Maingat niyang itinuklip ang papel na nagsisilbing kontrata nila ng lalaki. Kapag naaalala niya ang eksena nila sa kusina hindi niya mapigilan ang pag kulo ng dugo niya.
Not my type pala ha. Sino bang magkakamaling pumatol sa klase ng ugali ng lalaki na iyon? Hmp!
Pinagmasdan niya ang kabuuan ng bahay. Naiwan silang dalawa ng baby matapos ang walang paalam na pag iwan nito kanina. Iniwan nito ang credit card nito sa may lamesa sabay sabing…
"Just buy whatever you want for both of you. Don't ever think about leaving because I'll definitely find you."
"Saan kaya pinaglihi ang lalaki na iyon? Puno ng kasungitan at kaarogantehan eh!" Naitikom niya ang mga palad sa gigil.
Narinig niyang humagikgik ng bahagya ang baby sa tabi niya.
Haay. Such an angelic face.
Parang tinunaw na kandila na nawala ang inis niya pagbaling sa baby. Kahit sino sigurong tanungin ay di mapagkakailang anak ito ng lalaki. Halos nakuha nito ang facial features ng masungit nitong ama. Tantya na ay 7 months old na ang bata. Pinagpasalamat niya na hindi ito iyakin katulad ng ibang sanggol. Nakakapawi ng pagod ang mga ngiti nito.
"Nakuu.. Wag kang magmamana sa ugali ng tatay mo ha. Okay na yung mukha ang makuha mo", sabi niya habang nilalaro ito.
Pagkatapos ay inihanda na niya ang bata para sa paglabas nila. Naisip niyang kailangan na niyang bumili ng gamit nito.
****
Tuwang tuwa siya sa nabiling stroller ng baby. Baby blue ang kulay niyo na may malambot na higaan. Medyo nanlaki ang mga mata niya sa presyo pero binili pa rin niya. Pakiramdam niya ay nakakaganti siya sa lalaki habang ginagamit ang card nito.
Tsk! It probably won't your hurt your wallet huh?
Nginitian niya ang baby ng biglang nagkagulo sa paligid. Agad niyang iniharang ang sarili sa stroller para protektahan ang bata.
Mga teenagers na babae ang nagmamadaling nagtatakbuhan. May kanya kanyang dalang camera ang mga kamay niya.
"Daliiiiii! Paparating na siya!!!" Sigaw ng isang babae.
"I can't wait to see him in person!"
Hindi niya napansin ang paparating na isa pang babae kaya't nabunggo siya nito. Lumagpak agad ang puwitan niya sa semento. Hindi man lang itong nag abalang tulungan siya at magpaumanhin.
Aruy ko po! Anak ng tipaklong naman oh!
Sobrang gigil niya. Dali dali siyang tumayo at itinulak ang stroller ng baby. Parang pilahan ng NFA na dinumog ang isang parte ng mall. Halos magtulakan na ang mga tao sa dami.
Tingnan mo nga naman ang mga kabataan ngayon. Imbes na magsipag aral ng mabuti ay inaaksaya pa ang oras at nagpapakabaliw sa mga artista. Hmp!
Nagdesisyon siyang tumalikod na lang kaysa makigulo sa mga ito. Hindi pa man siya nakakalayo ng marinig ang isinisigaw ng mga tao.
"Brad Clifford! Brad Clifford!"
B-Brad Clifford? Napahinto siya sa paglalakad. Naalala niya ang kontrata na iniabot niya kanina sa aroganteng lalaki na iyon. Isinulat nito ang pangalan katabi ng pirma nito.
"Brad Clifford anakan mo ako pleaaaase!" Sigaw ng isang die hard fan.
No! Coincidence lang ang pangalan na iyon!
Biglang tumahimik ang lahat nang masalita ang baritong boses. "Thank you for coming ladies!"
Parang slow motion na unti-unti niyang nilingon ang pinanggalingang ng boses na iyon. Hindi niya napigilang mapasinghap ng makita ito.
Juice colored! Siya nga!
Kasabay nito ay nilamon na ang paligid ng nakakatulig sa sigawan.