyan ah? Sige na. Ano yan?
Magsasalita na sana si Ethan sa akin para sa magandang balita niya pero biglang may sumigaw at mukhang tinatawag siya.
"Babe!?"
Napatingin naman kaming dalawa ni Ethan sa likuran niya. At nakita ko si Jenny Mae na nakangiti habang nakatayo sa likuran ni Ethan. Sa biglang pagtawag niya kay Ethan na "Babe", alam ko na kung ano ang magandang balita na sasabihin sa akin ni Ethan. At sana naman okay na itong narinig ko kay Jenny Mae, basta wag lang sabihin ni Ethan na---
"Joan, kami na nga pala ni Jenny Mae." biglang sabi ni Ethan sa akin. Tsk. Diba kakasabi ko lang na huwag na. Aish.
Nakita ko na magkaakbay silang dalawa sa isa't isa habang nakangiti sila na nakatingin sa akin. Habang ako naman ay hindi ko alam kung ano ang gagawin. Nakatayo lang ako doon sa harapan nila at walang ginagawa. Nagulat kasi ako sa magandang balita nila eh. MAGANDANG BALITA TALAGA EH 'NO! Para sa akin ay masamang balita 'yun!
"Oh, hindi mo man lang ba ako iko-congratulate man lang?" masayang sabi ni Ethan sa akin habang nakaakbay siya kay Jenny Mae habang ito namang babaeng ito, grabe makayapos kay Ethan sa baywang. Tsk. "Ang daya mo. Ikaw talaga 'yung hinanap ko para sabihin na kami na ni Jenny Mae tapos ganyan magiging reaksyon mo." sabi pa ni Ethan sa akin.
Inayos ko ang sarili ko sa pagkagulat tapos naging normal na tumingin sa kanilang dalawa... kahit... kahit napakasakit 'yung nakikita ko ngayon sa kanilang dalawa na magkayakap at magkaakbay sa isa't isa. Sinubukan kong ngumiti para matakloban ang sakit na nararamdaman ko. Ganun naman talaga dapat ang ginagawa ko kapag nasasaktan na ako, ngumingiti na lang ako sa harap ng katotohanan para hindi ako masaktan. "Ahh hahaha ganun ba. K-kayo na pala!?" nakangiti kong sabi sa kanila. Pero deep inside, umiiyak na 'yung puso kong sugatan.
"Oo, kami na. Hindi ka ba masaya?" sabi pa ni Ethan sa akin. Gusto mo ba talaga na sagutin ko ang tanong na iyan ah. Oo, hindi ako masaya, Ethan. Hindi ako masaya para sa inyong dalawa ni Jenny Mae kasi nasasaktan ako ngayon ng makita ko kayong dalawa na magkasama at nalaman ko pa na kayo na pala. Gusto ko sana ito sabihin sa kanila pero ang drama naman kung titignan diba. Tsaka ayoko mag-iskandalo dito. Nakakahiya. Ililihim ko na lang itong nararamdaman ko... kahit masakit.
"M-m-masaya! Ano ka ba!? Oo, m-masaya ako!" plastic na sabi ko sa kanya habang ngumingiti ako.
"Mabuti naman kung ganun. Siya nga pala bago kami umalis dito, gusto ko lang i-invite kita." sabi pa niya sa akin.
"Para saan?"
"Birthday ko next week. Dapat nandoon ka ah."
Matagal bago ako hindi nakasagot. Ano? Pupunta ba ako? Baka kasi kapag pumunta ako, nandoon na naman itong Jenny Mae na ito. Siyempre! Girlfriend niya yan eh! Nandoon talaga yan! Napakatanga ko rin ano!
Ewan ko ba kung pupunta ako. Baka kasi kapag pumunta ako doon, wala rinh mangyayari. Baka masaktan lang ako kakatingin sa kanilang dalawa na sweet sa isa't isa. At napasakit na kaya itong ginagawa ko sa sarili ko. Feeling ko tino-torture ko na ang sarili ko. HINDI KO NA KAYA!
"Ah, sige. Pupunta ako." nakangiti ko pang sabi sa kanya kahit ang totoo talaga ay ayoko talagang pumunta doon.
"Sige. Punta ka ah. Mage-expect ako sa iyo."
Tumungo na lamang ako sa kanya. Sumingit naman sa usapan si Jenny Mae na nasa tabi niya. "Babe, nagtext na sila Dave. Hinahanap na nila tayo." sabi nito kay Ethan. Kaagad naman tumingin si Ethan sa akin.
"Ahm, Joan, alis na kami ah. Hinahanap na kami eh." sabi pa nito sa akin.
"Sige. Good luck sa inyong dalawa." pilit na ngiti na sabi ko kay Ethan tapos tuluyan na nga silang lumabas sa canteen.
Tsk. Ayoko na talaga! Ayoko na talaga maging tanga. Hindi na ako aasa pa. Subukan ko pa ulit na maging tanga at umasa, hindi na talaga magdadalawang isip na magpakamatay. Ang OA lang! Pero gusto ko na talaga makawala sa sakit na nararadaman ko. Totoo pala 'yung kantang "Too much love will kill you". Kasi sa sobrang pagmamahal na inaalay ko sa kanya, ganun rin ako ka-sobrang nasasaktan ng dahil sa kanya. Hindi pa nga ako patay, pinapatay na ako. Aish, kawawa naman ako. Bakit ba kasi kailangan pang magmahal, kung ang mga nagmamahal naman ay nasasaktan?
Kaagad naman akong lumabas sa canteen dala dala 'yung bote ng tubig. Gusto ko umalis sa lugar na iyun. Hindi ko kasi feel ang gabi ngayon eh. Kaya ang ginawa ko ay pumunta ulit ako sa back stage mag-isa at doon ako nagmukmok. Sa pagmumukmok ko, hindi ko alam na tumutuko na pala ang luha ko... at mukhang tuluyan na nga kong umiiyak dahil sa sakit na nararamdaman ko.