Chereads / My Troubled Heart / Chapter 12 - Cat and Dog

Chapter 12 - Cat and Dog

Brad's POV :

"Ano ba?! Sinasadya mo yata eh", angil niya sa babaeng nasa harapan niya.

"Wag kang ngang makulit dyan! Ikaw na nga ang tinutulungan", sabay diin sa hawak nitong foam sa kamay.

Kasalukuyan siya nitong nilalagyan ng foundation sa mukha. Naisip nitong takpan ng make up ang mga sugat niya sa mukha. Nagising siyang nakaupo at nakayuko sa lamesa. Pag angat niya ay nakita niya si Jack at masayang nakikipag kwentuhan kay Miss. Tapia.

Wierdos.

Halos lahat yata ng parte niya sa katawan ay kumikirot sa ngawit. Naramdaman din niya ang sakit mukha niya.

F*ck! Mukhang napuruhan na naman ako kagabi ah.

"Mukhang enjoy na enjoy ka sa ginagawa mo ha. Anong feeling na mahawakan ang lalaking pinapantasya mo? May bawas 'to sa sweldo mo ha?" Balik niya rito.

Nagsalubong lalo ang kilay niti. "Pantasya pala ha?" Lalo yata itong nanggigil at diniinan pa ang kamay na nasa mukha niya.

Magsisimula pa sana ang bangayan nila ng pigilan sila ni Jack.

High school buddy niya si Jack at ito na rin ang nagsilbing manager niya simula ng pumasok siya sa larangan ng pag aartista. Ito ang madalas na tiga ayos ng nga gusot na napapasukan niya.

"Para kayong aso't pusa sa ginagawa niyo. Brad just endure it for a moment. Remember that this is an important interview. This is what you get for not taking care of yourself. And Lola, are you sure this will work?"

"Eh kung hindi lang parang kiti-kiti 'tong mokong na 'to kanina pa ako tapos", sagot ng babae.

"You're torturing me why won't I react?!"

"Stop!", Jack glared at them. "I need to make phone calls outside. I'll leave you two. Baka naman pagbalik ko e may gera na naman dito. Behave okay?"

Inismiran siya ng babae bilang sagot. Itinuloy nito ang ginagawa at manaka-naka siyang binibigyan ng nakamamatay na tingin.

***

Lola's POV :

"Finished", masayang sabi niya matapos makita ang gawa. Halos hindi na mapansin ang mga sugat at pasa nito. Hindi.niya mai-deny na talagang napaka gwapo ng lalaki sa harapan niya pero kapag nagsimula ng bumuka ang bibig nito ay parang gusto niya lalong dagdagan ang mga pasa nito.

Jerk! Inirapan niya ito.

"Job well done Lola. Hindi mo talaga siya mapapansin unless tititigan mo ng malapitan", nakangiting sabi ni Jack.

Ngumiti rin siya ng pagkatamis-tamis. "Buti pa siya match na match ang ugali sa mukha. Hindi tulad ng isa dyan... contradicting", bulong niya.

"You're saying something Lola?"

"Ah no. Wala. Wala." Sabay iling.

Paglingon niya kay Brad ay halos masugat siya sa talim ng tingin na pinupukol nito. Halatang narinig nito ang sinabi niya.

Ngumiti siya at tsaka ito binelatan.

>:P