Lola's POV :
"Lolita!"
Napatuwid ang likod niya sa pagkakaupo. Ano na naman kaya ang kailangan ng mokong na 'to sakin?
Kasalukuyan niyang pinapatulog si Angel. Nagdesisyon siya bigyan ng pangalan ang cute na baby.
"Lolita!"
Grr! Tumayo na siya bitbit si Angel. Pagbukas niya ng pinto ay pareho pa silang nagkagulatan dahil sakto naman na papasok ito. Muntik na silang magkabunggo at isang dali na lang ang pagitan nilang dalawa. Mabilis silang umatras papalayo.
"Ano bang kailangan mo?"
Tinitigan siya nito ng mataman. Nakaramdam naman siya ng pagkailang. "Jack called and he wants to talk to you."
Parang nagliwanag naman ang mundo niya. "Nandyan pa ba siya sa linya? Akina na dali!"
Sumimangot ang mukha nito. "You look pathetic."
Wala yatang makakasira ng mood niyang iyon kaya nginitian niya pa ito lalo. "Well I don't care. Can I speak with him now?"
"Not anymore", tsaka siya binigyan ng malademonyo nitong ngiti.
Huminto siya sa paglalakad at tumingin rito. "Anong ibig mong sabihin?"
"I told him that you're very sick & you can't even stand to walk when I called you. So he hangs up after", tsaka siya nito binirahan ng alis.
"Makalbo ka sana!!!" Sigaw niya rito. Lalo siyang nainis ng marinig ang halakhak nito.
Brad's POV :
Hindi maialis ang ngiti sa mukha niya kanina pa. Nang makita niya ang galit na galit na mukha ni Lola ay hindi niya mapigilang tumawa.
You're playing with that pity girl
Kahit siya ay naguhuluhan kung bakit tuwing nakikita niya ito ay gustong gusto niya itong inisin at asarin.
You're acting like a teenage guy with a crush.
Bigla naman siyang kinilabutan sa naisip. As if!
Maybe his ego is hurting because it's very evident that the girl despise him.
Who do you think you are? You just don't know yet but in the end you'll fall with my charms.
Nahulog siya sa malalim na pag-iisip.