"You look great today Brad. Well as always, you never fail to swoon every woman's heart don't you?", magiliw na sabi ng host..
Ngiti lang ang isinagot nito.
"We are very curious about your love life. Has anyone catched your attention recently Brad?"
Bahagyang natigilan ito.
"Sa sobang dami ng nakakuha ng atensyon niya hindi niya siguro matandaan kung ano-anong pangalan ng mga babaeng iyon!" Hindi niya mapigilang sabi.
Narinig niya ang bahagyang pag tawa ni Jack sa tabi niya. Kasalukuyan silang nakaupo sa sala habang pinapanood ang interview ni Brad sa isang talk show.
"Well actually there is."
"Whoa! This is the first time Im hearing this. Can you confirm if it's one of those who were linked to you?"
"No. She's not."
"I see. By just looking at you today may kakaibang glow ang mga mata mo. Maybe you can give us a description about this mysterious girl who managed to catches your eyes."
Napa'ismid siya sa narinig."Kahit yata poste na nilagyan ng palda maka-catch ng atensyon niya eh."
Amused na tumingin sakanya si Jack.
"You really hate the guy huh?"
"101% confirmed!" Ibinalik nila ang atensyon sa panonood.
"Well I must say it's really hard to describe her. She's the type which is very not common. She got this kinky hair & loves to wear long dresses. She got this thick eye glasses. And the fanciest thing about her is that she eats like a bear", tsaka sinabayan ng malakas na tawa.
Matagal bago naka imik ang host. Halatang pilit ang tawa nito. "Wow! T-that's something..."
Biglang naputol ang sasabihin nito dahil pinindot niya ang off button ng remote. Lukot na lukot ang mukha niya ngayon.
Talagang ang lalaking yon!
Pagbaling niya kay Jack ay halos magkulay kamatis na ang mukha nito sa pinipigilang tawa. Alam niyang alam din nito kung sino ang pinapatamaan ni Brad sa interview.
"Pagbuhulin ko kaya kayong dalawa?"
"I'm sorry but...", hindi na yata ito nakapag pigil at bumuhos ang tawa nito.
"Sige, laugh all you want. But don't forget that I saved your asses today", mataray na sabi niya.
Automatic na huminto si Jack. "I'm sorry Lola. Thank you again. I owe you one. Is there anything that you like?"
Ngumiti na siya. "Libre mo ko?"
"Saan?"
"Star City. Hindi pa ako nakakapunta dun eh."
"I'll check with my schedule then I'll call you when. I need to go for now."
Bahagya siyang nakaramdam ng lungkot. Magkikita pa naman kami.
Inihatid niya ito sa may pintuan. Huminto ito at biglang humarap.
"I enjoyed talking with you Lola. I'll see more of you then?" Parang nangugusap ang.mga mata nito sa ningning.
Oh my God! May pinapahiwatig ba siya sa akin? Teka lang wala man akong kaalam-alam sa larangan ng pag-ibig. Ano ba dapat ang isasagot ko.
Tunog ng busina ng sasakyan at nagdala ulit sa kanya sa realidad. Nagulat siya ng wala na pala ito sa kanyang harapan.
Nakakahiya ka talaga Lolita. Sita niya sa sarili. Ngumiti siya rito at nagbabay.