Chereads / My Troubled Heart / Chapter 17 - I am not HER

Chapter 17 - I am not HER

Lola's POV :

Nagising siya ng marinig ang kalabog mula sa sala. Nakatulog pala siya ng di namamalayan. Hinehele niya kanina si Angel para matulog. Pagtingin niya sa orasan ay ala una na pala ng madaling araw.

Tumayo siya para tingnan ang nangyayari sa labas. Maingat niyang binuksan ang pinto. Dahil madilim wala siyang maaninag kung sino man ang nag iingay ng oras na iyon. Nakaramdam siya ng kaba. Dinampot niya kung ano man ang malapit sakanya.

Bakit kaya lagi na lang walis ang nadadampot ko?

Dahan dahan siyang lumabas at nakiramdam. Papunta sana siya sa switch ng ilaw ng may matapakan siya.

"Ahhhhhh!"

"B-brad?" Nakilala niya ang boses nito. Tsaka niya narealize na naapakan pala niya ito. Inisang hakbang niya ang switch ng ilaw.

Lumiwanag ang paligid at nakita niya sa wakas ang nakahandusay sa sahig na si Brad. Shit!

"Huy Brad! Okay ka lang ba? Bakit naman kasi haharang-harang ka dyan sa daan?", sabay yugyog dito.

Tinitigan niya ito ng mabuti. Mamula-mula ang pisngi nito. Napagtanto niya na lasing ito.

"Ganito ba lagi ang mga artista?", natanong niya.

Umungol lang ito bilang sagot. Inirapan niya ito. Maglalasing ng hindi kaya.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito, sabay tapik ng marahan. "Huy, tara dun sa kwarto mo. Magkakasakit ka pag dito ka natulog." Nagulat siya ng magmulat ito.

"Victoria."

"Ha?", takang sabi niya. Napagkamalan pa yata ako ng mokong na 'to.

Tumaas ang kanang kamay nito tsaka marahang hinaplps ang pisngi niya. Nagsitayuan ang mga balahibo niya sa batok.

Nabigla siya kaya't naitulak niya ito papalayo. "Umayos ka nga. Hindi ako si Victoria."

Dahil lasing napahiga ulit ito sa sahig. Naku naman! Ano bang gagawin ko sa lalaking ito?

***

Brad's POV :

Para siyang nilulutang sa ere pag mulat niya ng mata. Where am I?

Pinilit niyang bumangon. Ang huling naaalala niya ay nasa isang bar siya. The rest ay malabo na. Nasa sariling kama siya at wala siyang ideya kung pano napunta doon.

Geez. I have to stop drinking out late alone or I'll end up dead somewhere.

Tatayo na sana siya ng may mabigat na bagay ang pumigil sa kanya. Pag baling niya sa tabi ay may babae na nakabalot ng kumot. Shit!

Gumalaw ito at unti-unting inalis ang kumot. Kakainin yata siya ng nerbyos habang hinihintay na makilala kung sino ang babaeng dinala niya pa sa bahay niya. Nakatalikof ito habang humihikab at itinaas pa ang kamay para mag unat. Napansin niya ang buhok nito. Wait a minute....

Yun naman ang pagbaling ng babae sa kanya.

Hindi niya alam kung sino sa kanila ang nauna o kung kanino nanggaling. Pero binalot ng sigaw ang lahat ng sulok ng kwarto.

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhh!"