Chereads / My Troubled Heart / Chapter 11 - He was a Superstar?!

Chapter 11 - He was a Superstar?!

Lola's POV :

Ilang beses na yata nyang binuklat ang magazine na binili niya kanina ay hindi pa rin siya makapaniwala na ang litratong nasa front page at ang lalaking kabangayan nya kaninang umaga ay iisa. Particular ang mga article na nakasulat sa mga babaeng na link sa lalaki.

I wonder bakit hindi ko yata makita ang picture ng babaeng mangkukulam na kalampungan nito kagabi. Hmp!

"Are you done fantasizing me?"

Napatalon siya sa gulat ng marinig ang boses ng lalaki.

"Ay tipaklong!"

Napabaling siya sa direksyon nito. Katabi nito ay isa pang lalaki. Halos magkasing bulto lang silang dalawa. Kung si Brad ay may pagka tsinito tingin naman niya ay may lahi itong Italian dahil sa tangos ng ilong at abuhing mata nito.

Nung nagsabog yata ng kagwapuhan ang Diyos nasa roof top yata sila at kami ay tulog na tulog.

Malakas na tikhim ang gumising sa kanya.

"Hi there I'm Jake, you must be Lolita. Can you help me with him?" Sabay nguso sa katabi nitong si Brad.

Mukhang alam na niya ang sitwasyon naming dalawa ni Brad.

Nun lamang niya napansin na akay akay pala nito si Brad. Agad niya itong nilapitan at inalalayan. Iniupo nilang dalawa ang lalaki sa upuan.

"Man you're heavy!"

She heard Brad chuckles. "You're just weak bro!"

Bumaling ang tingin ni Jake sa kanya tsaka siya nginitian. Nginitian niya rin ito.

"Kanin na lang ang kulang", parang wala sa sariling sambit niya.

"Ha?", hindi yata nito naintindihan ang sinabi niya.

Buti naman. Naku Lolita!

"Ano bang nangyari sa lalaki na yan?" Tingin pa lang niya kay Brad ay halata namang langong lango ito sa kalasingan. Halos hindi na nito maideretso ang katawan sa pagkakaupo. Inirapan niya ito dahil sa inis.

Napakamot ng ulo si Jake. "Well... As you can he's dead drunk. But we have another problem."

Tumaas ang kilay niya. Bumaling siya kay Brad. Mukhang nakatulog na sa pwesto nito ang lalaki. Napakunot siya ng mapansing may bahid ng dugo ang labi nito at nangingitim ang paligid ng mata.

"He got into a fight earlier."

Nilapitan niya ang lalaki at ineksamen ito. Bahagya napangiwi si Brad ng hawakan niya ang mukha nito.

"What a waste of face. Tsk."

"I can't risk taking him to the hospital to cure those bruises. It may leaked out. But he needs to attend a very important interview tommorow." Halatang problemadong problemado ito.

"I think I may have a solution for your problem", aniya.

"W-what do you mean?"

"Sabi nila if you don't want them to see it, hide it. Trust me." Ikinuyom niya ang kamao at itinaas ang kamay niya sa ere.

Nagtatakang tiningnan siya nito. Nginitian niya ito.

"You're supposed to do it too", hinawakan niya ang kamay nito at inimwestra ng kagaya ng sa kanya. "Sabay tayo ha? Sasabihin mo 'Fighting!' Okay one, two, three!"

"F-fighting?"

"Wag patanong. Dapat may conviction okay? One, two, three!...."

"Fighting!!"

Pagkatapos ay ang tawanan nilang dalawa habang naghihilik ang isa sa tabi.