Chereads / My Troubled Heart / Chapter 8 - The Contract

Chapter 8 - The Contract

Lola's POV:

Halos hindi siya mapakali sa hinihigaan niya. Wala na siyang nagawa kung hindi magpaagos na lang sa sitwasyon dahil batid niyang wala rin siyang mapupuntahan sa ngayon.

Pero hindi ko talaga matagalan ang ugali ng lalaki na yon!

Nagdadalawang isip siya kung babalik na ba siya sa Nana Judy o ipagpapatuloy ang nasimulan niya.

Napasabunot siya ng bahagya.

Nakuu! Mababaliw na yata ako sa kakaisip.

Napabaling siya sa sanggol na nasa tabi niya. Mahimbing itong nakatulog kanina matapos niya itong ihele. Nagtrabaho din siya sa isang clinic ng mga bagong panganak sa kalapit na bayan noon kaya't bihasa na rin siya sa pag aalaga ng bata.

Pareho pala tayo ng tadhana. Parehas tayong iniwan ng nanay natin.

****

Brad's POV :

Nagising siya sa nakakagutom na amoy sa paligid niya.

Hmmm... Toasted bread and bacon. Who's cooking anyway?

Naisip niyang baka dumaan ang naglilinis ng bahay na si Aling Laura. Once a week itong pumupunta sa bahay niya para maglinis. Tumayo siya para sundan ang pinagmumulan ng amoy na iyon.

"Aling Lau--- Ahhh!", gulat niyang sigaw.

"Ano namang klaseng reaksyon yan ha?!", halatang hindi nito nagustuhan ang pag sigaw niyang iyon.

Sino bang hindi magugulat sa itsura niyang iyon?

Nakasabog ang buhok nitong kinky na halos matabunan na ang mukha nito sa kapal. Suot pa rin nito ang makapal na salamin nito. Kahapon kahit papaano ay mukha pa naman itong tao kahit na tipong sumapi sa katauhan nito si Miss Tapia. Pero ngayon nakasuot ito ng mahabang blusang itim na hanggang sakong. Halos lumundag na ang puso niya ng makita ito lalo na't may hawak pa itong kutsilyo.

Geez.

Tumikhim muna sya bago magsalita. "Nagulat lang ako. I forgot that you were here."

Napansin niyang tumaas ang kilay nito. Maya maya ay may kinuha itong papel mula sa bulsa nito sabay abot sa akin.

"Hindi naman siguro death threat ito ano?", he chuckles.

She smiled back at him with sarcasm. "Depende sa pagkakaintindi mo."

Binasa niya ang nilalaman ng sulat :

---------------------------------------------------------------

Conditions :

#1 : I will be paid like a normal employee with night differential as i've to take care of the baby at night too.

#2 : I will stay here until it was proven that the baby is yours.

#3 (Most important & can never be break!) : No physical contact! Penalties shall be given upon violation.

Sign under your printed name

---------------------------------------------------------------

Tumitig siya sa mukha nito. Mga ilang minuto bago rumehistro ang nakasulat sa papel na iyon. Hindi na niya kayang pigilan ang nararamdaman. Napahagalpak siya sa tawa.

This girl!

****

Lola's POV :

Aba't talagang pinagtawanan lang ako?! May nakakatawa ba sa sinulat ko? Nakuuuuu!