Chereads / My Troubled Heart / Chapter 19 - Hush my Heart

Chapter 19 - Hush my Heart

Brad's POV :

"What are you doing here? D-Did we..?" Hindi niya maituloy ang sasabihin.

Nakitingin siya kay Lola habang nanlalaki ang mga mata nito. Siguro dahil sa gulat.

"What?"

Nang mapagtanto nito ang ibig niyang sabihin ay lumilipad na unan ang tumambad sa kanya. Binato pala nito iyon at sa mukha niya lumapat. Damn!

Nagmamadaling tumayo ito at namaywang. "Excuse me ha! Apaka dumi talaga ng utak mo. Walang nangyari satin baliw!" Pulang pula ang pisngi nito.

Wala itong suot na salamin kaya't kitang kita niya ang mukha nito. Hmmm... Not bad.

"Then why are you here & why Im not wearing decent clothes? Don't tell me hindi mo na napigilan ang sarili mo at ginapang mo ko?" Tukso niya.

Lalong nanlaki ang butas ng ilong nito. "Hoy! Kahit tayo na lang dalawa sa buong planet earth hinding hindi kita gagapangin!"

Ouch. "Eh sinong gusto mong gapangin? Si Jack?" Medyo hindi niya nagustuhan ang ideya na iyon.

Inirapan lang siya nito. Bumaba ang tingin niya dito. Napalunok siya ng makita ang suot nito.

Ternong pajama ang suot nito pero sapat na ang nipis niyon para mag bigay ng imahe kung ano ang nasa ilalim ng tela.

What the fuck am I doing? Napansin yata nito kung saan siya nakatingin dahil agad agad nitong hinila ang kumot at itinakip sa sarili nito.

"Don't you dare look at me!"

He smirked. "As if your body can affect me", tanggi niya. Pero aminado siyang iba ang nararamdaman ng katawan niya.

Bigla itong natulala. Sinundan niya kung saan ito nakatingin. Sa pagkakahila nito ng kumot kanina ay tumambad ang halos hubad na niyang katawan. Naka boxers lang siya pero may isang parte doon na hindi na huli na para itago. Tayong tayo ito.

"Pervert!!!!" Sabay takbo palabas ng kwarto.

Shit!

***

Lola's POV :

Nakakainis talaga ang lalaking yun!

Hindi pa rin kumakalma ang puso niya. Pagkatapos tumakbo mula sa kwarto ni Brad ay dali dali siyang nagkulong sa kwarto niya.

Susko po! P-Parang may anaconda sa loob! Hindi siya ganon kainosente para hindi malaman kung anong nangyayari sa mokong na 'yon.

Hindi mawaglit waglit sa isipan niya ang imahe ng katawan ni Brad. Kagabi pa lang habang inaayos ito dahil sa kalasingan ay ibayong hirap ang dinanas niya. Nagsuka ito kaya't napilitan siyang alisin ang damit nito. Tinakpan na lang niya ito ng kumot pagkatapos. Paalis na sana siya ng hilahin siya nito at yakapin ng mahigpit.

Nag init lalo ang mga pisngi nya ng maalala ang eksena. Ano ba 'tong iniisip ko!

Ang huling tanda niya ay ang pagpupumilit niya na nakaalis sa pagkakayakap nito. Pero parang bakal sa tigas ang mga braso ni Brad kaya't siguro sa pagod ay nakatulog siya. Isa pang hindi niya makakalimutan ay ang pag banggit nito sa pangalang Victoria.

Sino kaya siya?