Chereads / My Troubled Heart / Chapter 21 - Date

Chapter 21 - Date

Lola's POV :

"Time out muna Jack, wala na sa tamang arrangement yung mga lamang loob ko eh " Natatawang pigil niya kay Jack.

Kakatapos lang nilang sumakay sa isang rides. Dumiretso sila sa Star City tulad ng hiling niya dito. Nagsama ito ng Personal Assistant nito para mag alaga kay Angel kaya't halos lahat ng rides doon ay nasubukan na nila.

"Are you having fun?", tanong nito.

Tumango siya ng sunod sunod. "Sa T.V ko lang nakikita 'to kaya sobrang excited akong puntahan 'to. Thank you ha?"

Ngumiti lang ito bilang tugon. Sa haba ng oras na magkasama sila, madami din

siyang nalaman tungkol dito. Tatlong taon lang pala ang tanda nito sa kanya. Nagtapos ito ng kursong Multimedia Arts sa isang university sa Amerika. Pangarap nitong magkaroon ng sariling pelikula pero nagkrus ang landas nila ni Brad na kasalukuyan naman noon na naghahanap ng handler ng mga panahon na iyon. Naisip nitong isa yong stepping stone para makapasok sa mundo ng pelikula.

Napasimangot siya ng maalala ang mukha ng lalake. Hmp!

"Is there anything wrong?"

"Ah wala wala! May naalala lang akong impakto... err ... este nagugutom na yata ako."

"You're really a natural Lola", wika nito.

"Ha?"

"Don't get me wrong but I like that about you. I really do."

Pinamulahan siya ng mukha.

(๑-﹏-๑)

.

.

.

.

.

.

Six years ago.....

"I'm sorry Brad, I really have to go", ani ni Victoria sa binata.

Lingid sa kaalaman ng iba, nagkaroon ng malalim na pagtitinginan ang dalawa pagkatapos ipagtanggol ng binata ang dalaga. Naging madalas ang pagkikita nila sa student parking lot. Umabot ang ikaapat na taon sa high school, ilang linggo na lang at magtatapos na sila.

"W-Why? I thought you were happy staying here? Taking college together?" Litong tanong ni Brad.

"No. I can't be happy like this. I don't want to spend my life like this", matigas na sabi ni Victoria.

Nakatanggap siya ng imbitasyon sa teatro mula sa New York na nagbibigay

ng pagkakataong makakuha ng scholarship sa larangan ng pag arte. Dumalo bilang hurado sa patimpalak na sinalihan niya ang isa sa mga board member ng nasabing teatro. Pakiramdam niya ay nililipad siya alapaap sa pagbubukas ng pintong iyon. Alam niyang pagkakataon na niya iyon para sa pinapangarap.

"I know that it'll be hard for you to understand why I would like to go. You don't know how hard it is to be poor."

"That's not even important here. I like you."

"That's my point Brad. It doesn't mean anything to you, but it means a lot for me. I want to be succesful on my own. Without any help. Without any one else's pity."

Nanatili itong nakamata sa kanya.

"At mas makakabuti na rin sa atin na maghiwalay." Hindi siya makatingin dito ng diretso. Tatalikod na sana siya ng magsalita ito.

"If you leave there's no turning back Victoria."